bc

MARRYING THE HEIR

book_age16+
42
FOLLOW
1K
READ
possessive
age gap
pregnant
independent
boss
maid
sweet
city
like
intro-logo
Blurb

Fifteen years old si Kate Aragon nang mamatay ang kaniyang mga magulang. Kaya naman ang best friend ng mga ito na si Mr. Kee ang nagpaaral at nag-provide ng mga panga-ngailangan niya araw-araw.

Simula pagkabata hindi pa niya nakikita si Mr. Kee basta ang alam lang niya ito ay matandang bilyonaryo na mahilig tumulong sa mga dukha.

Buong akala niya ay libre ang mga tulong na ibinigay ni Mr. Kee pero hindi pala dahil lahat ng iyon ay may kabayaran.

Nang sumapit ang kaniyang 20th birthday personal na nagpakilala sa kaniya si Mr. Kee isa itong gwapo, mestiso, maskuladong bilyonaryo pero isip bata.

Sinisingil siya nito ng milyones kabayaran sa pagpapaaral at pagpapakain nito sa kan'ya. Pero dahil wala siyang maibayad kaya sapilitan siya nitong pinakasalan at ginawa siya nitong katulong sa Hacienda Salvador na pag-aari nito.

Gusto niyang tumakas sa Hacienda Salvador pero paano niya iyon gagawin?

Minu-minuto, oras-oras siyang binabantayan ni Mr. Kee ginawa siya nitong taga-hilod, taga-ahit ng balahibo nito at umaga, tanghali, gabi sinusuboan niya ito sa pagkain.

Makatakas pa kaya siya sa poder ng binata oh, habang buhay na siya nitong magiging alila?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nag-iinat na bumangon si Kate sa kama. Excited s'yang lumabas ng kwarto upang tingnan kung may regalo nang ipinadala si Mr. Kee. Pagbukas niya ng pinto bumangad sa harapan niya ang isang kahon na kasing laki ng balik bayan box. May red card na nakadikit sa ibabaw ng kahon. Kinuha niya ang red card at tahimik niyang binasa ang nakasulat doon. "Mi amore, happy. . . . happy. . . . 18th birthday! See you at 6:00 p.m tonight." From Mr. Kee. Napangiti s'ya nang mabasa niya ang sulat ni Mr. Kee dahil finally after five years makikilala na niya ito. Si Mr. Kee ay matalik na kaibigan ng namayapa niyang mga magulang ito ang nagpaaral sa kaniya at nag-po-provide ng mga panga-ngailangan niya araw-araw. "Ano kayang hitsura ni Mr. Kee? Matandang panot na malaki ang tiyan? Oh, baka naman matanda na maputi ang buhok?" Curious na tanong niya sa kaniyang sarili habang binubuksan niya ang kahon. Katulad noong mga nakaraang birthday niya damit, pabango, sapatos at pera ang regalo sa kan'ya ni Mr. Kee. Isinarado n'ya ang kahon inilagay niya iyon sa loob ng kwarto. Pakanta-kanta siyang pumunta sa kusina. Binuksan niya ang refrigerator kinuha n'ya ang mga ingredients na gagamitin niya sa pagluluto ng almusal. Nagluto s'ya ng piniritong itlog at bacon nag-toast din s'ya ng tasty bread at nagtimpla s'ya ng gatas. Binuhay niya ang T. V bago s'ya kumain ng breakfast. Birthday na birthday niya ngayon pero simpleng breakfast lang ang kinakain niya at wala siyang kasalo. Simula noong namatay ang mga magulang niya limang taon na ang nakakaraan hindi na s'ya nag-hahanda tuwing birthday niya. Meron naman s'yang pera na pambili ng bonggang handa pero nang hihinayang s'yang gumastos, dahil gusto niyang maka-ipon upang makapagpundar s'ya ng sarili niyang negosyo. Tinapos n'ya ang pagkain ng almusal. Hinugasan niya ang kaniyang mga pinagkainan at nilinisan na rin niya ang buong kusina. Mag-ge-general cleaning s'ya ngayon dahil nakakahiya naman sa kaniyang bisita kung madadatnan nitong madumi ang bahay niya at bakuran. Pagkatapos niyang linisan ang kusina, living room naman ang nilinisan niya. Nag-floor wax siya ng sahig, pinunasan n'ya ang mga maliliit na figurine na naka-display sa estanti at pinalitan niya ang mga kurtina at cover ng sofa. Pagkatapos n'ya linisan ang living room inilabas n'ya ang mga garbage bag na may lamang basura at isinalang niya sa washing machine ang maduduming damit. Habang umiikot ang washing winalisan niya ang likod, gilid at harapan ng bahay binunot din niya ang mga damong ligaw na nagsisimula nang tumubo. Tumatagaktak na ang pawis niya sa mukha at nanlalagkit na ang kaniyang pakiramdam. Pero hindi pa rin s'ya tapos sa gawaing bahay. Kinuha niya ang mga damit sa washing machine isa-isa niya iyong binanlawan pagkatapos isinampay niya ng maayos. Takipsilim na nang siya ay matapos maglaba. Masakit ang likod at balakang na pumasok s'ya sa loob ng bahay. Dumiretso s'ya sa loob ng banyo kailangan na niyang maligo dahil baka dumating na si Mr. Kee maaabutan siya nitong amusin. "Tao po! Tao po! Tao po!" Hindi pa siya tapos magbihis narinig na niyang may taong sumisigaw sa labas ng bahay. Isang simpleng bulaklakin na bestida ang isinuot niya at nagmamadali siyang lumabas ng bahay kahit tumutulo pa ang tubig sa basa niyang buhok. Napatigil siya sa paghakbang nang makita niya ang gwapo, makisig na binatang prenteng nakasandal sa mamahalin nitong sasakyan. "Good evening! Mr. anong kailangan mo? Bakit nakatambay ka pa dito sa harapan ng bahay ko eh, gabi na?" magalang na tanong niya sa lalaki. "Good evening! Kate tulad ng sinabi ko sa sulat bibisitahin kita ngayong gabi," pormal na sagot nito sa tanong niya. "Bibisitahin mo ako? Eh, si Mr. Kee lang naman ang nagpadala sa akin ng sulat. Oh, my God! Don't tell me na ikaw si Mr Kee?" Namimilog ang mga mata na tanong niya sa binatang seryusong nakatingin sa mukha niya. "Yes! Kate I am Keeran Salvador." "Nagbibiro ka lang diba? Kasi ang pagkaka-alam ko ang old friend ni Mama at Papa ay panot na matanda," hindi niya napigilang isatinig ang laman ng kaniyang isipan. "Ha ha ha! Kate saan mo naman nakuha ang idea na ako ay matandang panot?" Tumatawa, umiiling-iling na tanong sa kan'ya ni Keeran. "Ahh.. eee.. kasi---" "It's okay, Kate ang mabuti pa pumasok na tayo sa loob ng bahay mo para makapag-usap tayo nang maayos." Binuksan niya ang gate parang Hari na naglakad si Keeran papasok sa loob ng bahay niya tuwid na tuwid ang likod nito at umiimbay ang matambok nitong pang-upo. Sitting pretty na naupo si Keeran sa medyo matigas na sofa. Naiilang na umupo s'ya sa sofa na katapat nito. Hindi n'ya alam kung paano niya ito kakausapin dahil wala naman siyang idea kung ano ang sadya nito sa kan'ya. "Kate maganda itong loob ng bahay mo simple lang pero malinis at payapa ang paligid." Nakangiting papuri ni Keeran sa munti niyang bahay. "Mabuti naman po Mr. Kee at nagustohan mo itong bahay ko. By the way, bakit mo po ako binisita? May importanteng bagay ka po bang sasabihin sa akin?" "Yes! Today it's your 18th birthday nakasulat sa kasundoan namin ng iyong mga magulang na pag-edad mo nang dise-otso ay sa Hacienda Salvador ka na titira." "Ano?!" Nagulat s'ya sa sinabi ni Keeran dahil wala naman siyang alam sa kasundoan na sinasabi nito. "Mr. Kee ayaw ko pong tumira sa Hacienda Salvador dahil plano ko pong mag-apply nang trabaho sa syudad upang magamit ko ang aking pinag-aralan." "Kate sa akin ka magtatrabaho bilang PM ko," walang ka emo-emosyon na saad nito. Kumunot ang makinis niyang noo dahil hindi niya naintindihan ang sinabi nito. "Mr. Kee ano pong ibig sabihin nang PM?" "Personal Maid." "Hahaha! Really?!" Natawa s'ya sa sinabi nito. "Mr. Kee nagbibiro ka lang naman di ba? Kasi pinag-aral mo ako kaya imposibleng gawin mo akong katulong." "Seryuso ba ang lalaking ito? Gwapo sana kaya lang para siyang may saltik sa utak. Imagine ang ganda-ganda ko tapos graduate college ako gagawin lang niya akong katulong. Mabuti sana kung paliliguan ko siya araw-araw okay, lang dahil mahahawakan, malalamas ko ang macho, mala-adonis niyang katawan." Naiirita, medyo kinikilig na bulong nang isip niya. "Im not joking Kate seryuso ako at kung ayaw mong maging PM ko palitan natin PA na lang personal assistant," nakakalukong saad nito. "Ha?! PA?! Eh, ganun pa rin iyon katulong pinaganda mo lang ang tawag!" Hindi niya napigilang sumigaw dahil inis na inis siya dito. "Kate can you please tone down your voice dahil wala ka namang kaaway," kalmadong saad ni Keeran. Eh, samantalang s'ya mapapatid na ang litid niya sa leeg kasisigaw. "Paano ako hihinahon Mr Kee?! Eh, bigla kang sumulpot dito sa pamamahay ko. Gusto mo akong tumira sa hacienda mo para maging personal maid mo, katulong, alalay. Mr. Kee bakit pinag-aksayahan mo pa ako ng pera? Para makagraduate nang ABM? Eh, iyon naman pala pagiging dakilang katulong ang bagsak ko." Mangiyak-ngiyak na siya sa galit pero si Keeran kalmado lang. Para itong temang na nakatitig sa namumula niyang mukha. "Kate napaka-cute mo para kang malaking kamatis pag nagagalit namumula ang maganda mong mukha at hindi na makita ang itim ng iyong mga mata dahil sa sobrang kasingkitan," naaliw na bulong ng isip ni Keeran. "Kate sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sa akin kaya mag-impaki ka na para makaalis na tayo. Mga importanteng bagay lang ang dalahin mo dahil kompleto na ang gamit mo sa Hacienda." "Mr. Kee paano kung ayaw ko sumama may magagawa ka ba?" Gusto pa rin niyang magprotesta dahil ayaw talaga niyang tumira sa Hacienda Salvador. "Yes! May magagawa ako Kate pwedeng-pwede kitang buhatin papunta sa loob ng sasakyan ko. But I won't do that dahil hindi ako ang tipo ng lalaki na namimilit ng babae. At kung talagang ayaw mong sumama sa akin bayaran mo na ako ngayon sa lahat ng nagastos ko sa pag-aaral mo simula noong elementary student ka pa lang hanggang college, at itong bahay na tinitirahan mo ngayon bayaran mo na rin dahil ako ang may ari nito." Natameme siya sa sinabi ni Keeran dahil ang dami nga naman nitong naitulong sa kan'ya. Pero imbis na pasalamatan niya ang binata inaaway niya ito. "Mr. Kee pasensya ka na dahil napagtaasan kita ng boses kasalanan mo rin naman eh, binigla mo ako hindi ko inaasahan na bigla kang susulpot dito sa pamamahay ko at sisingilin mo ako agad-agad ng milyones na utang. Saka akala ko talaga kusang loob na ibinigay mo sa akin ang pera na ginagastos ko araw-araw." "Kate sobrang mahal ng mga bilihin ngayon pero napakahirap kumita ng pera. Kaya huwag ka nang mag-expect na may tutulong pa sayo nang libre dahil sa totoo lang kung hindi ka magbabanat ng buto araw-araw mamatay ka sa gutom. Oh, siya sige, na mag-impaki ka na hihintayin kita sa labas." Tinititigan niya ng matalim ang malapad na likod ni Keeran bago s'ya nagdadabog na pumasok sa loob ng kwarto. Inilagay niya sa maliit na traveling bag ang pera at plastic envelope na may importanteng mga dukumento. Hindi na s'ya nagdala ng damit dahil plano niyang tumakas kapag nakakuha s'ya nang magandang tyempo. Naka-simangot na lumabas siya ng bahay. Pero si Keeran todo ngiti at nagawa pa s'ya nitong ipagbukas ng pinto. "Sorry, Mr. Kee pero sa back seat ako uupo. Dahil hindi ako sanay na may katabing lalaki sa loob ng kotse," pagtataray niya dito. Gusto niyang iparamdam kay Keeran na ayaw niya itong makasama. "Kate kapag hindi ka pa umupo ngayon dito sa shotgun seat kakalongin kita hanggang sa makarating tayo sa Hacienda Salvador at hindi ko na kasalanan kung tumigas itong talong ko dahil sa katigasan ng ulo mo," mahinang wika ni Keeran pero nakakatakot ang tono ng boses nito. "Sabi ko nga excited akong umupo sa shotgun seat katabi ka. Ito na nga po sir oh, uupo na." Ngumiti s'ya ng peke at naka-dekwatrong umupo siya sa tabi nito. Nakita niyang umaalog ang balikat ni Keeran dahil pinagtatawanan siya nito. Sa sobrang inis niya kinagat niya ang kaliwa nitong balikat. "Arayy! Kate ano ba?! Bakit ka na nga-ngagat? Sige kagatin mo pa ako at pamamagain ko sa halik iyang maldita mong labi." Nakangiwi, nasasaktan na saad nito. Para siyang takot na kuting na umatras sa pintuan ng sasakyan nang makita niya ang galit na anyo ni Keeran. "Don't be scared Kate dahil hindi naman kita sasaktan. Hubarin mo itong T-shirt ko tingnan mo kung may sugat ang balikat ko. Paki-punasan mo na rin kasi baka may dumikit na rabies mabaliw pa ako sayo dahil sa kapilyahan mo." Napanganga siya at natuyoan siya ng laway dahil sa sinabi ni Keeran. Hindi niya alam kung paano mag-re-react sa kapilyohan nito. "Oh, uminom ka ng tubig para mawala ang bara diyan sa lalamunan mo. Halatang-halata kasi na nabilaukan ka ng laway nang sabihin ko sayo na hubarin mo itong damit ko." Natatawang iniabot nito sa kan'ya ang mineral water bago nito ini-start ang sasakyan. Tumatawa itong nag-drive pauwi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook