bc

The Middle Of The Night (Tagalog SPG18+)

book_age18+
6.6K
FOLLOW
59.7K
READ
billionaire
possessive
bitch
neighbor
drama
twisted
bxg
betrayal
cheating
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Para kay Audrey, ang batas ay para lamang sa mga mayayaman. Kaya kahit biktima siya ng panghahalay ay mas pinili na lamang niyang ilihim ang lahat sa kaniyang mga magulang. Sapagkat alam niyang wala silang kalaban-laban.

Nagpakalayo-layo si, Audrey, upang makalimutan ang kaniyang nakaraan at isalba ang buhay ng kaniyang mga magulang sa kahirapan.

Nagtrabaho siya sa Club bilang isang dancer at hindi niya iyong ikinahiya. At siya ay binansagang 'MASK BUTTERFLY'. Siya ay pinalad kasama ang kaniyang grupo at nakapunta sa Japan.

Nakilala si William, ang lalaking unang nagpapatibog ng kaniyang puso. Ipinagtapat niya ang kaniyang nakaraan at tinanggap siya ng buong-buo.

Ngunit si William pala ay anak ng tao na kaniyang kinasusuklaman. Tinalikuran niya ito at inilihim ang kaniyang pagdadalang-tao.

Kapalit ng kaniyang pagtalikod kay William, ay natuklasan naman niya na siya pala ang anak ni Michiyo Nishiko. Ang mayamang haponisa na nagmamay-ari ng club na kanilang pinagsasayawan. Ang anak na matagal na nitong hinahanap.

Muli pa kayang magtakpo ang landas nila ni William?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
MINSAN sa kahirapan ng buhay ay hindi maiwasan na kumakapit sa patalim. Kung hindi man tayo, mismo ang ating mga magulang. Ako si Audrey Paulino isang probinsiynang dalaga labinsiyam na taong gulang. Simpleng babae at nagmula sa isang mahirap na pamilya dalawa kaming magkapatid, lalaki ang panganay at ako ang bunso. Maraming nagsasabi na maganda ako, sexy, perfect body, perfect woman at at siguradong malayo raw ang aking mararating. Pero paano ko ba marating ang aking mga pangarap gayong hamak na hampas lupa lang ang buhay na aking kinagisnan. Na halos hindi ako mabigyan ng pamasahe sa aking mga magulang sa tuwing ako'y nagpupunta sa paaralan. Paano ko ba mapatunayan ang sinabi nilang perfect woman, sexy at maganda ni isa ay wala akong magandang kasuotan. Minsan naiingit ako sa aking mga kaibigan dahil sila tambak sa mga mamahaling damit, mamahaling pabango at mamahaling pampaganda. May kapatid nga akong lalaki pero nakapag-asawa naman ng maaga ang tatay ko naman ay katiwala lang ng isang mayamang angkan dito sa aming lugar. Ang pamilyang 'BOSTAMANTE' at dito rin nagtatrabaho ang aking ina bilang isang bahay katulong at labandera. Ang mag-asawang Bostamante ay may isang anak na lalaki na matagal ng naninirahan sa Canada at ni minsan ay hindi ko pa ito nakikita. Ang lagi ko lang nasisilip sa kanilang bahay kapag isinama ako ng aking ina ay si don Miguel at ang kanyang asawang masakitin na si donya Berta. Nasa forty-six na sila pareho. Sa panahon na gusto akong isasama ng aking ina ay nagdadahilan ako na masakit ang aking ulo. Minsan nilalagyan ko ng bawang ang aking mga kilikili para tataas ang aking temperatura upang hindi ako makasama. Dahil napansin ko na ang kamanyakan ni don Miguel. Pero minsan hindi ko matanggihan si Nanay lalo na kung mapansin ko na masama ang kanyang pakiramdam. Minsan naitanong ko sa langit kung bakit ganito ang buhay na ipinatamasa niya sa amin? Bakit hindi na lang masaganang buhay ang ibinigay niya sa amin tulad nang iba.  naisip ko na lang na may dahilan ang Panginoon, kung bakit ganito ang ibinigay niya sa amin. Magsikap ako para maranasan naman ng aking mga magulang ang masaganang buhay. Walang bayad ang mangarap at pangarapin ko ang maginhawang buhay alang-ala sa aking mga magulang at sa aking magiging mga anak. "Audrey— uho! " Tawag ng aking ina at may ubo ito. Siguradong ako na naman ang papuntahin sa bahay ng mga Bostamante. "Bakit po Nay?" Sagot ko sa kaniya habang nakadungaw ako sa may pintuan. "Anak, baka puwedeng ikaw muna ang magpunta doon sa mansion, masama kasi ang aking pakiramdam." Pakiusap niya.  Nang mapansin kong mapula ang kaniyang mga pisngi ay agad ko siyang nilapitan at kinapa ang kaniyang noo. "Naku! May lagnat po kayo Nay." sobra ang pag-alala ko sa kanya." Gusto mo bang dalhin kita sa center Nay?" Tanong ko sa kaniya.  "Huwag mo itong intindihin anak, bukas mawawala rin ito. Sige na pumunta ka na roon dahil kailangan mo pang magluto. Alam mo naman na may sakit si donya Berta." Turan niya.  "Sige po Nay..." wala akong magawa kun'di sundin ang aking ina at para na rin makiusap ako kay donya Berta na e-advance ko ang sahod nitong linggo upang madala ko si Nanay sa hospital.  Simple lang ang suot kong daster at may kalumaan na ito nakasuot rin ako ng maikling short pang-ilalim para hindi klaro ang aking pante. Dahil may kalayuan ang mansion ay kailangan ko pang bilisan ang aking paglalakad. Pagdating ko sa malaking bahay agad kong nakita ang aking Tatay nagdidilig sa mga halaman nilapitan ko siya at nagmano ako. "Bakit ikaw ang nagpunta dito anak, nasaan ang Nanay mo?" Pagtatakang tanong ng aking ama. "Nasa bahay Tay, may ubo at lagnat." Sagot ko sa kaniya na may kasamang awa dahil basang-basa ang likod ni Tatay sa pawis. Agad kong kinuha ang kanyang towel at pinunasan ko ito. "Salamat anak," masayang sabi niya sa akin. "Tay, huwag niyo po sanang hayaan na lagi kayong natutuyuan ng pawis baka ikaw naman ang magkasakit niyan..." paalala ko sa aking Tatay at tumango naman ito sabay yakap niya sa akin. HANGGANG sa nakapasok na ako sa malaking bahay sobrang tahimik sa paligid at agad akong nagtuloy sa kusina para makapag luto ng kanilang agahan. Nang patapos kung ihanda ang lamesa ay umakyat na ako sa itaas para katukin ang mag-asawa. "Donya Berta?" sambit ko, at ang nagbukas sa akin ay si don Miguel. "Magandang araw don Miguel, nakahanda na po ang almusal." Nakayuko kong sabi sa kaniya. "Salamat. Nasaan pala ang Nanay mo? Bakit ikaw ang pinapapunta rito?" Tanong niya sa akin na pinagmasdan ang buo kong katawan. "May sakit si Nanay..." inis kong sagot sa kaniya. Dahil nakakalusaw ang kaniyang titig sa aking katawan. "Audrey, ikaw ba 'yan?" Sambit ni donya Berta. Mabait ang donya sa akin at wala akong masabi sa kaniya. "Opo! Donya Berta, nakahanda na po ang pagkain sa baba." "Miguel, papasukin mo nga si Audrey." Utos niya sa kaniyang asawa at pinadaan naman ako ni don Miguel. "Bakit po donya Berta?" Tanong ko agad. "Ahhh... baka puwede mo akong dalhan ng pagkain dito Audrey, masyadong masakit ang aking mga katawan. Kaya nahihirapan ako sa pagbaba." Turan niya, at wala naman akong magawa kun'di ang sundin ang kaniyang utos. Hanggang sa nakabalik ako sa itaas na dala ang kaniyang pagkain at saka ko naman siningit ang tungkol sa pag-advance ko sa sahod. "Doon ka magsabi kay don Miguel Audrey." Sagot niya sa akin. "O-okay po donya Berta. Pagbalik ko sa kusina ay naabutan ko si don Miguel na kumakain sa lamesa agad kong sinabi sa kaniya ang aking kailangan. "Don Miguel, sinabi ko po kay donya Berta na i-advance ko ang sahod ngayong linggo para pang-check-up ko sana kay Nanay bukas. Sabi niya sa'yo ko raw sasabihin." Nakayuko kong sabi sa kaniya. "Okay, walang problema at mamayang hapon ay ibibigay ko sa'yo." Nakangiti niyang tugon sa akin na panay pa rin ang tinging niya sa buo kong katawan. Bago magtanghali ay nagpaalam si Tatay na mag-half day para masilip niya ang aking Nanay kaya naiwan akong mag-isa sa mansyon. DAHIL tapos ng mananghalian ang mag-asawa ay agad ko ng niligpit ang kanilang kinakainan at bago ako pumasok sa kusina ay nakita kong pumanhik na si don Miguel sa itaas kaya panatag ang aking loob sa kusina. Habang nasa kalagitnaan ako sa paghuhugas ng mga plato ay biglang may humawak sa aking mga balikat at nagulat naman ako. "Ay— Mahabaging langit!" Napasigaw ako at nabitawan ko ang baso at nabasag ito. "Shhh... Shhh..." Utos ni don Miguel sabay takip niya sa aking bibig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.4K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
629.1K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
381.5K
bc

Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)

read
631.9K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.0K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
831.2K
bc

Just A Taste (SPG)

read
892.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook