bc

My Naughty Bestfriend (GL)

book_age18+
846
FOLLOW
3.9K
READ
love-triangle
friends to lovers
tomboy
student
gxg
bisexual
lighthearted
campus
friendship
passionate
like
intro-logo
Blurb

"Andy, punasan mo ako!"

"Andy, maghubad ka!"

"Andy, masarap ba?"

"Andy, huwag kang sumama diyan. Sa akin lang dapat!"

"Andy, pagod ka na ba? Kasisimula lang natin!"

"Andy, isa pa please?"

'Yan ang bestfriend kong si Kate. Isang dakilang babae na ubod ng manyak. Walang ibang ginawa kung di isigaw ang pangalan ko.

Gano'n din kaya ang puso niya?

chap-preview
Free preview
1
ANDY Andy, sunduin mo na ako rito sa bahay ngayon din! 'Yan ang text ng magaling kong bestfriend, si Kate. Kaya nagmadali na ako at pumunta na tutal malapit lang. Nang makarating na ako ay nadatnan kong nakatayo na ito sa gilid ng kotse at nakabusangot. Agad ko naman itong nilapitan pero sigaw agad ang ibinungad sa akin. Pambihira. “Sakay na sa loob Andy. Ikaw ang mag-drive!” pasigaw nitong sabi sabay hagis ng susi sa akin at nauna na siyang pumasok sa loob ng kotse. Grabe talagang babae 'to, ginawa pa akong driver. Nang ma-start ko na ang engine ay nagsimula na akong mag-drive. Habang nagda-drive ay tinawag ko si Kate. “Kate, huwag ka nang magalit sa akin please? Kausapin mo naman ako,” pakiusap ko sa kanya dahil hindi pa rin niya ako kinikibo at nakatingin lang sa labas. Ilang sandali pa ang lumipas ay wala pa rin siyang imik at di man lang ako nilingon. Di ko rin namalayan na nakarating na pala kami sa Maximillian University. Dali-dali itong bumaba kaya ako ay maagap din na bumaba para maabutan siya. Bago pa siya tuluyang makalayo ay hinawakan ko na siya sa kanyang braso dahilan para mapahinto siya. Sa wakas ay nilingon niya rin ako pero mas sumimangot lang ito at sinigawan na naman ako. “Andy ano ba, bitiwan mo nga ako. You're wasting my time!” gigil na sambit niya na halos tumalsik na ang kanyang laway sa mukha ko dahil sa pagsigaw. “Kate, talk to me please? Huwag mo naman akong sigawan. May nagawa ba akong mali? Tell me,” halos magmakaawa kong sambit sa kanya. “Nah, let me be. Wala ako sa mood,” tipid na sagot nito sa akin. “Kate naman. Bati na tayo please? Promise, gagawin ko lahat ng gusto mo, basta maging okay lang tayo,” pilit ko sa kanya. Aba, biglang ngumiti nang pagkatamis-tamis ang kaninang sambakol niyang mukha. Sana naman maging okay na kami. “Sure ka ba Andy? Gagawin mo talaga lahat ng gusto ko?” nag-iba ata ang tono ng boses niya. Parang naging seductive. “Oo Kate, promise,” masaya kong tugon. Nagulat naman ako nang biglang lumapit ito sa akin at ikinawit ang braso sa aking batok. “Sige Andy ko. Sa bahay ka matutulog mamaya. Huwag kang mag-alala, ako ng bahala sa'yo,” bulong nito sa akin sabay kagat sa tenga ko. Di pa nakuntento ay dinilaan naman niya ito pababa. Bigla akong nanigas sa ginawa niya. Ilang saglit pa ay humiwalay na ito at hinalikan ako sa pisngi at sabay na kaming naglakad patungo sa aming mga klase. Nagsimula na ang aming klase. Business Administration ang course ko at gano'n din si Kate. Magkaiba lang kami ng section. Section A siya at B naman ako. Nakinig na lang ako sa klase at nagsulat. Ilang saglit ay tapos na rin. Bigla naman akong kinuwit ni Lucy, ang nag-iisang kaibigan ko. “Drew, may notes ka ba kanina? Pakopya saglit,” tanong nito sa akin at iniabot ko naman ang notebook ko sa kanya. Kasalukuyan akong nagce-cellphone habang naghihintay ng prof. Busy kasi si Lucy, wala akong kausap. Mayamaya ay may nagsabi sa amin na wala ang prof dahil may inaasikaso. Buti na lang. Tapos na rin si Lucy kaya magkukwentuhan na lang kami. “Luce, may practice ba tayo ng badminton mamaya?” tanong ko kay Lucy. “Wala Drew pero may attendance. Sabay na tayo mamaya. Nga pala, kumusta na kayo ni Kate?” “Ayun nasigawan na naman ako kanina pero okay na kami. Alam mo naman 'yon.” Kilalang-kilala ko na 'yang bestfriend ko. Unang rule kapag kasama mo siya, never and don't ever ever get late. “Hay naku Drew, napakatiyaga mo diyan kay Kate. Jowa lang ang peg mo ah. Minamanyak ka na naman ba niya?” sunod-sunod niyang sabi. “Hindi naman. Bayaan mo na siya Luce, sanay na ako sa mga kamanyakan niya.” “Sige sabi mo eh. Mamaya may makikita na naman akong hickey diyan sa leeg mo o kagat sa braso mo,” paalala na naman niya sa akin. “Hoy Luce, 'wag kang maingay, mamaya may makarinig. Ano ka ba, di ko maiwasan dahil bigla-bigla niyang ginagawa,” sita ko rito at lumingon-lingon pa ako sa paligid. “Whatever Drew. Baka mamaya hindi ka na virgin ha,” pang-aasar pa nito sa akin. Di ko na lamang pinansin. Ilang saglit pa ay tumunog na rin ang bell. Sa wakas ay lunch break na kaya nagmadali na agad ako dahil kay Kate. Mayayari na naman ako. Alam na ni Luce kapag ganito ako kaya hinahayaan na niya. Naiintindihan naman daw niya. Ako o si Hazel lang naman ang kasama niya lagi. Kumaripas na ako ng takbo papuntang canteen para maabutan si Kate. Buti na lang at nahanap ko siya agad. Nakatingin lang ito sa akin habang nakataas ang kilay. Signal na 'yon. Dali-dali akong umorder ng mga paborito niyang pagkain. Namili ako ng large fries, dalawang order ng shawarma rice at ang paborito niyang ramen noodles na large serving din. Dinagdagan ko na rin ng large milktea at tubig. Nang maka-order na ako ay dinala ko na ang mga ito sa table niya. Nakita ko naman na bigla itong napangiti nang malapad. Di ko rin namalayan na may mga kasama pala ito. Tatlong babae, marahil ay mga kaibigan niya. Nakatingin lang ang mga ito sa akin na nakangisi. “Kate, may gusto ka pa bang pagkain? Bibili pa ako,” tanong ko sa kanya na kasalukuyang lumalamon na. “Wala na Andy. Upo ka na rito sa tabi ko. Share na tayo. Maraming salamat dito ha, love na love mo talaga ako,” pasasalamat niya na nang-aakit. “Wow, grabe naman 'yan Kate. Nilalanggam na kami rito oh. Pakilala mo naman kami sa girlfriend mo ay este sa bestfriend mo,” sabat naman no'ng isang babae. “Shut up Skye, di niya na kailangang malaman kung sino kayo,” sabay irap nito doon sa Skye. “Btw, I'm Claire Ledesma. This is Skye and Alice,” pakilala no'ng babaeng katapat ko. Si Skye ang katapat ni Kate at si Alice ang nasa dulo. “I'm Andrew Torregozon, just call me Drew,” pakilala ko naman. “Nice to meet you Andy!” masayang bati naman nila sa'kin pero bigla na lang nagdabog 'yong katabi ko. “Hey bitches, ako lang ang may karapatan na tawagin siyang Andy!” sigaw nito sa mga kaibigan. “Okay, okay Kate. H.B. ka kaagad eh. Sa'yong-sa'yo na si Andy mo,” panunukso ni Alice kay Kate. “I know right,” at umirap na naman itong si Kate. Di kaya 'to maduling? Kumain na kaming lahat. Si Kate naman ay panay ang subo sa akin ng pagkain. Salitan kami. Para na tuloy kaming nag-indirect kiss. Panay lang ang sulyap at asar sa amin ng mga kaibigan niya. Hindi rin nakaligtas sa akin ang paghaplos niya sa hita ko kaya bigla akong nanigas sa aking kinauupuan. Ang salarin? Ayun nakangisi lang at enjoy na enjoy sa ginagawa sa akin. Fudge Kate, 'wag dito, nakakahiya. Mas lalo niya pang itinaas ang paghaplos kaya nasagi ko 'yong table. Napatingin naman 'yong mga kasama namin. “Drew, okay ka lang ba? Bakit namumula ka?” tanong sa akin ni Skye. “Ah--Ahh o-okay lang a-ako,” halos utal-utal kong sagot at di na makatingin nang diretso dahil pigil na pigil na ang paghinga ko dahil sa ginagawa ni Kate. Si Kate naman ay patuloy lang sa ginagawa. Kaunti na lang ay mararamdaman ko na ang kamay niya sa pagitan ko. Nang malapit na ay... Buti na lang ay nag-ring na ang bell. Tapos na ang lunch break. Muntikan na ako ro'n ah. Wala kaming klase buong hapon dahil busy ang mga prof. Nagkwentuhan lang kami ni Luce ng kung ano-ano. 'Yong kapitbahay daw nilang mangkukulam na sumasakay sa dust pan. Tapos nakakita raw siya ng manananggal no'ng tanghaling-tapat at may ngongo raw sa kanila na tuwid magsalita. Maaga kaming umuwi kaya ako ay nag-ala Flash na naman sa pagtakbo papuntang parking lot. Sa wakas ay wala pa siya. Nagulat na lamang ako nang biglang may nagsalita. Paglingon ko, si Kate, nakasakay na sa loob at naiinip na. Nagmadali na ako at umuwi na kami sa kanila. Nang makarating na kami ay nagmadali akong bumaba para pagbuksan siya ng pinto. Ngumiti naman ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Sumunod na ako sa kanya sa loob at binati ang kasambahay nila, si manang Nora. Kilala na ako rito kaya feel at home ako. “Wala si Mom and Dad ngayon. Nasa business trip sila kaya maso-solo kita ngayong gabi,” sabay ngisi sa akin. Nauna na itong umakyat sa kwarto niya habang ako naman ay kausap si manang. “Andy, umakyat ka na nga rito! Bilisan mo. Ayokong naghihintay,” sigaw na naman ni Kate. Kahit kailan talaga 'to. Nagpaalam na ako kay manang at mabilis na umakyat sa kwarto ni Kate. Kumatok muna ako, nang walang nagbukas ay pinihit ko na ang door knob. Nang di pa ako tuluyang nakakapasok ay marahas akong hinila ni Kate papasok at isinandal sa wall. Bumulong muna ito sa akin habang nakatukod ang tuhod nito sa pagitan ng mga hita ko. “Andy, take a quick shower. I'll wait you in my bed,” nakakaakit nitong bulong sa akin habang ako naman ay nanginginig sa kaba. Dinilaan niya muna ang pisngi ko bago ako pakawalan. Nagmadali na akong mag-shower at saktong naka-ready na rin ang damit na isusuot ko. After five minutes ay tapos na ako at dumiretso na sa kama niya. Nadatnan ko itong naglo-lotion. Napatingin naman ako sa mapuputi nitong legs. Napalunok tuloy ako nang wala sa oras. “Enjoying the view Andy?” pukaw naman nito sa akin kaya natauhan naman ako. “H-huh?” nautal pa ako at di makatingin sa kanya. Naramdaman ko na lang na marahas niya akong hinila dahilan para mahiga ako sa kama at nakapaibabaw sa kanya. Damn, ang nipis ng suot kong damit kaya ramdam na ramdam ko ang katawan niya lalo na ang tummy niya. Nakangisi lang ito sa akin. “Bakit ka namumula Andy? Mamaya pa tayo magsisimula,” nang-aakit nitong sabi habang hinahaplos ang likod at pisngi ko. Mabilis akong umalis sa ibabaw niya at kumalma saglit. Binuksan ko na lang ang flat screen tv niya. “Manood na lang tayo Kate,” sabi ko rito at napili ko ay isang horror movie. Bago pa ako makaupo ay kinabig na niya ako dahilan upang mapaupo ako sa lap niya. Naka-back hug siya sa akin ngayon at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. “K-Kate, te-teka lang. H-hindi a-ako ma-makahinga,” halos pabulong kong sabi. “Sshhh Andy. Huwag ka nang magpumiglas, akin ka ngayong gabi,” nang-aakit nitong bulong sakin. Pigil na pigil ang hininga ko ngayon at sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Pumikit muna ako at dumilat uli. “K-Kate, d-dinner muna tayo o kaya ma-manood na l-lang. H-hindi k-ka ba nagugutom?” nahihirapan kong sabi pero mas hinigpitan nito ang yakap. “Gutom na gutom na ako Andy pero iba ang gusto kong kainin. Dito na lang tayo,” usal nito at narinig kong tumawa ito nang mahina. Jusko, sinapian na naman ng kamanyakan ang babaeng 'to. Bahala na. Hindi na ako nagsalita at nanood na. Sa kasama ko ata ako matatakot hindi sa movie. Nang nasa kalagitnaan na kami ng movie ay naramdaman ko na lang na hinawakan ni Kate ang panga ko para maihilig ang ulo ko nang kaunti. Ngayon ay expose na expose na ang leeg ko at ramdam na ramdam ko ang hininga niya rito. Tumindig ang mga balahibo ko at di makagalaw. Pinilit kong magpokus sa movie pero nabigo ako nang tuluyang dilaan ni Kate ang leeg ko sabay pasok ng kamay niya sa loob ng damit ko. Pinipigilan kong mag-moan baka marinig kami pero mas pinanggigilan niya ako. “Andy, don't hold yourself. Let it out. I wanna hear it,” bulong pa nito sa akin at pinagpatuloy ang paghalik sa leeg ko. “Ahhh Ka-Kate, s-stop p-please,” pakiusap ko sa kanya pero hindi ako pinansin. Napakapit na tuloy ako sa kanya dahil hindi ko na kaya ang aking nararamdaman. Nag-iinit na ako. Nagpaubaya na ako sa kanyang ginagawa. Ang dapat na overnight ko ay nauwi sa isang parusa. Parusa mula sa manyak kong bestfriend.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.9K
bc

NINONG II

read
618.0K
bc

NINONG III

read
362.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook