bc

STILL IT'S YOU (Book 1) Tagalog

book_age18+
190
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
drama
twisted
gxg
friendship
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Umibig si Clarisa sa maling tao at maling pagkakataon. Mali na nga sa lipunan ang umibig sa kapwa babae, ngunit tumibok ang puso niya ang babaeng may panangutan na sa buhay. 

Paano haharapin ni Clarisa ang bawal na pag-ibig? 

Mapagbigyan kaya nang katuparan ang kanilang bawal na pagmamahalan? 

Tanggapin ba kaya sila ng lipunanan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Isang malamig na umaga sa malawak na garden sa mansion ng mga Villanueva. Ang mga magagandang bulaklak sa paligid ay nagbibigay ng saya sa bawat isa. Sila ay sumasayaw sa ihip ng hangin, habang ang araw ay nagbibigay sa kanila ng enerhiya. Nakapamaywang si Clarisa Solano na nakatitig sa mga magagandang bulaklak. Nabighani siyang titigan ang mga ito na parang nagbibigay ngiti sa kanyang umaga. Isang 26 years old, female ngunit may pusong lalaki. Isang lesbian si Clarisa Solano. Ipinanganak siyang normal ngunit ang kanyang kilos at pananamit ay parang lalaki. Kahit ang kanyang buhok ay ginupit na panlalaki. Dinaig pa ang mga kalalakihan sa kanyang porma. Dahil sa kanyang simpleng ganda ay nagmukha siyang tunay at gwapong lalaki. "Hey Clarisa!" untag sa kanya ni Ginang Marcela. Kumaway pa ito sa kanyang harapan nang hindi sumagot si Clarisa. Nagtataka ang matandang ginang kung bakit ito nakatulalang nakatitig sa mga halaman. Isang mayordoma si Ginang Marcela. Matagal na itong naninilbihan sa pamilyang Villanueva. Naging kasama niya si Mang Carlos na ama-amahan ni Clarisa sa pagsisisilbi sa mga matandang mag-asawang Villanueva. "Huh! Ahm.... Ikaw pala Ginang Marcela." Pailing-iling na tugon niya rito. "Ano ba ang iyong iniisip Clarisa at matagal kang nakatulala diyan?" tanong ni Ginang Marcela. "Wala naman! Maaari mo ba akong tawaging Clark na lang! Mukha naman akong lalaki at hindi babae!" paki-usap niya kay Ginang Marcela. "Hmm... Ikaw talaga! Pinaninindigan mo na ang pagiging lalaki," naka-ismid na sabi ni Ginang Marcela. "Pinanganak na akong ganito kaya wala na akong magagawa pa," nakangiti niyang tugon kay Ginang Marcela. "Wait! Na inlove ka na ba?" tanong ni Ginang Marcela. Napahawak naman si Clarisa sa kanyang dibdib at dinama ang pintig ng puso. Sa kanyang edad ay hindi pa niya natagpuan ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso. Napabuntong hininga siya ng malalim bago niya sinagot si Ginang Marcela. "Ahm.. Hindi pa yata ipinapanganak ang babaeng nakatakda para sa akin," sagot niya. "Kung lalaki ang ginusto mo ay marami diyan! Isa na ako sa humahanga sa iyong ganda," sabat ng lalaki. Napalingon sila sa lalaking nagsalita sa kanilang likuran. Naningkit ang mga mata ni Clarisa sa lalaking papalapit sa kanilang kinatatayuan. "Hindi tayo talo Leonard!" singhal niya rito. "Bakit ayaw mong subukan kaming mga lalaki? Kaya kitang paligayahin at dalhin sa langit," panunudyo ni Leonard. "Tumahimik ka! Kung ayaw mo mag-almusal nitong kamao ko!" galit na sabi ni Clarisa. Madaling napipikon si Clarisa kapag ang kasarian niya ang pinag-uusapan. Namulat siyang lalaki ang galaw at babae ang gustong makasama sa buhay. At si Leonard na isang guwardiya ng mga Villanueva ang laging nang-aasar sa kanya. "Oppss.. Kalma lang! Alam kong wala pa akong almusal ngunit ayaw ko ng kamao mo, gusto ko ang puson mo, este puso mo pala." Natatawang nakataas ang kanyang dalawang kamay bilang pagsuko sa sinabi ni Clarisa. "Umayos ka Leonard ha! Ang aga-aga mo na naman akong pinagtitripan!" nakataas kilay niyang sabi. "Ikaw naman hindi mabiro!" pagdedenpensa niya sa sinabi. "Huwag ako Leonard, dahil mas malakas pa ako sayo makipagsuntukan," pagbabanta naman ni Clarisa. "Halata naman eh! Naglalakihan ba naman ang iyong mga muscle sa kakagym mo," sabi ni Leonard. Mag-aapat na taon na ring kasama ni Clarisa ang mga tauhan sa mansion. Simula ng ipasa sa kanya ni Mang Carlos ang posisyon nito. Hindi alam ng lahat na galing sa mayamang pamilya si Clarisa dahil wala siyang pinagsabihan sa tunay niyang pagkatao. Ang mansion naman ay ginagawang bahay bakasyunan ng mga anak ng yumaong Villanueva. May tatlong anak na naiwan ang mga Villanueva at may kanya-kanya na itong pamilya. Isa na si Joem Villanueva ang bunsong anak na nasa America at uuwi sa darating ng araw. Kung kaya't palagi itong nililinis at inaalagaan kahit wala ang mga ito. Kasama ni Clarisa ang mag-asawang Marcela at Fernando kasama ang nag-iisang anak na si Farah. At ang nag-iisang guwardiya na si Leonard. "Mama!" sigaw ni Farah habang papalapit sa kanilang tatlo. "Oh... Tapos ka na ba maghanda ng agahan?" tanong ni Ginang Marcela. "Opo Ma," sagot nito sa ina. "Hi! Magandang umaga mga kuya," bati niya kina Leonard at Clarisa. Napalingon-lingon naman si Leonard at hinahanap kong may iba pa bang lalaki ang nasa likuran nila. Nakakunot ang noo niyang binalingan ng tanong si Farah. "Bakit mga kuya ang sinabi mo? Nag-iisang lalaki lang naman ako dito ah!" pagtatakang tanong niya kay Farah. "Naku Leonard ang hina mo talaga!" naka-ismid niyang sagot. "Tara na nga! Nagugutom na iyang si Leonard kaya ayaw na gumana ng kanyang utak." Clarisa rolling her eyes looking to Leonard. Hinila ni Clarisa si Farah at Ginang Marcela at iniwan si Leonardo na tulala. Habang papasok sila sa kusina ay naabutan nila si Ginoong Fernando na buhat ang mga pinamili. Kaagad naman tinulungan ni Clarisa ang matanda. "Ang dami naman yata ng pinamili mo Ginoong Fernando?" tanong ni Clarisa. "Nakalimutan mo na ba na dadating si sir Joem sa makalawa?" balik nitong tanong. "Oh sorry! Nakalimutan ko," pabulong kong sagot. "Naku! Mag-iingat ka sa iyong mga galaw Clarisa dahil masungit si sir Joem," paalala ni Ginoong Fernando. "Sige po at tatandaan ko ang iyong sinabi," tugon niya sa matanda. "Halina kayo sa mesa at tayo'y mag-almusal na," tawag naman ni Ginang Marcela. "Hey kuya Leonard! Dahan-dahan lang sa iyong pagsubo ng pagkain baka pati kami ay iyong malunok," pagbibiro ni Farah. Nanlaki naman ang mga mata ni Leonard sa sinabi ni Farah. Hindi siya nakapagsalita dahil puno ng pagkain ang bunganga. Madaldal si Farah at marami siyang kalokohan na naiisip. Nagtawanan na lamang sila dahil alam nilang madalas ni Farah asarin itong si Leonard. Pinaghahandaan nila ang pagdating ng bunsong anak ng mga Villanueva. Si Joem na ang pinamahala ng mga kapatid sa isang factory ng fireworks dito sa Pilipinas. Ito na ang pagsisilbihan nila bilang amo. Siya lang sa magkapatid ang walang anak kaya sa kanya ipinaubaya ang pagpapatakbo nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
68.1K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
245.6K
bc

Unexpected Romance

read
37.4K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
197.9K
bc

SILENCE

read
379.4K
bc

The ex-girlfriend

read
138.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook