bc

I Thought She's a Boy

book_age16+
394
FOLLOW
1.9K
READ
billionaire
love-triangle
goodgirl
self-improved
drama
sweet
bxg
city
secrets
actress
like
intro-logo
Blurb

"Bakit hindi ka na lang magpanggap bilang kuya Lyric mo pansamantala?"

Hindi alam ni Lilian Artemis Parker na pwedeng mangyari sa kanyang buhay ang plot na sa nobela niya lang nababasa. Siya ay sikat na writer ngunit takot siyang humarap sa maraming tao. Nagbago ang lahat nang dahil sa isang aksidente. Mapipilitan si Artemis harapin ang takot niya.

Samahan natin si Artemis sa kanyang nakakalerki na buhay at kung paano niya haharapin ang mga nakakasilaw na nilalang ng industriya!

---

Daily Update.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Queen of Writing
Nagising ako sa ingay ng alarm clock at tila ba sumabay pa ang pag ring ng cell phone ko. "Sandali lang, 5 more minutes," mahina kong sabi habang piiinipilit kong idilat ang mata ko pero hilong hilo pa rin ako sa antok. Pabalik na ako sa mahimbing ko na pagtulog nang biglang may nag-dorebell ng sunod-sunod. Wala ko sa sariling bumangon at binuksan ang pintuan ng hindi tinitignan kung sino iyon. " ’Te ano na? Kalerki ka kanina pa kita tinatawagan!" sigaw ni Krista sabay upo sa sofa ko na puno ng kalat. "Ahh, sorry napuyat kasi ako kagabi kakanood ng anime e," sabay inom ko ng tubig para magising na nang tuluyan ang diwa. "’Te trending ka na naman ngayon sa twitter. Lagot na naman ako nito kay chief. Tatalakan na naman ako non for sure 'jusko!" Napansin kong napahilot siya sa kanyang ulo. "Ha trending?! Bakit anong ginawa ko?" nagtataka kong tanong at saka nagmamadali kong hinagilap ang cellphone ko at nakita  ang 50 missed calls ni Krista at 20 missed calls mula kay chief. Jusko po. Lagot na naman ako! Pagkabukas ko ng twitter ay bumungad sa akin na number one sa trending ang #QueenOfWritingSICK? "Alam mo ‘te, ang O.A din mag react minsan ng mga readers mo e. Tingnan mo na late ka lang naman ng 5 hours sa pag-update ng story ginawa ng big deal. Pero sis!” nilapitan ako ni Krista habang nagmamaktol at naka-pout. "Maawa ka naman sa'kin gusto mo ba ko mawalan ng trabaho. Lagot na ko kay chief dahil dito e!" "Krista sorry talaga. Tapos ko na naman iyong chapter 30 e, upload na lang yung kulang kaya keri na hihi," sabay peace sign ko sa kanya at nagmaadali nang kalikutin ang laptop ko. Pagka-click ko ng upload ay wala pang  isang minuto ay sunod sunod na agad ang nag-comment. ----------------------------------------------------------------------------------- Crimin9090 - " Queen of Writing Grabee pooo nag alala po kami sa inyoo huhu. xoxo" PusyAH78- " Grave po sobrang inaabangan ko po yung update niyo. Mas inuuna ko pa po basahin to kesa sa plates ko hihi :> CruPOPO - " Queen of Writing hi po crush na po kita hahaha" (12000 more comments) Uploaded 4 minutes ago -------------------------------------------------------------------------------------- Hindi ko mapigilanag mapangiti dahil na-appreciate nila iyong gawa ko. Masaya ako dahil marami akong naiinspire na mga readers dahil sa mga nobela na nasulat ko. Okay  na ako na maging anonymus writer dahil 'di  ko kayang mapalibutan ng maraming tao. Masyado akong mahiyain para maging public figure sa 10 million ko na fans. "O siya mauna na ako Artemis. Remind ko lang ah i-send mo na sa'kin sa email ang chapter 31 and 32 in advance para ma-edit ko nang maaga at ma-publish natin on time." Nilapitan na ako ni Krista at saka bineso. Amoy na amoy ko ang pang-kikay niya na pabango na tila ba dumikit na sa dingding ng condo ko. "Sige ingat Krista," wika ko. "Chineck ko pala iyong ref mo sis wala ng laman. Need mo na mag-grocery ngayon or else magugutumam ka. Sige ciao!" at narinig ko na ang pagkalampag ng pinto. Dumiretso ako sa kitchen at napansin na ubos na nga ang stock ko ng pagkain. Hindi ko mapigilang magbuntong hininga. No choice need ko na lumabas. Naghilamos lang ako at nagsuot ng malaking jacket habang naka-leggings at tsinelas. Bumukas na ang elevator sa 10th floor kaya pumasok na ko at pinindot ang ground floor. Hindi ko napansin na meron pala akong kasabay dahil natatakpan ng dyaryo ang mukha niya. Hindi ko na lang pinansin at dumiretso sa supermarket para mag-grogery ng mga gusto kong foods nang mapansin kong may sumusunod sa ‘kin. Binilisan ko na ang pagkuha ng fresh milk, tinapay at bacon at agad binayaran ang mga ito. Nang makalabas na ‘ko sa supermarket nagtago ako sa isang poste at lumingon-lingon. Teka meron na bang nakakaalam na ako si Queen of Writing at meron nang-iistalk sa'kin?! Oh no! Yung payapa kong buhay. I hope I'm wrong!! Nagmamadali akong maglakad nang may biglang puting van na huminto sa harap ko at mabilis akong hinilia sa loob. "TULONG! TULONG! Hindi po ako yung hinahanap niyo!" sigaw ko habang pinapasok nila ako sa van. Bakit ba sumaktong walang tao sa paligid wala tuloy tumutulong sa'kin! "Ms. Lillian Artemis Parker calm down. Hindi ka namin kikidnapin,” sabi ng babaeng naka-all black at nakasalamin. “E bakit niyo ko sapilitang ipinasok dito. Kidnap*ing ‘tong ginagawa niyo! Tatawag na ako ng pulis!” pagbabanta ko sa kanila habang pinakita ang cellphone ko na naka-diall sa police number. “Ms. Lillian Artemis Parker,  ako ang manager ng twin brother mo na si Lyric.” sambit nong babae na humila sa’kin kanina at tinanggal niya ang salamin niya. Tumambad sa’kin ang medyo pamilyar na mukha. “Manager ni kuya Lyric?" kunot ang noo ko. "Ms. Nami?!” gulat kong tugon at agad binaba ang call ko sa police. “Grabe Ms. Nami tinakot niyo naman ako. Bakit di na lang kayo bumisita sa condo. Asan nga po pala si Kuya?” sunod-sunod kong tanong habang hinahabol pa rin ang hininga. Napansin kong sumeryoso ang mukha niya. “Sa totoo niyan Ms. Parker naaksidente ang Kuya mo. " Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Ms. Nami. Hindi ako makapagsalita. Natatakot na kinakabahan. Takot na mawala ang nag-iisa kong kapamilya sa mundong 'to. "M-ms. Nami gusto ko po makita si Kuya." Huminto ang van sa isang malaking ospital. “Ms. Parker,  kailangan mo suotin ‘tong mask at shades. ” Sinunod ko na lang si Ms. Nami dahil nakasuot na sila ng mask at shades ng driver. Nang dideretso na ako sa main entrance ng ospital, mabilis akong hihla ni Ms. Nami papunta sa likod ng ospital at sa maliit na pinto pumasok. “Kailangan natin mag-ingat. Tayo lang kasi ang nakakaalam na naaksidente ang Kuya mo, ” pabulong ni Ms. Nami at tumango na lang ako. Pinindot ni Ms. Nami ang 15th floor at lumantad sa akin na VIP section pala ito ng ospital. Nagmadali ako pumasok sa kwarto ni Kuya Lyric at ‘di ko napigilang mapaiyak nang makita ko ang benda ni kuya sa kaliwang mata. “Kuya Lyric! Anong nangyari? Kuya!” paghagulgol ko. Hindi ko magawang hawakan si kuya dahil baka magalaw ko iyong sugat niya at masaktan siya. “Nabangga siya ng sasakyan habang nag-momotor kagabi,” sabi ni Ms. Nami. "Ano?" halos manginig ang kamay ko at marahanag hinawakan ang kamay ni Kuya. “Sabi ko kasi sa’yo na huwag ka na mag-motor e! Hindi naman nakaka-cool iyon e! May sasakyan ka naman!” pag-iyak ko pa rin habang nalalasahan ko na iyong sipon ko. “Artemis ang panget mo, huwag ka na umiyak” Nagulat ako nang marinig ko ang mahinang boses ni kuya Lyric. “Ewan ko sa’yo! May gana ka pang mang-asar niyan, ” sabay lapit ko sa kanya at hinawakan iyong kamay ni Kuya. “Alam mo namang dalawa na lang tayo, ” paghikbi ko. “W-wala na si mama, ‘pano na ako’ pag mawala ka!” sabay iyak ko na tunog bata. “Ano ka ba Artemis kaunting galos lang ‘to saka bakit kita iiwan?” sabi ni kuya Lyric habang pinipilit  ngumiti. “Lyric paano na ang B.L.U.E? Meron kayong live concert next week?” tanong ni Ms. Nami habang may tinitingnan sa ipad niya. “No choice ako 'kundi umabsent. Sabi ni Doc may kakilala daw siyang dermatologist sa New York na kayang ibalik sa dati iyong itsura ng kaliwang mata ko pero aabutin daw ng 3 months para sa total recovery ng sugat.” wika ni kuya Lryric sa mahinang boses. Napansin kong napaupo si Ms. Nami sa malaking couch dahil sa sinabi ni kuya. “Lyric paano na ang pinirmahan mong kontrata?” “Mukhang magbabayad na lang ako.” parang nagbibiro pa ang sagot ni Kuya. Kahit kailan talaga ‘to si kuya hindi magseryoso hays! Naawa tuloy ako kay Ms. Nami. “Bakit kailangan mong magbayad  ni kuya?" curious na sambit ko. "Bawal  ba  na sabihin na lang sa kanila na naaksidente si Kuya kaya 'di siya  makaka-attend sa concert?” “Hindi Ms. Parker. Pumirma  na kasi ang kuya mo na need niya umattend sa lahat ng activity ng B.L.U.E at ibat iba pang offeer ng agency. Saka nakuha na rin ng kuya mo ang bayad sa kanya.” pagpapaliwanag ni Ms. Nami habang inaayos ang kumot ni kuya. “Magkano po ba iyong binayad kay Kuya? Bawal bang ibalik na lang ni Kuya iyong binayad sa kanya sa agency?” “Hmm 25 million iyong binayad sa kanya… tapos ayon sa kontrata kapag ‘di niya magawa ang napapkasunduan kailangan niyang ibalik ng 12 times ang binayad nila.” “25 million?! Tapos twelve times pa?!” Hindi ko mapigilang mapasigaw. Sinubukan  kong i-compute iyong 25 million times 12 kaya lang ‘di keri ng utak ko kaya ginamitan ko na lang ng calculator sa phone. “300 MILLION ang kailangan bayaran ni Kuya?!” bulalas ko nang makita ang kinalabasan sa calculator. Nakita kong naalimpungatan si Kuya dahil sa ingay ko. “ Kuya paano mo babayaran yung 300 million huhu! Meron akong savings na 2 million kunin mo na iyon pero paano yung natitira pang 298 million?” Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni kuya Lyric dahil ayokong maramdaman niya na nagiisa lang siya sa problema na ito. “Huwag mo na 'kong alalahanin Artemis. Okay lang ako,” naramdaman kong marahang pinisil ni Kuya ang kamay ko na nakahawak sa kanya. Kilalang kilala ko na si Kuya na hilig niyang sarilihin ang problema niya lalo na nung namatay na si mama. Alam kong pinipilit niya lang magpakatatag dahil siya ang Kuya ko. “Kuya di na ‘ko bata, tutulungan kita sa problema mo. Susubukan ko kausapin iyong publishing company kung pwede nila ko pahiramin ng pera kapalit ng lifetime contract ng mga gawa kong lilbro sa kanila.” Kinuha ko ang cellphone ko at nag iisip na ng ipapadalang text kay Krista dahil siya ang partner ko. “Pero Artemis,” kita ko ang lungkot sa mukha ni Kuya. “Bakit hindi na lang natin pagpanggapin si Ms. Parker na siya si Lyric? Since magkamukhang-magkamukha naman kayo? ” wika na Ms. Nami. TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
325.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.4K
bc

A Night With My Professor

read
493.2K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.1K
bc

Dirty Little Secret (R18 Tagalog)

read
406.7K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
824.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook