bc

HINDI NA BABALIK SI LOLAMI

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
drama
sweet
heavy
lighthearted
serious
like
intro-logo
Blurb

Maraming hindi pumipili sa kamatayan bilang isang paksa ng kuwentong pambata dahil sa bigat nito.

Kaya siguro maraming natatakot na harapin ito, lalo na't kung isang kaanak o mahal sa buhay ang naunang yumao at hindi na nga babalik pa kailanman.

Ngunit iba si Mikmik. Alam niyang malungkot ito pero dapat na kinakaya dahil lahat naman ay doon patutungo. Ang mahalaga ay ang mga alaalang iiwan at hindi malilimutan nang sinumang aalis nang walang balikan.

chap-preview
Free preview
HINDI NA BABALIK SI LOLAMI
1. Abril ang paboritong buwan ni Mikmik. Ito kasi ang buwan ng pagdalaw ng kaniyang Lolami. Napakalayo raw nang binibiyahe ni Lolami! “Naku, apo! Apat na sasakyan ang sinasakyan namin bago marating ito!” Pinupupog niya ng halik sa pisngi si Mikmik habang karga-karga niya ito. 2. “Una sa likod ng kalabaw, sunod sa traysikel. Tapos, mag-aabang kami ni Lolodi ng bus pa-Maynila. Jeep ang huling sasakyan. Pero hindi sumama ang iyong Lolodi. Ako lang ang bumiyahe.” 3. “Heto ang para sa apo kong si Mikmik” Inisa-isa ni Lolami ang mga laruan. “b***l-barilang kahoy, trak na kahoy, at bangkang kahoy na nilagyan pa ng layag na katsa!” Kalong ni Lolami ang kaniyang apo. “Salamat po, Lolami!” “Magpaturo ka sa tatay mo kung paano laruin ang mga iyan. Ginawa lahat ‘yan ng iyong Lolodi.” 4. Parang kailan lang nakatabi ni Mikmik ang kaniyang Lolami. Ang dami niyang kuwentong narinig na nagpahimbing sa kaniyang pagtulog. Ngunit ngayong nakasabit na ang parol at naiilawan na ang munting Christmas Tree ay bigla na lang nagising si Mikmik sa malakas na iyak ng nanay niya. “Darating ang iyong Lolami, Mikmik. Nasa biyahe na ulit siya…papunta rito.” 5. Napatingin siya sa mukha ng nanay niya. “Wala na siya.” Parang alam na ni Mikmik ang nangyari. Napanood na niya ang ganoong pangyayari sa telebisyon.  Noong isang buwan nga ay nakita niyang maliwanag at maraming tao ang bakuran ng kapitbahay niyang si Nixon. “Alam ko na po ang ibig ninyong sabihin, nanay.” 6. “Narito na pala ang iyong Lolami, Mikmik.” Kaunting luha na lang ang nakita niya sa mga mata ng tatay at nanay niya habang buhat-buhat ng ilang lalaki ang malaking kahon. Nasa isang sulok lang si Mikmik. Nang kargahin siya ni Lolodi ay parang napangiti si Lolami sa kaniya. “Big boy na po ako Lolodi. Ganyan din po ang napanood ko sa telebisyon.” 7.  Nailagay na ang lahat ng ilaw at bulaklak sa paligid ng higaang iyon. At gaya nang napanood niya sa telebisyon at sa nakita niyang ginawa ng pamilya nina Nixon, binantayan niya si Lolami. Pinagulong niya sa salamin ng kahon ang munting trak na kahoy, isinabit ang bangkang may layag sa isang dambuhalang bulaklak, at isinukbit ang munting b***l na kahoy sa kaniyang baywang habang nakasaludo sa kaniyang lolang wari’y nahihimbing lamang sa pagkakatulog. 8. “Hindi na po babalik si Lolami. Ganyan din po iyong lolo ni Nixon at iyong napanood ko sa telebisyon. Tinawag na raw po sila ng Diyos sabi ni Father Anthony.” Umiyak na naman ang nanay niya. “Ang dami mo’ng alam, Mikmik” 9. Dumating na ang kanilang mga kamag-anak. May nanggaling sa ibang probinsiya at sa ibang bayan ng Bulacan. “Sa isang araw darating si bunso mula sa Canada,” sabi ng nanay niya. 10. “Ito na pala si Mikmik! Naikuwento sa akin ng iyong Lolami ang hilig mo sa laruan! Kaya may pasalubong din ako sa iyo, apo.” At iniabot ng kapatid ni Lolami ang laruang robot. Kumikislap ang mata niyon at gumagalaw ang mga kamay at paa. “Lolami, may bago po akong laruan.” Ipinatong ni Mikmik ang robot sa salaming nakaharang sa mukha ni Lolami. 11. Hindi na malungkot ang sumunod na mga araw. Parang piyesta kina Mikmik. Ako na po ang magbibigay ng mga juice at tinapay sa mga bisita,” sabi ni Mikmik. Nakipaglaro rin siya sa mga batang naroon. “Bigay itong lahat ni Lolami.” 12. “Ito na ang huling biyahe ng iyong lola papunta rito sa atin, Mikmik. Hindi na natin siya makakasama.” Tahimik lang na nakatungo si Mikmik. “Pero lagi ko pong maaalala si Lolami kaya para rin po natin siyang kasama,” sagot niya sa tatay niya. Kinuha ni Mikmik ang mga laruan na nasa bulaklak at ibabaw ng salamin. “Maaalala ko pong lagi si Lolami ‘pag naglalaro ako ng mga ito.” 13. Maraming tao sa bakuran nina Mikmik kinabukasan. Nagkumustahan, Nagkuwentuhan. Narinig muli ni Mikmik ang tungkol sa kabaitan ni Lolami.   14. Tahimik ang lahat lalo na nang pinalipad ang mga puting lobo.  Umiyak si Mikmik. Parang ito na ang pinakamalakas niyang pag-iyak. “Big boy na nga pala po ako Lolodi.” Napangiti ang kaniyang lolo habang pinapakawalan ang huling kumpol ng puting lobo. “Sa isang buwan ay maliligo tayo sa ilog kung saan kami nagkakilala ng iyong Lolami.” Kahit malungkot, biglang sumaya ang mukha ni Mikmik. Karga-karga siya ng kaniyang lolo palabas sa lugar na bago para kay Mikmik ngunit sabi ng kaniyang Lolodi ay “patutunguhan ng lahat ng tao.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
168.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
118.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

The Billionaire's Hot Maid

read
18.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook