bc

In Love With A Witch

book_age16+
44.8K
FOLLOW
254.5K
READ
billionaire
arranged marriage
bitch
heir/heiress
bxg
like
intro-logo
Blurb

Si Judd Madrigal, isang certified playboy, ayaw sa commitment. Tapos malalaman niya na ipinagkasundo siyang ipakasal ng Papa niya sa anak ng kalaban nilang mortal sa negosyo. Okay lang sana. Pikit-mata na lang siyang susunod. Pero of all woman, kay Clover Araullo pa talaga? Yung payatot, na malaki ang mata at laging may eye bags na kaklase niya nung High School? No way!

*** Kuwento ng apat na magkaka-ibigan na sina Klarence Montenegro, Chad Samaniego, Judd Madrigal at Adam Zuniga. High School pa lang ay sikat na sila sa mga babae. Wala kang itulak-kabigin. Pulos guwapo at mayaman. Sundan ang mga kuwento ng kanilang mga pag-ibig dito sa HUNK SERIES..

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
[Judd] . "Ladies and gentlemen, as we start our descent, please make sure your seat backs and tray tables are in their full upright position. Make sure your seat belt is securely fastened and all carry-on luggage is stowed underneath the seat in front of you or in the overhead bins. Thank you." . Paniguradong magugulat si Mama at Papa sa biglaan kong pag uwi. Ilang taon na nga ba since yung huling uwi ko ng Pinas? 2 years ago? After I graduated High School dito, sa Canada na ako nag-stay at nagtrabaho. I like to live independently. Dinadalaw dalaw na lang ako dun ni Mama at Papa. Ocassionally umuuwi ako dito sa Pinas especially pag Christmas or New Year. Or minsan, sila Mama at Papa naman ang pumupunta sa Canada. Pero last year ay sa Spain kami nag-spend ng Christmas. Pagkalabas ko ng airport ay agad kong hinanap ang sundo ko. Ang kaibigan kong si Adam. Siya lang ang nakakaalam na dadating ako ngayon. Actually, it was a short notice only. Pero alam ko namang wala siyang magagawa kung hindi sunduin ako. "Judd!!" Sinilip ko ang sakay nung pumaradang sasakyan sa harapan ko. Napangiti ako nang makita kong si Adam ang sakay nun. Agad akong naglakad palapit dito dala ang hand-carry kong bag. "Yan lang ang dala mo?" takang tanong nito sa akin pagkasakay ko sa sasakyan niya habang nakatingin sa bag na dala ko. "Oo." maikli kong sagot. Ngumiti muna ito at saka pinaabante ang sasakyan. "Bro, mukhang mabilisan ang pag-alis mo sa Canada ah. I bet, may pinagtataguan ka na namang babae doon." sabi nito. Napatingin ako kay Adam, bestfriend ko. Actually, tatlo silang bestfriends ko. Si Adam, si Chad at Klarence. Since Elementary, hindi na kami mapaghihiwalay na apat hanggang High School. Nagkahiwalay lang kami nung pumunta na ako ng Canada para dun na mag-College. Hindi ko kasi gusto yung course na gustong ipakuha sa akin ni Papa. Ayaw ko mag-Business Administration. Ayokong i-manage ang family business namin. Sa tingin ko kasi, mas mage-excel ako if IT course ang kukunin ko, Gusto kong maging Computer Programmer, Habang si Adam naman ay Computer Engineering ang course pero mas pinili niyang magtayo ng negosyo. May tindahan siya ng computer parts and softwares at halos sa kanya kumukuha lahat ng maliliit na tindahan ng computers dito sa Pilipinas. Actually magbubukas na siya ng ikatlong branch niya. "Pag umuwi, may pinagtataguan agad? Grabe ka sa kin, bro." nakangiti kong sagot sa kanya. "Bro. Kilalang kilala kita. Hindi ka uuwi dito ng biglaan kung hindi babae ang sangkot." sagot ni Adam. Sinagot ko lang siya ng ngiti. Hindi naman ako mananalo sa kanya. Ganun niya ako kakilala. "Mas gusto mo talaga sa Canada, noh? Ayaw mo bang mag-settle na dito sa Pinas?" tanong ni Adam sa akin. "Bro, bukod sa dollar ang suweldo dun, ang mga babae dun liberated. Common na lang ang makipag-s*x sa kanila kapag type ka nila." pagnmanalaki ko pa. "Malib*g ka talaga, noh!?" natatawang sagot nito. "Mana lang sa yo, baliw!" sagot ko sa kanya. "Eh paano naman yung business ninyo dito?" tanong uli nito. "Kayang kaya naman ni Papa." kaswal na sagot ko. "Pero bro, hindi ka ba naawa sa Papa mo? Dapat sa mga panahon na to pa-easy-easy na lang sila ni Tita Adelle. pa-travel-travel" "Konsensiyahin daw ba ako...." sabi ko dito. "Bro, sinasabi ko lang sa yo ang nakikita ko. Baka kasi hindi mo napapansin...." "There's no way na hahawakan ko ang kumpanyang yun, bro. No way. Never." may pinalidad na sabi ko. "If gusto ni Papa, ipagbili na lang niya, then sumama na sila sa akin sa Canada. Or, kung gusto nila dito mag-stay sa Pilipinas, ako nang bahala sa kanila. Kaya ko na silang buhayin with my work." pagmamalaki ko. "Bro, family business yung pinag-uusapan. Sa tingin mo, papayag si Tito na ipabenta mo yun? Lalo na ngayon, napakalakas nung rival company ninyo. Kailangan ninyong maka-ungos." sagot ni Adam na sa daan nakatutok ang tingin. "So, mas dapat pala ibenta." AFTER three hours ng ma-traffic na byahe nakarating din kami sa bahay sa wakas. As expected, nabigla nga si Mama sa biglaang pag-uwi ko. "Judd, iho....." nanlalaki ang mga matang salubong ni Mama sa akin. "Ba't di ka man lang nagpasabi na uuwi ka?" Niyakap ko ng mahigpit si Mama. Na- miss ko siya....sobra. "Ang Papa?" tanong ko sa kanya. "Ano na namang kalokohan ang ginawa mo sa Canada, Judd? Kakatawag lang ni attorney sa akin. Ipinagpapaalam iyung kailangan niyang ayusing doon!" Napalingon kami ni Mama at Adam sa gawi ni Papa. Nakarating na ito sa sala nang hindi namin namalayan. "Pa.... " "Huwag mo akong tingnan, Judd na para bang inosente ka. Dahil for sure, hindi!" galit na sabi ni Papa sa akin. "Pa, hindi ko naman kasalanan na hindi sila marunong umintindi. Sa umpisa pa lang, I advice them na fubu lang kami." Napakamot ako sa batok ko. Kasi naman, para naman akong batang pinapagalitan ni Papa. "Anong fubu-fubu yang sinasabi mo? Ang likot mo kasi sa aparato, hindi mo naman asawa!" sermon sa akin ni Papa. "Pa, ganun din naman ginagawa ni Adam." sabi ko sabay nguso sa nakatayong si Adam sa di-kalayuan. "Tama ba ako, Adam?" tanong ko kay Adam nang binalingan ko ito. "Oh? Bakit nasama ako?" pagkontra ni Adam. "Papasok ka na ba sa office, Pa?" pag-iiba ko sa topic. "Obvious naman siguro sa bihis ko. Maano ngang magtino ka na, Judd. Tigilan mo na yang kabi-kabilang pamba-babae mo." panenermon uli ni Papa. Sa edad ni Papa na Fifty-Eight ay matikas pa din siya. Ganun naman siya eversince - mapustura. Pero super istrikto. "Pa, wala sa bokabularyo ko ang mag-asawa...." sagot ko sa kanya. "At anong balak mo sa lahi natin? Masama tayo sa mga extinct na?" seryosong sagot sa akin ni Papa. "Hahanap na lang ako ng baby maker, Pa. Don't worry." birong sagot kosa kanya. Kita ko si Adam na pasimpleng tumatawa sa likod ni Papa. "Ewan ko ba sa yo Judd, dapat nga ikaw na ang namamahala sa negosyo natin. Hindi ka na ba naawa sa kin? Dapat e pa-travel-travel na lang kami ng Mama mo ngayon." Eto na naman po kami.... "Kung ayaw mong namo-monitor namin ng Mama mo ang mga lakad mo, you can use one of our condos, you can stay there. Just stay here in the Philippines and manage our business." dagdag nito. "Fidel, kadarating lang ng anak mo, sermon na agad ang salubong mo. Pagpahingahin mo muna si Judd." singit ni Mama. My savior.... Humugot muna ng malalim na hinga si Papa bago binalingan si Mama. "Kaya ganyan yang anak mo, lagi mong kinakampihan, Adelle," sabi niya kay Mama. "I'll rest first, Pa. May jet lag pa ako. At ikaw, Adam...lumayas ka na. Salamat sa pagsundo. Matutulog muna ako. Mamaya na tayo magkita nila Chad at Klarence sa tambayan." sabi ko kay Papa at Adam. "Tingnan mo ang ugali, Tito. Pagkatapos kang sunduin, palalayasin lang ako. Napaka mo talaga, Judd Madrigal!" "Napaka-guwapo." kaswal na sagot ko. "Napakawalanghiya kamo!" ganting sagot ni Adam. Pinagtawanan ko lang si Adam. At saka binalingan ko si Papa. "Ingat sa biyahe Pa...see you later." sabay saludo ko dito. "Pagpasensiyahan mo na yang kaibigan mo, Adam. Tara sa loob. Kumain ka na muna." aya ni Mama kay Adam. "Ma, I will eat later, tirhan mo ko. Wag mo ipaubos lahat kay Adam." sabi ko. "Ay, hindi na po, Tita. Kailangan ko din kasing puntahan yung isang branch ko. May aayusin akong aberya dun." pagtanggi nito, "Ganun ba? Ayain mo nga si Chad at Klarence dito ng dinner para makakain uli kayo ng sabay-sabay." sabi nito kay Adam. "Ay, sige po, Tita. Sabihin ko dun sa dalawa. Ipasama na din natin yung mga bata. Kasi naman, yung anak ninyo hindi kayo mabigyan ng apo." I raised my middle finger to Adam. Gumagatong pa kasi.... "Aalis ka na di ba, Adam? Bye!" sabi ko dito. "And Ma....wag mo muna ako gigisingin ha..." I then kissed her on the forehead and headed to teh stairs.. NANG pumasok na ako sa kuwarto ko ay hindi ko maalis na hindi mapangiti. Kahit ilang taon na ko sa Canada, hindi pa rin napabayaan ang kuwarto ko. It's the same room I love. Walang nabago. I miss my bed. Inihiga ko ang pagod kong katawan doon at saka pumikit. Gusto ko nang matulog pero hindi pa ko dalawin ng antok. Body clock, I guess... Naalala ko tuloy bigla si Sophie. From the start naman ay nilinaw ko kay Sophie that I don't get serious and hindi ako fan ng commitment. Bigla na lang itong naging clingy and demanding basta basta. That's why I need to go away from her for a while. Nothing serious. Just pure s*x. Iyan lang ang pwede kong ibigay sa mga babae. So dapat alam ng babae kung ano ang pinapasok niya with me. Sinasabi ko naman sa kanila before we engage into s*x. I'm very vocal to them that I'm not the boyfriend type. Maybe, I need to talk to Sophie one of this day. Hindi ko naman siya pwedeng iwasan nang matagal. I need to go back to my life in Canada. Hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. t MADILIM na sa kuwarto when I opened my eyes. Saglit pa akong nag-isip kung nasaan ako.... Ah, yes....I'm home..... Pupungas-pungas na bumangon ako at saka sinilip sa cellphone ko kung anong oras na. Mag-alas singko na. Ang haba pala ng tulog ko.... Tuluyan na akong bumangon. Malamang ay dumating na si Papa kaya lumabas na ako ng kuwarto. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan nang marinig ko ang mga boses ni Mama at Papa. "Sigurado ka ba, Fidel na iyan ang makabubuti kay Judd?" si Mama. Napakunot noo ako. Ano kayang pinag-uusapan nila at nadamay ako? "Wala na akong ibang maisip na idea kung paano magkaka-pamilya yang anak mong yan. At pwede ba, Adelle....this time...wag mo naman akong kontrahin?" narinig kong sagot ni Papa. "What is this all about, Pa? Ma?" tanong ko sa kanila habang naglalakad palapit sa kanila. "Judd!" nagulat na sabi ni Mama. Samantalang si Papa ay hindi mo kakikitaan ng pagkabahala. "Tutal naman ay narinig mo na. So, hindi ko na kailangan pang ipaliwanag sa yo. Pero para klaro uulitin ko, you'll have to marry Renato Araullo's only daughter. Para makapag-merge ang mga companies natin." kaswal na sabi nito. Napakunot noo ako. Si Clover Araullo? Pakakasalan ko? Yung payatot na babae nung High School kami na malaki ang mga mata at parang hindi na nawalan ng eye bags hanggang sa maka-graduate kami? Oh no! Hindi ako magpapatali sa isang katulad niya! Over my dead hunk body! ~CJ1016

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Faithfully

read
265.5K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
815.1K
bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
286.3K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

Sweet Temptress (Completed)

read
1.7M
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
759.3K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
63.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook