bc

Wellsfar Academy: School of Magicians

book_age0+
1.0K
FOLLOW
4.6K
READ
powerful
prince
princess
king
queen
drama
tragedy
twisted
sweet
like
intro-logo
Blurb

Where fantasy... became reality. Are you ready to find who really you are? Come and join us in this incredibly journey! Only in Wellsfar Academy.

@jynx19

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1: Letter Aerika's Point of View Nagising na lamang ako dahil sa ingay ng alarm clock ko, It's already 6:30 am at 7:00 am ang pasok ko. Shems. Late na ako! Ayan kasi, kaka-w*****d kagabi. But actually, ayoko na talagang pumasok. Wanna know why? Palagi lang naman akong nabu-bully ng mga kaklase ko. Even my schoolmates na hindi ko naman kilala, sinasaktan at pinapahiya ako. Natatanong ko na nga lang sa sarili ko na bakit? Bakit kailangan kong maranasan ang mga 'yun? Ganoon ba talaga kapag wala kang ginagawang masama sa kapwa mo? Hindi ko maintindihan. Mabuti na lamang at sinabi sa akin nila Mama at Kuya ay pabayaan ko na lang daw ang mga taong ganoon. Wala daw mangyayare kung papatulan ko pa sila. Pumunta na ako ng banyo at sinimulan ko na ang daily routine ko. Pagkatapos kong gawin ang aking daily routine ay nagpasiya na akong bumaba ng kwarto para kumain ng agahan. Pagbaba ko sa hagdan ay medyo nagtaka ako ng mapansing wala si kuya doon, parehas lang naman oras namin pag papasok ha? Same school lang din kami. Di ko na lang pinansin at dumeretso na sa upuan. "Ma! Bakit hindi mo ko ginising? Eh alam nyo namang maaga ang pasok ko?" Waring nagtatampo kong sabi kay Mama sabay halik sa kaniyang pisngi. Tinignan naman ako ni Mama ng nagtatanong na tingin. "Anong sinasabi mo diyan bata ka eh ang sarap sarap ng tulog mo tyaka, hello? Sabado ngayon anak, Sabado! Wala kang pasok ngayon, kaya anong sinasabi mo diyan?" Hala? Sabado ba ngayon? Ang alam ko eh Friday pa lang ha? Dali dali kong tinignan ang callendar ko sa cellphone ko at hola! Sabado nga ngayon. Enebe naman. Susko gumising gising ako ng maaga tas sabado pala ngayon? Ay maaga na pala 'to para sa'kin? Pero, nakakahiya. "Ah? Hehe oo nga po pala Ma sabado pala ngayon." Nahihiyang sagot ko kay mama. Umiling iling na lang ang Mama ko sakin. Kumain na lamang ako ng agahan dahil nagugutom na din talaga ako. Let me introduce myself first. Ako si Aerika Levaine Santiago, 17 years of age and syempre hindi mawawala ang physical na katangian ko, Im sexy and beautiful. Wews. Char lang 'yan! Sya nga pala, wala na akong tatay simula pa nung bata pa ko. At sabi naman nila Mama at kuya sakin ay naaksidente daw si papa kaya ito ay namatay. O siya, tapos na akong kumain at napag-isipan ko ng umakyat muli sa taas. Nasa sala na din si Mama ay nanonood ng powerpuff girls. Taray, diba? Favorite niyang panoodin palagi iyan. Pagkaakyat ko sa kwarto ko ay naisip ko lang kung lumipat kaya ako ng school? Actually nga may gusto akong school na pasukan, sobrang ganda nya at laki sa picture kaso ngalang mahirap daw makapasok dun dahil tago yung lugar na iyon at kapag gusto mo daw pumasok dun ay dapat tawagan ka muna ng headmistress sa academy na 'yun. Sinabi ko na nga yun kila mama eh na magpost ako sa f******k ko, all around daw kasi 'yung connection doon sa Academy, di ko alam kung totoo, sabi sabi lang kasi ng mga kakilala ko at parang hindi naman daw totoo 'yung Academy na iyon dahil wala pa ni isa ang nakakapasok doon na kakilala nila. Aksidente lang daw na may nakita silang papel tapos nakita nila 'yung Academy and so on. Naalala ko tuloy yung nangyari nung una ko yung tinanong kila Mama bago ang pasukan. Flashback: "Ma! Gusto ko pong pumasok sa Wellsfar Academy!" Ani ko kila mama kahit na hindi ko naman alam kung totoo ba 'yung Academy na iyon. Bahagya namang natigilan si mama, maski si kuya. "Saan mo nalaman iyan?" Tanong ni mama sa akin. "Sinabi lang po ng mga---" naputol ang sasabihin ko ng tumayo si mama. "Hindi! Hindi totoo ang Academy na iyan kaya't huwag mo na ulit pang banggitin ang pangalan na iyan! Naiintindihan mo?!" Bahagya naman akong nagulat sa naging reaksyon ni mama. Anong problema? Nahalata siguro ni mama ang pagkagulat ko kaya't humingi sya ng paumanhin. End of Flashback Pero hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang school na yun. Hayys, ewan ko ba at gusto ko talagang makapasok sa school na 'yun eh. Ano kaya kung mag post ako sa f******k acc ko? Or i-search ko sa google 'yung name na Wellsfar Academy? Kaso sa pagkakaalam ko, walang lumilitaw na Academy sa google kapag iyon ang sine-search. Paano na 'to? Matagal na akong nag-iisip at nagmumuni-muni dito sa loob ng kwarto ko ng may isang maliit na paru-paru ang pumasok sa bintana, dito sa kwarto ko. May dala dala itong maliit na papel, parang sobre. Binitawan nito ang sobre sa mismong higaan ko at hindi na ako nakapagsalita pa ng bigla siyang nawala na parang bula. Kahit na hindi ko padin maintindihan ang nangyare ay tinignan ko 'yung sobre at binuksan ito. Gawa sa kulay ginto ang papel na parang sobrang mamahalin. Kinuha ko 'yung laman na papel sa loob at binasa ang nakalagay dito. Welcome to Wellsfar Academy! Where everything impossible become possible. You are now enrolled in this Academy and just wait for the envelope for you to know how to go here. Thank you! This Academy will help you to enhance your abilities and your strength. So, what are you waiting for? Come and go to this Academy! -Headmistress Nabitawan ko 'yung papel dahil sa mga nabasa ko. What the hell is this?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.7K
bc

NINONG III

read
362.5K
bc

POSSESIVE MINE

read
969.1K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.0K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook