bc

In A Heartbeat [Filipino] (BoyxBoy) - On going

book_age16+
1.2K
FOLLOW
6.6K
READ
friends to lovers
playboy
drama
comedy
twisted
sweet
bxb
bisexual
twink
mxm
like
intro-logo
Blurb

COMPLETED

Chanon Enriquez or Chan a gay who loves to read novels and who loves to watch a series of drama. Tragic, Action, Fantasy, but most of the time are romance love stories. Iniisip niyang siya iyong female protagonist ng story dahil sa pagiging hopeless romantic niya. Nangarap din siyang magkaroon ng isang lalaki na ipakitang kamahal-mahal siya kahit na nasa ikatlong kasarian siya.

What if he met someone na katulad ng mga nababasa o napapanood niyang love story? Magtatake kaya siya ng risk para subukan kung ang taong iyon ba ay mamahalin siya? O hahayaan niya na lang ang sariling hanggang magkaibigan lang silang dalawa dahil alam niyang mahirap magmahal ng isang taong ayaw pakawalan ang kanyang nakaraan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
C H A N   "Bilisan mo naman, Chan!" naiiritang sabi ng kapatid ko. Pinaikutan ko na lang siya ng mata dahil mas nakakairita siya, kung alam lang niya.   "Hoy! Ikaw na bata ka, huwag mo akong iniikutan ng mata. Akala mo hindi ko nakita iyon?" aniya sa nanlilisik na tingin. Palihim ko siyang binilatan.   "Sige na kumain ka na, Chanon. Mali-late ka na naman sa klase.” Ngumiti ako kay Papa at napapakamot sa ulong nagpatuloy sa pagkain.   "Kinakampihan na naman ni Papa ang batang iyan." Nakangusong sabi naman ng nakakantanda at nag-iisa kong kapatid.   "Naiingit ka lang kasi, Ate, e." sabi ko.   Hindi na sumagot si Ate. Tumayo ito at mabilis na umalis papalabas ng kusina. Walk out Queen talaga iyon kapag natatalo sa asaran.   "Bilisan mo na diyan dahil magsisimula na ang klase mo."   "Yes po, Papa,” sabi ko. Uminom na ako ng tubig dahil sakto namang tapos na rin ako sa pagkain.   Nagpaalam na ako kay papa at sinundan na iyong ate kong parang nalukot na papel ang mukha. Pero 'wag kayo dahil close naman talaga kami niyang kapatid ko, nag-aasaran lang pero pikunin talaga. Saka limang taon ang agwat namin kaya ang matured lang niya kung mag-isip.   "Mabuti naman at natapos ka na rin." sarkastiko ang kanyang tono. Naabutan ko siyang nakaupo sa sofa sa may sala at nakabusangot ang kanyang mukha. Tumayo na ito at naglakad na papuntang pinto kaya sinundan ko naman.   Sumakay na ito sa kanyang kotse at ganun rin ang ginawa ko. Sumakay ako sa kanyang kotse dahil wala pa akong kotse kasi ayaw ni Papa.   “Mali-late ka na sa naman sa klase mo dahil diyan sa kapupuyat mo. Look at your face? Dumarami na iyang mga alaga mo.” Nag-aastang nanay na naman siya. Sabagay, siya naman na ang tumayong nanay sa akin mula noong mawala si mama na hindi ko na nakita dahil hindi nito kinaya ang panganganak sa akin. Tinanong nila si Papa kung sino ililigtas niya. Pinili ako ni Papa dahil iyon din ang kagustuhan ni Mama. Simula rin noon ay hindi na nag-asawa pa si Papa ng iba dahil sobrang mahal daw niya si Mama.   Kaya si Ate ang tumayong ina para sa akin. Iyong mga dapat na gawain ng nanay katulad ng pagbibigay payo ay ginawa niya upang hindi ko raw maramdaman na wala akong ina. Kaya kahit na sobra kami kung mag-asaran ay sobra rin namin mahal ang isa't isa.   "Hindi naman kasi ako katulad mo, Ate, na maganda tapos hindi na naii-stress kasi may trabaho kana," sabi ko. Ikinabit ko na ang seat belt nitong sasakyan niya.   "Naii-stress din ako sa trabaho lalo na kapag may nagkamali o bumaba iyon sales ng business natin."   May maliit kaming business, isang mall. Namana ni Mama iyon sa pamilya niya kaya si Papa ang nagpalago at ngayon nga ay si Ate na ang nagma-manage dahil si Papa may sariling business na siya mismo ang nagtayo nito bago pa sila magkakilala ni Mama.   "Sige na, Ate. Tara na baka mas lalo akong mahuli sa klase nito," ani ko dahil ayaw ko ng pahabain ang diskusyon namin.   "Basta kapag hindi tungkol sa studies mo iyang pagpupuyat mo ay tigilan mo na dahil hindi maganda sa health mo iyan. Kung maaari lang, Chan. Pinapaaalala ko lang sayo." Tumango naman ako saka ngumiti.   Pinaandar na niya ang sasakyan at lumarga na kami palabas ng bahay at ilang minuto lang ay nakarating kami sa gate ng school kung saan ako nag-aaral ng college at kung saan nagtapos itong kapatid ko. Lumabas na ako at nagpaalam sa kanya. May sasabihin pa sana ito pero tumakbo na ako agad dahil mala-late na ako sa unang klase ko ngayong umaga.   Dali-dali akong tumakbo papunta sa building ng department namin. Hindi ko na nga napapansin iyong mga studyanteng nakakasalubong ko pati na rin iyong mga studyanteng nagsisigawan. Ewan ko ba sa mga iyan ang aga-aga ay parang nasa concert sila ng KPOP kung makasigaw, e. Hingal na hingal akong makarating sa pinto ng classroom namin. Pagtingin ko sa loob ay wala namang taong naroroon. Teka? Nasaan ang mga iyon?   Lumabas ako at inilibot ko ang paningin sa paligid. Walang naririto sa hallway ngayon. Wala naman akong natatandaang activities sa araw na ito, e. Tinignan ko ang oras ay 7:30 pa lang naman. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at dinial ang number ng nag-iisang malapit sa akin. Ilang sandali pa ay sinagot na nito ang tawag ko.   "Hello, Bestfrieeeennnd! Where are you todaaayy?!" sigaw nito kaya nailayo ko ang cellphone ko sa aking tenga dahil sa nakakabingi nitong boses.   "Ako pa tatanungin mo ng where are you? Ako nga dapat ang tatanong sayo niyan?" bulyaw ko rito.   "E, kasi naman, Ateng. Wala ka bang natatandaan?" sabi nito kaya napaisip naman ako.   "Wala. Ano bang meron?" nagtataka kong tanong.   "Check mo message ko sayo kagabi ng matandaan mo.” Tinignan ko ang cellphone ko at pinuntahan ang text message nito.   Bukas ng first period ay wala tayong klase dahil absent ‘yong dragonfly. Bakit? Ewan ko kung bakit baka sana hindi na lang siya pumasok hanggang end of semester.   Ibinalik ko ulit ang cellphone sa aking tainga.   "Hindi ko pala binasa kagabi. Akala ko kasi nagpa-plug ka na naman ng number ng kung sino-sino,” sabi ko.   "Aba eh Ewan ko na lang sayo, Chan! Sige ibababa ko na ito dahil matutulog pa ako.”   "Hoy, Kitty--" Tot! Tot! "Bwesit na iyon! Ano na ang gagawin ko nito?" Napahawak ako sa noo ko at luminga-linga dahil nagbabakasakaling may kaklase akong makikita. Ngunit walang taong naririto.   Tinawagan ko ulit ang babaitang iyon pero hindi na niya sinasagot. Wala akong nagawa kundi umalis sa puwesto ko at bumaba sa ground floor. Pupunta na lang ako sa canteen para kumain. Nagugutom na naman kasi ako dahil sa pagtakbo ko kanina saka do’n na rin ako magpapalipas ng oras. May dalawang oras pa ako para maghintay sa susunod kong subject. Ayoko naman umuwi sa bahay dahil baka makatulog pa ako doon at makakalimutan kong may klase pa ako. Pagdating ko ng ground floor ay naglakad na ako dito sa hallway patungo sa canteen dito sa Department namin.   Tumitingin ako sa paligid nang may bigla na lang kung sinong poncho pilatong bumangga sa akin na dahilan ng muntikan ko ng pagbagsak. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes nito at nahawakan niya ako aking baywang. Sobrang lapit naming dalawa.   Dug dug dug Dug dug dug   'Ang mga puso'y mabilis kung tumibok, Na para bang may karerang nagaganap. Sa mga mata mong tila ba may hiwaga, Sa kislap nitong napakaganda'   "Hoy!"   Napabalik ako sa realidad. Teka ilang oras na ba akong tulala? Hindi ko alam. Parang tumigil iyong oras eh. Wala bang replay diyan?   "Hah?" nasabi ko sa taong natitigan ko ng matagal.   "NANDITO SI PAPA MIGS, GIRLS. WAAAAAHHH!"   "s**t!" napamura ito nang marinig ang sigawan ng mga babaeng mukhang siya ang tinutukoy nito.   Nagulat ako dahil bigla ako nitong binuhat na parang isang sako ng bigas. Kaya nagkaroon ako ng pagkakataon tignan ang nasa likod namin. Kumpol ng mga babaeng tumatakbo papunta sa amin.   "Teka!" sigaw ko.   Nagpumiglas ako upang bitiwan ako nito pero wala akong nagawa kundi ang manahimik nang mabilis itong tumakbo. Buhat-buhat pa rin ako. Papaano niya nagagawang tumakbo ng ganito kabilis habang buhat niya ako? Tumingin ako sa humahabol sa amin. Lahat sila ay natigilan na lang ng makita nilang may buhat-buhat itong hinahabol nila. Lumiko ito sa isang hallway saka tumigil sa kakatakbo. Ibinababa ako nito tapos tumingin sa likod. Huminga siya ng malamim saka tumingin sa akin ulit.   "Sa susunod huwag kang haharang sa daan. Muntik pa akong mahabol ng mga iyon," anito saka pinagpagan ang sarili at ako pa ang sinisi nito? Siya ba ang may-ari ng hallway na iyon para mag-marathon siya doon?   Nainis ako bigla dahil ako pa sisisihin dahil muntik na siyang maabutan? Imbes na humingi siya ng tawad dahil muntik na akong matapon sa lakas ng pagkakabangga niya eh. Siya pa itong malakas ang apog na sisihin ako?   "Hoy! Unang-una hindi mo pagmamay-ari ang hallway na iyon! Pangalawa, hindi iyon running field para doon ka tumakbo. Kasi malamang sa malamang may mababangga ka talaga! Imbes na ikaw ang humingi ng tawad ako pa sisisihin mo?!" Pinandidilatan ko ito ng aking mga mata kahit hirap ko itong mapalaki dahil singkit ako. Nakatingala rin akong nakatingin sa kanyang mukha dahil matangkad siya sa akin. Hanggang kili-kili lang ata ako nito.   "Bakit tindero ka ba sa bangketa para hingian ko ng tawad?" Ngumisi pa ito at tiningnan ako sa aking mga mata. Ang ganda ng kanyang mga mata.   "N-namimilosopo ka pa!" buyaw ko at mas lalong nainis. Pinaka-ayaw ko sa lahat ay ‘yong taong mataas ang pride. Iyong sila na nga itong may kasalanan, sila pa itong mataas ang pride na hindi humingi ng tawad.   "Sige tama na. Pasensya ka na PO!” At umalis na ito sa harap ko. Iniwan akong nag-iisa na parang tanga!   Buwesit!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
415.6K
bc

NINONG III

read
362.5K
bc

Fight for my son's right

read
146.5K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.3K
bc

NINONG II

read
618.0K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.4K
bc

Unexpected Romance

read
38.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook