bc

Sleeping With The Heiress

book_age0+
1.3K
FOLLOW
8.7K
READ
one-night stand
opposites attract
pregnant
aloof
kickass heroine
others
billionairess
drama
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

It was just a one-night stand, a mistake that should never happen. Nangako si Yñigo na hindi na siya magmamahal ng iba mula nang mawala si Laurice. But finding a woman in his lonely home one morning? Parang masisiraan siya ng bait lalo na at hindi lang basta kung sinong babae lang si Jemaika. Sister-in-law ito ng Ate Nari niya!

chap-preview
Free preview
I.
CHAPTER ONE NARAMDAMAN ni Jemaika ang paghigpit ng hawak ng lalaki sa kanyang balakang habang mabilis ang paggalaw niya sa ibabaw nito. Hindi niya mapigilan ang sunod-sunod na pagkawala ng ungol sa kanyang lalamunan sa nalalapit na pag-abot niya ng sukdulan. She was dizzy of pleasure. His moans joined hers and it filled his little, messy room. She walked up to him this evening at the bar. Hindi niya inakalang ang isang lalaking kagaya nito ay makikita niya doon. At kung nakilala na siya nito bago pa man mangyari ito, hindi na niya masyadong naalala. Malalaman niya iyon paggising nila. Sa ngayon, hahayaan niya ang sariling mawala sa mga halik at haplos nito at sa pag-iisa ng kanilang mga katawan. Jemaika cried in ecstacy as they meet their climax. Catching her breath, Jemaika lied on top of him, his chest against her cheek rising and falling quicker than the normal rythm. Naramdaman niya ang pag-akyat ng mga braso nito mula sa baywang niya paakyat sa kanyang likod. He just held her. At mukhang wala na itong planong magsalita. Hindi maitago ni Jemaika ang ngiti sa kanyang mga labi nang iyakap niya ang mga braso sa baywang nito. Sisiguraduhin niyang mapapasakanya ang lalaking ito.   NAGMULAT ng mga mata si Yñigo at agad siyang nanibago sa pakiramdam niya. His head hurt a little. Well, he drank last night, just like the other nights when he could not bear the loneliness anymore. Kadalasan ay gigising siyang mabigat pa rin ang pakiramdam kahit kompleto naman ang tulog niya. It had always been like that since... a year ago. Pero ngayon, parang ang luwang ng dibdib niya. Parang ang sarap ng tulog niya kagabi. Inalis niya ang kumot at natagpuan niya ang sarili na hubo’t hubad. Hindi napigilang kumunot ang noo niya. Kadalasan ay natutulog lang siyang naka-boxers. Baka dahil sa nainom ay hindi na niya namalayang nahubad niya lahat ng kanyang suot. Napatingin siya sa kumot dahil agaw-pansin ang maliit na kulay-pulang mantsang nandoon. Saan galing iyon? Did he cut himself the night before? Pinagmasdan at pinakiramdaman niya ang sarili. Well, he was a little sore down there but there was no sign of cuts or bleeding. Bumaba siya ng maliit niyang kama at napatigil din nang makita ang puting tube blouse sa sahig. Napailing na dinampot niya iyon at ipinatong sa kama. Sinong burarang babae ang magtatapon ng hinubad na damit sa sahig? Kailangang matuto ng mga ito ng tamang kilos mula kay Laurice. Nakaramdam ng pamilyar na paghiwa sa dibdib niya si Yñigo nang maalala si Laurice. Kumuha siya ng malinis na boxers sa cabinet niya at nagsuot. Agad siyang dumeretso sa banyo at nakita ang sarili sa salamin. Humahaba na naman ang balbas at bigote niya. Ilang buwan na siyang hindi nag-aahit. Ayaw na ayaw ni Laurice na hindi siya nagsi-shave. Hindi raw siya gwapong tingnan. Kung minsan ay si Laurice pa ang nagsi-shave n’on para sa kanya. Nagyuko siya ng ulo at binuksan ang gripo at agad na naghilamos nang mag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Today is the 366th day since they buried her. She was diagnosed with Lupus even before he asked her to marry him. At umasa siyang kahit paano ay magkaroon ng himala mula sa traidor na sakit nito. Gusto niyang makasama si Laurice habang-buhay. Gusto niyang siya ang maunang mamatay kapag tumanda na silang dalawa. Pero hindi iyon nangyari. His last days with her was spent in the hospital. Watching her lost her health, her beauty, the light in her eyes... everything felt like yesterday. Bakit si Laurice pa? Bakit buhay pa rin siya? Bakit nagigising pa rin siya sa umaga? Ano pa ang saysay ng buhay niya? Napabuga ng hangin si Yñigo upang kahit papaano ay lumuwag naman ang dibdib niya. Kinuha niya ang toothbrush niya sa tabi ng gripo at hindi niya napigilan ang magtaka. Bakit mukhang kagagamit lang nito? Dala-dalawa ang toothbrush niya at nang huli siyang magsepilyo, hindi ito ang ginamit niya. Amoy-toothpaste din ito. Pero nagsepilyo pa rin siya. Habang nakayuko ay bigla naman siyang nag-angat ng ulo at nakita niya ang panlalaki ng kanyang mga mata sa salamin. Ang puting tube blouse na nakakalat sa sahig, ang kagagamit lang niyang toothbrush... pati kaya ang pulang mantsa sa kumot? Mabilis niyang tinapos ang pagsesepilyo at bumalik sa kwarto niya. Ano pa kaya ang bakas na makikita niya? Ang lakas ng kabog ng dibdib niya. Napalunok siya nang makita ang isang maong shorts at underwear nang makalapit na siya ng pinto. Binuksan niya iyon at tila naestatwa siya sa nadatnan sa sala. Hindi niya inaasahang iyon mismo ang makakapagpatunay ng kagaguhang ginawa niya nang nagdaang gabi. Isang babae ang nakaupo sa sala habang may kandong na isang malaking box ng pizza. Suot nito ang T-shirt niya at litaw na litaw ang mapuputi nitong binti at sarap na sarap ito sa pagkain. Nalaglag ang panga niya nang makilala niya ito. Bumuka ang bibig niya pero walang salitang lumabas. Napalingon sa direksiyon niya ang babae na punong-puno pa ang bibig. Napangiti ito. “Hi, Yñigo.” Hinagod nito ang kabuuan niya at tumigil iyon sa bagay na nasa pagitan ng mga hita niya. “Oh, good morning, too,” pilya pang bati nito sa kanya. What did you do, Yñigo? kastigo niya sa sarili. Hindi man lang siya nag-abalang itago ang umbok sa kanyang harapan. Masyado siyang nagimbal sa mga nangyayari nang mga sandaling iyon. “J-Jemaika?” “Hey, you remember my name,” masiglang sabi nito at itinabi ang pizza. Lumapit ito sa kanya habang hawak pa rin ang isang slice sa kamay. “Gusto mo? Hindi kasi ako marunong magluto so um-order na lang ako.” “Ano ang ibig sabihin nito?” sa halip ay seryosong tanong niya. “Um, I don’t think I understand what you mean,” napalabing ani Jemaika. “Ano ang ginagawa ng hipag ng ate ko rito?” “Uh.” Mapaklang tumawa si Jemaika at iniikot ang mga mata. “Seryoso? Ikaw ang nagdala sa `kin dito. Sumakay tayo ng motor mo.” Hinaplos ng daliri nito ang dibdib niya na ikinakislot niya. “`Tapos sumakay ako sa`yo.” What the f**k, Yñigo! “Naaalala mo na?” Napasabunot sa buhok niya si Yñigo. Si Jemaika ang babaeng lumapit sa kanya sa bar na hindi agad niya nakilala, ito ang humalik sa kanya, ang nagpumilit na sumakay sa motor niya, at imbes na umuwi ay humantong silang dalawa sa kama niya dahil wala siya sa sarili at hinayaan lang niya. Naaalala na niya kung paanong halos madurog ang mga labi nito sa paghalik niya, kung paanong nagmakaawa itong angkinin niya— Okay, enough! Hindi na siya natutuwa sa mga nangyayari. He just corrupted his brother-in-law’s little sister eventhough she was old enough and actually begged for it. Jemaika was a tease, alright. Ginusto rin niyang angkinin ito, inaamin niya iyon. Pero kung hindi lang siguro siya nakainom at nakilala niya ito kaagad, baka napigilan niya ang mga nangyari. Or was he only trying to justify his ‘mistake’? “Umuwi ka na,” sabi niya. Napakurap si Jemaika at bahagya pang umawang ang mga labi nito. “What?” “Hindi ka dapat nandito.” Tumaas ang kilay ni Jemaika at binigyan siya ng ‘nababaliw-ka-na-ba’ na tingin. “Seriously? Don’t you think it’s too late for that? The best thing you could do for a lady whom you spent the night with is to join her for breakfast.” Jemaika once again took a bite from her pizza slice and turned her back at him. Napahilamos ng mukha niya si Yñigo. Tama naman ito. Huli na ang lahat dahil may nangyari na sa kanila. Pero ano na lang ang iisipin ni Kuya Jai kapag nalaman nito na ginalaw niya ang bunso nitong kapatid? Meron pang nakatatandang kapatid ang mga ito at hindi hamak na mas makapangyarihan iyon. Paano kung magkaroon problema? Buntis ang Ate Nari niya. Ano na lang ang sasabihin nito kapag nalaman nito ang ginawa niya? Pinalaki siya nitong may respeto sa mga babae. At si Laurice... ano na lang ang sasabihin nito kapag nalaman niyang may iba siyang babaeng ikinama? Wala na si Laurice, paalala ng isang bahagi ng utak niya. Pero sa puso ni Yñigo, nagtaksil pa rin siya rito. “Bakit ka ba nag-aalala riyan?” narinig niyang tanong ni Jemaika. Nakaupo na uli ito sa sofa at naka-indian sit. “Magtutuos tayo.” Bumalik siya ng kwarto niya para magsuot ng desenteng damit.   NANG makalabas siya ng kwarto ay wala na si Jemaika sa sala. Nakita niya ito sa kusina at doon siya dumeretso. Nagtitimpla naman ito ng kape ngayon. Hindi mapigilang kumunot ng noo niya nang makitang parang sanay na sanay si Jemaika sa bahay niya, pero hindi naman niya ito magawang sitahin. Si Laurice at ang Ate Nari lang niya ang madalas na kumikilos dito sa kusina. “Buti na lang meron kang instant coffee rito. Nakalimutan kong mag-order ng kape sa paborito kong coffee shop. Pwede na rin `to,” sabi nito sa kanya. “Wala yata akong nakitang stirrer?” “Hindi ako gumagamit ng stirrer,” malamig na pakli niya. “Okay. Pwede naman na `tong kutsarita.” Nginitian siya nito. Agad na umiling si Yñigo. “Bakit ba mas problemado ka pa kaysa sa `kin dahil lang sa may nangyari sa `tin?” tanong pa ni Jemaika. Nagsalubong ang mga kilay ni Yñigo. Napatukod siya sa mesa at hindi kumukurap na pinagmasdan ang mukha ni Jemaika. She was beautiful alright. Pero mukha itong anghel tingnan kahit wala itong make up. Bukod pa sa biniyayaan ito ng katawan na kahit sino ay magkakasala. “Dahil lang sa may nangyari sa `tin? ‘Lang’ lang iyon para sa`yo, Miss Yap?” “You did not force me to have s*x with you, Mr. Pio. You should consider yourself lucky dahil ikaw ang nakakuha ng V-card ko.” Nanlalim ang kunot sa noo niya at umigting ang kanyang panga. “Kung gano’n, ano’ng pumasok sa isip mo at sumama ka sa `kin? Nakipagpustahan ka sa mga kaibigan mo, gano’n ba?” “Napakaseryoso mo naman.” Kaswal na iniisod nito palapit sa kanya ang isang tasang tinimplahan nito ng kape. “If you are worried that my brothers will find out, don’t. Matanda na ako. I can sleep with any man I want.” At nabasa na rin nito ang naiisip niya ngayon. “I am not just ‘any man’, Jemaika. Mag-asawa ang mga kapatid natin.” Nagulat pa siya nang bigla na lang itong bumungisngis. “Ano’ng nakakatawa?” “Ikaw. Nakakatawa ka.” Ginaya siya nito at tumukod din sa mesa. Pinagmasdan nito ang mukha niya. If she was trying to seduce him or she just really looked seductive without even trying, Yñigo did not know. “Mas bagay sa`yo ang may balbas. Mas may character ka.” Tinangkang haplusin ni Jemaika ang kanyang pisngi pero pumiksi na siya bago pa man magdikit ang mga balat nila. She was a trouble in disguise. Natatakot siyang makalimot na naman siya kagaya nang nagdaang gabi at angkinin niya muli ito nang wala sa oras. Lalo lang siyang magkakasala sa alaala ni Laurice. Nangako siyang wala nang ibang mamahalin bukod kay Laurice. At kahit wala na ito, tutuparin niya iyon. Walang salitang kinuha niya ang tasa ng kape at iniwan si Jemaika.   “NAGLASING ka na naman, ano?” tanong ni Ate Nari niya nang sabihin niyang tinanghali siya ng gising. Tumawag ito habang nagliligpit siya ng kanyang kwarto. Kaysa naman patuloy siyang matukso kay Jemaika at lalong magkasala, maglilinis na lang siya. Ayaw ni Laurice ng makalat. “Ate, nakainom lang ako pero hindi ako naglalasing. Parang hindi mo naman ako kilala,” tugon ni Yñigo habang itinatabi ang mga pinaghubaran ni Jemaika. Sanay sigurog may katulong ang babaeng iyon. “Paano kung madisgrasya ka sa susunod? Wala na si Laurice at hindi pwedeng walang magisnang tiyuhin na kasinggwapo mo ang mga anak ko.” Natawa siya nang mapakla. “Hindi ako mabilis magpatakbo, alam mo `yan. Kung madisgrasya man ako, hindi ko kasalanan.” “Sira-ulo ka talaga!” pagalit na sabi nito. “Nagbibiro lang ako, Ate. Pa’no, kita na lang tayo sa sementeryo mamaya?” “Sige. Sasamahan naman ako ng asawa ko. Mag-dinner na rin tayo nang sabay. Nami-miss ko nang makasabay kang maghapunan.” “Sige, Ate. I love you.” “I love you, too!” Nawala na ang kapatid niya sa kabilang linya nang makarinig siya ng mga sunod-sunod ng katok sa pinto. Binuksan niya iyon at nakita niya si Jemaika. “Ano na naman?” salubong ang kilay na tanong niya. “Uuwi na `ko,” nakangusong sabi nito. “Mabuti naman.” “Wala ka bang pwedeng ipahiram na damit pambabae riyan? Hindi ako pwedeng umuwi nang nakaganito lang.” “Para namang papayagan kitang iuwi ang mga damit ko.” Lumabas siya ng pinto at nilampasan si Jemaika. Dumeretso siya sa kwarto ng Ate Nari niya. Ang alam niya ay may mga naiwan pa itong damit doon nang lumipat ito nang bahay matapos nitong magpakasal sa kuya ni Jemaika. “Is this Ate Nari’s room? Great,” narinig niyang sabi ni Jemaika sa kanyang likuran. Binuksan niya ang cabinet ng kapatid at kumuha ng isang naka-hanger na dress. “Maayos pa `yan,” sabi niya nang iabot iyon dito. “Thanks,” matamis ang ngiting tugon ni Jemaika. Hindi siya tumugon at iniwan na ito. Kinuha niya ang ginamit na tasa sa kanyang kwarto at pumunta ng kusina para maghugas ng pinggan. Napailing siya nang makitang hindi man lang itinapon ni Jemaika sa basurahan ang mga sachet ng kape. Kinuha niya ang mga iyon sa mesa at inilagay sa basurahan. Nagsimula siyang maghugas ng mga pinagkainan niya nang nagdaang gabi pa. “I think it’s kind of masikip for me pero... pwede na rin.” Gulat na napalingon siya nang bigla na lang sumulpot sa kusina si Jemaika. Inaayos-ayos nito ang suot na dress kung saan bakat na bakat ang hubog ng katawan nito. Maliit na babae lang ang kapatid niya at si Jemaika, well, she has her curves in all the right places. Bahagya ring nakalitaw ang puno ng dibdib nito. Napagalitan na naman niya ang sarili. “Tumawag ka na ba ng taxi?” sa halip ay pormal ang tinig na tanong niya. “My driver is on the way na. `You need help?” Napatingin ito sa lababo. “Marunong ka?” “Nope,” anito at painosenteng ngumiti. “Makabasag ka pa, e.” Tinalikuran na niya ito. “Sabi ni Ate Nari, hindi ka naman daw masungit. I think sinasabi niya lang `yon kasi kapatid  ka niya.” Gusto sanang kontrahin iyon ni Yñigo pero mas pinili na lang niyang manahimik. Nang matapos niyang maghugas ay bumalik siya ng kwarto niya para maligo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Stubborn Love

read
98.7K
bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

Contract - Tagalog

read
753.3K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.5K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
430.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook