bc

Love To Sin

book_age0+
5.8K
FOLLOW
42.1K
READ
forbidden
possessive
sex
dominant
submissive
drama
comedy
bxg
like
intro-logo
Blurb

Have you ever experienced falling in love with your godfather who's extremely handsome and hot?

Si Guia ay isang heredera at unica hija. Maganda, matalino, mayaman at kaya niyang makuha kung ano ang naisin.

A brat in nature and a horrid personality to boot, she has fallen in love with her fathers best friend Fabian Devonscott who by the way is her godfather. Sa dinami-rami ng lalaki sa mundo sadyang sa Ninong Fabian lamang siya tinamaan.

Due to uncontrollable circumstances a forbidden love has materialized between Guia and Fabian.

Was it fate that brought these two together and share a forbidden love? at what cost will it take and where will this love take them?

chap-preview
Free preview
Chapter1
Masaganang naghahabi ng tela ang matandang katiwala ng mga Bishop na si Ka Pureng nang biglang dumating ang dalagitang si Guia--- ang nag iisang anak ng biyudong si Fernandino Bishop. Masungit ang dalagita kung kaya naman, ayaw na ayaw rito ng mga kasambahay sa loob ng Hacienda de Bishop. "Hay, nandiyan na naman ang masungit," bulong ng isa sa mga trabahador sa loob ng pabrika. "Ano'ng sinabi mo? Gusto mong tahiin ko 'yang bunganga mo?!" At dinampot ng dalagitang si Guia ang kapiraso ng karayom at sinulid. Padabog na dinuro ang isang babaeng nagsabi ng masama rito. "Ah, Senyorita, wala po... wala po akong sinabi," takot na sagot nito. Kaagad namang napairap si Guia na akala mo'y uusok na ang ilong. "Nasaan ang papa?" tanong nito sa matandang si Ka Pureng na naghahabi ng tela. "Kasama po si Senyora Sandra. Nasa kuwadra po." Nangasim ang mukha ni Guia nang mapag-alamang kasama na naman ng kan'yang papa ang babaeng ipinalit sa namayapang ina. Hindi naman niya masisisi ang kan'yang ama, dahil bata pa naman ito at maganda ang pangangatawan. Labing-apat na taon nang magkaanak noon si Fernandino sa babaeng hindi niya mahal at iyon ang ina mismo ni Guia. Kaya, kahit na diecinueve na si Guia at trenta y tres naman ang kan'yang ama ay mukha lamang silang magkapatid. Dahil din sa kaguwapuhan ng ama, hindi maiwasang may mahumaling ditong mga kababaihan. Iyon nga lang, hindi gusto ni Guia si Sandra para sa rito. Si Sandra na kasing edad lamang niya. "That b***h again!" Umuusok na ang ilong ng dalaga. Ayaw na ayaw talaga nitong makita ultimo anino ni Sandra. Sinadya n'yang hindi dumaan sa kuwadra dahil alam n'yang mas masisira lamang ang kan'yang umaga. Kaya naman, dali-dali siyang lumabas ng pabrika at padabog na pumunta ng bukid. Sobrang lawak na bukirin ang nasasakupan ng Bishop. Tinatanaw lamang niya ang mga tauhan ng ama na nagtatanim ng palay sa kasagsagan ng init dahil sa tirik na araw. "Bwiset!" bulong nito sa sarili. Kinuha ang isang stick ng sigarilyo at sisindihan na sana nang may sumampal ng kan'yang kamay kaya ito natapon sa lupa. "What the?" gulat na bulyaw ng dalaga atsaka nilingon kung sino ang walanghiyang gumawa na 'yon. "Is that what your father taught you?" Napakunot noo ang dalaga. Hindi niya kilala ang lalaking nakasimangot ngayon sa harapan niya. "Sino ka ba?" Nagtaas na ng kilay si Guia sa guwapong ginoo na nasa harapan nito. Suot ang pormal na puting polo habang nakabukas ang ilang butones at kulay abo na pantalon. Hindi nakawala sa paningin ng dalaga ang kaguwapuhang taglay ng ginoo. Salubong ang kilay dahil nakasimangot ito ngayon sa kan'ya ngunit hindi man lang hadlang 'yon para mabawasan ang kagandahang lalaki. Matatapang na mga matang kulay kayumanggi, matangos na ilong, manipis na labi at balbas na patubo palang dahil sa pagkakaahit. Napalunok si Guia dahil sa kakaibang pagnanasang nadarama para dito. Bakit? Bakit s'ya nakararamdam ng gano'n sa lalaking hindi naman n'ya lubusang kilala. Sino nga ba ang estrangherong ito na ngayon lamang niya nakita sa buong buhay niya? "Fabian!" Baritonong boses ang pumukaw kay Guia. Nawala ang pagkahumaling sa ginoong nasa harapan at lumingon ito dahil sa pamilyar na tinig. "Papa..." pabulong na sabi niya. "Oh, Guia. Nagkakilala na pala kayo?" Isang makisig na lalaki ang ama ni Guia. Kasa-kasama nito ang nobya na si Sandra. Si Sandra na kinababaliwan ng kan'yang ama. "Fernandino," Nagkamayan ang dalawa nang magpang-abot. "Fabian, ang anak ko si Guia. Magkakilala na ba kayo?" Nakangiting tanong ng ama ni Guia. Bumaling ang tingin ni Guia kay Fabian na seryoso ang mukha. Ano ba ang sinasabi ng ama? Naguguluhan siya. "Guia," banggit ng binata sa pangalan niya. Napakunot-noo lalo si Guia. Mukhang kilala naman kasi siya ng ginoo. "Siya ang Ninong Fabian mo, Guia. Siya ang matalik na kaibigan ko. Fabian Devonscott." Hindi naman makapaniwala si Guia. Ang guwapong ginoo na nagngangalang Fabian ang kan'yang Ninong? Buong akala kasi niya ay matanda na ito. Buong akala niya ay panget at mataba ito. Pero nakain yata niya ang dila nang makitang labis kag'wapuhan ng kan'yang Ninong Fabian. Lumapit ang ama ni Guia kay Fabian para akbayan. Para lang silang magkapatid at nakababata naman si Fabian. "Kailan ka pa nakauwi?" tanong ng ama. "Kahapon pa," tipid lang na sagot ni Fabian na mukhang suplado. Galing kasi itong Italy at umuwi ng Pilipinas. Nag-stay muna sa Manila bago bumyahe sa Cebu kung san nakatira ang matalik na kaibigan na si Fernandino. Naglakad naman si Sandra habang malaki ang pagkakangiti sa mga labi. Iniabot ang kamay kay Fabian at naghihintay na halikan ang likuran nito. "Hindi mo ba ako ipapakilala sa kaibigan mo?" tanong ni Sandra sa ama ni Guia. "Siya si Sandra ang magiging bagong ina ni Guia," pakilala ni Fernandino. Inabot naman ni Fabian ang kamay ni Sandra atsaka ito hinalikan. "What? No way! Hindi ako papayag!" Pasigaw na sabi ni Guia kung kaya naman, napatingin sila rito. "Guia, napag-usapan na natin 'to!" Maawtoridad na sigaw ng kan'yang ama. "Pakakasalanan mo ang babaeng 'yan? Bakit? Kasing edad ko lang si Sandra!" sigaw ni Guia at mabilis na nangilid ang mga luha. Palihim naman at tahimik lamang siyang pinagmamasdan ni Fabian... pinagmamasdan ang kainosentihan ng mukha ng dalaga. "Bakit ninyo nagawa sa akin 'to? Bakit!" sigaw ni Guia sabay hablot ng kuwintas sa leeg ni Sandra. "Guia! What are you doing?!" Makakatikim na sana ito ng malutong na sampal mula sa ama nang pigilan ni Fabian. Wasak na wasak ang katauhan ni Guia dahil hindi niya matanggap ang planong pagpapakasal ng ama kay Sandra. Hindi nito matanggap na magiging ina na niya si Sandra Vergara ang kaniyang kinamumuhian. Dali-daling nagtatatakbo palayo si Guia. Dala-dala pa ang kuwintas na Emerald. Ang kuwintas noon ng kan'yang ina na hindi niya aakalaing ibibigay ng ama kay Sandra. Mahalaga kay Guia ang kuwintas na iyon dahil sa ito ang nagsisimbolo na ang kan'yang ina ang kauna-unahang babaeng Bishop. Sa angkan kasi nila ay may sinusunod na patakaran--- Emerald para sa unang asawa at Ruby naman para sa ikalawang asawa. Hindi niya matanggap ang ginawa ng ama at mas lalong hindi niya matatanggap kung si Sandra pa ang makakakuha ng Emerald na kuwintas. "Hindi mo na ginalang ang mama!" galit na ibinulong ni Guia sa hangin.  "'Kung nandito lang ang Great Grandma hindi ito mangyayari," sabi muli nito. Tinutukoy ang lola na tinatawag na Great Grandma. Lubhang mayaman ang pamilyang Bishop, kung kaya naman, marami talagang ang mga batas na kailangang tuparin sa buong angkan nila. "Kainis na Sandra 'yan. Ang sarap kalbuhin!" umiiyak na sabi nito habang padabog na pumasok ng Hacienda. "Tabi!" sigaw nito sa katulong na nagwawalis lamang sa labas kung kaya naman, napatabi ito agad-agad. Madilim ang aura ni Guia at wala ni sinoman ang kaya siyang kausapin. Takot ang mga katulong dito dahil sa kademonyohan ng dalaga. Kalat sa buong hacienda ang ginawa niyang pagkalbo kay Belen--- ang babaeng lumandi sa kan'yang ama bago pa dumating sa buhay nito si Sandra. Pagkarating ng kuwarto'y pabalang na ibinagsak ang pintuan. Nakabusangot ang mukha at patakbong nahiga sa kama. Sobra-sobra ang sama ng loob ni Guia sa ama at lalong lalo na kay Sandra. May ginawang kasalanan si Sandra kay Guia na hinding-hindi niya makakalimutan. Dahil si Sandra ang naging dahilan kung bakit nagloko ang unang nobyo nito na si Enrique. Ngayon, paano niya matatanggap na ang kinamumuhiang babae rin pala ang kaniyang magiging ina. Hindi, hindi niya matatanggap dahil abot langit ang pagkasuklam niya para kay Sandra. Guia: "Senyorita nakahanda na po ang hapunan. Kailangan ninyo nang bumaba." Wala akong imik. Nakahiga lang at walang ganang tumayo. Tsk! Ano'ng gusto ng papa? Makita ko ang babaeng 'yon? Makita ko ang pag tagumpay ni Sandra? Ang kapal mo Sandra. Sobrang kapal ng mukha mo. Ilang araw na ba akong grounded? Pati cellphone ko kinuha ng papa dahil sa magaling na Sandra na iyan. I hate her so much! "Senyorita?" Kainis! Bakit hindi pa umaalis ang panget na ito. "Wala akong gana!" sigaw ko. Mapudpod sana ang kamay mo kakakatok diyan dahil hindi kita pagbubuksan ng pinto. Nanatili na ang katahimikan. Kumulo na ang tiyan ko nang bigla namang bumukas ang pinto. Nagulat ako, paanong bubukas 'yon naka lock ito? May nangahas na pumasok. Lumingon ako at nakita ko si Sandra. Siya lang mag-isa habang hawak ang susi sa lahat ng kwarto. Tumaas ang kilay ko habang nakapamewang naman ito. "Hindi ka talaga kakain?" Wow. Nag-iba bigla ang ihip ng hangin. "Umalis ka rito. Ayoko makita 'yang mukha mo!" iritableng sabi ko. Napangisi naman ito at napailing. Humakbang pa rin kahit na ayokong madikit ni ultimo takong ng sapatos niya sa sahig mismo ng kuwarto ko. Nag-igting ang aking mga ngipin ng marinig ang paglapit ng mga takong nito sa kinaroroonan ko. Masama ko siyang tinitigan. "Kumain ka. H'wag mong bigyan ng sama ng loob ang papa mo," aniya. Napangisi ako atsaka tumayo upang magpantay kami. Mataas siya 'di hamak nang kaunti dahil sa suot na sapatos. Habang ako nama'y nakayapak sa malamig na sahig. "Guia, H'wag mo akong subukan," nagsimula siyang manakot. Tsk! Sino ang tinatakot niya? "Ako ang h'wag mong subukan, Sandra. Hindi mo alam ang ginagawa ko sa mga kumakabit!" Nanlaki ang mga mata nito dahil sa binitawan kong salita. Umangat ang kanang kamay at akmang sasampalin ako nang unahan ko ito. Sinampal ko lang naman nang malakas para matauhan. "Huwag na huwag mong ididikit ang maruming palad mo sa balat ko," sabi ko sabay punas sa damit niya ng aking kamay. Natulala ito, hindi siya kaagad nakaimik at namula ang magkabilang mata dahil sa nagbabadyang mga luha. "Subukan mong umiyak at magsumbong sa papa. Tapos ang buhay mo." Alam ko na naramdaman niya ang kilabot sa binitawan kong salita. Wala ninoman ang nangahas na kalabanin ang gaya ko dahil alam nila ang kung ano ang kalalagyan nila sa mga kamay ko. Lumabas ako ng k'warto at iniwan si Sandra. Pagbaba ko sa hagdan ay naabutan ko ang papa at ang Ninong Fabian na masayang nagkuk'wentuhan. Nagsisimula na silang kumain na dalawa kaya naman, sumali na ako. Isang kakaibang ngiti ang sumilay sa mga labi ko nang maalala ang mukha ni Sandra na halos iiyak na. "Oh, Guia, mabuti naman at nandito ka na. Tabihan mo ang iyong Ninong Fabian," sabi ng papa. Nagkatinginan pa kami ni Ninong Fabian. Napalunok ako nang makita muli ang mga tingin niyang nakakalunod. "Sorry, Na-late ako. Nag-ayos pa kasi ako ng kama ni Guia." Napukaw ang atensiyon ko nang dumating si Sandra. Kaagad ko itong tinaasan ng kilay dahil sa kasinungalingang taglay. May sumpa ang dila ng babaeng ito. Sumpa na kailangan ko nang putulin. Naupo na ako sa tabi ng Ninong habang katabi naman ng papa si Sandra. Tahimik na kaming kumakain, napansin ko naman ang kakaibang tingin at ngiti ni Sandra na alam kong para kay Ninong Fabian iyon. Nagkunwari akong hinulog ang tinidor. Napayuko ako at nakita ko mismo sa ilalim ng mesa ang ginagawa ni Sandra. Tinanggal niya ang suot na sapatos at hinahaplos nito gamit ang sariling paa ang p*********i ni Ninong Fabian. Napaupo ako dahil sa nakita ko. "Hija, are you all right?" tanong ng papa. Napatingin naman ako nang masama kay Sandra at kay Fabian na walang kahit na anong emosiyon. Nakatingin lang ito sa kinakain at tahimik. Sinipa ko ang tuhod ni Sandra at napadaing ito. Sinamaan ko ulit siya ng tingin at tinaasan ng kilay. Halata ang pagkagulat at pagkaputla sa mukha nito na siyang ikinatigil niya--- ikinatigil sa kababuyan. Napalingon din ako nang masama kay Ninong Fabian na nakatingin na pala sa akin. Kakaibang tingin--- malalim at seryoso. "I'm okay, Papa. Nawalan lang ako ng ganang kumain. Nasusuka kasi ako," sabi ko habang masama pa rin ang mga tingin kay Fabian. "May sakit ka ba?" nag-aalalang tanong ng papa. Hindi ko pa rin tinatanggal ang masamang tingin kay Fabian. Wala na akong respeto pero iyon ang gusto kong itawag dito. "Wala, Papa. Magkakasakit pa lang," mariing sambit ko habang nakikipaglabanan ng titigan kay Fabian. Gumuhit ang kakaibang ngisi nito na siyang nagpadaloy ng libo-libong kuryente sa aking buong katawan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

He's Cold Hearted

read
160.4K
bc

My Godfather My husband

read
269.3K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.9K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.4K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.3K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.2K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
453.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook