Share:

The Scorned Lover

READING AGE 16+

greatfairy Romance

1894 reads

Ang sabi nila kapag mahal mo ang isang tao, pakawalan mo at hayaan mo siyang sumaya sa piling ng iba, pero ako, hindi ako naniniwala. 'Pag mahal mo, ipaglaban mo. 'Pag gusto mo, habulin mo. Huwag kang tanga. HAPPINESS IS A CHOICE.

"Pangga!" Napalundag ako sa tuwa nang sa wakas ay naabutan ko siya. Ang bilis niya kasing maglakad, eh!

"Ikaw na naman?! How many times do I have to remind you, stop stalking me, Miss!" Napangisi ako nang sa wakas ay kinausap niya ako. Kulang na lang ay magpasabog ako ng confetti sa harapan ko ngayon. Sa susunod magdadala na talaga ako ng party popper para masaya.


"Ilang beses ko rin ba dapat sabihin sa'yo na hindi ako stalker, I'm your lover!" nakangising sagot ko. Napahilot ito sa kanyang sentido. Tang*na! Ang guwapo niya talaga!

"Get out of my life, woman! Bumalik ka sa kung saang lupalop ka man nanggaling. Naiintindihan mo?" madiin at nanggagalaiting wika nito. Halos lumitid na ang ugat nito sa leeg sa sobrang inis.

"Eh, 'di dapat pala hindi ako aalis sa tabi mo kasi nanggaling ako sa puso mo," nakangiting sagot ko na ikinalaglag ng kanyang panga. Dumilim ang kanyang mukha at para itong papatay anumang oras.

"What?!" Nanlaki ang kanyang mga mata at 'di makapaniwalang tiningnan ako.

"Bingi ka ba? Sabi ko liligawan kita! Huwag ka nang magpakipot. Halata namang may gusto ka rin sa 'kin, eh!"

Namula ang kanyang mukha at mabilis akong tinalikuran. Pero siyempre mabilis din ang reflexes ko kaya hinabol ko siya.

Hinding-hindi ka makakatakas sa akin, Pangga!

Unfold

Tags: revengesubmissivedare to love and hatedramacomedytwistedbxghumorousheavyrejected
Latest Updated
Special Chapter

TININGNAN ko ang bawat sulok ng kwarto niya at binuksan ko rin ang banyo at closet niya pero wala. Hindi ko talaga siya mahanap. Binaliktad ko na rin pati ang bedsheets at muntik pa ako mauntog sa sahig nang tumuwad ako para tingnan ang ilalim ng kanyang kama ngunit wala pa rin. Saan na naman kaya pumunta ang batang 'yon?

"Yumi Armina V……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about cookie permissions, you can click on Privacy Policy.