bc

Seducing The Handsome Gay

book_age16+
2.4K
FOLLOW
9.9K
READ
friends to lovers
dominant
kinky
drama
comedy
humorous
campus
office/work place
coming of age
first love
like
intro-logo
Blurb

Ang inaakala ni Donita Diem Martin na pagtatapat ng feelings ng kaniyang kaibigan at ultimate crush na si Elton Mckevin Silvestre ay nauwi sa hindi inaasahang pagtatapat ng gender nito. Nagimbal siya sa katotohanang bakla ito at hindi niya iyon matanggap.

At dahil lubos ang pangarap ni Diem na maging sila, gagawin niya ang lahat mapalabas lang ang itinatagong p*********i ng crush niyang si Elton. Kahit pa ang magpanggap na girlfriend nito ay papatusin niya, maakit lang ang isang Elton Mckevin Silvestre.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE:
Prologue: "Diem, may sikreto ako pero sana tayong dalawa lang ang dapat na may alam." Napahinto ako sa paglalakad at excited na tumingin sa kanya. He's really handsome, kahit sinong babae, mahuhulog ang panty kapag tiningnan siya. Ang kanyang mga mata, ang matangos niyang ilong, ang mapupulang labi niya at ang pangahang hugis ng kanyang mukha. My gosh! laglag panty ko sa kanya, pero kailangan kong maghunos dili dahil kaibigan ko 'to. Kaibigan ko siya! Kapag nalaman nilang may gusto ako sa kanya baka itakwil ako ng mga friendship ko! "Ano 'yon?" pa-cute na tanong ko. Nag-aalalang tumitig siya sa mga mata ko at saka hinawakan ang magkabila kong pisngi. Nanlaki ang mga mata ko, biglang nag-init ang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin at infairness dahil halos lahat yata ng pores sa mukha niya ay sarado. Wala talaga akong maipintas sa angking kagwapuhan niya. Pero shems! Parang alam ko na 'to, a! Mukhang magtatapat yata 'to sa'kin! Hala nakakahiya, ang pangit ng venue kung saan siya magtatapat. Nandito kami sa harap ng basurahan, sa gilid ng kalsada! Tirik na tirik ang araw, at halos manlimahid pa yata ako dahil sa tagaktak na pawis. Ni hindi manlang romantic! My gosh! "A, kung magtatapat ka naman sa'kin, pwede ba kapag gabi na lang o kaya hindi dito?" suhestiyon ko. Nagtatakang napakunot ang noo niya. "Ano bang sinasabi mo? May tamang lugar ba para sabihin ko sa'yo ang sikreto ko? Hindi na ako makapaghintay, hirap na hirap na akong itago!" Shems, atat? Kaya sige na nga, okay na sa akin kahit nasa tapat kami ng basurahan. Basta sabihin niya lang sa akin ang matamis na salitang matagal ko nang hinihintay. "A-ano ba kasi 'yon? Ikaw naman e," kinikilig-kilig pa na sabi ko. "Promise me, hindi mo sasabihin sa mga kaibigan natin?" Tumango ako, "So secret lang?" Okay na rin, kasi nakakahiya pang umamin sa mga friends namin. "Oo." Nginitian ko siya at saka mabilis na tumango. Super excited na akong malaman! "Diem, b-bakla ako." Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig. Nangunot ang noo ko pagkatapos ay inalis ang mga kamay niya sa magkabila kong pisngi. Teka nga, parang nabingi yata ako? Hindi dapat 'yan ang marinig ko, eh. "Anong sinasabi mo d'yan?" "Bakla ako!" Hinawakan niya pa ang magkabilang balikat ko. Niyugyog niya ako para magising ako sa katotohanang tama ang sinabi niya, pero ayokong magising. Kasi shemay, matagal kong kinimkim na crush ko siya tapos ganito lang ang maririnig ko? Ganito lang?! Ganito lang talaga?! "Elton, hindi pwede 'yan!" protesta ko. "Anong hindi pwede? Ganito talaga ako, e? Anong magagawa ko kung girl din ako?" Napasinghap ako at saka bahagyang lumayo sa kaniya dahil tuluyan nang bumigay ang boses niya. Hindi pwede 'to. Hindi katanggap-tanggap! Hindi ko matatanggap! Hindi ko kaya! No!!! This is just a dream! "Hindi pwede kasi gusto kita, Elton! Hindi ka pwedeng maging bakla kasi papakasalan pa kita!" Ngayon, siya naman ang nagulat. Hinatak ko siya palapit sa akin kahit ang tangkad-tangkad niya, pilit ko siyang inabot. Pinilit ko siyang halikan. Kailangan pati siya ay matauhan! Ito ang unang halik naming dalawa. . . Sa ilalim ng tirik na tirik na araw, sa gilid ng kalsada at sa harap ng basurahan na saksi sa unang halik naming dalawa. Ito ang unang step para akitin ang baklang si Elton Mckevin Silvestre.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Property

read
945.9K
bc

Married By Mistake

read
170.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K
bc

Heartless Multibillioneir's Babies

read
479.4K
bc

Contract - Tagalog

read
753.4K
bc

Be Mine Again

read
98.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook