bc

Mr. Manager Has a Secret

book_age18+
1.9K
FOLLOW
6.9K
READ
dark
self-improved
sweet
bxg
vampire
office/work place
small town
secrets
supernatural
passionate
like
intro-logo
Blurb

Si Maxine Gutierrez ay tinagurian na most popular actress ng kanyang henerasyon. She is known as a smart, mature, and independent person. Sa mata ng publiko si Maxine ay malakas ang loob at walang inuurungan, dahil na rin sa matatapang na karakter na kanyang ginampanan. Subalit sa likod ng nakakasilaw na ilaw ng showbiz, Maxine is nothing but a clumsy girl in her early twenties who has yet to become a mature individual. Nagkataon lang na pinagpala si Maxine ng husay sa pag-arte kaya madali lang sa kanya ang magkunwari bilang isang perpektong babae.

However, her strict and mysterious manager, Mateo Lacson, bears a secret that will ruin her glamorous showbiz life.

Alamin ang istorya ni Maxine at ng kanyang manager na magdadala sa atin sa lipunang nakakubli sa mundo ng mga tao.

[TAGLISH]

The Sequel of Keep Me in Check

chap-preview
Free preview
Season 1: Chapter One
* * * [One Week and Two Days after the Accident] "Dad, forgive me for I have committed a mistake," sabi ng lalaking nakayuko't nakaluhod sa sahig. Kulay rosas ang kanyang labi at kapansin-pansin ang mala kulay dugo niyang mga mata. May itim siyang buhok at maputlang kulay ng balat. Mas naging maputla pa ito tingnan dahil sa suot niyang itim na polo at pantalon. Sa harap niya ay isang lalaki na may tangkad na mahigit isang daan at walong pung sentimetro. Parang kumikinang sa liwanag ng sikat ng araw ang mga puti niyang buhok sa ulo. Suot-suot nito ang magarang itim na tuksedo na may pulang panyo sa bulsa. May maputla rin itong balat ngunit itim na mga mata, pero sa sandaling siya ay umikot para makita ang lalaking nasa sahig ay bigla itong nagbago ng kulay at naging pula. "Mistake? That's rare, paanong nagkamali ang isang Mateo Lacson?" tanong ng lalaki habang inaayos ang kanyang suot na puting polo sa ilalim ng tuksedo. Tumalikod ulit siya sa binatang nasa sahig. Hinarap niya ang maliwanag na sikat ng araw sa malawak na bintana ng kanyang opisina at saka huminga ng malalim. "Don't you think it's much better if we open these windows? It's such a waste of fresh air," komento niya nang wala siyang masinghot na sariwang hangin sa paghinga niya ng malalim kanina. Kitang-kita mula sa opisina ng matanda ang mga sasakyang dumadaan sa abalang kalsada, ang mga gusali na kabubukas pa lang sa umaga at mga taong patungo sa kanya-kanyang trabaho. "Ah," bulalas niya ulit, "marami palang polusyon sa paligid, there's not much of fresh air in this generation. Ang tanda-tanda ko na talaga siguro para makalimutan ang tungkol dito." Nanatili pa rin na nakayuko sa sahig ang lalaki. Nakikinig sa mga sinasabi ng kanyang ama. "Dad?" sambit niya para kunin ulit ang atensyon nito. "Tell me, my son. What made you bite her?" Dahan-dahan niyang inangat ang ulo para makita ang mukha ng ama. Pero mabilis niya rin na ibinalik sa baba ang direksyon ng kanyang mga tingin nang makita niya ang pulang mata nito. "I did not bite her. I just licked the blood on her wound," tugon ng binata. Napakunot ng noo ang matanda. "Licked? Dinilaan mo lang siya, bakit mo naman ginawa 'yon? That's extremely rare for you to do something unethical, Mateo." "I know, Dad. But I couldn't help it, her blood, even if it was just a small wound it has a sweet smell na sigurado ako na gugustuhin na matikman ng kahit sinong bampira," paliwanang ng binata. "Kung dinilaan mo lang siya," huminto muna saglit ang matanda saka sinabi na, "is that mean that human did not turn into one of us?" "No, Dad. I did turn her into a vampire," pagtatapat nito. "What? But you just licked her." "I know. Forgive me, Dad!" malakas na wika ng binata, mabilis din siya na tumayo sa pagkakaluhod. "I promise to take responsibility. I will take care of that human and train her body to get used of being a vampire." Tumikhim ng bahagya ang matanda, magsasalita na sana siya ulit nang biglang may kumatok at bumukas ng pinto ng kanyang opisina. Isang lalaking nakasalamin at naka-itim na suit at slacks ang pumasok sa silid, may bitbit siyang silver na iPad. Walang padalos-dalos siyang naglakad papasok saka lumapit sa matanda para bumulong. Ang lalaki ay ang sekretarya ng ama ni Mateo na si Randolph. Kasabay ng pagbulong ng lalaki sa matanda ay ang biglang pagbago ng ekspresyon ng mukha nito. "What is it, Dad?" kaagad na tanong ng binata sa sandaling natapos ang pagbulong ni Randolph sa ama. "Kailangan ko nang umalis. I have an urgent party to attend in Venice.” "Venice, in Italy?" "Yes. I met an interesting person. He invited me to the party. He's the lord of the clan in Italy. I am hoping to strengthen our force with his clan." Lumapit ng konti ang matanda sa anak, ipinatong niya ang kamay sa balikat nito sabay sabi ng, "Introduce me to that new vampire sometime. I am also curious of that human's sweet blood," wika niya tapos sunod na ngumiti ng bahagya sa anak. Tinapik na muna ng matanda ang balikat ng binata bago tuluyan na naglakad patungo ng pinto. "Master Mateo," sabi ng lalaking sekretarya, sabay na yumuko saglit sa harap niya at sumunod naman kaagad sa kanyang ama.   M A X I N E [Five Days after the Accident] Pulang carpet sa gitna ng kuwarto, ang dulo nito ay isang malaking espasyo na may mga palamuting bulaklak at background na tadtad ng mga logo ng mga sponsor ng event. Nagkikislapan sa buong paligid ang flash ng mga camera. Maririnig din ang mga sigawan ng media na tinatawag ang aking pangalan. "Tingin dito, Ms. Maxine!" "Ms. Maxine, smile!" "Dito naman, Ms. Maxine!" "Kyaaa! Maxine! Maxine! Maxine!" Ako si Maxine Reign Gutierrez na mas kilala sa pangalan na Maxine, ang babaeng umaagaw ngayon ng atensyon ng lahat. Sa akin naka-focus ang lahat ng lente ng camera na nasa loob ng silid na ito mapa-media man o ng mga fans. Hindi na nakapagtataka dahil ako ang bida sa drama-serye na pinopromote ng press conference na ito. Hindi rin naman gaanong grandioso ang event na ito kaya naman simple lang din ang suot ko ngayong gabi, isang all white na suit at maikling short na pinatungan ng makapal at hanggang tuhod na kulay gray na blazer. Habang puting wedged heels naman ang suot kong sandals na may hugis ribbon sa gitna bilang strap. Lahat ng ito ay na perfect dahil sa magaling kong stylist. "Maxine, here!" tawag sa akin ng kasama ko sa drama na si Ledia para umakyat na sa entablado na katabi lang ng picture taking area. Sa pagtungtong ko roon ay mas nagliwanag pa ang paligid. The spotlight is blinding just as much how the cameras’ flash. Halos hindi ko na nga makita ang sarili kong mukha na naka-display sa malaking monitor sa likod naming sa liwanag ng paligid. Maliban sa babaeng host ay lima kaming lahat na nasa harap. Ako at ang tatlo pa na main characters ng drama at ang aming direktor. Kumaway-kaway muna kami sa mga manonood bago sabay-sabay na umupo. I was once dubbed as the ‘Nation's Little Sister’ when I was six years old where I made my first appearance in a TV drama as the main character's daughter. Simula noon ay nagpatuloy na ang showbiz career ko; commercial, drama, magazine, at maging sa mga reality shows. Laman ako ng bawat TV stations hanggang sa nag-edad sampu ako. After that ay nagpahinga muna ako, it was so draining and distracting both in my studies and personal life. But when I turned nineteen, right after I finished a year in college, I decided to try acting again. That's when I re-entered show business. Wala namang pumigil sa desisyon ko since my mother has always wanted me to do whatever suits my dream, and my unknown father... was long gone. Hindi ko siya kilala but it's fine dahil sanay na ako na kami lang ni Mama palagi ang magkasama. And now, here I am again in the middle of a press conference for my upcoming drama. Halos taon-taon akong may ginagawang project kaya medyo nasasanay na ako sa mainit na ilaw sa entablado. "Let's first talk about your anniversary celebration, Maxine. Don't you think the drama is just right in time to celebrate the third year of your return in show business?" tanong sa akin ng babae na may suot na long sleeved pastel green at satin cocktail dress na hanggang tuhod. Obviously, siya ang host ng press conference na ito. Siyempre ako ang bida sa dramang ito kaya inaasahan na sa akin mapupunta ang unang tanong. Tumawa muna ako ng mahinhin bago ako sumandal sa lamesa para lumapit ng bahagya sa mikroprono. "Honestly, it is just a coincidence. I am not planning of celebrating my anniversary yet, not because I am not happy in show business but I just want to keep it lowkey. Siguro there will be a celebration when I finally reach, maybe, ten years? I mean I want it to be grand when that time comes, so I guess ipon stage muna ako ngayon to achieve that after seven years," sagot ko tapos sunod na tumawa ulit ng mahina at demure. "That is so practical of you, Maxine," komento niya. Ngumiti lang ako na kita ang ngipin at kunwari na hinawi ang mahaba kong hair extension para makisabay lang sa sinabi ng host. "So, what about your role in this drama? Can you tell us about Marina?" tanong niya ulit sa akin. Dito na opisyal na nagsisimula ang interview. Si Marina ay ang karakter na gagampanan ko sa drama na ito. I am quite used to press conferences. Kailangan mo lang na sabayan ng kaunti ang host at ang mga tao sa paligid na parang nakikipagkwentuhan lang na hindi sinasabi ang takbo ng drama na pinopromote namin. Medyo nakakapagod kasi ang daming plastikan na nagaganap pero kailangan gawin para mas maengganyo ang masa na manood. "Oh, Marina is a very head strong woman. She always fights for her right. She always reminds people what is just and what is not, and yeah, she's a fighter. But one day she discovered a secret about her family na naging pagsubok para sa kanya because taliwas ito sa mga beliefs niya. And uh, kasabay ng pangyayaring 'yon ay ang biglaang pagdating ni Lucas, Isaiah's character," banggit ko sabay tingin sa lalaki na nasa kanan ko habang nagpatuloy sa pagsasalita. "which uhm, stirred her situation more, her feelings, and her life. Everything became so complicated for Marina when she meets Lucas." "Ooh, what an exciting character," pahayag ng host na nakangiti sa harap ng mga manonood at ng media. "You mentioned about Lucas, he is your character's love interest, right? So, how was Isaiah as Lucas?" the host continued to ask. Lumingon ulit ako kay Isiah saka ngumiti ng malapad. "Si… Isaiah?" bigkas ko ng mabagal sa pangalan ng aking katrabaho na aktor. Intensyon ko na patagalin ang pagsasalita para magkaroon ng suspense. Ngumiti ako ulit kay Isaiah tapos tinapik ang balikat niya at sunod ko na sinabi sa lahat na, "He's a great actor. I mean he's easy to work with, nagkakasundo kami during shooting and sometimes nagkukulitan din with staffs. I think we nailed the characters because we already have chemistry together even outside the TV screen." "That's great to hear!" komento ulit ng host. I guess they bought the suspense I made? I don't know, but at least naging relax na ang lahat…siguro. "What about you Isaiah? Tell us about Lucas and how's working with Maxine." Sabay senyas ng kamay ng host sa akin. Walang paligoy-ligoy na lumapit si Isaiah sa kanyang mikropono para sagutin ang katanungan. "Si Lucas ay ang bagong empleyado sa opisina na pagmamay-ari ng mga magulang ni Marina. Masayahin siyang tao tapos may positibong pananaw sa buhay, pero." Huminto si Isaiah para tumawa ng kaunti. "May pero. Si Lucas ay isa ring misteryosong lalaki. Maraming misteryong nakabalot sa kanyang pagkatao at iba pa," anito bilang pagtatapos. Itinaas ulit ng host ang kanyang kamay para ituro ako. "What about working with Maxine?" pagpapaalala niya ng huling tanong kay Isaiah. "Ah! Ang trabaho with Maxine? Uhm, wala naman akong problema sa kanya. I mean we have things in common. We both like watching anime movies tapos naglalaro kami ng online games during break time. Madali lang katrabaho si Maxine kasi nakakarelate ka sa kanya, totoo siyang tao, tapos minsa–  palagi, nakakatawa siya," paliwanag niya sa lahat. Diretso lang ang tingin niya sa mga manonood na para bang walang mga ilaw ng camera na nakaharang sa entablado. "Nice! It's great to hear you guys complimenting each other. Excited na kami na makita ang chemistry niyo sa TV.” Nginitian niya lang kaming dalawa saka iniba na ang paksa ng interview. “So, Direk Norman, who among the actors and actresses here ang may katigasan ang ulo during shootings?" the host teased Direk Norman. Kilala si Direk Norman sa mundo ng showbiz na batikang direktor pagdating sa mga seryeng puno ng action at drama. Kaya it's an honor para sa akin na mapiling bida sa serye na ito. Nagpatuloy ang interview sa aming lima. Binato sa amin ang iba't ibang mga tanong. Pero mostly naman ay mga pa-showbiz lang na tanong, kagaya ng huling tanong ng host kanina. May tanong din siya tungkol sa ano ang mga bagay na nadiskubre namin sa isa't isa simula ng kami ay naging magkatrabaho. Mga simpleng tanong na puwedeng-puwede na remedyuhan ng ngiti at tawa. Mga bandang hapunan na nang matapos ang conference. Nagkaroon ng saglit na picture taking tapos kaagad na kaming tumungo sa catering na hinanda ng hotel na pinagdausan ng presscon. "Are you sure na kakain ka ng todo ngayon?" biglang tanong sa akin ni Ledia na nasa likod ko lang sa pila. "Of course. Ilang araw rin akong fasting no dahil sa isa kong commercial ng sardinas." Siniko niya lang ako bilang tugon sa sinabi ko. "Paano yung manager mo? Diba may hinanda siyang diet plan sa'yo pagkatapos ng fasting mo?" sabad naman ni Isaiah na nasa likod lang ni Ledia. Usually kasi ay dapat nasa lamesa lang ako, naghihintay sa manager ko na siya naman na kukuha at pipili ng mga pagkain na puwedeng ipatong sa plato ko. But, wala siya tonight dahil may personal affair siya. Sabi nga nila 'kung wala ang pusa, maglalaro ang daga' kaya naman sinusulit ko ang kalayaan ko ngayon at kakain ako hanggang sa hindi na kaya ng suot kong suit ang laki ng tiyan ko. "Wala siya ngayon, ako ang masusunod sa gabing ito!" sabik kong wika habang hawak-hawak ang kutsara't tinidor. Wala na akong dapat na ipag-alala sa ngayon. Tapos na kasi ang shooting ng drama na ito, mga last week lang nga noong nag-celebrate kami after ng huling scene namin, tapos na rin ang pictorial ng endorsement ko ng fitness gym at nung healthy sardines. Matagal munang magpapahinga ang hour glass shape kong katawan sa harap ng camera. At sa pagtatapos ng shooting ng seryeng ito ay wala munang mga heavy action scenes para sa akin. Sa madaling salita, malaya akong kainin ang kahit anong gusto ko. Huwag lang sana makarating ito sa manager ko na lagi akong pinapagalitan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.3K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook