bc

Agápi Series #2: Under the Crown

book_age18+
10
FOLLOW
1K
READ
second chance
arranged marriage
brave
prince
princess
heir/heiress
drama
city
royal
first love
like
intro-logo
Blurb

Henrietta is the princess of Aurora, she is predestined to Prince Ace of Galicia. They were supposed to meet each other when Henrietta is already at her legal age. However, because Henrietta wanted to study at a university her parents gave her a condition which is to be with her fiancè at the same university to look over her. At first, they didn't care that much until they started to seek each other's presence that eventually leads them to their agony.

chap-preview
Free preview
Prologue
"This is so great Princess Rietta," Komento ng isa sa mga businesswoman na naglilibot ngayon sa HHL Gallery ko. Pinatayo ko ang Art Exhibit na ito last year when I already decided to show off some of my masterpiece. Painting ng isang babaeng nakadungaw sa kanyang bintana habang sinusubukang abutin ang buwan ang tinutukoy ni Mrs. Cruz. It was me, back when I was inside the palace. Iyon ang mga panahon na hindi ko pa nakilala ang mga kaibigan ko at buong buhay ko ay nasa loob lang ako ng palasyo at walang ibang ginawa gabi-gabi kung hindi ang magmuni-muni at dumungaw sa terrace ng kwarto ko para tignan ang kabuoan ng Aurora at ang buwan kasama ang mga bituin na malaya at puno ng kagandahang kumikislap sa kalangitan. "That's my Philouran" nakangiti kong sabi. Philouran refers to a person who loves both moon and star and I am a one of them. "Save it for me then," nakangiti niyang sabi bago nagpaalam at saka nilibot pang muli ang buong lugar. Magmula ng umalis muna ako ng Aurora ay ito na ang naging libangan ko, ang magpinta, ang ilabas sa paraan ng arts ang saloobin ko. Halos lahat ng gawa ko na nakadisplay sa exhibit na ito ay nakabase sa akin, sa nararamdaman at pinagdaanan ko. Habang naglalakad ay napunta ako sa pinakadulong parte ng lugar na ito kung nasaan ang mga paintings na nagpapa-alala saakin ng taong matagal ko ng sinusubukang kalimutan pero kahit anong gawin ko ay nananatili parin ang parteng na-okupa niya sa puso at buhay ko. Nasa parteng ito ang painting ng Taverna University kung saan mas lumalim ang samahan namin. Ang ilan pa sa mga lugar na napuntahan namin ng magkasama at bawat lugar na iyon ay may nakapintang silhouette ng isang babae at lalake na magkasama, mayroong magkatabi na nakaupo, magkayakap, nagsasayaw, nakatayo at iba pa. Hindi man alam ng karamihan pero alam ko at kilala ko sa sarili ko kung sino ang nagmamay-ari ng mga silhouette na iyon. Agad ko namang inalis ang malaking painting kung saan nakapinta ang isang lalake at babae na magkasama at hawak kamay na bumaba sa isang hagdanan habang may mga taong naghihintay at nakatingala sa kanila sa ibabang parte nito. 'Ang huling araw na magkasama kami ng masaya' Nang maalis ko iyon at malapag sa sahig ay binalikan ko ng tingin ang pinagmulan nun kung saan biglang sumikip ang dibdib ko sa nakita. Pumatak ng kusa ang luha ko habang hinahaplos iyon. It was an unexpected painting wherein I coated my palm with black acrylics and stamp it on the canvas na punong puno ng iba't ibang kulay na nagsilbing background nito. Mas lalong tumulo ang luha ko ng haplusin ang puting pintura na nasa gitna ng palad ko, isang maliit na palad na gawa sa puting pintura. 'The palm of my angel' "Hyllee," napalingon naman ako sa likod ko ng may biglang tumawag saakin. "KD," tawag ko pabalik sakanya. Lumapit naman siya saakin saka pinunasan gamit ang hinlalaki niya ang luha ko. "Umiiyak ka nanaman. That's enough baby, baka may makakita sayo." pagpapatahan niya saakin saka ako niyakap at hinagod ang likod ko. He is Kendric Dewei, siya ang nakasama ko sa lahat kahit nung mga panahon na halos mawala na ako sa sarili. "Hush, always put in mind that our baby is now an angel at lagi lang siyang nasa paligid natin at binabantayan tayo. Ayaw mong makita niyang malungkot ka dahil sakanya right?" tumango naman ako. Siya ang laging nanjan lalo na sa mga oras na ganito, na nasasaktan at nalulungkot ako. Sabay naman kaming humarap ulit sa painting and this time siya naman ang humaplos sa palad na nakaukit sa painting. "Bibili muna ako ng tubig, babalik ako agad. Wag ka ng umiyak, okay?" Paalam niya. Tumango naman ako na kinangiti lang niya saka ako hinalikan sa noo bago umalis. 'I love you' Piping sabi ko saka hinaplos sa huling pagkakataon ang painting. Tumalikod naman ako saka binuhat ang painting na nilapag ko para sana ibalik iyon sa kinalalagyan nito pero muntik ko na iyong mabitawan ng paglingon ko pabalik sa kinalalagyan nito ay may lalake doon na nakatayo at seryosong nakatingin kay 'Angel', iyon ang pinangalan ko sa painting ng mga palad na iyon. "This is so beautiful. It's simple yet it feels like it warms my heart the moment I saw it even from a far," komento niya. "Sorry but it's not for sale." wala sa sariling sabi ko saka walang pasabing binalik ang painting na dapat ay nakalagay doon kanina. "That's rude of you Louise. Can't I just look at it?" sabi niya saka ako nilingon gamit ang mga matang matagal ko ng gustong kalimutan pero hindi ko magawa dahil magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko na kabisado kahit anong angulo ng mga iyon. Napatingin naman ako sa painting di kalayuan sa kinatatayuan niya kung nasaan nakapinta ang dalawang mga mata, ang kalahati nito ay mata ng isang lalake samantalang ang kalahati naman ay sa isang babae kung saan magkadikit ang mukha nila saka binalikan ng tingin ang mga mata niya. Halos walang pinagkaiba ang mga iyon. "I didn't mean to act rude, its just that the painting you just saw is forbidden Cassian," kinalma ko ang sarili ko habang sinasabi ang mga iyon. "Why are these paintings are inside this glass?" tanong niya habang nakahawak sa glass na nagsisilbing harang ng lahat ng painting sa parteng ito. Nakabukas kasi iyong kanina dahil binuksan ko iyon ng tanggalin ko ang 'Ending' ang tawag ko sa painting na nakatakip kay Angel. "Because these aren't for sale," sagot ko Lahat ng paintings sa parteng ito ay display lang dahil ayaw kong pakawalan ang alin man dito. Nakita ko naman siyang lumapit sa parte ng glass kung nasaan ang painting ng isang prinsipe ngunit wala iyong mga mata, ilong at bibig. Sinadya ko iyon para hindi malaman ang pagkakakilanlan ng lalakeng nasa painting na iyon dahil paniguradong makikilala siya ng makakakita sakanya. Hindi nakatakas saakin ang ngiti niya ng titigan iyon pati narin ang hindi maipaliwanag na lungkot sa mga mata niya. "Baby," napalingon kaming pareho kay KD ng bigla siyang sumulpot sa gilid ko at nilagay ang isang kamay sa bewang ko na sinundan naman ng tingin ni Cassian. Inabot naman niya saakin ang tubig na kakabukas lang niya. Tinanggap ko iyon saka uminom at binalik iyon sakanya. "Feel better now?" tanong niya, ngumiti naman ako at tumango. "By the way Mr. Torres is looking for you," imporma niya. Napalingon naman kami kay Cassian ng tumikhim siya. "Uhm, anyway this is Cassian." pakilala ko kay KD kahit na alam kong kilala naman na niya ito. "And Cassian this is Dewei," nakipagkamay naman ito sakanya. "It's nice to finally meet you," sabi ni KD saka hinalikan ang gilid ng ulo ko. Hindi ko alam kun namamalikmata lang ako pero nakita ko ang sakit at galit na dumaloy sa mga mata ni Cassian dahil doon. Gayunpaman ay ayaw ko na siyang makita o makausap pa ng matagal. "If you'll excuse us," sabi ko saka sinukbi ang kamay ko sa braso ni KD at tumalikod kay Cassian "Let's go babe " nakasanayan ko ng iyon ang itawag kay KD minsan kaya hindi na iyon bago saamin. Pero bago paman kami makalayo ay nilingon ko ulit si Cassian "It's nice to see you again and please enjoy yourself roaming around." hulig sinabi ko saka kami nagpatuloy ni KD sa paghakbang palayo sakanya. Even after everything nothing had change, not even my feelings at kung may nagbago man iyon ay ang kagustuhan kong makasama pa siya ulit dahil kailan man hindi ko na nakikita pa ang sarili ko ng kasama siya hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil hindi iyon pwede.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

His Obsession

read
71.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook