bc

LOVE SHOT

book_age18+
55
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Ang babaeng Hit girl, Assasin, isang babaeng binabayaran upag kumitil ng buhay. isang magandang dalaga na mamatay tao ang mahuhulog sa kanyang napakagwapong target. panu kaya niya ito lalabanan?

hali na' t basahin at alamin kung panu nila napagtagumpayan ang isang labanan tungkol sa pagmamahal. pero panu kong gigising ka nalang isang araw na ang lahat ay pawang katutuhanan lamang?.

chap-preview
Free preview
Love Shot
Sa mataas at komportbleng lugar nilapag ko ang aking dala-dalang mahabang bagay na nakasukbit sa aking likuran , na nakalagay sa kulay itim na bag. Agad ko itong binuo at epwenesto ang aking katawan sa tapat ng bintana ng gusaling iyon. Sinilip ko ang aking target mula sa taas sa pamamagaitan ng telescopic sight sa aking harapan. Noong matanaw ko na ito ay tinuon ko ang aking atensyon sa kanyang ulo. Doon ko balak ibaon ang bala ng M24 sniper rifle na aking hawak-hawak. Agad kong inangkla ang aking hintuturo sa gatilyo ng armas na aking hawak. Noong makahanda na ako at alam kong nasa tamang target na, ay agad kong kinalabit iyon at hindi ako nabigong patamaan ito . Tumumba ito sa kanyang kinatatayuan, at agad din namang nagsitarantahan ang kanyang mga taohan. Hinahanap kung saan nanggaling ang balang iyon, hindi kona sila pinansin at agad nilisan ang lugar na iyon. Ang tanging pakay ko lamang ay mapatay ang taong iyon, Yon kasi ang binigay sa'king misyon. Oo isa akong killer, yan ang aking trabaho , Binabayaran ako ng malaking halaga upang pumatay ng mga taong halang ang kaluluwa at mga gobyernong tiwali. Ako si Maya isang Hit-girl, isang assasin na handang pumatay kapag pera na ang pinag-uusapan. 21 year's old at isang ulila na sa ina at ama. Tanging Lola ko nalang at mga kapatid ang aking kasama sa buhay. Meron akong sariling bahay na moderno ang desinyo. Meron din akong mamahaling Condo sa Q.C. Ang aking Lola ay may sarling bahay na pinatayo ko, doon ay kasama pa ang dalawa kong kalatid . Minsan lang ako maka-uwi sa kanila dahil sa klase ng aking trabaho. Hindi na ako maaring tumigil pa, sapagkat kamatayan na ang tanging kapalit nito kapag ako ay Lumabas sa organisasyon na ito. Maraming hahabol sa'king mga taong makapangyarihan. Masyado na akong Maraming alam para buhayin pa nila, 3 year's ko na ring ginagawa ito, at dito na ako nabubuhay at nasasanay. Bata palamang ako ay sinasanay na ako ng aking Ama sa pag-asinta gamit ang kanyang Rifle. Isang Sergeant Major of the Army ang aking ama, isang tapat na sundalo na handang mag-alay ng buhay sa bayan. Ngunit sa isang mapait na trahedya, ay napatay ito kasama ang aking ina, sa sarili pa naming bahay, at Ang may mga gawa ay mga kapwa sundalo din nito. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kong paanu nila pagbabarilin ang aking ama't ina na walang kalaban-laban. Sa mura kong edad ay natutu akong magtanim ng galit sa mga sundalong iyon. Tandang-tanda ko pa ang mga pagmumuka nila, hindi ko iyon maaring kalimutan. Kaya siguro ay naligaw narin ako ng landas. Tinanggal ko ang tali ng buhok ko at pasimpling bumaba, Agad akong sumakay sa kotse kong nakaparada sa baba, ng gusaling iyon at umarangkada paalis. Nakasalubong ko pa ang mga taohan nito ngunit hindi na nila ako napansin pa. Ang tanging nasa isip nila ay nasa taas ng gusali parin ang hinahanap nila. Pagka-uwi ko ay nag-shower muna ako , pagkatapos ay binuksan ko ang aking laptop at senend ang mensahe sa boss namin na Tapos na ang aking misyon. Agad naman nitong deneposite ang pera sa Bank account ko. Ako yong babaeng mukang pera, doon sa paraan kasing iyon ay maraming umaasa sa'kin. May tinutulongan akong mga tao at nagbibigay din ako ng donasyon sa Simbahan namin. Alam kong mali ang aking trabaho pero hindi kona ito matatakasan pa. Nagkape muna ako sa isang Sikat na Coffee shop, doon ay sandali akong tumambay. Isang matipunong lalaki ang umagaw ng atensyon ko, matangkad, maputi, matangos ang ilong at gwapo. Halata sa kilos at itsura nito na s'ya ay mayaman. Bet-bet nito ang dalawang kape na nakalagay sa lagayan, at may isang box na Pizza pa ito. Nagulat ako noong lumabas ito sa shop at unupo doon sa tabi ng pulubi. Nilapag nito ang kaping hawak at ini-abot sa pulubi, binuksan din nito ang pizza at inalok sa kausap na pulubi. Doon ay lalo akong humanga sa lalaking iyon, dahil embis na umalis ito at dito magkape sa loob at kumain ng komportable, mas pinili n'yang doon magkape kasama ang pulubi. Hindi ko man dinig ang kanilang pag-uusap pero kitang-kita ko sa mga mata nila ang galak at tuwa. Siguro ay sadyang matulongin lang talaga itong binata, natutuwa ako kapagnakakakita ako ng ganitong pangyayari. Yon kasi ang gusto ko tumulong sa mga mahihirap at magbigay ng pagkain sa mga nagugutom. Kaso ngalang iba lang ang aking paraan. Tumingin ito sa'kin noong mapansin nitong nakamasid ako sa'kanila. Ngumiti ito at binalik ang atensyon sa pulubi. Dahil sa pagkatuwa ko noon ay lumabas ako dala ang aking kape at umupo sa kanilang tabi. "hi, kilala mo?" saad ko noon sa binata na nakangiti , sumagot naman ito ng hindi n'ya daw iyon kilala. Bago lang daw ito sa lugar at laking state ito, napansin daw niya ang pulubi kaya binigyan nito ng pagkain. Ang sabi ko naman ay natutuwa ako sa kanya , ngumiti lang ito uli at nagsalita ng masaya daw ito at gumagaan ang kanyang pakitamdam kapag nakakatulong ito. Nag-abot ako ng pera kay manong pulubi at agad nagpaalam sa kanila. Pasakay na'ko sa kotse ko noong marinig ko ang boses lalaki sa likuran ko. " Sky, tawagin mo nalang ako sa pangalan na'yan." agad akong lumingon at nakita kong iniabot nito ang kamay n'ya sa'kin. Ngumiti ako at nakipagkamay sa kanya , ngunit hindi ko na sinabi pa ang aking pangalan. Hindi naman iyon emportante at alam kong hindi na kami magkikita pa. Nag-iingat lang ako dahil sa aking trabaho. Pagkadating sa Condo ay agad akong nahiga , at bumalik sa isip ko ang lalaking iyon. Iwan ko kung bakit marahil ay sadyang natutuwa lang ako sa kanya, Napahanga n'ya kasi ang isang tulad ko. Maya-maya ay tumunog ang aking Cellphone at meron na naman akong bagong misyon. Pero doon ay nagulat ako sa nakita kong senend ng aking Agency, larawan ng isang binata, at ang binatang iyon ay si Sky. Anak daw iyon ng mayamang negosyante , problema daw sa kompanya ang kanilang kinasamaan ng loob . Kaya gusto nitong gumanti sa pamamagitan ng pagpatay sa anak ng negosyanting iyon. Nagbigay narin ng address at kong saan ito makikita palagi. Malaking pera ang nakasalalay kapag nagawa ko itong misyon na ito. Bumalik muli sa utak ko ang mga ngiti ng binatang iyon at mga mata nitong nangungusap. Binigyan nila ako one week upang magawa ang trabahong iyon. Wala na akong magagawa kundi sundin sila. Yan ang aking misyon at yan ang aking trabaho. Kinabukasan agad akong tumungo sa kong saan ko ito matatagpuan. Sa kabilang gusali ay naroon ako at sumisilip sa telescopic sight ng aking Rifle. Nakita ko ito doon mismo sa Coffee shop, inaabangan ko lang ang kanyang paglabas at doon na ako babaril. Nakita kong lumabas ito na may kaping dala, sinusundan kolang kung saan ito pupunta . Umupo ito sa labas na parang may inaantay, doon ay nakatuon na sa ulo nito ang sniper ko. Handa na sana akong paputukin iyon noong makita ko ang pagdating ng isang pulubi na nakangiti at may hawak na sako. Tumayo ang binatang iyon at inabot ang kape. Doon ay pumikit ako at nahirapang kalabitin ang gatilyo ng rifle ko. Ito ang pinakamahirap kong misyon ang pumatay ng taong wala namang kinalaman. Taong mayaman na gustong magpakasimple at tumulong sa mga mahihirap. Binalik ko uli ang aking atensyon sa binata, kailangan kong gawin ito. Tinuon ko uli ang snipe sa ulo nito at handa na akong kalabitin iyon. Noong pagka-putok ay ganun din naman ang pagtayo nito , dahilan na sa balikat ito tinamaan. Natumba ito at gumapang sa loob ng Shop , hinabol ko pa iyon ng baril ngunit sa paa na iyon tinamaan. Agad akong bumababa ng mabilis at tumungo sa Coffee shop na'yon upang siguraduhing mapapatay kona s'ya. Ang mga tao noon ay nagsitakbuhan at nataranta. Malayo palang ay nakita ko na itong semesenyas sa'kin na ibig sabihin ay magtago daw ako dahil merong Nagbabaril sa taas ng gusali. Bubunutin kona sana yong nakatago kong baril sa likod nang bigla s'yang tumakbo sa'kin at biglang hinila nito ako sa loob. Kahit paika-ika ito ay pinilit n'ya paring tumayo kahit ito ay sugatan na. "Magtago ka mapanganib , merong bumabaril sa taas tinamaan ako," Namimilipit nitong saad sa'kin. Nakahawak ito sa sugat n'yang sa balikat at yong isa namang kamay nito ay nakahawak sa mga palad ko. Tumingin ako sa kanya, nakita ko ang pag-aalala nito sa'kin. Nakasilip lang ito sa bintana ng coffee shop na nakatingin sa taas ng kabilang gusali. Nanlambot bigla ang aking puso, hindi ko magawang bunutin ang baril ko sa likod. Hindi ko alam bakit ganun nalamang ang aking naramdaman sa mga oras na'iyon. Samantalang pweding-pwede ko na itong patayin nang walang kahirap-hitap , upang matapos kona ang aking misyon, pero hindi ko manlang magawa iyon. Habang nakatingin ako sa mga muka nito ay, bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Pakiramdam na ngayon ko lang nadama, yong bang pakiramdam na magpapabago ng mga desesyon mo sa buhay. "halika, " wari ko sabay alalay sa kanya. Agad naman itong naglakad habang inaalalayan ko. Tinungo namin ang sasakyan ko at dinala ko ito sa Hospital. Agad naman itong pinasok sa O.R . "Ma'am, paki perma lang po, ikaw poba yong Girlfriend ?." tanong ng isang Nurse sa'kin sabay abot ng papel. "Ahm. Hindi ako yong girlfiend, sige na aalis na ako." tanggi ko noon at magpapaalam na sana noong pigilin naman ako ng nurse. Meron daw babayaran at kailangan daw ako ng Boyfriend ko. Pinaliwanag ko naman na hindi ako yong girlfriend, kaso ngalang ay hindi na nito ako narinig , noong matapos ko kasing permahan iyon ay agad na itong umalis. Wala akong magawa kundi mag-antay sa labas ng O.R at bumuli ng neresita ng doctor sa kanya, pabalik-balik ako noon na parang ka-anak nito,. Noong lumabas naman ang doctor ay agad naman akong tumayo sa kina-uupuan ko. Sabi ng doctor ay ayos na ang lahat at ligtas naman ito dahil daplis lang naman ang mga tama nito. Agad akong pumasok sa kuwarto at kinamusta ito. Ngumiti lang ito at nagpasalamat sa'kin, salamat dahil nandun daw ako na umalalay sa kanya. Sa oras naiyon ay nakaramdam ako ng guilty sa puso ko dahil sa mga sinabi n'ya sa'kin. Ngumiti narin lang ako at nagpaalam na sa kanya . Ang sabi nito ay bumalik daw ako at dalawin kodaw s'ya, magdala daw ako ng kape . Tumango lang ako sa kanya at nilisan ang silid na iyon. " Musta ang misyon mo,? Hindi mu daw napuruhan ang target. Ano kaba Maya mayayare tayo nito sa Client, taposin muna yan nang hindi tayo madadali." Mensahe na nabasa ko sa aking Cellphone na galing sa Agency ko. Agad akong bumalik sa kuwarto kung saan ang binata at agad kong hinawakan ang hand gun ko na nakatago sa likod ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.4K
bc

His Precious Property

read
614.0K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.4K
bc

A Night With My Professor

read
495.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.0K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
268.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook