bc

Loving Kevin

book_age18+
12.6K
FOLLOW
91.5K
READ
billionaire
possessive
playboy
heir/heiress
comedy
sweet
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Bakit ang sarap at ang hirap mong mahalin kevin?-

-Love Chacha

Bata palang si Chacha mahal na mahal na niya si Kevin. Childhood crush niya ito. Alam niyang nakukulitan na ito sakanya ngunit hindi siya susuko upang mapansin siya nang masungit nitong puso..

chap-preview
Free preview
Intro
"Gosh mukha talaga siyang Korean! Ang cute cute niya talaga!" Nakasilip si Cha-Cha sa bintana ng kanyang kwarto habang naglalaro ng basketball ang kanyang kuya Larry kasama ang mga kaibigan nito. Sa edad na Katorse natutunan na ng kanyang puso ang humanga sa bestfriend ng kanyang kuya. Halos dalawang taon na niya itong hinahangaan. Walang iba kundi si Kevin Justine Cortez. Napakagwapo nito sa lahat ng kaibigan ng kanyang kuya larry. Ito ang pinakamatangkad at pinakamagaling mag laro ng basketball. Magaling din ito sa Academics dahil Student Council President ito sa kanilang Campus. MVP ng Basketball Varsity at higit sa lahat ito ang pinagkakaguluhan ng mga babae sa loob ng campus nila Ngayong Sixteen years old na si Cha-Cha at first year college sa DeLumina College mas lalong lumalim ang kanyang pag hanga kay Kevin na kaklase ng kanyang kuya larry at 3rd year college na. "Palagi mo nalang bang papanuodin mag basketball yan? Gwapo nga siya pero lahat naman ng babae kaagaw mo sakanya. Sasakit lang ang ulo at puso mo" Napasimangot si Cha-Cha dahil sa komento ni Paulo ang kanyang bestfriend. Nasa loob din ito ng kanyang silid. "Oo nga Cha! Ang sungit sungit pa niyan!" Sabat naman ni Hazel. Ang isa pa niyang kaibigan. Tatlo sila ngayon sa kwarto niya dahil gumagawa sila ng Groupproject "Wag nga kayong ganyan sa sweetheart ko! Ayaw niya lang ako pansinin dahil--" "Dahil hindi ka niya gusto" Singit ni Paulo "Hoy paulo sasapakin na kita.. Gusto ako ni Kevin nararamdaman ko yun no!" Napanguso siya Umirap sa hangin si Hazel at paulo "Halika na dito Cha cha gawin na natin yung project natin. Baka gabihin pa tayo dahil panay ang tingin mo diyan sa kevin na yan" "Fine!" Sumulyap pa muna siya kay Kevin habang nag lalaro ito ng basketball Bumilis ang t***k ng kanyang puso dahil nakatingin ito sakanya. As usual nakakunot ang nuo nito. Ngunit hindi nabawasan ang taglay na kagwapuhan nito. Singkit ang mata nito at matangos ang ilong. Ang labi nito ay mamula-mula. Kahit Nineteen years old palang ito maganda na ang hubog ng katawan nito dahil May Abs na ito hihihi Napakaway siya at nag Flying kiss kay Kevin. Lalo naman kumunot ang nuo nito at nag iwas ng tingin. Kinikilig siya humarap kila Paulo at Hazel na nasa likod niya pala "Dinedma ka diba? Bakit kinikilig ka pa din?" Nakasimangot naman si Paulo at hazel "Oo nga Cha! Napakasungit talaga! Dati crush ko siya pero nawala na dahil napakasama ng ugali niya grrrrr!" Ngumiti lang siya dahil kinikilig pa din siya. Buo na ang kanyang araw tuwing titingin si Kevin sakanya pakiramdam niya ang saya saya niya "Wag kayong negative. Tara na gawa na tayo ng project" Kina-umagahan maagang pumasok sa campus si Chacha. Kahit Pang hapon pa ang klase niya hihi gusto ko kase makita araw araw si kevin. Pang umaga kase siya eh. Kaya araw araw inaagahan ko ang pagpasok para abangan si Kevin dito sa gate ng school. Napapatingin si Chacha sa kanyang relo. Malapit na mag alas-otso ng umaga. Ibig sabihin paparating na si kevin. Nag lalakad lang kase ito tuwing papasok sa kanilang school Halata sa pananamit nito na galing ito sa mayaman na pamilya. Kahit hindi pa nakakapunta ang kanyang kuya sa bahay ni Kevin. Nahuhulaan niyang malaki ang bahay nito. Malayo palang si Kevin tanaw na tanaw na ni Chacha ang napakagwapo nitong mukha habang naglalakad ito papasok sa Gate ng kanilang paaralan. He is the Cleanness Man she ever met.. Ang puti puti ng Uniform nito. At palaging mukhang bagong ligo ito dahil ayos na ayos ang buhok nito. At ang bango bango din nito. Hinanda na niya ang kanyang matamis na ngiti. Tuwing umaga nagpapaganda siya ng husto. Nakatirintas pa ang kanyang buhok at halos ipaligo na niya ang baby cologne. "Hi Sweetheart! Good morning!" Bati niya kay kevin ng dumaan ito sa harap niya. As usual Sumimangot lang ito at nilagpasan siya na parang hangin Ngunit para sakanya Buo na ang araw niya dahil nakita na niya ito. Araw araw niyang ginagawa ito. Hihi Ang sungit ng sweetheart ko Tahimik niya lang itong sinusundan. Habang napapangiti siya. "Hoy! Lagot ka kay Mama! Pang Hapon pa ang klase mo ha? Sinusundan mo nanaman si kev." Piningot siya ng kanyang kuya larry sa kanyang tenga "Awww kuya naman! Bitawan mo tenga ko!" Pumiglas siya kaya nabitawan agad ng kuya larry niya ang kanyang tenga. Napalingon naman si Kevin sakanila "Umuwi kana. Tulungan mo si Mama mag linis ng bahay. Mamaya pa ang klase mo" Nakasimangot na sita sakanya ng kanyang kuya. Mabait ito at mapagmahal na kuya kahit palagi silang nag aasaran "Kev sabi ko sayo wag mong pinapansin tong kapatid ko lalong lumuluwag turnilyo ng ulo nito eh." Napalingon siya kay Kevin bakas sa mukha nito ang pag digusto. Nakasimangot ito habang nakatingin sakanya "N..nako Sweetheart wag ka maniwala kay Kuya. M..May project kasi kaming gagawin tuwing umaga kaya nandito ako araw araw" Explenasyon niya kay Kevin "Sweetheart ka pa Chacha? Ang bata bata mo pa" Piningot nanaman siya ng kanyang kuya kaya namula ang kanyang mukha, huhu kakahiya! bwisit ka kuya pinapahiya mo ako palagi sa sweetheart ko Nakasimangot lang si Kevin habanh nakatingin sakanya "Tara na Larry malate na tayo.." Aya nito sa kanyang kuya bago ito lumakad palayo sakanila "Hoy umuwi kana susumbong kita kay Mama. Nakakahiya sa kaibigan ko tinatawag mo pang sweetheart--" "Hoy impakto ka kuya isusumbong din kita na may girl friend kana at yung pinakasexy pa dito sa Campus ang girlfriend mo ang landi landi ng babaeng yun sasabihin ko kay Mama!" Pananakot niya sa kuya niya Nanlaki ang mata nito "Sige hindi na kita isusumbong" Natawa ito at ginulo ang buhok niya. Mukhang natakot itong isusumbong niya ito kaya biglang naging friendly ang kuya larry niya. Hay nako! "Bagay nga kami ni Freya eh. Sige na papasok na ako susundan ko na si Sweetheart mo" Napangiti siya sa sinabi nito. Nako Alam talaga ni kuya kung paano ako papaamuhin ahahaha Humabol na ang kuya niya kay Kevin papunta sa klase ng mga ito. Napangiti siya at lihim na sinundan ang mga ito. Pag pasok ng mga ito sa Classroom sumilip lang siya sa bintana. Sakto naman tuwing uupo si Kevin sa upuan nito napapalingon ito sa bintana. Dahil alam nitong palagi siyang nandun. Para bang sanay na si Kevin pag lingon nito sa bintana nandun siya at nakatingin dito Ngumiti siya ng matamis at nag Flying kiss dito. Napasimangot lang ito at nag iwas ng tingin. Araw araw niyang pinapanuod ito habang nag aaral ito. Hobby na niya yun simula maging schoolmates sila. "Hoy!" Napalingon si Chacha kay Hazel ng kalabitin siya nito. "Oh? Bakit ang aga mo hazel? Pang hapon pa tayo ha?" Bulong niya kay hazel at hinila ito upang magtago sila sa ilalim ng bintana ng classroom nila kevin "Ikaw nga ang aga aga mo din.. May titignan lang ako dito" Sumilip ito sa bintana at napangiti "Sino naman tinitignan mo sa classroom na yan? Wag yung sweetheart ko ha kundi galit na tayo" Nakalabi niyang tanong Natawa si Hazel "Ayoko nga sa sweetheart mo. Basta may crush din ako sa section nila." Namula pa ang pisngi nito "Sino nga? Ano ba yan nag sisikreto kana sakin ah?" "Basta cute siya. Malalaman mo din someday" "Ano ba yan? Wala namang ibang pogi sa section nila bukod kay Kevin." "Grabe ka. Ang cute cute niya kaya at magaling pa mag gitara" Nanlaki ang kanyang mata "Oh my God si kuya ba?!" Tinakpan agad ni Hazel ang kanyang bibig dahil baka may makarinig sakanila. Maganda din si Hazel pero simple lang ito. Hindi katulad niya palaging colourful ang kanyang damit. Palagi pa siyang naka head band na kulay pink. "W..Wag kang maingay! H..Hindi si k..kuya mo no!" Bulong nito Napapangiti siya dahil halatang halatang si Kuya larry nga ang gusto ni hazel base sa pamumula ng pisngi nito "Haha. Oo na.. Wala kang matatago sakin dahil best friend kita. hayaan mo ilalakad kita sa kuya ko" Bulong niya dito na kinapula ng mukha nito "Grrrrr. Wag ayokong malaman ng kuya mo!" bulong pa ulit nito "Simula ngayon sasamahan mo nako sa pag silip sakanila ha?" Aya niya sa kaibigan "Mga baliw!" Napalingon sila kay Paulo kararating lang nito at nakatingin sakanilang dalawa ni Hazel habang nakayuko sila sa ilalim ng bintana ng Classroom nila Kevin "Sshhhhhh!" Sabay nilang hinila payuko si Paulo at hinila palayo "Ano ba bitawan niyo nga ako mga baliw kayong dalawa. Ano ba kase ginagawa niyo sa classroom ng mga third year? " Galit na sabi ni Paulo ng makalayo sila sa classroom "Paulo ang ingay mo, wag kang maingay maririnig tayo ng mga third year!" Bulong niya kay paulo Tumahimik naman ito pero halatang galit padin "Kill Joy ka naman paulo eh!" Reklamo ni Hazel Napag pasyahan nilang lumayo na sa Classroom ng third years "Hindi kayo papansinin ng mga crush niyo. Dahil kung gusto nila kayo sila pa ang lalapit sainyo. Wag niyong gawing cheap ang mga sarili niyo. Lalo kana Charlene!" napasimangot silang dalawa ni hazel. Nakaramdam siya ng inis kay Paulo dahil sa pag sigaw nito "Bwisit ka paulo!" Piningot nila si Paulo May itsura sana si Paulo kaso payat ito at pakialamero ito mula pa nuon. Magkababata silang tatlo nila hazel kaya naging magkakaibigan sila. "Awww!" Napa aray ito sa pag pingot nila

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.5K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.3K
bc

The Young Master's Maid

read
749.1K
bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
542.8K
bc

My Son's Father

read
583.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook