bc

Tamis ng Unang Halik(Tagalog)

book_age16+
19.8K
FOLLOW
117.7K
READ
age gap
fated
friends to lovers
arrogant
goodgirl
others
drama
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

May lihim na crush si Sherry sa Kuya ng kanyang bestfriend. Pero hindi naman niya ito sineryoso. Dahil may motto siya sa pag ibig. Huwag maiinlove sa tander.

Dahil sa isang halik nawindang ang mundo ni Sherry. Ang kanyang buong paligid ay nagkaroon ng mga puso. Nainlove na ba ng tuluyan ang ating bida? Naipangako pa naman niya sa kanyang sarili na hindi siya maiinlove sa isang tander. Paano na ang kanyang motto.

chap-preview
Free preview
Episode 1
Sherry's POV Malapit na ang birthday ko at excited na ako. Malapit na iyon. "Excited na ako sa debut mo, bestie," sabi ko kay Natie ang bestfriend ko. Napansin ko ang pananahimik ng kaibigan. Kinalabit ko siya. "Hoy, kanina pa kita kinakausap. Mukha tuloy akong tanga dito." Reklamo ko. "Problema mo na naman si tanda? Hay, naku sinabi ko naman sa iyo maghanap ka ng mas bata. Tsaka, hello? Hindi kayo bagay mukha kayong mag-lolo," sumama lalo ang timpla ng mukha ni Natie sa sinabi ko. "Ang exagerated mo naman magsabi ng lolo. Hindi pa siya lolo no?" napatirik ako ng mga mata sa kaibigan. "Bakit ba pinagkakaabalahan mo pang isipin siya? Don't expect na walang nobya iyon. Eh, sa tanda niyang iyon malamang may balak ng magpakasal iyon," nanlaki ang mga mata ni Natalie. "Hindi mangyayari iyon!" kontra niya sa sinabi ko. "Malay mo 'di ba?" pang-aasar kong lalo sa kaniya. "Pag-usapan na nga natin ang birthday mo, malapit na iyon, ready na ba mga invitation mo?" "Matagal pa naman ang birthday akala mo naman bukas na." Sabi nito sa akin habang nakasimangot. "Pinoproblema mo pa kasi si tander. Hindi nga kayo bagay niyon. Lolokohin ka lang niya sigurado ako diyan." Napatingin siya sa akin at binigyan niya ako ng nakakamatay na irap. Inirapan ko rin siya. "Ewan ko sa iyo maghanap ka ng kausap mo!" sabi nito na may inis na tono. Pikunin talaga ang best friend ko. "Ang sungit mo may regla ka ba?" tanong ko sa kaniya. Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Natalie dahil sa tanong ko kaya tumawa ako. Dahil sa inis tinalikuran niya ako at iniwang mag-isa. Nagkibit balikat na lang ako. **** Pagkapasok ng bahay nakasalubong si Mama. "Hi, Mama" bati sa ko sa kanya. Hinagkan ko siya sa pisngi. Dalawa lang kami dito sa bahay dahil si Papa ay nagtatrabaho sa ibang bansa bilang seaman. Madalang lang namin makasama ang Papa ko dahil sa uri ng trabaho niya. Pero nasanay na rin kaming dalawa ni Mama na wala siya. "Ang aga mo yatang umuwi ngayon? Hindi ba kayo sabay na umuwi ni Natie?" tanong ni Mama. "Hindi po nauna po akong umuwi sa kanya," sabi ko. Hindi ko alam kung saan nagpupunta ang babaeng iyon. Hindi kaya lihim na nagkikita sila ng manliligaw niyang tander? Lately, napapansin kong may ibang lakad ang gaga. Bahala na nga siya sa buhay niya matanda na siya para pagsabihan ko pa. "By the way, anak, okay na ba ang mga in-invite mo sa 18th birthday mo? Kailangan i-finalize ko na lahat, ibibigay ko na sa gagawa ng invitation mo." Sabi ni Mama. "Yes, Ma ayos na lahat. Complete na ang mga list." Sabi ko. I am so excited about my upcoming birthday. Axel's POV "Babe, kailan mo ba ako ipakikilala sa family mo? Isang taon na rin tayong magkasintahan pero ni isa sa kanila hindi ko kilala," napatingin ako sa babaeng nakahubad kasama ko ngayon sa kama. Katatapos lang namin mag-s*x. Kinuha ko ang boxer short ko na nasa sahig at isinuot iyon. Tumayo ako para pumunta ng CR para maghilamos ng mukha. Sa totoo ayokong pinag-uusapan namin ang bagay na iyon. Hindi pa ako handang ipakilala ang girlfriend ko kila Tatay at Nanay. Isang taong palihim ang relasyon namin. Dahil takot pa akong sabihin sa pamilya ko. Tanging mga kaibigan ko lang ang nakakaalam. "Babe, hindi mo na ako sinagot," nagulat ako nang sumunod siya sa banyo. Niyakap niya ako mula sa likod. Ramdam ko ang kaniyang kahubaran. Lumpata sa likod ko ang kaniyang malambot na mga dibdib. Naramdaman ko ang kaniyang mga kamay na gumapang patungo sa aking puson. Hinimas niya ang aking p*********i. Napatingin ako sa salamin. Nagkatitigan kaming dalawa. She's seducing me sa kaniyang mapang-akit na mga tingin. Parang gusto pa yata ng isang round. Nakailang round ba kami ngayon? Hindi ko na mabilang. "Please, babe, ayoko munang pag usapan natin iyan. Darating din tayo diyan." Humarap ako sa kaniya upang gawaran siya ng halik sa mga labi. She is so tempting. She has a beautiful face that every guy can't resist. I am very lucky, 'cos of all guys ako ang kaniyang pinili. She is totally goddess of beauty. Perfect body. Kaya siguro nagkagusto ako sa kaniya dahil sa katangiang pisikal na mayroon siya. Mabait naman ang nobya ko. Nagkakilala kami dahil sa common friends namin. May kaya siya sa buhay. Ang kaniyang ama ay isang sikat na businessman at ang kanyang ina naman ay isang Doctor. Kaya siguro nagdadalawang-isip pa akong ipakilala siya sa pamilya ko dahil sa pride. Baka isumbat nila Tatay na ano ang ipalalamon ko sa kaniya kapag nalaman nilang may kaya ang aking nobya Wala pa akong maipagmamalaki sa ngayon. Pangkaraniwang empleyado lang ako sa isang real estate na pinatatrabahuhan ko. Hindi pa rin ako kilala ng mga magulang niya. Kahit na gusto niya akong ipakilala pero ako ang tumatanggi. Alam ko naman hindi nila ako magugustuhan dahil isa lang akong ordinaryong lalaki. Gusto ko munang may mapatunayan sa kaniyang mga magulang. Kaya nagsusumikap ako para umangat ang buhay ko. "Basta, babe, I'm eager to wait I will always be here," malambing na sabi nito. Ginawaran niya ako ng halik sa aking mga pisngi kaya napangiti ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Contract - Tagalog

read
753.2K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.2K
bc

My Favorite Subject

read
216.1K
bc

OSCAR

read
226.0K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
533.4K
bc

The Professor's Wife

read
449.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook