Nang dahil sa isang pag-amin ni Pietrice Ivory Villion, o mas kilala bilang Ivo Villion sa kasalanang hindi naman niya ginawa, ay nagalit ng husto ang pamilya nito. Muntikan na siyang kasuhan ng attempted murder ng isang scholar na babae sa kanilang paaralan.
Ngunit naniniwala siyang alam ni Zion Tunner ang totoo at siya ang magiging patunay sa kasalanang ibinato sa kaniya, ngunit hindi iyon nangyari. Masakit sa loob ni Ivo na ang taong minahal niya at minahal siya ay hindi nagsalita ng katotohanan.
Nang lumipas ang maraming taon ay bumalik si Ivo sa Pinas para sa ibinigay na posisyon ng kaniyang ama sa sikat nitong kumpanya, ngunit laking gulat niya na si Zion Tunner ang Chief Executive Officer na dapat ay posisyon niya.
She’s the princess of the Villion Empire, and she desires the position of C.E.O. Maagaw ba niya ang posisyon na gusto niya, o babalik lamang ang kaniyang pagmamahal sa lalaking unang pumunit ng puso niya?