bc

Neriza's Fantasy - Erotic Romance (Completed)

book_age0+
11.8K
FOLLOW
107.7K
READ
possessive
sex
arrogant
kinky
drama
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Pinagbigyan ni Neriza ang hiling ng kaibigang publisher na si Imee na sumulat siya ng erotic story na siya mismo ang bida. Hiniram niya ang beach house ng pamilya nito para doon magsulat. Pero hindi inakala ni Neriza na doon niya makikita si Marc Hardes Marquez! Ang supercrush niya na sikat na Fil-Spanish MotoGP champion. Pinsan ito ni Imee. Aminado si Riza na sexually attracted siya kay Marc. Hell, he was in her every s****l fantasy and dream. Hindi rin iilang beses na na-imagine niya na siya ang babae at si Marc ang lalaki sa mga intimate na eksenang isinulat niya.

At nagising na lang si Neriza isang araw na parang totoo na ang mga panaginip na iyon...

chap-preview
Free preview
Prologue
  “ANO BA ang dapat kong gawin para magbago ang isip mo, Neriza?” tanong ng kaibigan niyang si Imee. “Wala,” kaswal na tugon ni Neriza. Nasa opisina siya nito, pagkatapos ay saka pupunta sa pag-aaring flower shop. “Naman!” protesta ni Imee, saka pabagsak na sumandal sa backrest ng swivel chair dahil sa pagkadismaya sa kanyang sagot. “Nakukulili na ang tainga ko sa kakatanong ng mga fans mo kung kailan ka magpapakita sa publiko at magho-hold ng book signing. Alam mo, subukan mo kayang tumambay dito sa opisina kahit isang araw lang para malaman mo na maya’t maya ay nagri-ring ang telepono at iisa lang ang hinahanap, ikaw.” “Si Godiva ang hinahanap nila,” hindi interesadong sagot niya. “At ikaw iyon, Neriza. ‘Godiva’ is your pen name,” agad na tugon ng kaibigan, nakataas ang isang kilay. Sumimangot siya. “Sekreto nga lang na ako si Godiva, `di ba? Kapag lumantad ako, hindi na sekreto ang sekreto natin.” Yes, isa siyang manunulat. And she was using “Godiva” as her pen name. Kinuha niya iyon mula sa legend noong unang panahon na si Lady Godiva, ang magandang babae na pumarada umano nang hubo’t hubad sa bayan ng Coventry sakay ng isang kabayo para bawasan ng asawa ang buwis ng mga tenant sa lupain ng mga ito. “Besides, malaking factor naman ang pagka-mysterious ko, ah. Marami ang naku-curious. Marami ang nag-aabang sa mga nobela ko. Bakit? Bumababa ba ang sales ng mga libro ko?” Pinaikutan siya ni Imee ng mga mata. “Walang problema sa sales, alam mo `yan dahil sa royalties na natatanggap mo. Kaya lang nga, marami ang naghahanap sa `yo. Marami ang humihiling na magsagawa tayo ng booksigning. At sa palagay ko ay magandang ideya iyon dahil makikilala ka nila. Mas dadami ang fans mo, mas bebenta ka. Imagine, napakagandang babae pala ang nasa likod ng pen name na Godiva. Mas magiging talk of the town ka. Magiging famous ka,” walang prenong sabi nito, tila hindi pa rin sumusuko sa pagkumbinsi sa kanya na lumantad na sa publiko. Ngumiwi si Neriza. Walang maaaring makakumbinsi sa kanya. Godiva was her alter ego. At itatago niya iyon sa publiko hanggang kaya niya. “Hindi ko habol ang kasikatan, alam mo iyon. I don’t even write for money—Well, yes, noong una para may pandagdag akong pambayad sa loan ko sa bangko. Pero ngayon, nagsusulat ako kasi gusto kong magsulat. It’s my passion. My stress reliever. My—” Napansin niya na tinititigan siya ng kaibigan, titig na may kahulugan. “What?” aniya nang hindi makatiis. “Kaya ba ayaw mong lumantad dahil ayaw mong malaman ng angkan mo na ikaw si Godiva? Ang sikat na Filipino erotica writer?” Bull’s-eye. “Ngayon mo lang `yan na-realize?” sarkastikong balik-tanong ni Neriza. Iyon mismo ang pangunahing rason kung bakit hindi hayag ang pagiging writer niya. Erotica writer, more like. Napaka-conservative ng angkan ni Neriza. Bukod doon ay kilala at inirerespeto ang mga Calderon sa kanilang probinsiya. May reputasyon silang inaalagaan. Aside from that, her big brother was a priest. Mayroon pang isang madre sa kanilang pamilya, ang kanyang tiyahin. Hindi rin lingid sa kanila na muntikan na umanong magmadre ang kanyang nanay, kung hindi lang ito umibig sa kanyang tatay. Isang malaking eskandalo at kahihiyan kapag nalaman ng konserbatibong angkan ni Neriza ang pagsusulat niya ng sekswal at makamundo ang tema. Dalaga pa siya, pino rin kung kumilos. Tiyak na makukuwestiyon ang kanyang integridad. Hindi na bale kung siya lang ang pagtsitsismisan, kaya niya iyon. But she knew better. Alam niyang damay ang kanyang pamilya kung sakali. Damay ang mga magulang niya sa gulong lilikhain ng mga taong makikitid ang pang-unawa. Worst, kukuwestiyunin pa ng mga ito kung papaano siya pinalaki ng mga magulang at “nagkaganoon” siya. Baka itakwil siya ng mama at papa niya kapag nagkataon. Alam dapat ni Imee ang bagay na iyon dahil kaibigan niya ito. Magkatabi sila ng upuan noong unang taon at unang araw ng klase sa kolehiyo. Nagkapalagayang-loob sila hanggang sa tuluyang maging malapit na magkaibigan. Kilala na siya ni Imee. Alam na nito ang family background niya dahil bukod sa malapit silang magkaibigan ay hindi na mabilang ang mga pagkakataon na sumasama ito sa kanya sa probinsiya. Masyadong welcome ang kaibigan sa kanyang pamilya. “Ah, Riza…” umiiling-iling na wika ni Imee, pagkatapos ay itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko. “Okay. I rest my case,” resigned na wika nito. “Safe sa akin ang sekreto mo.” “Dapat lang,” nakangusong wika ni Neriza. Nang makatapos sa kolehiyo ay pinili niyang maging entrepreneur. Binuksan niya ang Petals & Ribbons, isang flower shop.  And it did well, thank God. Sa ngayon ay may apat na siyang branches sa Kamaynilaan. Si Imee ay tinake over ang family business na publishing house, ang Pages & Sheets. “So, honey, kailan mo isusulat ang kuwento ng buhay mo?” “What?” natatawang tanong ni Neriza. “Kuwento ng buhay ko?” “I mean, when will you use yourself, your name as the heroine, in your novel? Katulad ng ginawa mo sa novel mo na Branded kung saan naging bida ako roon. OMG. Kahit binago mo ang ilang facts, kahit hindi mo ginamit ang pangalan ko, may mga kaibigan at kamag-anak pa rin ako na nagtatanong kung ako raw ba ang nasa Branded.” Tumaas ang kilay ni Neriza. “Kung ganoon, nalaman mo kung sino-sino sa mga friends at relatives mo ang nagbabasa ng Black Lace?” Black Lace ang pinaka-imprint ng mga erotica ng Pages & Sheets. At ang Branded na sinasabi ni Imee ay ang isa sa kanyang masterpiece. Ibinase niya sa kaibigan ang bidang babae sa librong iyon. Gumamit siya ng facts tungkol kay Imee at binigyan ito ng love life at happy ending sa kuwentong iyon. “You bet!” tumatawang sabi ni Imee. “And, hey, they’re proud about it. Isa rin sila sa kumukulit sa akin kung sino raw ba ang nasa likod ng pen name na Godiva. They want to meet you, too!” “Umaasa akong hindi mo ako ipagkakanulo,” ani Neriza. Naging tuso ang kislap ng mga mata ni Imee. “Hindi kita ipagkakanulo, minsan man. But! But, kailangan mong gawin ang kuwento mo.” “Nagkasundo na tayo kanina, ah?” angal niya. “I can’t believe you’re blackmailing me now.”  Kinindatan siya ng kaibigan. “Sige na. Gawin mo na. I’ll pay double for it.” She rolled her eyes. “Okay. Pag-iisipan ko.” “I’ll take that as a yes.”  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Their Desire (Super SPG)

read
961.1K
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.4K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
442.8K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.0K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
533.5K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
499.1K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
267.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook