bc

Wanted sister inlaw

book_age18+
2.1K
FOLLOW
10.2K
READ
like
intro-logo
Blurb

Si Bea, lumaki sa probensiya. Sa kabila nang kanilang kahirapan, nagpupursige siya makapag tapos ng pag-aaral para abutin ang kanyang pangarap na maging isang abogada. Pero ang kanyang pangarap ay naglaho, simula ng pilitin siya ng kanyang ina na huminto sa pag-aaral para mamasukan bilang katulong sa pamangkin nang amo ng ina. Lingid sa kaalaman ni Bea ay naibenta na siya ng kanyang ina sa binatang si Carlos.

Si Carlos, ay isang single nagmula sa angkan ng mayayaman. Ngunit maaga naulila sa mga magulang lumakis Carlos, sa pangangalaga ng kanilang tito kasama ang kanyang kuyang si Franco. Mula ng mamatay ang asawa nang nakakatandang kapatid ay, nalulung ito sa bisyo. Sa kagustohan niyang maibalik ito sa katinuan ay napilitan siyang humanap ng babae, bilang kapalit nito sa yumaong asawa.

Dahil sa awa ni Franco, para sa dalagang si Bea, tinulungan niya itong makapag tapos ng pag-aaral hanggang sa nakapag-tapos ito at naabot ang gusto nitong maging lawyer.

Ngunit ang dalawang magkapatid ay parehong nahulog ang loob kay Bea, gayong si Bea ay nabili na ni Carlos, nang walang kaalam-alam ang dalaga.

chap-preview
Free preview
Wanted sister inlaw Episode 1
NAKA cross ang mga paa ni Carlos Mondragon, habang naka upo sa metalic chair sa labas ng kanilang bahay. Nilagay niya ang dalawang kamay sa likod ng ulo at isinandal sa ding-ding. Mataman siyang nakatingin sa kawalan. Iniisip niya ang nakakatandang kapatid na si Franco, na kasalukuyang nasa rehabilitation center. Lumalim ang kanyang pag-iisip kung saan siya hahanap ng babae magmamahal sa kuya niya para maibalik ito sa dati. Mabait si Franco, mapagmahal na kapatid at asawa. Lagi siyang pinagtatanggol nito nong mga bata pa lamang sila. Maaga namayapa ang mga magulang dahil sa isang trahedya, naiwan sila sa pangangalaga ng tiyuhin pati na ang malaki nilang kumpanya. Nong mag-asawa si Franco, umuwi ito sa kanilang bahay, kasama ang asawang si Marlen, at sumama na rin siya ritong bumukod. Nag bago lang ang lahat mula ng mamatay ang asawa ni Franco. Lagi na itong naglalasing nilunod sa alak ang sarili, sa pag aakala na baka makalimutan ang sakit sa pagka wala ng asawa. Hanggang sa tuluyan nang nalunod sa bisyo, na tila ba nawawala na sa katinuan. Napa hugot siya ng malalim na hininga na hindi pa rin inalis ang mga tingin sa kawalan. “ Kuya, kung si ate Marlen, ang dahilan ng pagkalulong mo sa bisyo, hahanapan kita ng babae maibalik lang kita sa ka tinuan." Malakas ang paniniwala niya na kung babae ang dahilan sa pagka ligaw nito ng landas, babae din ang magpabalik nito sa katinuan. Mga iilang bosena ang pumukaw sa kanyang pag-iisip mula sa labas ng gate. Napatayo siya ng matanaw ang sasakyan ng tiyuhin. Binuksan niya ang gate para maipasok nito ang puting furtuner. " Napadalaw kayo tito?" tanong niya ng mabuksan nito ang pintuan ng sasakyan. " Well! wala akong magagawa sa bahay, kaya naisipan kong dalawin ka rito." tugon nito naglakad papasok ng bahay, at umupo sa sofa nasa kalapit ng pintuan. " Mabuti na rin po at nadalaw mo ako, may gusto din akong sasabihin sa'yo." umupo siya sa katapat nitong upuan. " Mukhang seryuso ata iyan sasabihin mo." Saad nito, hinanap ng mga mata ang katulong. Tumikhim muna siya bago nagsalita." Kasi, tito naisipan kung hanapan ng babae si kuya, kung kailangan kung bayaran gagawin ko." deretso ang kanyang mga tingin sa mata ng tiyuhin. Hindi naka ligtas sa kanya ang paka gulat na bumakat sa mukha ng Don. “ Are you out of your mind?” Napaupo ng tuwid ang Don mula sa pagkakasandal sa sofa. "I know, it sounds crazy, pero ito lang ang nakita kung paraan para maibalik sa katinuan si kuya." giit niya, naka tingin pa rin sa tiyuhin. “ Have you heard yourself? Gagastos ka ng babae para riyan sa kapatid mong adik?!” napataas na ang boses nito. Nagpantig ang kanyang tenga sa sinabi ng tiyuhin " Wag mong kalimutan tito, na kapatid ko ang pinag-usapan natin." Pinigil niyang wag pakawalan ang naramdaman inis sa pagtawag nito sa kapatid niyang adik. Totoo man o hindi ayaw niya iyon marinig dahil heto siya naghahanap ng solution. " Come on, Carlos! that's stupid!" “ Stupid na kung stupid, pero kailangan ko itong gawin.” Determinado niyang sagot at sinalubong ang galit nitong mga mata. Wala na siyang pakialam kung magalit man ito sa kanya. Ang mahalaga lang sa kanya, ay ang kabutihan ni Franco. “ Paano ka maka siguro, hindi iiwan ng babae, kapag nakuha na ang pera?" naiiling na tanong ng Don, hindi pa rin makapaniwal sa kanyang plano. “ Gagawan ko ho ng paraan. Sisiguraduhin ko na hindi ako maluluko, kung sino man ang babae makukuha ko." “ Pag isipan mo 'yang mabuti Carlos, hindi biro iyang gagawin mo. Kung bakit hindi mo nalang pabayan ang kuya mo sa rehabilition." Desmayado itong napatayo. " Yan ang hindi ko magagawa tito, tutulungan ko si kuya sa abot ng aking makakaya." Napa kamot sa ulo ang Don, na sinabayan nito ng magkakasunod na pag-iling." Sumasakit ang ulo ko sayo Carlos." Sabi nito at mabilis na tumalikod sa kanya. Walang pasabi-sabi lumabas ito ng bahay. Sinundan niya nalang ng tanaw ang na badtrip na Don. Ihahanda na lamang niya ang sarili, bukas dahil alam niyang magsusumbong ito sa asawa at susugurin siya, nang walang katapusan pagtatalak. Tumayo na siya at tinungo ang kwarto ng kapatid, nasa second floor ng bahay. Humiga siya sa malambot na kama at tinitigan ang letrato nilang dalawa nasa bedside table. Muling sumagi sa isipan niya kung saan niya hahanapin ang babae? At sino bang babae ang papayag sa ganitong set-up? Nilagay niya ang braso sa kanyang noo, at nakikipag titigan sa bubong. Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip kaya pinikit-pikit niya na lamang ang mga mata. " Sir Carlos." Boses ng katulong ang gumising sa kanya. Namulat niya ang mga mata, hindi niya napansin tuluyan na pala siyang nakatulog. " Sir, may bisita po kayo." pagpapatuloy nito mula sa labas ng pintuan. " Andiyan na po." mabilis siyang bumangon at binuksan ang pintuan. " Bisita?" napatingin siya sa orasan nasa kanyang bisig, mag alas syete na ng gabi." Sino naman iyan?" " Katulong po ng tito niyo." Nagtataka siya kung bakit pinapapunta ito ng tiyuhin. Mabibilis na hakbang ang kanyang ginawa bumaba ng hagdanan. " Manang Amparo, napunta po kayo dito?" tanong niya ng mababan itong naka upo sa sala. Agad itong tumayo ng makita siya." Magandang gabi sir Carlos, m-may sadya kasi ako sa'yo." Pasiuna nito. Napaisip siya kung ano ang sadya, kung hindi naman pala ito pinadala ng tiyuhin. " Sige, po umupo ho kayo." " Hindi na po kailangan sir, hindi rin naman ako magtatagal." Tumango-tango siya hinintay kung ano ang sasabihin nito. "Sir, y-yong sinabi po ng tito niyo, totoo po ba iyon?" nauutal nitong tanong. Tinukod niya ang dalawang palad sa pinakaibabaw ng sofa at mataman tinitigan ang babae." Ano po ang ibig niyong sabihin?"kunot-noo niyang tanong. "Na magbabayad daw po kayo ng babae para kay sir Franco?" Gusto niyang magalit dahil ano ang pakialam nito sa decision niya. " So sinabi sa inyo ng tiyuhin ko, kaya ka nagpunta dito?" " K-kasi po sir, m-may anak ako na babae, b-baka kasi magustohan niyo para sa kuya mo." sabi nitong naka yuko. Nagliwanag ang kanyang mukha at bumangon ang kanyang curiousity." Maganda ba iyang anak mo?" " Bilang nanay, po sir masasabi kong maganda ang anak ko, lalo na po kung maayusan na iyon." naka ngiti nitong sabi. Nagkaroon siya ng pag-asa baka nga ito na ang sagot sa mga katanungan niya kanina. " Sige dalhin niyo rito ang anak mo, ng makilatis natin." sabi niya. Agad din nagpaalam ang babae sa kanya, matapos silang magkasundo dadalhin nito ang dalaga. Hindi niya tuloy alam kung matutuwa ba siya sa ginagawa niya, bigla siyang kinabahan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rejected Prince

read
280.8K
bc

Princes of Mischief

read
543.1K
bc

Grown (Book 2 of the Athens Wolves Series)

read
193.3K
bc

His Special Hybrid Coralanna

read
377.1K
bc

Delinquent (Athens Wolves Series Book 1)

read
1.5M
bc

The Thunder Wolves MC - Jaylee (Book #1)

read
89.1K
bc

Theo

read
141.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook