bc

Midnight Lover

book_age18+
5.2K
FOLLOW
33.8K
READ
forbidden
family
second chance
goodgirl
brave
CEO
drama
cheating
lies
like
intro-logo
Blurb

Isang teacher, mapagmahal na kaibigan at devoted na girlfriend. Iyon ang salitang mailalarawan sa buhay ni Zaraiya Bel Galindon. Nakatakda itong magpakasal sa kasintahan pero naaksidente ito at tatlong taon ng comatose. Sa loob ng tatlong taon ay matiyaga siyang naghihintay at inaalagaan ito. At sa araw na gusto niya lang ay ang makalimot sa lahat ng sakit pagkadurog bawat araw ng pag-asang meron siya makakagawa siya ng isang pagkakamali.

Pagkakamaling akala niya ay isang beses lang ngunit nagising nalang siya isang gabi na hinahanap ang bawat haplos at halik nito. At pilit ginagawang tama ang mali kasama ang lalaking hindi niya dapat mahalin.

Paano mo nga ba iiwasan ang isang tukso na ginusto mo rin?

Paano mo itutulak palayo ang isang lalaking natutunan mo na ring mahalin sa kabila ng bawal na relasyong meron kayo?

Pipiliin mo bang maging isang mabuting katipan o isang babaeng makasalanan?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Maingay na tunog ng makina ang gumising sa akin. Tumunog 'yun ng sunod-sunod na para bang bibitaw na ang taong kumakapit doon. Napatingin ako sa kamang nasa harap ko bago muling tumingin sa kabilang higaan na pinagkakagulohan ng mga nurses at doctor. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang pasyente na 'yun simula ng dumating kami dito. Halos lahat ng nurse at doctor, kahit nga guard at mga maintenance ng ospital na ito ay kilala na ako. Being here for how many years is like a normal day for me. Noong una ay halos parang kalbaryo 'yun at pasakit, pero ganoon pala 'yun isang araw masasanay ka nalang pala sa lahat. Sa lahat ng sakit na nararamdaman mo, na kahit sa hinagap ay hindi mo inaasahang mararanasan mo. "Iya.. kumain ka na ba? May nagdala nito sa nurse station kainin mo ah!"-napatingin ako kay Ate Dolor habang nilalapag nya ang dalang ensaymada. "Salamat Ate Dolor. Bago na naman pala ang makakatabi namin."-mapait kung ngiti habang nakatingin sa kabilang kama. Kanina abala ang lahat doon para agapan ang pasyenteng nakaratay doon. Ngayon abala na silang ilipat ito at linisin ang higaan, dahil ano mang oras may papasok na namang bago. "Tiwala lang Iya. Balang araw makakaalis din kayo dito. O kung hindi man baka isang araw matuto ka ng bitawan sya." Kailangan nga ba kami makakaalis dito? O makakaalis pa ba kami? Sa ilang taon na natili kami dito ay parang naging pangalawang tirahan ko na ito, naming dalawa. Seeing Mike lying down on that bed for so many years was like a nightmare for me. Three years ago, Mike were a very healthy man. Athletic, adventurous and a very busy man. Pero dahil sa aksidenteng kinasangkotan nya nawala ang lahat sa kanya. Dapat ng taong 'yun ay ikakasal kami pero ngayon hindi ko alam kung mangyayari pa 'yun. Dahil ang importante na lang sa akin ngayon ay ang magising sya at makuha ang lahat ng nawala sa kanya. He lost everything and almost died. He's in a coma for three years now but until now im still waiting for him to wake up. Dahil pati sarili nyang pamilya bumitiw nang muli pa syang magigising. Ayos lang kung hindi nya na ako maalala pagkagising nya. Ang importante buhay sya, at maipagpatuloy ang buhay na kinuha sa kanya. "Zaraiyah hanggang kailan mo ikukulong ang sarili mo sa kanya? It's been three years and you are still here stock up on where he left you. Iya life goes on, people around you move on and continue to live. Pero ikaw? Simula ng maratay si Mike sa kamang yan parang sumama ka narin sa kanya at hindi na kailan man umusad. We love Mike, but we love you too. We can't ignore you sulking yourself here while the world is celebrating its new beginning." "You need to get up and continue living Iya. Were here, nandito kaming lahat para alalayan ka kung hindi mo kayang mag-isa.Tutulongan at gagabayan ka namin. Kami ang magiging gabay mo sa lahat." Mapait akong napangiti ng yakapin ako ni Crista. She's my bestfriend, my very best friend. Actually tatlo kami si Rina pero kami lang ang nandito ngayon sa Manila. Ang isa naming kaibigan ay nasa malayong probinsya ng Masbate. Nandoon sya para samahan ang Lolo nyang caretaker ng isang asyenda doon. Sila ang katuwang ko sa lahat ng sakit at paghihirap ko ng iwan ako ng lahat ng pag-asang meron ako. "Pero paano si Mike? Hindi ko sya pwedeng basta iwanan na lang Crista. Alam mo yan. Baka kung ano ang isipin nila pag-umalis ako at makitang nagsasaya habang sya nandito nakaratay sa kamang ito." "No Iya. Hindi porket aalis ka at sasaya makakalimutan mo na sya. Iya deserve mo namang mabuhay, hindi mo kailangang makulong sa kung nasaan sya. You choose to stay, pero hindi nya pwedeng ipagkait sayo ang buhay na deserve mo. Iya hindi pa ba sapat ang three years mong kinulong ang sarili mo at ibinigay sa kanya?" "Tama si Crista, Iya. Wag tayong sobrang martyr. Hindi mo sya iniwan na lang basta nag-antay ka naman at nananatiling nag-aantay. Bubuhayin mo lang ulit ang sarili mo so please, just visit me if you don't want to go abroad." Natawa pa ako sa itsura ni Rina kung kanina umiiyak ako. Ngayon dalawa na kaming natatawa ni Crista sa itsura nyang pinagkakagulohan ng mga kambing. Nasa kapatagan kasi sya ng tawagan namin ni Crista. "Sige pero dadalawin mo lagi si Mike? Ikaw ang titingin sa kanya habang wala ako. And i can't stay that long okay?"-paninigurado ko na sinang-ayonan ng dalawa na ngiting-ngiti pa. Napatingin ako kay Mike na payapang nakapikit. This is it, im moving forward Mike. Finding myself in this world where you left me. Pipilutin kung ituloy ang buhay ng wala ka at mag-isa. Napahinga ako ng malalim ng bago sumakay sa bus na magdadala sa akin probinsyang 'yun. Malayo ang byahe, hindi ako pwedeng malowbat pero 'yung dalawa walang tigil kakaupdate kung nasaan na ako at kung nakasakay na. Nakaindefinite leave ako ngayon sa school na tinuturuan ko. Hindi nga ako makapaniwalang natuwa pa si Mrs. Castillo ang Principal ng school ng magpasa ako ng indefinite leave. Makakatulong daw ito sa akin, sana nga dahil 'yun din ang inaasahan ko. "Hi, can you move aside? Diyan kasi ang seat number ko."-nagtataka akong napatingin sa ticket ko. May seat number nga. "Sorry hindi ko alam. First time ko kasi 'to."-hingi ko ng paumanhin ng umusod ako. Sya kasi ang uupo sa tabi ng bintana. Kung alam ko lang na pwedeng mamili yun ang ginawa ko, dahil first time ko itong magbyahe ng malayo at walang kasama. Pero hindi ko alam na masisira ang unang experience ko travelling alone because of this guy. "Tsk... Miss pwede bang hinaan mo yang pinapanood mo? Can't you see you not alone."-iritang sabi na naman ng katabi ko. Kanina ang problema nya ay ang maingay daw na notif ng phone ko. Ngayon pati volume pakikialaman din. Pinaglihi ba sa sama ng loob 'to ang init masyado ng ulo. "Excuse me lang huh! You are in a public vehicle so supposedly maingay, magulo at masikip dito. So stop complaining as if you own this goddamn bus. Jerk!" Hindi ko napigilan ang sarili ko. Hindi ko talaga pinigilan, wala ako sa loob ng classroom kaya hindi ako teacher ngayon. At mas lalong hindi ko sya estudyante para pigilan ko pa ang sarili ko. Hinila nya akong paupo ng lahat ng pasahero ay nakatingin na sa amin. May hiya din pala ang gago akala ko kasing kapal ng dala kung libro ang mukha nya. "Pasensya na kayo sa girlfriend ko. Meron kasi kaya mainit ang ulo." Aba't kasing kapal nga talaga ng libro ang mukha. At mas makapal pa nga ata. "Hoy bastos kana nga, sinungaling ka pa." Hinampas ko sa kanya ang hawak kung libro. Nakakainit talaga ng ulo kung ganito ang makakatabi mo sa buong byahe mo. "Aawww.. Anong gusto mo sabihin kung sadyang eskandalosa ka lang? O talagang nagpapapansin ka lang sa akin?"-ngisi nya habang tinataas baba pa ang kilay nya. Arrgghh.. Frustrated akong napapadyak sa sobrang inis ko sa kanya. Napasalampak ako sa kinauupoan ko at tinakpan ang sarili sa sobrang inis ko. Hindi ko alam na may ganito pala ka conceited na lalaki ang nagiexist sa mundo. Mabuti na lang malapit na kami sa pier at maghihiwalay na kami. Sana lang hindi ko na sya muling makikita dahil pakiramdam ko masisira nya ang buong bakasyon ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
37.4K
bc

Love Donor

read
85.8K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
283.4K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
327.1K
bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
397.6K
bc

The Sex Web

read
127.3K
bc

A Night With My Professor

read
493.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook