Kabanata 2

1078
Dahil sa pagkataranta ay agad kong pinutol ang tawag, napabalikwas na rin ako nang bangon at ginising si Freed. “Freed!” Niyogyog ko nang marahan ang balikat niya. Kinakabahan ako, malamang ay maiisip nang asawa niya na may kabit siya, na totoo naman. Kapag nagkataon ay malalagot ako! “Hey… what is it?” Kalmadong tanong niya at bumangon na rin. “Ang asawa mo!” Natatarantang sambit ko. “Oh?” “Nasagot ko ang tawag ng asawa mo!” Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinuli ang aking mga tingin. Parang ilang kilometro ang tinakbo ko sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Natatakot talaga ako. “Arlene,” tawag niya sa pangalan ko. Nakatitig lang ako sa kan’ya habng labis-labis ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam ang pweding gawin sa akin ng asawa niya. Hindi ko pa kailanman nakikita ngunit base sa sinasabi ng sekretarya ni Freed ay malupit ito. Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit nagawang tumingin sa iba ni Freed. Their relationship is chaotic, lalo na siguro ngayong magdududa na ito na may ibang babae ang asawa niya. “Calm down,” pakiusap ni Freed sa akin. Papaano ako kakalma? Paano kung ipahanap ako ng asawa niya? Papaano kung malaman niya kung sino ako? “Malalagot ako!” Takot na sambit ko. “Please, calm down, okay? Ako na ang bahala huwag mo nang isipin iyon,” pangungumbinsi niya sa akin. Sa huli ay hinayaan ko na lang, ang sabi naman ni Freed ay siya na ang bahala sa kan’yang asawa. Ang iniisip ko lang ay baka matagalan na ulit bago kami muling magkita. Kailangan na naming mag-ingat ngayon dahil tiyak na kahit anong idahilan ni Freed ay pilit pa ring magdududa ang kan’yang asawa. Babae ako at alam ko ang bagay na iyon. “Busy si Kuya Freed?” Tanong ni Sanya isang umaga. Siguro ay napapansin na niya na hindi na kami nagkikita ni Freed madalas ay deretso uwi ako mula sa eskuwelahan. “Sa tingin ko,”sagot ko sa kan’ya. Hindi ko kayang sabihin sa kan’ya ang tungkol sa nangyari. Baka maging distraction pa iyon sa kan’yang pag-aaral. Baka maisip niya pang magkakaroon kami ng problema, ako na ang bahalang gumawa ng paraan kung sakali mang magkakaroon kami ng problema. May ipon naman na ako at sa tingin ko ay sapat naman na iyon pag nagkataon. Tumagal ang hindi namin pagkikita ni Freed, madalas ay tumatawag lang siya sa akin gamit ang cellphone ng kan’yang sekretarya. At kung may nais man akong ipaalam sa kan’ya ay sa sekretarya niya rin dumaraan iyon. Mahirap pero nasanay na rin naman ako. “Congratulations!” Malakas na sigaw ng kapatid ko pagkarating ko sa condo. Katatapos lang ng graduation ko at wala naman akong balak maghanda. Aayain ko lang sana na lumabas si Sanya para I-celebrate iyon pero nagulat ako sa pakulo niya. Hindi ako makapagsalita sa ayos ng condo, inayos talaga ng kapatid ko. May mga pagkain din na nakahain at ang mas nakapukaw sa aking atensyon ay si Freed na nakatayo at may hawak na cake. He aged, but that doesn’t changed the fact that my heart is racing so fast just by seeing him here in front of me smiling. “F-Freed…” Nauutal na sambit ko sa pangalan niya. Bumalong ang mga luha sa gilid ng aking mga mata. Halos dalawang taon na ang nakalipas simula nang personal kaming nagkita. Miss na miss ko siya, lumuluha akong lumapit sa kan’ya. Mabilis na kinuha sa kan’ya ni Sanya ang cake alam kong alam niya ang nais ko. Nang wala nang hawak si Freed ay mabilis kong tinapon sa kan’ya ang sarili ko. “Miss na miss kita!” Iyak ko. Bahagya siyang natawa sa akin habang hinahagod ang aking likod. Labis ang kasiyahan na nararamdaman ko ngayong nandito siya, lalo na’t selebrasyon pa ng aking pagtatapos. Masaya kaming nagsalo-salo sa mga pagkaing hinanda ng kapatid ko para sa akin. Matapos iyon ay nanatili kami ni Freed sa sala habang nanunuod ng movie, si Sanya naman ay nagpaalam na lalabas lang saglit para makipagkita sa ilang mga kaibigan. Pinayagan ko naman ito sa kondisyong ‘wag magpapagabi. “Namiss mo ba ako?” Malambing na tanong ko kay Freed habang nakasandal sa dibdib nito. “Syempre,” sagot niya bago hinuli ang kamay ko at dinala ito sa mga labi niya. “Pero ngayon ka lang nagpakita sa akin,” may bahid ng pagtatampo ang tinig ko. Ang totoo ay bahagyang nagtatampo ako sa kan’ya dahil inabot nang dalawang taon bago kami muling magkitang dalawa. “I’m sorry.” His voice is too soft for me. Umalis ako sa pagkakasandal sa kan’ya at tinignan siya nang deretso. I pouted my lips to look cute. He smiled gently. Pinisil niya nang marahan ang pisngi ko at pinatakan nang mabilis na halik ang labi ko. I smiled, pakiramdam ko ay napawi na ang mga panahon na hindi kami nagkita at nagkasama. Napakababaw ko pero anong magagawa ko? Marupok yata ako pagdating sa kan’ya. Nasa ganoong ayos kami nang makarinig ako ng nagdo-doorbell. Nagkatinginan kami ni Freed, wala naman akong inaasahan na bisita. Tumayo na ako at naglakad patungo sa pinto. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay malakas na sampal ang bumungad sa akin. Napahawak ako sa pisngi ko at gulat na gulat na tinignan ang isang babae. “Where’s my husband?” Tanong nito sa maotoridad na boses. Lito akong nakatingin sa kan’ya. Parang ayokong tanggapin ang pumapasok sa isipan ko. Ito na ba ang araw na kinakatakutan ko? “You! Dirty woman!” Sigaw niya. “Where.is.my.husband?” Bawat salita ay binigyan niya ng diin. Hindi ako makasagot, pakiramdam ko ay nablanko ang isip ko. Nanginginig na ako sa takot. Ang mga mata niya ay nagbabaga sa galit, tila ba hinintay niya nang napakatagal ang pagkakataong ito. Ang pagkakataon na makita o makilala ang babae ng kan’yang asawa. Para bang kapag napatunayan niya na ako nga ang kabit ng kan’yang asawa ay handang handa na siyang kaladkarin ako patungo sa impyerno. She was so ready to punish me, to tear me up, to hurt ‘til I can no longer feel the pain. “Arlene, who’s that?” Tuluyan na akong tinakasan ng kaluluwa nang marinig ko ang boses at yabag ni Freed. Wala na akong takas, katapusan ko na. “Walang hiya ka!” Buong lakas na hiyaw ng babae bago ako tuluyang sinugod.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작