bc

My Playboy Best friend

book_age16+
3.9K
FOLLOW
14.4K
READ
friends to lovers
playboy
bxg
bully
campus
friendship
like
intro-logo
Blurb

Naranasan mo na bang makipagkaibagan sa ex ng kaibigan mo? To think na naawa ka sa ex nya dahil hiniwalayan nya ito dahil lang sa may sakit ito?

Simpleng rason lang no?

Naranasan mo rin bang maging bestfriend ang ex ng kaibigan mo?

To be bestfriend with a PLAYBOY.

Pero huli na ang lahat ng malaman mo na you already fall for him.

Anong gagawin mo pagna-inlove ka sa bestfriend mong playboy?

Iiwan sya? Katulad ng ginawa ng ex nya...

O...

Stay bestfriend kasi mahal mo sya?

I have to admit that I'm inlove with MY PLAYBOY BESTFRIEND.

I will always be here for you. And I will never leave your side no matter how hard to be with you best. I promise.

- Zara

You can lean on me. I promise to protect you from any harm. (my love)

- Trevor

chap-preview
Free preview
Episode 1
“I will always be here for you and I will never leave your side no matter how hard to be with you, Best. I promise.” - Zara “You can lean on me. I promise to protect you from any harm (my love).” - Trevor NAOMI: Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko. Pinatay ko na ito saka bumangon sa kama. I stretch my two arms. Umalis na ako sa kama saka nagtungo sa bintana para buksan ito. "Good Morning, world!" masayang bati ko sa mundo. Napangiti ako nang makita ko na maliwanag ang kalangitan. Mukhang maganda ang magiging araw na ‘to. Pumasok na ako sa banyo para maligo at nang matapos ay nagbihis na ako ng uniform. Kailangan kong maging maaga ngayon dahil ito ang first day of school ko. Excited na akong makita at makilala ang magiging new teacher, classmates, at magiging new friends ko. I hope na may maging kaibigan ako ngayong unang araw. My name is Naomi Zara Yashita, living here in Yashita residence. I'm half Japanese, my father was and my mother is pure Pinay. Well, mag-isa lang ako nakatira sa bahay namin dito sa Yashita Residence. Ang parents ko kasi ay nasa New Jersey nando’n kasi ang business namin. Minsan lang sila kung umuwi dito. Pero kahit naman ako lang mag-isa at malayo sila ay hindi naman ako malungkot dahil kahit malayo sila, pinaparamdam naman nila na mahal nila ako. Pero kahit gano'n mas masarap pa rin kung nakakasama ko sila. I'm already a third year high school at Crescent University. Nang matapos na ako sa pagbihis at ma-check ang laman ng bag ko ay bumaba na ako papuntang kusina at nagluto na ng agahan ko. I become independent since I'm living alone in this huge house. Kung ide-describe ko naman ang sarili ko ay matangkad, masayahin, maputi, singkit ang mga mata, matangos ang ilong, maliit ang bibig, and people say they find it cute, mahaba, at straight ang buhok, mabait, madaldal, minsan masungit. Matalino na rin ng kaunti. My favorite subject is Math. Pagkatapos kong magluto ay kumain na ako tapos nagsipilyo. Kinuha ko na ang mga gamit ko saka umalis papunta sa eskwelahan. Magko-commute lang ako papunta doon. Pagkarating ko sa eskwelahan. Grabe! Bulong-bulongan agad ang sumalubong sa akin. May gwapo daw na transferee, heartthrob na nga daw eh sa sobrang gwapo. Grabe sila, siguro nadapa o natisod na iyong tsini-tsismis nila. Natawa ako sa naisip ko, bad, Naomi. Hinanap ko na lang ang room ko at hindi na nakinig sa mga tsismis nila, hindi naman kasi ako interesado. I found my section at III- Amethyst, since birth stone ang section ng mga third year. Pumasok na ako at umupo sa dulo na katabi ng bintana sa third row. Hindi pa karamihan ang mga estudyante sa room, wala din akong kakilala sa mga nandito. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag-sound trip. Ilang minuto lang ay may tumabi sa akin. Pagtingin ko ay si Zoe pala. Phoebe Zoe Chua, classmate ko noong second year ako. We're not that much close, but we're friends. Wala po kasi akong matatawag na best friend. I have a lot of friends, but I don't have a best friend. Iyong best friend na always there for you and never leave your side. "Good morning, Omi. Buti na lang at classmate tayo, at least ngayon may kilala na ako," nakangiti niyang sabi sa akin. "Good morning din, Zoe. Oo nga eh." Napatingin naman ako sa room, almost full na ang room namin. Hindi ko napansin ang oras. "Wala na ba tayong ibang classmate dati na classmate din natin ngayon?" tanong ko sa kanya habang tinitingnan isa-isa ang mga new classmate namin. Nagbabakasakali kasi ako na baka may kakilala pa ako. "Wala na, eh. Nabasa ko sa list, tayo lang ang classmate na magkaklase noon." Napatango na lang ako sa sinabi niya. Mabait si Zoe, maganda, at matalino. Isa sa mga talent niyan ay mabilis kung sumulat. Kahit gaano kabilis na sumulat ang teacher ay nasusundan pa din niya, ni minsan hindi ko siya natalo sa pabilisan ng pagsulat. Quarter to eight na nang pumasok na ang aming guro. Kompleto na rin kaming lahat sa room. "Good morning, class. I'm Rebecca Punzalan, I'm your adviser and your chemistry teacher," pakilala nito sa amin. NATAPOS na ang morning class namin, actually pakilala lang ang ginawa namin buong araw. Gaya ng normal na ginagawa sa first day of school, getting to know each other kung baga. Nandito kami ngayon ni Zoe sa cafeteria at kumakain ng lunch. Naririnig pa rin namin ang balita tungkol sa new student. Sobra ba talagang gwapo ang lalaking 'yan kasi marami namang tranferees pero siya ata ang pinakasikat. Unang dating pa lang sa school namin ay ito na agad ang topic ng mga estudyante. Hindi ko din alam kung ano ang pangalan niya dahil wala pang nakakakilala sa kanya. "Oy, Omi, narinig mo na ba 'yong tungkol sa new student ngayon?" tanong sa akin ni Zoe habang kumakain. "Hmm, naririnig ko ang mga usap-usapan sa paligid, but I don't know much about it. Ano bang meron siya at pinag-uusapan talaga?" Kinuha ko ang lumpia na binili ko sa cafeteria saka kinain ito. "Ano ka ba, hindi mo pa ba siya nakikita?" Umiling naman ako. Hindi ko nga siya kilala, eh, kaya papaano ko siya makikita? Wala akong clue kung ano ang itsura niya and I’m not interested too. "Not yet,” walang ganang sagot ko. "Tss. Palibhasa NBSB ka kaya wala kang pakialam,” tumatawa nitong sabi. Aba't tinawanan pa talaga ako, oh. "Sige, Zoe, ipagsigawan mo pa. Gusto mo ng mic para mas malakas? Para naman marinig ng buong campus, ang hina kasi nang pagkakasabi mo. Nakakahiya, baka wala pang nakakarinig,” sarkastiko kong sabi habang nginingitian siya. Ang lakas kasi nang pagkakasabi niya, napatingin tuloy sa amin 'yong ibang estudyante. Minsan talaga ang boses nito ang lakas, akala mo nasa ibang ibayo ang kausap. Eh, kaharap lang naman niya ako. Hindi ko alam kung ipinaglihi ba 'to ng nanay niya sa megaphone o ano. "Sorry naman." Nag-peace sign ito. Hindi ko na lang siya pinansin saka nagpatuloy sa pagkain. "Bakit nga ba hindi ka mag-boyfriend, Omi?" Omi tawag niya sa akin para daw unique. She's weird, she gives nickname to everyone, but she's fun to be with. "Ayoko nga saka ang bata ko pa diyan para sa pag-ibig na ‘yan. At saka alam mo ba, sakit sa ulo at puso lang ang ibibigay niyan sa ‘yo. Kaya, no thanks." Seryoso ko siyang tiningnan. "Ang seryoso naman nito,” nakangusong sabi niya. She's cute too. "You're so cute." Pinisil ko ang pisngi niya na kanya namang tinanggal. "No, I'm not. I'm pretty kaya,” sabi nito sabay flip nang mahaba niyang buhok. Napailing na lang ako. "Sabi mo, eh." Natapos na kaming kumain saka tumambay lang sa room. Natapos ang buong maghapon namin na gano'n lang ang nangyari, nagpakilala lang tapos dismiss... NAGPAALAM na kami ni Zoe sa isa’t-isa nang nasa labas na kami ng gate. Sumakay na siya sa sundo niya saka umalis. Ako naman ay naglalakad papunta sa dati kong school noong elementary ako, malapit lang kasi iyon dito. Pagkarating ko sa Bless Child Elementary School ay pumunta ako sa oval. Malaki ang oval ng BCES, halos kalaki lang ng oval para sa mga runner. Pagkatapak ng mga paa ko sa oval ay nagsimula na akong maglakad-lakad habang nakahawak ang dalawang kamay ko sa sling ng back pack ko. Ganito ang ginagawa ko dati rati pa. Nililibot ko ang oval ng ilang beses, siguro para sa iba ay nakakapagod dahil masyadong malaki ang Oval, pero para sa akin ay nare-relax ako habang naglilibot. Hindi ko alam pero nakakatanggal ng stress ang paglilibot ko dito. First day of school, wala naman masyadong nangyari, wala pa rin akong masyadong kakilala. Si Zoe lang ang kasabay ko palagi kanina. Okay lang naman si Zoe, may pagkamadaldal, masaya kasama, minsan nga lang baliw. Akalain mong gusto pa mag-boy hunting kanina, maghahanap daw kami ng gwapo. Baliw talaga, pero masaya naman akong kasama siya, at least hindi ako loner sa unang araw ng eskwela. Miss ko na sina mommy't daddy, last ko silang nakasama ay noong bakasyon pa. Sa New Jersey kasi ako nagbakasyon para makasama sila, pero kahit nandoon ako ay hindi naman kami nagkakasama. Masyado silang busy, pero bumabawi naman sila pagmay-time sila, minsan nga lang. But anyway, I'm used to it. Alam ko naman na ginagawa nila 'yon for me. Maswerte nga ako dahil may mga magulang ako na ginagawa ang lahat para sa akin, para mapag-aral ako, at mabigyan ng magandang kinabukasan. All I have to do is to make them proud and to be a good daughter to them. Napatingin naman ako sa wrist watch ko habang naglalakad pa rin at nanlaki ang mga mata ko ng makita ang oras. Five Thirty-Five na pala. Napatingin naman ako sa paligid, magdidilim na nga, hindi ko namalayan. Nakailang libot kaya ako? Tinapos ko na ang paglilibot saka uuwi na ako. Habang nasa gitna ako ng oval ay may nakita akong isang lalaki, hindi ko masyadong maaninag dahil medyo madilim ang parte nang kinatatayuan niya. Kinalibutan naman ako dahil parang nakatingin siya sa akin. Napasigaw ako sa isip ko. Shocks! Baka r****t 'yan or worst MOMO!!! Binilisan ko ang paglalakad. Nang makalabas na ako ay pumara agad ako ng taxi at umuwi. LIHIM na napatawa ang lalaking nakatayo kung saan siya nakita ni Naomi. Hindi niya mapigilan na mapatawa dahil sa mukha nitong takot na takot saka nagmamadaling umalis. Akala mo naman nakakita ng multo. Damn, that girl made me laugh. Interesting, he thought. Napailing na lang ito saka umalis. PAGKADATING ko sa bahay ay nagpahinga muna ako sandali saka nagluto na ng hapunan ko. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at umakyat na ng kwarto. Matutulog na sana ako nang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si mommy through video call kaya agad kong sinagot ito. "Hello, Mom,” masayang bati ko sa kanya. I was excited. "Hello, Princess. Have you already ate your dinner?" "Yes, Mom, katatapos ko lang po." "So, how is your first day of school, sweety?" "Well, it's okay. Gano'n pa rin, pakilala dito, pakilala doon. Nothing special." Napatingin ako sa kanya. Nakita ko na may binabasa siyang papeles habang kausap ako. Always namang ganito, I’m used to it, pero naa-appreciate ko talaga na kahit busy sila ay may oras pa din sila na tawagan at kausapin ako. "Ikaw talaga. So, do you have new friends?" "Hmm wala pa masyado. Remember, Zoe, Mom?" "Your classmate last school year?" Napangiti ako dahil alam ko talagang nakikinig si mommy sa mga kinukwento ko sa kanya about sa school at sa mga taong nakikilala ko. "Yes, Mom. She's my classmate and my seatmate na rin. Siya lang po ang kasama ko the whole day. Hindi ko pa po kasi kilala 'yong iba, eh." "Oh, that's good. At least may friend ka na. Oh, Baby, I have to go. I just called to check on you." "Okay, Mom. I love you. Pakisabi na rin kay dad that I love him. " "I will, Baby. We love you too. Take care. Bye." Nakangiti itong kumakaway sa kanya. "Bye." Nakangiti kong ibinababa ang tawag. Ganyan si mommy kahit malayo siya ay tinatawagan niya pa rin ako para lang i-check kung okay lang ako. Nahiga na ako saka natulog. NANDITO kami ngayon ni Zoe sa isang room. T.L.E kasi namin ngayon, agriculture ang kinuha namin ni Zoe. Yong iba naman naming classmate ay culinary, electricity, or civil ang kinuha. Nakaupo lang kami ni Zoe sa dulo habang hinihintay namin si Sir. Iyong iba ko namang classmate sa class na ito ay nagchichit-chat. May tatlong row ng mga upuan ang room namin, sa isang row ay may tatlong upuan. Nakaupo ako sa malapit sa bintana. Katabi ko si Zoe na nasa gitna ng upuan. Kaunti lang kami, mga nasa twenties lang siguro kami magkaklase. Busy si Zoe sa pagte-text habang ako naman ay nagsa-sound trip lang. "Pwede ba akong umupo dito?" Siniko naman ako ni Zoe. Tinanggal ko ang isang headset at tiningnan si Zoe. "Bakit?" "Pwede ba daw siyang umupo dito?" Turo niya sa upuan na nasa tabi niya. "Sino?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "Siya.” Turo niya sa lalaking nakatayo sa gilid ng upuan. Matangkad siya, maputi, gwapo, at chinito. Mabait tingnan, ewan ko lang kung mabait talaga. "Can I sit here?" tanong niya habang nakatingin sa akin. "Okay lang,” sagot ko habang nagkibit-balikat. Hindi ko naman kasi pagmamay-ari ang upuan na ‘yon para magpaaalam siya sa akin. Naupo naman siya saka humarap sa amin. "Ako nga pala si Levi Finn Legaspi. Levi, for short,” nakangiting pakilala niya sa amin. "Ako naman si Phoebe Zoe Chua. Zoe, for short. Siya naman si Naomi Zara Yashita." Turo sa akin ni Zoe. Ngumiti naman ako sa kanya saka kumaway. "Hello. Nice to meet both of you. Ahmm, can we be friends?" Nagkatinginan naman kami ni Zoe at nakangiting tumingin sa kanya. "Oo naman,” ngiting sagot ni Zoe. Napatingin ako kay Zoe, iba kasi kung makatingin kay Levi, eh. Feeling ko crush na niya ang chinitong ‘to. "Buti naman at may kaibigan na ako ngayon." Nagulat namin kami nang bigla siyang tumawa. "Wait, makulit ka rin?" tanong ko sa kanya. Kung titingnan kasi siya kanina ay akala mo isang seryosong tao tapos ngayon bigla na lang tatawa. "Tumpak!!" Natawa naman kami ni Zoe sa reaksyon niya, dahil para siyang bakla nang sinabi niya 'yon. Nagkwentuhan nang nagkwentuhan lang kaming tatlo, wala kasi si Sir may pinuntahan daw. Nakakatuwang kasama si Levi, masyado siyang makulit. Sa section Opal pala siya at nasa kabilang building ang room nila. Opal lang ang section na naiba sa third year building kaya hindi rin kami magkakita-kita. Pero madadaanan namin ang room nila pag-uwian. "Bye, see you tomorrow,” paalam ni Levi habang malaki ang ngiting kumakaway sa amin ni Zoe. Nagpaalam na din kami sa kanya habang kumakaway. Tapos na kasi ang T.L.E subject namin. Papunta na kami sa room namin at may isa pa kaming subject bago mag-lunch time, after recess kasi ang T.L.E namin. "Grabe ang kulit ni Levi, no? Akala mo seryosong tao, hindi pala.” Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. "Iyon pala joker ang mukha." Sabay kaming natawa ni Zoe habang papunta sa room.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Obsession

read
2.6K
bc

Unexpected Romance

read
37.4K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
40.5K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
68.1K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
426.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook