bc

Choices (My First Love) COMPLETED

book_age18+
1.5K
FOLLOW
25.9K
READ
billionaire
love-triangle
possessive
one-night stand
inspirational
betrayal
first love
like
intro-logo
Blurb

Dave is my first love, he turn pain into happiness, choosing him is not a mistake but the option isn't the answer i'm about to choose.

I'm sorry Mark, magiging unfair ako sayo kung pakakasalan kita.

Magiging selfish ako kung ibigay ko ang sarili ko sayo.

Kahit hindi naman ikaw ang laman nitong puso ko.

I'm sorry kung hindi kita kayang mahalin sa paraang gusto mo.

Hindi ko kayang diktahan ang puso ko dahil kahit anong gawin ko iisa lang ang nagmamay ari nito at si Dave yun.

"Kung papipiliin ako nuon nung wala pa si Dave marahil hindi parin ikaw ang pipiliin ko. Dahil hindi ko maaaring turuan ang puso ko magmahal dahil ang totoong pagmamahal hindi natuturuan kusa mo itong mararamdaman.

Nangarap lang naman ako?.

nagmahal lang naman ako?

mali ba?

bakit kailangan akong masaktan ng ganito?

bakit kailangan kong mahirapan ng ganito?

bakit kailangan ko mamili?

Hindi multiple choice ang mga sagot ko sa tanong mo at mas lalong hindi multiple choice ang buhay ko.

Kaya kung wala kang maiooffer sa akin na choices.

I will stay like this and you stay away from me.

don't forget to follow @iamiyhori2716

thanks readers!

chap-preview
Free preview
SYNOPSIS
Isang simpleng dalaga si Zia na nangarap maging isang doctor. Hindi rin naman madali ang buhay niya at mas lalong hindi ganoon kadaling kumita ng pera sa pinagtatrabahuan nilang  mag-anak. Isang kusinera ang Nanay Tin niya sa resort at siya naman ay isang helper. All around helper siya dahil magbabakasyon na rin naman at ga-graduate na siya ng high school mas minabuti niyang magtrabaho para makaipon pampaaral niya sa Maynila. Ang Tatay Greg naman niya ay isa sa mga tauhan sa resort kung saan siya ang sumusundo sa mga guest, sa kabilang Isla. Mabilis na dumaan ang mga araw at malapit ng  maka-graduate ng high school si Zia. At sa laking bulas niya ay hindi aakalain na 18 years old lamang siya. Isang araw masyadong abala ang mga tao sa resort dahil maraming guest ang darating na araw na iyon kaya si Zia ay excited na inayos ang sarili, suot ang mahabang palda at puting blouse, nagtungo siya sa reception para abangan ang pagdating  ng mga guest. Masyadong abala ang mga tao sa resort dahil sa dami ng dumating na guest ay lumabas si Zia ng hotel para magpahangin at hintayin ang Tatay Greg niya na dumating dahil nagsundo ito ng guest sa kabilang isla. Maraming tao ang nagkakasiyahan at sa hindi inaasahan. . . May isang  lalaking  naglakas-loob na tinanong ang kaniyang pangalan, si Mark Cortez. Alam din naman ni Zia na lalayuan rin siya ng mga ito kapag nalaman nilang isa lamang siyang helper sa resort. Kung minsan napagkakamalan siyang isang guest dahil sa mukha niya. Light brown ang buhok, at may malalim na mga mata na parang isang Amerikana, matangos na ilong, manipis na labi at matangakad, kaya maraming lalaking gustong makilala siya. Nagtungo si Zia sa dalampasigan kung saan niya hihintayin ang Tatay Greg. Sa hindi kalayuan may natanaw siyang isang lalaki na tila malalim at malayo ang tingin. Mabilis niyang sinalubong ang mga guest na sakay ng bangka ng kanyang Tatay Greg. Mabilis niyang inasikaso patungo sa hotel ang mga guest.  Pagkatapos naasikaso ang mga panauhin, mabilis siyang nagtungo sa restaurant ng hotel kung saan waitress naman siya, dagdag kita na rin sa kaniya. Kailangan niyang makaipon para sa kaniyang pag-aaral sa Maynila. Pagod si Zia nang natapos ang trabaho niya sa restaurant. Mabilis na tinahak niya ang daan patungo sa Paradise of Love. Laking gulat niya nang nakita ang lalaking natanaw niya kanina, si Dave Khaulfman. Ang lalaking unang beses na hinangaan ni Zia. Guwapo at halatang mukhang mayaman. Nagpakilala ito sa kaniya, pero mabilis na iniwan niya ang binata sa may garden. Dahil sa hindi niya namalayang oras, gabi ng nakauwi  sa kanila si Zia, narinig niya sa boses ng Tatay Greg niya ang galit. Hindi niya naintindihan kung bakit ganoon na lang   kabigat ang loob nito sa kaniya, ni hindi nga niya naramdaman na may tatay siya dahil mailap ito sa kaniya. Maraming usap-usapan  siyang narinig tungkol sa kaniyang Nanay Tin. Malakas na sigawan ang gumising sa kaniya isang umaga. Bumagsak ang luha ni Zia at pilit na pinipigil iyon,  narinig niya ang isang malakas na hampas sinilip niya iyon at kitang-kita niya ang Nanay Tin  at Tatay Greg niyang  nagtatalo. Sa bibig mismo ng Tatay Greg niya lumabas ang katotohanan na matagal nang  usap-usapan sa lugar nila. Ngunit hindi niya iyon pinaniniwalaan hindi niya ama ang Tatay Greg niya at anak siya ng Nanay Tin niya sa ibang lalaki. Masakit tanggapin pero pinilit niyang iniayos ang sarili at mabilis na lumabas ng kuwarto. Nag-ayos  ni Zia ang sarili at pumasok sa hotel kung saan nakita niya sa pangalawang pagkakataon si Dave Khaulfman. Siya ang nakatokang maghatid ng pagkain sa kuwarto nito. Mabilis na tinapos ni Zia ang kaniyang trabaho, dahil may usapan sila ng lalaki na sasamahan niya itong maglibot sa resort. Oras na ng pahinga ni Zia mabilis niyang binalikan ang binata at sinamahan ito. Nagtungo sila sa Fountain of Love na kung saan sabi ng mga nakakatanda, ito ang lugar kung saan maaari  humiling tungkol sa buhay pag-ibig. At  dinala niya rin  sa Paradise of Love si Dave,  kung saan puwedeng mag-iwan ng sulat.  Ang mga taong tinadhana ay matutupad kung ano man hilingin dito. Maraming naniniwala sa kuwento ng lugar na iyon kung kaya’t kahit si Zia ay sumulat kitang-kita niya ang pagkagulat ng binata marahil hindi ito naniniwala sa love kung kaya’t tumawa lamang ito. Mabilis na nagpaalam si Zia kay Dave at dumiretso sa restaurant kung saan may trabaho pang naghihintay sa kaniya. Naabutan niya ang kaniyang Nanay Tin na mugto ang mata at agad naman siya nitong kinausap. Ang hirap ng gustong mangyari ng nanay ni Zia, marahil ay hiniling iyon ng Tatay Greg niya. Ipapadala si Zia sa kabilang isla kung saan nakatira ang kanyang mga tiyahin, luhaang pinakiusapan ni Zia ang kaniyang ina na gusto niyang lumuwas ng Maynila para mag-aral. Ayaw  pumayag ng ina ni Zia, dahil kulang din ang pera nila para mapag-aral ito. Sa bigat ng dinadala ni Zia hindi niya alam kung ano ang  gagawin niya, pakiramdamn ni Zia ay pinagsakluban siya ng langit at lupa. Kung bakit ganoon na lang kadali na paalisin siya ng mga ito. Tumakbo si Zia at nagtungo sa Paradise of Love. Kung saan ibinuhos ang sama ng loob at  kung saan malaya siyang umiyak. Ang sakit isipin na buong buhay niya pakiramdam ni Zia ay nabuhay siya sa kasinungalingan, hindi niya alintana ang lalaking nasa harapan niya at agad siya nitong nilapitan. Mabilis niyang niyakap ang binata at humagulgol, nadala siya sa emosyong kaniyang nararamdaman. Kahit sa ilang oras pa lang na nakilala niya ito ay nakaramdam na si Zia ng pagbilis na kabog sa dibdib niya at alam niyang hindi normal iyon sa tuwing nakikita niya at nakakausap ang binata. Mabilis na inabutan siya ng panyo ng binata at agad na pinahiran ang luha niya nakaramdam si Zia ng lungkot dahil hindi rin naman magtatagal ang pagkikita nila ni Dave. Gabi na nang umuwi si Zia, pero laking gulat ni Zia na hinintay siya ng Tatay Greg niya. Mabilis siyang inutusan na ayusin ang kaniyang mg gamit  dahil bukas na bukas ay ihahatid na siya sa kabilang isla. Ang hirap ng sitwasyon niya dahil kung hindi siya tatakas sa bahay nila baka hindi na siya makapag-aral. Madaling-araw na nang tumakas si Zia. Umasa siyang makikita niya si Dave ng gabing iyon ngunit wala ito, wala na siyang oras pa kung kaya’t mabilis na tumakbo si Zia, palayo sa resort. Nakasalubong naman niya si Mark Cortez ang lalaking nakilala niya sa resort noong isang araw agad naman siya nitong tinulungan at walang pag-alinlangan na dinala sa Maynila. Nanirahan siya sa mansion ng mga Cortez sa loob ng 5 taon bilang isang katulong kapalit nito ang pag-aralin siya bilang isang doktor. Matalino si Zia at alam niyang walang sayang sa pagpapaaral sa kaniya ng mga ito. Mabilis na lumipas ang limang taon, nagtatrabaho na siya sa hospital bilang isang medical Intern kung saan pagmamay-ari ng mga Cortez. Wala rin itong contact sa Nanay Tin niya pero palihim itong nagpapadala. Isang gabi nagtungo si Zia sa mansion nila Mark. May hindi sila pagkakaunawaan dahil ayaw na ayaw ni Zia ang pangunahan siya sa mga desisyon niya. Hindi niya sinang-ayunan si Mark kung kaya’t umuwi na si Zia sa condo niya. Alak ang karamay ni Zia sa oras ng kalungkutan, mabilis na nagpalit at nagtungo ito sa isang bar. Kung saan sa hindi inaasahan nagtagpo ang landas niya at lalaking unang hinangaan noon. Hindi niya alam kung pag-ibig bang maituturing iyon dahil bata pa siya sa panahong iyon. Ang laki ng pinagbago ng binata at ganoon rin naman si Zia. Matagal silang nagkatitigan ni Dave, na parang kinikilala ang isa at isa. Sa loob ng limang taon na pagpapahanap ni Dave kay Zia ay nakita niya rin ito. Nag-iba pala ito ng apelyido at Zia Smith na ang pangalan nito. Nagkamustahan sila at masaya silang nagkuwentuhan sa mga nangyari sa buhay nila. Lasing na lasing si Zia ng isakay ni Dave sa sasakyan. Ayaw nitong magpahatid sa condo ng dalaga kung kaya’t dinala ni Dave si Zia  sa condo niya. Ilang oras pa ay nagising ito at kumain. Nagkuwentuhan sila ni Dave at nagkaron ng pagkakataon na mahalikan siya ng binata.Nakakapaso ang mga halik na iyon at nakakabaliw. Isang mainit na gabi ang pinagsaluhan nila na para bang bagong kasal ang mga ito. Dumaan ang mga araw ramdam ni Zia ang pagmamahal ni Dave alam naman din ng binata na mahal siya ng dalaga. Kung kaya’t ilang buwan din silang nagsama sa iisang bubong. Isang medical mission ang kailangan puntahan ni Zia sa Cebu. Kung kaya’t naiwan niya si Dave sa condo yung din ang pagkakataon ni Mark Cortez na hadlangan sila nito. Pinapili ni Mark si Zia kung ang propesyon ni Zia o, si Dave. Masakit man para kay Zia malaki ang utang na loob niya kay Mark. Kung kaya’t walang pag-alinlangang  iniwan niya si Dave at nagtungo sa Amerika. Ilang buwan ang nakalipas nang nalaman ni Zia na buntis siya. Nagpatuloy siya sa pag-aaral sa Amerika. Apat na taon siyang nanatili sa Amerika bumalik siya sa Pilipinas dahil sa engagement party nila ni Mark. Mabilis ang pangyayari kung kaya’t tumakbo siya palabas ng Hotel. Kung saan pinagmukha niyang tanga si Mark. Hindi niya inaasahan na makikita si Dave, na iniwan niya, four years ago. Laking gulat ni Dave na ang tinulungan niyang babae ay ang babaeng iniwan siya four years ago. Mabilis niyang nilayo si Zia at dinala sa Condo niya. Nag-usap sila ng binata ngunit ganoon na lang ang tanggi ni Zia na sumama rito. Dahil  kailangan ni Zia na makita ang anak nila ni Dave na tinago ni Mark. Mas naging komplikado ang lahat nang itago ni Mark si Zia at pahirapan ito. Hindi natapos ang pagpapahirap ni Mark kay Zia. Napigilan ni Dave si Mark sa pagpapakasal kay Zia Nagpagamot ito sa Ospital sa pinsalang nagawa ni Mark dito. Bigla na lang nawala si Zia sa ospital at nagtungo kay Mark. Walang ibang inalala ito kung hindi ang anak na si Elliot. Dahil simula na pinanganak ni Zia ay hindi man lang niya nasilayan ang bata at nilayo na ito ni Mark sa kaniya. Dinala siya ni Mark sa Amerika kung saan hindi na siya mahahanap pa ni Dave. Kung saan matutuloy na ang kasal nila kung mayaman si Mark.  Hindi naman magpapatalo si Dave Khaulfman ang Youngest Billionaire sa England. Ginamit ni Dave ang mga koneksyon niya para mahanap si Zia. Mabilis niyang nakuha ang anak nila na si Elliot at dinala ito sa England. Sa tulong ng kaibigan ni Dave si Tom ang bestfriend niya. Mabilis na dumaan ang araw tinakas ni Mark si Zia patungo sa Mexico. Kung kaya’t pinuntahan ni Dave ang taong tumulong dito. Napag-alaman niyang may kapatid pala si Mark na mas bata sa kaniya si James. Mabilis siyang nakipag-usap dito at nakipagkasundo na sasamahan si Dave. Kung saan dinala si Zia dahil sa mayaman si Dave. Mabilis niyang nabili ang kompanya ng mga Cortez. Kung saan alam niyang wala matitira sa mga ito. Bago pa nila puntahan si Zia sa eroplano palang ay nakaramdam na si Dave ng kakaiba sa kuwentas ni James. Alam na alam niya ang kuwentas na iyon at hindi siya maaaring magkamali. Kaparehas iyon ng kuwentas na bigay ng kanyang ama at dalawa lamang silang ng bunso niyang kapatid mayroon. Mas bata  ito sa kaniya ng dalawang taon. Kinidnap ito noong dalawang taong gulang pa lang sa mismong mansion nila sa England. Marami silang napag-usapan ni James  at nagkasundo na magtutulungan makuha si Zia. Tagumpay ang plano nila na makuha si Zia at maipakulong si Mark. Nagtungo sila sa England at doon naging maayos ang takbo ng buhay nila. Naging masaya si Zia at Dave sa kanilang pagsasama. Mas lalo pa noong nahanap na ang nawawalang kapatid ni Dave, na si James. Kinakailangan na umalis ni Dave papuntang Amerika, para asikasuhin ang gulong ginawa ni Mark sa kompanya. Palaisipan din sa kanila ang mabilis na paglaya nito na kung kaya’t mabilis na pinuntahan ito ni Dave. Sa hindi inaasahan ay may kasabwat pala itong si Mark na si Vicky. Ang kapatid nito sa ama na ngayon ay nagtatrabaho sa mansion ng mga Khaulfman bilang isang Chef. Dahil sa hinala ng kaibigan ni Dave na si Tom agad niya itong pinaimbisitagahan. Nalaman nila ang ugnayan nito kay Mark Cortez, pero huli na sila. Nang nakaalis si Dave ay siya naman ginawan ng masama ni Vicky si Zia.  Mabilis na dinala ito sa ospital kung saan sa pangalawang pagkakataon ay nawalan na naman siya ng anak. Hanggang sa gumawa ng paraan si Mark para kunin muli ito. Ginamit niyang pang blackmail ang Nanay Tin ni Zia at ang biological father ni Zia. Mabilis na nakuha ni Mark si Zia at dinala sa Amerika. Kung saan isang business tycoon ang ama ni Zia na si John Smith. Ilang araw na nagpanggap si Zia na comatose para hindi magawa ni Mark ang masamang balak. Papunta na si Dave sa Amerika para iligtas si Zia. Isang malagim na trahedya ang kinasangkutan ng lalaki. Sumabog ang private plane na sinasakyan ni Dave. Maraming tao ang nagulat at nanghinayang sa sinapit ni Dave. Walang kaalam-alam si Zia sa sinapit ni Dave. Pinagplanuhan naman ni Zia at ni Tiffany ang pagpapanggap ni Zia na comatose. Si Tiffany ang doktor na tumingin kay Zia at ang kaibigan ni Dave na si Tom. Mabilis siyang niligtas ng mga ito at mabilis na tumungo sa England. Samantalang si Mark naman ay namatay sa kamy nga mga pulis. Ligtas na nakarating sina Zia at Tom sa England sa rest house kung saan pintayo  ni Dave para kay Zia. Hinahanap ni Zia ang binata ngunit walang Dave ang humarap, bukod tanging si James at si Tom lamang ang humarap dito. Mahinahon nilang kinausap si Zia para sabihing  namatay si Dave sa isang plane crash. Ilang linggo siyang halos wala sa sarili at wala ng lakas ng loob pang mabuhay mahal na mahal niya si Dave paano na sila ng anak niyang si Elliot kung wala na ito sa kanila. Napansin naman ni Zia ang madalas na pag-alis ni Tom at James. Hindi nagdalawang-isip si Zia kung kaya’t sinundan niya ang mga ito. Laking pagtataka ni Zia na  sa ospital ang destinasyon ng dalawa. Mabilis naman siyang nakagawa ng paraan para makapasok. Sinundan niya ang dalawang lalaki sa pinasukang kuwarto sa ospital, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kaniya si Dave na nakaratay sa hospital bed at sementado ang paa at may bend asa mukha. Masaya siya at buhay ito ngunit parang siyang nagluluksa sa hinihiling ni Dave lumayo siya rito. Wala siyang nagawa kundi  sundin ang gusto ni Dave, dahil sa pagmamahal niya rito.  Pinalaya ni Dave si Zia para sa ikaliligaya nito. Alam niyang mahihirapan si Zia kung mananatili sa kanyang tabi. Mabilis na lumipas ang isang taon. Muling nagtagpo si Zia at Dave sa hindi inaasahang pagkakataon. Marahil mapagbiro ang tadhana sa kanilang dalawa. Pilit man hadlangan iyon kung sila ang nakalaan para sa isa’t isa sila pa rin sa huli kahit ano pang mangyari.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M
bc

Marrying My Fiancee

read
460.8K
bc

His Cheating Heart

read
40.6K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

Sexytary |SPG|

read
536.8K
bc

Just Another Bitch in Love

read
27.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook