bc

The Substitute Wife

book_age18+
13.4K
FOLLOW
103.4K
READ
billionaire
love-triangle
possessive
escape while being pregnant
drama
comedy
Writing Academy
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Treece Halter Hughes lives a life that everybody would dream on. He has the perfect family, the perfect career and the perfect looks. Admired by most women and envy by men. He is the definition of perfect for everyone, but beyond his flawless living lies a perfect disgrace - his miserable marriage.

Waking on the right side of the bed in just one flip, his wife changed. Gone the savage, b***h and selfcentred person and replaced by someone so fuckable-he mean, adorable.

Resurrection Andrada has nothing in her life except her stunning beauty and an alluring body. Through fate, this orphan who lives in ghetto will have the chance to enter Treece's life. Unfortunately, the perfect life she expected turned out to be the opposite.

She was hated by his family, judged by his friends and loathed by her so called husband.

With all the difficulties and hitches in her situation, will she succeed being the substitute wife?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
THE SUBSTITUTE WIFE Hindi ako nakailag nang tumama sa mukha ko ang isang lumilipad na bagay. "Ang kapal ng mukha mong bumalik pa rito matapos ng kataksilang ginawa mo sa kapatid ko!" Bumagsak sa paanan ko isang aklat kasabay ng paghapdi ng aking pisngi. Dagli akong napatingin sa harap at sumalubong doon ang isang galit na galit na babae. Tantiya ko ay kaedaran ko lamang ito. Maputi, sexy, maganda ang pagkakakulot ng buhok na abot hanggang baywang at may taglay itong maamong mukha sa kabila ng nanlilisik nitong mga mata. Sa gulat ko rito ay tila naestatwa na lang ako sa kinatatayuan ko. "What's happening in there, bakit ka sumisigaw Venus?" Mula sa kulay pilak at malawak na hagdang nakapuwesto sa gitna ng mansyon ay bumaba ang isang may edad ng babae. Nakasuot ito ng bestidang abot hanggang sakong at pusturang-pustura na naglakad pababa. Kagaya ng naunang babae ay maganda rin ito kahit pa matanda na. Sosyal na sosyal tignan at tuwid na tuwid kung tumayo. Para itong beauty queen kung kumilos hanggang sa makarating ito sa puwesto ko. Natuon ang atensyon nito sa'kin ng magtama ang aming paningin at segundo lamang ang binilang ay biglang bumalasik ang galit sa mga mata nito. "What the hell are you doing here, you lying conniving b***h!" dumagundong ang boses nito sa kabahayan kasabay ng pag-igkis ng palad nito sa pisngi ko. Seryoso? Normal ba ang sakitan dito? "A-ano ho bang problema?" sa wakas ay nasambit ko habang sapu-sapo ang pisngi kong namamaga na yata sa lakas ng sampal nito. "You have the guts to ask us? So ikakaila mo pa rin pala kahit huling huli ka na! Malandi ka na sinungaling ka pa!" bulyaw nung babaeng nagngangalang Venus. "Get out of this house! Now!" sabi ng matandang babae at saka nila ako sabay na kinaladkad palabas ng mansyon. Nagpupumiglas ako ngunit dahil dalawa sila ay wala akong panama. Pakiramdam ko ay mahihiwalay na ang anit ko sa ulo ko sa lakas ng pagkakasabunot ng mga ito sa buhok ko habang hila hila ako papunta sa pinasukan kong tarangkahan kanina. Nagkandatisod-tisod pa ako dahil hindi ko makita ng ayos ang nilalakaran ko. "Tama na ho! Bitawan niyo na ho ako! Masakit na ho!" pagmamakaawa ko sa mga ito ngunit tila bingi ang dalawa. Malakas na busina ng sasakyan ang nagpahinto sa mga ito. Doon lamang ako nakahanap ng pagkakataon para makatakas. Susubukan ko sanang tumakbo kaso biglang nanghina ang mga tuhod ko at napaupo na lamang ako sa semento. Napalingon ako sa humintong sasakyan. Mula rito ay lumabas ang isang matangkad na lalaki. Matipuno ang katawan nito at nagmumura sa kaguwapuhan ang mukha. Diyos na mahabagin, nasa langit na ho ba ko? piping sambit ko sa sarili habang pinagmamasdan ang kabuuan nito. Lakad takbo nitong dinaluyong ang kinaroroonan namin at ng makalapit ay agad ako nitong itinayo mula sa pagkakasadlak sa sahig. Ang bango. Nanuot sa ilong ko ang napakabangong amoy nito at sa kabila ng sitwasyon ay hindi ko maiwasang humanga sa angking gandang lalaki nito. Makakapal na kilay na hindi mo maitatangging pagmamay-ari ng isang lalaki. Kulay tsokolateng mga mata na napaparisan ng malalantik na pilik mata, matangos na ilong, at mapupulang labi na tila ba kaysarap papakin. Prominente rin ang panga nito na bumugay sa hubog ng kaniyang mukha. Makinis, maputi at animo'y di nalapitan maski ng isang lamok ang balat nitong lalo yatang pumuti dahil sa pagtama ng sikat ng araw. "What the f**k are you doing Mom? Venus?" nagtatangis ang pangang tanong nito sa dalawang babae. Buong buo ang boses nito. Lalaking lalaki. Iyong tipo na katatakutan mo sa oras na sigawan ka. Pasimple kong kinapa ang suot kong panty. Baka kasi nahulog na nang di ko man lang napapansin. "My God son! Don't tell me wala ka pa ring planong dispatsahin ang babaeng 'yan sa buhay mo? She's no good for you!" sagot ng ina nito habang dinuduro ako. "Mom's right kuya! Siya ang rason ng nangyaring kaguluhan sa kompanya mo and she even cheated on you!" dagdag pa noong Venus. Teka, ano raw? Ako, nagloko? Saan? Kailan? Parang gusto ng sumabog ng utak ko sa pinagsasabi ng mga ito. Ni hindi ko magawang sumingit sa usapan dahil una sa lahat, hindi ko naman alam kung anong isasagot sa alegasyon ng mga ito. "Enough! We've already talked about this so please, just please, you two stop this." may pinalidad sa boses nito na nagpatikom sa dalawang babae. Hinawakan ako nito sa braso at inalalayan pabalik sa loob. Dahil sa eksena kanina ay tila mga langgam na naglabasan sa lungga nila ang mga taong kanina nama'y wala ng dumating ako. Lahat sila ay nakasuot ng uniporme. Sa wari ko'y mga kasambahay. May mangilan ngilan ding nakasuot ng pang sekyu. Siguro ay security ng mansyon. Sino ba naman ang hindi maglalagay ng security guard kung ganito kalaki ang bahay. Halos malula nga ako sa labas pa lang kanina habang tinitingala ito. Sa loob naman ay sasambulat sayo ang karangyaan. Lahat ng gamit ay mukhang mamahalin at kumikinang. Wala ka ring makikitang alikabok sa paligid. Tila isa itong palasyo na napapanood ko lang dati sa mga palabas sa telebisyon. Bigla akong nagising sa malalim na pag-iisip ng basta basta na lang ako nitong isinalya sa kama. Saka ko lamang napansin na nasa loob na pala kami ng isang malaki at magarang silid. "So the witch is back huh? What do you have this time, wife?" may pang-uuyam sa boses nito lalo na ng banggitin nito ang salitang 'wife'. Namilog ang mga mata ko ng mapagtanto ang sinabi nito. Ito? Itong lalaki na 'to ang asawa ko? Por Diyos por santo! Anak ng patatas na guwapo! Kaso parang may mali sa sitwasyon ko. "A-anong-- bakit--" hindi ko maapuhap ang sasabihin. Naguguluhan ako. Akala ko ba--- "Don't get me wrong wife. I just save my little ego with my family a while ago so don't expect me to wear a mask when we're alone. Huwag mo kong itulad sa'yo." Nakaramdam ako ng takot sa uri ng pagkakatitig nito sa'kin. Nasa mga mata nito ang matinding poot at galit. Pero bakit, ano ba'ng ginawa ko? Ano ba talagang ginawa niya? "Ahh" Napadaing ako ng sapuhin ng isang palad nito ang panga ko. "Whatever you have this time I swear, hindi na ako magpapaloko pa sa'yo. It's payback time wife, so get ready cause I would love you to enjoy the taste of my passion." saad nito saka padaskol na binitiwan ang mukha ko. Pakiramdam ko ay bumaon ang mga kuko nito sa pisngi ko dahil sa higpit ng pagpapasapo nito roon. Maliban pa roon ay nananakit din ang anit at katawan ko marahil dahil sa pagkakakaladkad sa'kin kanina. Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim. "Lord, ano ho ba itong pinasok ko? Ngayon pa lang parang gusto ko ng umurong." Bigo kong sambit sabay lamukos sa mukha ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just Another Bitch in Love

read
27.8K
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
629.3K
bc

I was once His Secret Wife (COMPLETED)

read
389.0K
bc

Unwanted

read
510.4K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
549.6K
bc

Married By Mistake

read
170.7K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook