bc

Deal Breaker

book_age16+
1.1K
FOLLOW
12.9K
READ
billionaire
possessive
second chance
friends to lovers
CEO
boss
virgin
friends
seductive
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Nia and Drake

Living as an orphan was like a living puzzle to Kate Dominguez. She may have a loving parents and caring brothers ngunit kahit na anong gawin niya ay hindi talaga makumpleto ang puwang na iyon sa puso at isip niya. She wants to fill that missing part of her; that’s why she dealt with Drake Belcher, the handsome blue-eyed guy he met one night on an embarrassing incident. Inakala niyang baliw ang lalaki dahil unang pagkakataon na sila’y magtagpo ay inalok na siya nitong maging girlfriend na kalunan ay nalaman niyang matalik pa lang kaibigan ng pakay niyang abogado.

Drakes’s deal with Kate went blast. Kyla was affected, and he knew that he hit her ego real hard. Sa una ay natutuwa siya sa inaakto ng dating nobya ngunit kalaunan ay napapansin niya na tinatraydor na siya ng sarili niyang damdamin. f**k that deal; he will do everything to make it real.

chap-preview
Free preview
Prologue
Bagsak ang balikat ko nang sabihin ng isa sa secretary ng Revamonte law firm na matagal pa ang aking appointment. I called them at sabi ay pang-fifty sixth na raw ako sa listahan ng client nila. Ang saya-saya pa noong secretary dahil good news raw 'yun. Yes, that's good news dahil sa dami ba naman nang nagpapa-appointment sa magaling na abogado na iyon ay nakalusot pa ako. They will first analyze and study every case that was brought to them before they'd agreed to handle it. Hindi raw kasi ito basta tumatanggap ng kaso lalo na iyong bumabaliktad sa batas. Kaya naman napagpasyahan kong mag-spy na lang, tutal ay tatlong araw naman akong naka-leave. Hindi kasi ako makapagfocus sa pagmamatyag sa firm kapag may duty ako sa hotel, kinakain ang oras ko sa dami ng events. Nagsuot ako ng blue jacket, jeans, black sneakers with matching black cap. Sinigurado kong ala singko pa lang ng madaling araw ay nasa harap na ako ng law firm para maabutan ko si Attorney. May abogado na akong nakitang pumasok ng building pasado alas nuebe. I am not sure though if it was him. This was my third spot in this building the moment I started this crazy antics. Hindi ko kasi alam kung saan ba talagang dumaraan ang magaling na abogadong iyon o kung siya nga ba talaga ang nakikita kong bumababa mula sa sasakyan. Iba-iba kasi ang sinasabi ng mga empleyado. Madalas kong tinatanong iyong mga housekeeping ng building na nakakausap ko sa karinderya malapit sa firm. Doon lang ako nagba-base sa kung anong makuhang impormasyon mula sa kanila. Hindi ko naman mapilit na pakuhanan ng picture dahil natatakot silang mawalan ng trabaho. Ilang beses na akong namali ng akala dahil hindi lang naman siya ang abogado roon. I know that what I'm doing is crazy, but if it's the only way to finally find the real him, then that’s okay. Iisa-iisahin ko talaga silang lahat. Hahanapin ko siya kahit na magmukha na akong tanga. Ang usap-usapan ay sa dami raw ng naghahabol para lang makausap siya at mahingan ng tulong ay kailangan nitong magtago minsan. Even his looks are so discreet. Hindi nagpapabati sa lobby upang hindi pagkaguluha. Nagagalit din kapag kumakalat ang kanyang mukha sa diyaryo or internet news. I have some shots of him but it was always blurred. Palibhasa'y ilag sa media kaya madalas niyang itaboy ang mga ito kaya walang matinong kuha. Ang paglabas mula sa opisina ang higit kong tinututukan para malaman kung saan sila umuuwi. Mas malapit kasi sa katotohan kung malalaman kong mismo ang tirahan niya. As, usual, palagi akong bigo sa tuwing magtatanong sa mga kapitbahay dahil lagi akong mali nang akala. Kung laging ang pagmamatyag sa loob ng opisina at pagmamasid sa mga papasok at lalabas mula roon ay wala akong mapapala. Sa lobby pa lang ay haharangin ka na agad ng guwardiya. Aabutin ako ng menauposal stage ko kung aasa lang ako sa pagpapa-appointment mahagilap lamang siya. I can't wait for my turn anymore. Naiinip na ako. Sumapit ang alas nuebe ng gabi at sa wakas lumabas na rin ang panglimang lalaking inaabangan ko mula nang simulan ko ito, at sana naman ay siya na talagang tunay. Masyado naman yatang workaholic ang isang ito. Inabot na ako ng katakot-takot na gutom dito sa sasakyan para lang mag-abang sa kanya. Agad kong sinundan ang kanyang sasakyan. Bumaba siya sa may eksklusibong condominium malapit sa hotel kung saan ako nagta-trabaho. This is it, pancit. Mabilis ang kilos ko mula sa pagkakapark ng aking sasakyan hanggang sa pagbaba. Habang naglalakad sa may lobby ay bigla akong nataranta. Hindi ko alam kung paano s'ya i-a-approach. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang kausapin siya. I saw a pizza delivery rider near us. Gumana agad ang utak ko. "Kuya, pwedeng bilhin ko na lang 'yang pizza mo?" nakangiting tanong ko. Naku, kuya ha makuha ka sa charm ko. "Ay, Ma'am hindi po e, magagalit po 'yong pagdedeliviran ko," mabait na tanggi niya. Kung hindi ko lang kailangan ng tulong niya ay iirapan ko talaga siya. Nakakainis naman ito, hindi tinablan ng charm ko. Pangit ka-bonding. Naglabas ako ng tatlong libo dahilan para manlaki ang mga mata. Ah, so mas malakas ang charm ng tatlong ulong ito. "Ayan, Kuya," iniumang ko sa kanya ang pera. "Bumili ka na lang ulit, sa'yo na ang sukli. Kailangan ko lang talaga. Okay? Bye." Wala sa sariling tumango na lang ito habang nakatulala sa tatlong libo. Kinuha ko ang box at tinalikuran siya agad. Baka kasi bawiin niya pa ang pizza. Ano naman kasing masarap dito, unang kagat ay tinapay lahat. Sobrang gaan pa, obvious na puro hangin ang laman. Tapos kapag nahipan ng hangin matigas na agad ang dough. Buy one, take one problem. Buti na lang at mabilis akong maglakad dahil naabutan ko pa ang lalaking pakay sa elevator. Sobrang nakaka-intimidate siya kaharap. Ang gwapo at ang bango niya. He has this playful aura in him. Sana talaga ay siya na. Sinong mag-aakalang may ganito kagwapong abogado pala? He would pass as a model. Hindi ko pinapahalatang sinusundan ko siya. Binabagalan ko ang aking lakad at minsan ay nagkukunot-kunutan ng noo na kunwari ay hinahanap ko iyong pagdedeliver-an ko nitong pizza na hawak ko. Tamang-tama pa la na nag-cap ako dahil magiging delivery girl pala ako today. Nakita kong pumasok siya sa room 143. Naghintay muna ako ng mga two minutes bago mag-doorbell. "Yes?" ngiting bati niya sa akin pagkabukas ng pinto. "Pizza delivery po, Sir." Binigay ko sa kanya ang box, samantalang siya naman ay kinunutan lang ako ng noo. Tinanggap niya rin naman kalaunan dahil wala na siyang nagawa nang idikit ko iyon sa kanyang dibdib. Bakas sa gwapong mukha ang pagtataka. "I don't remember that I ordered pizza," he murmured, looking weirdly at me. Lumingon siya sa likod, "Babe, did you ordered pizza?" he asked sweetly, maybe it's his girlfriend. Naku wrong timing, may kasama. "No, baka si Drake," sagot sa kanya no'ng babae. At sino naman 'yong Drake? Napakamot ako sa aking pisngi. Paano ba ito? Anong sasabihin ko? Ahuh! Sasabihin ko na lang na si Drake nga ang nagpadeliver. "S-Sir Nigel.." maingat na wika ko habang binabasa ang emosyon sa kanyang mukha. "Nigel?" He cut me off. Nagtataka akong tiningnan. "O-opo. Iyon po kasi ang nilagay na delivery address ni Sir Drake nang tumawag siya sa amin. P-para raw po ito kay Mister Nigel Revamonte," pagmamaang-maangan kong sagot. His lips tugged up, dahilan pa kabahan ako. Pakiramdam ko ay isa akong magnanakaw na nahuli sa akto. "Really?" "Yes, Sir. Nariyan po ba s'ya?" umaasa kong tanong. "I'm not, Nigel, Miss, and there's no Nigel in here. I'm King Mikael Davis." Puno ng aliw ang kanyang ngiti habang nakasandal sa hamba ng pintuan. "You better be good at stalking next time." My eyes went wide. Siguradong pulang-pula sa hiya ang dalawang pisngi ko. Walang salitang lumabas sa bibig ko at mabilis na kumaripas na lamang ng takbo paalis. "Hey, Miss!" Tinawag niya pa ako nang paulit-ulit ngunit nagbingi-bingihan ako at hindi na siya pinansin. Shit. s**t. s**t. I cried in frustration when I reached the parking area—my eagerness to found my birth parents finally vanished. Sa tagal ng pagbabakasali ko'y unti-unti na yatang akong napapagod. "M-Ma'am? Okay, ka lang po?" tanong ng isang pambabaeng tinig. My forehead creased at her. Saglit na tinapunan ng tingin. She somehow annoyed me. Ni hindi ko nga siya kilala. I don't have enough energy to answer some stranger who saw pity on me. As much as I want to give her a b***h face, dahil siguro sa hitsura ng mukha ko ay napagod na itong magbigay ng kahit anong emosyon. I only nodded and shifted my gaze elsewhere. "Sure ka diyan, Ma'am?" "Shut it." I sternly said without looking at her. Bakit niya ba ako pinapansin? She could mind her own business and leave me here. Nakainis, feeling close. "Uhm, katulong po ako ni Sir King na isa sa malapit na kaibigan ni Attorney Nigel Revamonte. Nakita ko po kayo kanina." Doon na niya nakuha ang atensyon ko. Ibinalik ko ang tingin sa kanya. Biglang nahiya sa inasal kanina. "R-really?" "Opo. Bakit niyo po na hinahanap si Attorney?" "I-I'm sorry for earlier," mabait na wika ko. "I'm just frustrated and tired—gusto ko lang namang humingi ng tulong kay Attorney Nigel Revamonte para mahanap ang tunay kong mga magulang. "Mapait akong napangiti. Iyon ang dahilan kung bakit ko ito ginagawa. I consulted many professionals, but they're no help, sobrang bagal—inabot na ng taon. Iyong kakulangan ng puso at pagkatao ko ay gusto ko lsng naman mapunan. Don't get me wrong. I love my adoptive parents so much, plus my amazing and noisy brothers. Hindi naman nila inilihim sa akin ang bagay na iyon. They treat me as their own, a princess that couldn't ask for more. Pero iba pa rin kung tunay mong mga magulang ang mag-aaruga at magmamahal sa'yo. I don't care anymore about the reasons why they abandoned me. I have no hurt feelings. I just want to know them to fill the void in my heart." She nodded and smiled sadly at me. "Sobrang ilap po talaga ni Attorney, Ma'am. Pasensya na po kung hindi ko man kayo matulungan ng buo. Ang tanging maibibigay ko lang po sa inyo ay ang address ng kanyang bahay." Nanlaki iyong mga mata ko. Parang nag-awitan ang mga anghel sa aking isip nang marinig iyon. "Hindi naman po kami close at bagong katulong lang rin po ako ni Sir King. Hindi lang isang beses na maraming naghabol kay Attorney pero madalas po kasi ay tinatapatan nila parati ng pera at nananakot. Kaya nga po gano'n na lang kahigpit ang seguridad niya. Madalas iyon ang bukambibig ng abogado kapag sila ay magkakasama. Kayo lang po ang nakita kong gumawa ng ibang paraan para mapalapit sa kanya," magaan na ngiti niyang sambit. I hugged her tight after we talked. She really gave me the address of Attorney Nigel Revamonte. Mabilis na pinasibad ko ang sasakyan patungo sa Royal Condominium. Madalas raw doon ang abogado ngayon dahil mas malapit ito sa law firm. Hindi ako nahirapang makapasok kahit na exclusive iyon dahil ang isa sa mga barkada ni Kuya Janus ay doon nakatira. Wala akong inaksayang oras. Maigi na lang at lipas na ang rush hour. I was approaching Ayala Avenue nang may marinig akong malakas na kalabog. s**t, sumabit pa yata ako. That red car will be the death of me. Sumingit siya dahilan para sumabit ang sasakyan ko sa plant box. I pulled over and got out of my car. "Pwede bang magdahan-dahan ka?! Alam mong nasa harapan mo ako at alanganin na magtake-over ay ginawa mo pa rin!" Galit na galit ko siyang hinarap. Napahilamos siya at lulugo-lugo akong hinarap. Parang walang pakialam. He looks bored while looking at me. Kahit na medyo malayo ay langhap ko na agad ang nakakatusing na amoy ng alak na nagmumula sa kanya. The smell of the alcohol and his perfume made a sweet combination kahit may katapangan. He stood up and crossed his arms; his long pink sleeves fit perfectly on him. Shut up self. Ano ba itong naiisip ko? "Are you done?" I was in awe. Pagak akong natawa sa tinuran niya. Siya na nga itong may kasalanan ay siya pa ang malakas ang loob na magsungit. Napatingala ako at humugot ng malalim na hininga. "Hey, Mister pink panther.." "What?" aburido niyang tanong. "Stop. I'm still talking.." I took off my cap and faced him properly. Ang kaninang inis na mga mata ay naging mapaglaro ang mga tingin sa akin. Unti-unting umangat ang sulok ng labi. Sinuklay niya paitaas ang may hindi kahabaang buhok na nakatabing kanina sa gwapo niyang mukha. He has two beautiful blue eyes that were staring playfully at me. Lalong kumislap ngayong natatamaan ng liwanag mula sa street lights. I shooed my thoughts away. Sinaway ang mga papuring naiisip para sa kanya. Ilang beses ba akong madi-distract ng lalaking ito? It is an embarrassing moment. I was supposed to be pissed. Right. Be pissed, Kate. Focus. "Ang lakas naman ng loob mong sumagot ng ganyan gayong ikaw naman ang may mali. You are fvcking..." "Beautiful." He murmured. "What?" lito kong tanong. Eng-eng yata ito. "I said you're beautiful. Will you be my girlfriend?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook