bc

MY MAFIA HUSBAND

book_age18+
1.1K
FOLLOW
4.1K
READ
heir/heiress
sweet
betrayal
cheating
enimies to lovers
lies
secrets
faceslapping
weak to strong
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

BLURB

Paano ba matanggap ni Natasha na ang taong mahal na mahal niya ay anak ng babaeng pumatay sa kaniyang mga magulang? Si Nathasha ay spoiled brat at walang pakialam sa pangyayari sa kaniyang paligid. Pero nang nagkasakit ang kaniyang ama ay napilitan siyang umupo bilang CEO ng kanilang company. Pumasok sa buhay niya si Harry Anderson. Nag-invest ito sa kanilang company, hindi n'ya alam ang totoong dahilan kung bakit pumasok si Harry sa buhay n'ya, ang pakay nito ay ang paibigin siya at kunin ang lahat sa kaniya. Ang mga kayamanan niya at ang company. Nagpakasal sila at minahal niya ito nang sobra-sobra huli na nang nalaman niya ang katotohanang fake lang pala ang kanilang kasal. At nalaman niya na ang ina ni Harry ang pumatay sa kaniyang mga magulang. Kaya bang magpatawad ni Natasha? Kaya ba niyang tanggapin ang taong dahilan sa kaniyang pagluha? Sabay-sabay nating alamin ang kuwento ng kanilang pag-ibig.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Habang nanood ng news si daddy ay dahan-dahang akong lumabas ng pinto pero nakita n'ya pa rin ako. Bumalik ako at nakangiting lumapit sa kaniya. “Natasha saan ka na naman pupunta? gabi na magpahinga ka na ano ba ang gawin mo sa labas?” tanong ni daddy sa akin habang uminom siya ng tea. Lumapit ako sa kaniya at nagpaalam na lumabas kasama ang aking mga barkada, para mag-nightlife kaarawan kasi ng aking kaibigang si Eunice. “Daddy, saglit lang naman po ako sa labas. Nabagot na po ako rito sa mansiyon dad eh. Payagan niyo na ako please." nakiusap ako kay daddy at tumingin muna siya sa akin, saka siya tumango. Nang pumayag siya ay hinalikan ko siya sa pisngi at nagpaalam na akong lumabas. Sobrang saya ko dahil hindi niya ako hinigpitan. Mula nang seven year old ako ay wala na si mommy iniwan niya na kaming dalawa ni daddy. Kung ano man ang dahilan ay ayaw ko na rin malaman, dahil para sa akin mabigat man o magaan ang dahilan ay pareho lang iyon masama siyang ina sa akin. Sina yaya Andrea lang at daddy ang kasama ko sa mansiyon. Kaya itinuring ko na ring ina si yaya at mahal ko siya. Dahil si yaya lang naman at ang aking ama ang magkatuwang sa pag-aalaga sa akin simula pa noong ako ay sanggol pa. Nang nakapag-graduate ako sa kursong business administration ang gusto ni daddy ay magtrabaho na ako sa company namin. Pero ayokong magtrabaho mas gusto kong mag-enjoy kasama ang aking mga kaibigan. Madalas nasa bar kami at minsan ay naglalaro kami ng online games kasama ang aking mga barkada. Minsan magdidisko at maglalasing. Wala akong pakialam sa mga sabihin ng iba, basta ang gusto ko lang ay masaya ako kasama ang aking mga kaibigan. Hindi naman basta-basta ang mga kaibigan ko, dahil lahat sila ay mayaman at mga bigtime ang mga magulang nila. Saka mga babae kaming lahat, takot akong makipagkaibigan sa mga lalaki. Sina Eunice, Monica, at Eureka. Sila ang aking mga kaibigan. Ngayon magkita kami dahil kaarawan ni Eunice, dating gawi mag-bar na naman kami at magdisko. Nakakainis dahil sobrang traffic. Alas siete na nang gabi pero marami pa ring sasakyan ang nasa kalsada. Pagdating ko sa parking lot ay mas naasar pa ako, dahil inagawan pa ako ng puwesto imbis ako dapat ang nauna. Bumaba ako kotse at madali kong nilapitan ang kotse na nang-agaw sa akin ng puwesto at sinipa ko ang gulong ng kaniyang kotse. “Hoy, Anong ginagawa mo?!” sigaw n'ya sa akin. Nagulat ako nang makita kong bumaba ang matipuno at napakaguwapong lalaki, lumapit siya sa akin, bilog na bilog ang mga mata nito dahil sa galit. Wala ako sa sariling nakatitig lang sa kaniya habang lumapit siya sa akin. Natauhan ako nang biglang hinampas ng lalaking ‘yon ang aking kotse. Dahil sa aking galit ay tinulak ko siya at hinampas ko siya sa dibdib. “Bakit mo hinampas ang kotse ko? Nagalit ka? Samantalang ako ang nakaunang mag-park, pero bigla mo akong inaagawan!" singhal ko sa guwapong lalaki. Wala akong pakialam kung guwapo siya. “Bakit meron bang nakapangalan sa ‘yo ang puwesto dito? Kung makapagsalita ka akala mo pag-aari mo ang buong parking lot dito! Hindi mo ba nakita ang sarili mo? Babae ka pero kung umasta daig mo pa ang mga sira ulo sa kanto! At ang suot mo ano ‘yan ganiyan ba ang uso ngayon? Halos lumabas na ang n****e ng s**o mo? At ang miniskirt mo konting yuko mo at konting tuwad mo lang kita na ang puwet mo!” nagulat ako sa sinasabi ng lalaki hindi ako makapaniwalang umabot siya sa suot kong damit. Sino ba siya para pakialaman ako sa suot ko? Sino ba siya sa akala niya? Uminit ang aking ulo at lumipad ang aking kamay sa kaniyang mukha. Nagulat din ako sa aking ginawa pero tapos na ginawa ko na at hindi ko na mababawi pa. Dumilat siya at tinitigan niya ako ng matalim, na tila gusto niya akong suntokin. Marahang lumapit siya sa akin, saka na lang ako nakaramdam ng takot nang makita ko ang nag-aapoy niyang mga mata. Meron nakakita sa amin pero hinayaan nila kami, dahil ang akala nila ay magkasintahan kami at nag-aaway lang, dahil hindi nagkakaunawaan. Halos matunaw ako sa matalim niyang titig sa akin. At ilang beses na akong napalunok ng laway. Umatras ako nang umatras habang lapit naman siya nang lapit sa akin. Hanggang wala na akong maatrasan pa, nakadikit na ang aking likod sa bintana ng aking kotse. Sa wakas naibuka ko na ang aking labi. “Anong ginagawa mo? Bitawan mo ako!” singhal ko sa lalaki, pero nagulat ako nang sumilay ang kaniyang ngiti at hinarang niya ang dalawa niyang braso para hindi ako makaalis sa pagkasandal ko sa kotse. “Umalis ka sa harap ko!” sigaw ko sa kaniya pero ngumisi lang ito at nakatitig pa rin sa aking mga mata. Unang beses na nakaramdam ako ng takot at may kasamang kilig. Natakot ako baka suntukin niya ako, at kinikilig din ako sa mga titig niya sa akin. “Takot ka ba? Samantalang kanina ang bilis lumipad ng kamay mo sa mukha ko? At hindi lang basta sampal ang ginagawa mo halos matanggal pa ang ngipin ko dahil sa lakas ng sampal mo sa akin!” sumbat sa akin ng lalaki pinikit ko ang aking mga mata dahil ayokong makita ang matalim niyang titig sa akin. Pero nagulat ako nang biglang lumapat ang labi niya sa aking labi. Nagpumiglas ako pero pinasok niya ang kaniyang mainit na dila sa aking bibig. Nanghina ang aking tuhod at hindi ko maipaliwanag ang init ng aking katawan. Nagustuhan ko ang halik ng lalaki. Hindi ko siya kilala pero bakit pumayag ako na halikan niya. Ang easy to get ko naman yata, kaya mabilis ko siyang tinulak. Sumakay na ako sa aking kotse at naghanap na ako ng bakanteng parking lot, hindi ako makapaniwala na hinalikan ako sa lalaking hindi ko kilala. Hindi pa ako nakaranas na magkaroon ng boyfriend dahil mapili ako sa mga lalaki. Dahil mataas ang taste ko at hindi nila abot. Pero bakit sa lalaking iyon bumibigay ang katawan ko?” mabilis kong na-park ang aking kotse at nagmadali na akong pumasok sa loob ng bar kung nasaan naghintay na ang aking mga kaibigan sa loob.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook