bc

THE REVENGE OF WIFE

book_age18+
1.4K
FOLLOW
8.8K
READ
brave
confident
tragedy
bxg
office/work place
abuse
betrayal
cheating
wife
seductive
like
intro-logo
Blurb

Yugto Writing Contest - Power Girl

SIMPLE lang ang pangarap ni Jenny Lim, ang masaya at buo ang pamilya. Habang tumatagal ang kanilang pagsasama ay unti-unting nagbabago ang ugali ni Jeff.

Halos hindi matanggap ni Jenny nang umuwi si Jeff sa kanila na kasama ang kerida niya. At harap-harapan iyong nakikita ng dalawa niyang anak.

Dahil sa pera at mataas na posisyon na pinapakilos ni Jeff, ay nakulong si Jenny. Lahat ng paghihirap ay naranasan niya sa kulungan sa loob nang isang taon. Ngunit hindi sumusuko si Jenny, dahil nais pa niyang makita at makasama ang dalawa niyang anak.

Ang dalawang anak ni Jenny ang naging inspirasyon niya upang mabuhay at malampasan ang mundong kinasadlakan niya.

chap-preview
Free preview
Episode 1: Sacrifice For The Sake Of The Kids
"Jenny, hanggang kailan ka ba magtitiis sa asawa mo? Hanggang kailan mo ba saluhin ang mga sampal, suntok, at tadyak niya?" luhaan na tanong ng aking Nanay. "Nay, kaya ko pa naman ang lahat, at ayaw kong mawalan ng ama ang aking mga anak." "Pero hanggang kailan mo kakayanin?" aniya. "Hindi ko alam, Nay. Basta magtitiis ako para sa dalawa kong anak," tugon ko. Hindi tumila ang pagpatak ng mga luha ng aking ina habang pinupunasan ng maligamgam na tubig ang mga pasa ng aking katawan. Panganay ako sa limang kong mga kapatid. Sa edad ko na labing-walo ay nakapag-asawa ako ng isang pulis. Si Jeff Lim, na may kaya sa buhay at kilala ang kanilang pamilya. Sa simula ay mabait at mabuting asawa siya sa akin, hanggang sa naisilang ko ang una naming anak na babae. Puno ako sa pag-aalaga at pagmamahal niya, pero noong ipinagbubuntis ko ang aking pangalawang anak ay biglang nagbago si Jeff. Hindi ko alam kung bakit at ano ang dahilan sapagkat hindi naman ako nagbabago at wala rin akong nagawang kasalanan sa aking asawa. Hanggang sa kasalukuyan ay lagi pa rin niya akong pinagmalupitan. Lalo na kapag umuwi itong lasing sa bahay ay basta-basta na lamang niya akong sinasaktan. Sobra kong minahal si Jeff at isa ito sa dahilan kung bakit ayaw kong maiwan-iwan ang aking asawa. At lalo na kapag naiisip ko ang kahirapan ng aking pamilya. Hindi ako nakapagtapos ng high school. Kaya isa ito sa nagpapahirap sa akin kung bakit ayaw kong maiwan ang aking asawa. Dahil ayaw kong maghihirap ang aking dalawang anak. "Mommy... Mommy... si Daddy nandito..." sigaw ng bunso kong anak na si Michelle. Alam ko na kung ano ang pakay ng aking asawa, susunduin na kami. "Anak, sasama ka ba?" mahinang tanong ng aking ina. "Para sa mga bata sasama na lang ako, Nay," tugon ko Wala na kaming ama, namatay ito sa isang aksidente kaya mas lalong naghihirap ang aking ina. Hanggang sa nakapasok sa loob si Jeff. Maliit lang ang bahay namin at lupa lang ang sahig nito. Unang lumabas ang aking Nanay at nagmano naman si Jeff. "Ang asawa ko, Nay, nasaan?" tanong ni Jeff. "Nasa kuwarto," nakayuko nitong turan at kimkim ang galit sa puso niya. "Sunduin ko sana sila, Nay." Mahinahon ang tono ng boses niya na animo'y sobrang bait nito. "Jeff, maawa ka naman sa anak ko huwag mo naman siyang malupitan nang husto, isipin mo sana na ina siya ng mga anak mo," pagmamakaawa ng aking ina at sabay punas ng mga luna nito. "Pasensya na po kayo, Nay. Hindi ko naman 'yon sinasadya. Siguro nadala lang ako sa alak lalo na't may problema sa trabaho." "Anak, ang problema sa trabaho ay hindi dinadala sa bahay. Kung ako lang ang masusunod, hindi ko na ibigay sa 'yo ang anak ko. Kaso lang, sobra kang minahal ni Jenny." "Mahal ko rin naman si Jenny, Nay. Minsan lang may problema kaming mag-asawa." "Kung may problema man, dapat pag-usapan nang maayos, hindi idaan sa pagmamalupit mo sa kaniya." "Hayaan mo, Nay, sisikapin kong hindi na ito mangyari pang muli." "Aasahan ko iyan, Jeff." Tinawag ako ng aking ina at kumapit sa akin jeans ang aking mga anak. Lumabas kami at nagpaalam nang maayos sa aking Nanay. "Mag-ingat ka anak, kung hindi mo na kaya ay umuwi ka dito sa bahay." "Opo, Nay." Hanggang sa makaalis na kami. Nasa harapan ako nakaupo at katabi ko ang aking asawa at ang dalawa kong anak ay nasa likuran naman. "Simula ngayon ay hindi ka na uuwi sa inyo!" Seryoso na sabi ni Jeff, na hindi tumitingin sa akin. Hindi ako sumagot at tumingin ako sa labas ng bintana. "Hoy! Jenny— Narinig mo ba ako?!" singhal niya sa akin. "Oo, Jeff, narinig kita." "Daddy, kahit kami ay hindi na puwedeng pumunta sa bahay ni Lola?" tanong ng aking panganay na si Richelle. Anim na taong gulang na ito at si Michelle ay limang taong gulang naman. "Saka na lang kayo papasyal," aniya rito. "Pero bakit, Daddy?" sabat na tanong ng aking bunsong anak. "Huwag na kayong maraming tanong! Hindi ba nag-aaral kayo?!" bulyaw niya sa mga bata. "Opo..." malungkot na sagot ng dalawa kong anak. At sinabi ni Jeff sa dalawa na unahin muna ang pag-aaral nila. Hanggang sa dumating na kami sa aming bahay at dali-dali akong bumaba mula sa sasakyan upang maghanda sa aming hapunan. Kasalukuyang nagluluto ako, nang tawagin ng aking asawa mula sa sala. "Jen... Jenny..." sigaw nito. "Bakit, Jeff?" Dali-dali naman akong lumapit "Ibili mo nga ako ng isang boteng beer." "Sandali lang, Jeff. Tatapusin ko lang itong piniprito kong isda," turan ko dahil kasalukuyan pang nasa apoy ang aking niluluto. "Unahin mo muna ako dahil gusto kong uminom!" asik niya sa akin. Nagsimula na namang tumaas ang boses niya kaya taranta kong pinatay ang tangke at patakbo na naman akong lumapit rito para kunin ang pera. "Akin na ang pera," sabi ko at nanginginig ang aking kamay. "Ito! Bilisan mo!" Kahit masakit sa ang ganoong pagtrato niya sa akin bilang asawa ay tiniis ko. Pakiramdam ay katulong lang niya ako at parausan. Hanggang sa nakabalik na ako mula tindahan at pagkatapos kong maibigay ang beer sa asawa ko ay agad naman akong bumalik sa kusina. Upang tapusin ang aking niluluto. At nang matapos ako sa kusina ay pinuntahan ko na naman ang dalawa kong anak para bihisan ng pantulog bago sila kumain. Nang matapos ang hapunan ay agad ko nang ipinapasok sa kuwarto ang aking mga anak. At ako naman at pumasok na rin sa kuwarto naming mag-asawa para ihanda ko naman ang bihisan ni Jeff at pinatong ko ito sa ibabaw ng kama. Ako naman ay nagtungo sa banyo para maligo at upang makapag pahinga na. Sapagkat masakit pa rin ang aking buong katawan. Nang lumabas ako galing banyo ay siya naman ang pagpasok ni Jeff. Napatitig siya sa akin, titig na may dalang pagnanasa. Napatanga naman ako dahil kinabahan ako sa asawa. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at bigla niyang hinawakan at puwersahang pinapadapa sa kama. "Jeff, anong gagawin mo?!" taranta kong tanong. Nang lingunin ko ito ay nagtatanggal na ito ng pantalon. "Jeff..." sambit ko at akmang babangon ngunit itinulak niya ako at hinalbot ang tuwalyang nakabalot sa aking katawan. "Jeff, sandali lang," pigil ko rito, ngunit masyadong nagiging agresibo ang aking asawa. "Bakit ka ba umaangal ngayon, ha?! Mayroon ka na bang iba?!" Pamimintang niya sa akin. "Paano ba ako magkaroon ng iba na palagi lang naman ako sa bahay at alam mo iyon." Kahit kinabahan ako a nangangatuwiran pa rin ako. "Oh! Talaga lang ha!" Sabay diin niya sa aking kamay sa likod kong parte. "Jeff… ano ba?!" Pilit akong nagpupumiglas ngunit mas malakas ang aking asawa at idagdag pa na nakadapa ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
315.3K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.0K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.2K
bc

POSSESIVE MINE

read
969.1K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook