bc

Beks With Benefits

book_age0+
631
FOLLOW
2.1K
READ
drama
comedy
sweet
bxg
bxb
like
intro-logo
Blurb

Napatunayan ni Justeen na trulaloo ang chismaks na kumakalat sa kanilang schoolembang na bekibels ang classmate niya na heartthrob na si Josef nang mahuli niya ito sa kwarto nito na putok na putok ang make up at nakasuot pa ng long pink gown habang rumarampa ito ala-supermowdel. Upang mapagtakpan ang chismaks about kay Josef ay nagpanggap sila nito na magjowa. Iyon ay para na rin mapagselos niya ang kanyang ex-boyfriend at baka sakaling balikan siya nito.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01- First Day Heartache
JUSTEEN MEDYO nawindang ako nang pagpasok ko ng classroom ay parang mga langgam na nakakita ng isang candy ang mga kaklase kong babae. Nakakumpol sila sa isang sulok at parang may kung anong tinitingnan. First day of school pero ito agad ang bumungad sa akin. Itinirik ko ang aking medyo malaking mata pero beautiful sabay flip ng hair at humanap ng magandang pwesto ng upuan. Pumwesto ako sa may tabi ng bintana para may view. Matatanaw ko ang magagandang tanawin dito sa Benedictine Academy—ang minamahal kong school. Nangalumbaba ako dahil medyo umihip ang hangin. Para mas feel ko ang moment na ito for my first day of school. Grade 10 na ako kaya dapat husayan ko pa ang pag-aaral. Sana more more more awards pa ang makuha ko lalo na sa mga beauty contest dito sa school. Hindi naman kasi sa pagmamayabang pero I am one of the prettiest girl here sa school. Kaya naman hashtag feeling lucky ang aking boyfriend na si Lucky Mansanas. Two years na ang aming relationship and I know na papunta na kami sa forever. Marami nga diyan ang super inggit sa perfect relationship namin ni Lucky. Hindi kami nag-aaway. Chill lang. Ganern! Tapos gwapo siya, maganda ako. Varsity siya sa basketball at beauty queen naman ako ng school. Perfect, ‘di ba? “Saang school ka galing?” “What’s your favorite color? Explain why, please…” Napalingon ako sa kumpulan ng mga babaeng iyon. Bakit ganoon sila magsalita? Parang lumiit ang mga boses to the point na sounds like ipis na sila. Mga pabebe! Baka naman may transferee tapos gwapo. That’s for sure. Naku, ang malalanding ito! Pero, sige. Go. Ipapaubaya ko na lang sa kanila kung gwapo man ang transferee na iyon dahil I have my Lucky Mansanas na naman. Toot… toot… Oh! May nagtext. Si Lucky ko! LUCKY: Babe, I’m on my way na. Kakaalis ko lang ng bahay. See you and I love you! Kulang na lang ay tumirik at umikot ng 360 degrees ang mata ko sa sobrang kilig sa text na iyon ni Lucky. Parang anytime ay bubula ang bibig ko at manghihimatay ako. Ganoon ka-severe kung kiligin ako kay Lucky. Kahit two years na kami ay never nagbago ang level ng kilig ko simula no’ng first month namin bilang magboyfriend-girlfriend. Siyempre, nagreply agad ako. JUSTEEN: Okay, babe. Take care. I love you, too! Talagang habang tinatype ko iyan ay mahina ko pang binabasa na may kasamang parang pusa na expression. Naku, parating na pala ang babe ko, so, dapat freshness na ako. Dapat good vibes agad siya sa first day ng school at ang maganda kong face ang makakapagbigay sa kanya no’n. Kinuha ko agad ang face powder sa aking bag at nag-apply sa aking mukha. Ibabalik ko na sana iyon sa bag after kong gamitin nang magulat ako dahil nasa harapan ko ang isang bakla na parang ginawang canvass ng painting ang mukha sa kapal ng make-up! “Macario!” Umirap siya. “Macario talaga, bes? Mocha! It’s me!” Tumayo pa siya sa harapan ko at nag-pose ala-supermodel. “Nagmula sa langit, bumagsak sa lupa! Ako ang baklang bata pa lang ay maganda na—Mocha!!!” Mocha is my gay bestfriend. Since elementary ay magkaibigan na kami. Ipinagtanggol ko kasi siya sa nambu-bully sa kanya na mga boys noong Grade One kami. And from that day ay naging bestfriend na kami. Parehas kaming baliw at loka-loka kaya naman nag-click kami agad-agad. “Oo na! Mocha na kung Mocha. Wait, may eyeliner ka ba, bes? Pahiram naman.” “Aanhin mo naman?” tanong niya sabay abot ng hinihiram ko. “Kakainin ko siguro, bes! Ipang-che-check ng assignments! Of course, ilalagay ko sa aking eyes!” Kumurap-kurap pa ako. “Parating na kasi si babe ko. He’s on the way na.” Biglang kumunot ang noo ni Mocha at nagsalubong ang kilay niya na kulay brown. Pak na pak ang kilay niya. Ang hahaba. Kulang na lang ay umabot hanggang sentido iyong dulo. "Are you sure na he's on his way na? Nakita ko kasi siya sa may gate ng school at parang may hinihintay. Hindi ko na nga pinansin at parang bad mood ang fez!" "Sure ka, bes?" "Kasing sure na maganda ako! Teka, bakit nagkakagulo ang mga babaita dito? Ano iyon?" "I don't know. May gwapo yatang transferee. Kilala mo naman ang mga iyan kapag may gwapo, akala mo ay malalanding pusa--" "Bes, dito ka lang! Titingnan ko kung gwapo nga! "Mocha—“ Hindi ko na siya napigilan pa at nagtatakbo na siya papunta doon sa kumpulan ng mga babae. Ang malanding baklang iyon! Magpapasama pa naman sana ako sa kanya kay Lucky na sabi niya ay nakita niya sa gate ng school. It looks like na pupunta ako doon mag-isa. Tumayo na ako at lumabas ng classroom dala ang bag ko. Hmm... Kung true man ang sinabi ni Mocha, bakit tinext ako ni Lucky na papunta pa lang siya ng school? Hindi naman kaya may itinatago siya sa akin? Ipinilig ko ang aking ulo. No. Hindi dapat ako mag-isip ng negative things about him. Siguro, may surprise siya sa akin. Surprise naman para saan? Malayo pa ang birthday ko at monthsary namin. Haay... Bakit ba medyo napapraning ako? Eh, kasi naman, first time na nagsinungaling sa akin ang aking Lucky Mansanas. Nung nagtext siya na kakaalis pa lang at sinabi ni Mocha na nasa gate na ang boyfie ko, halos five minutes lang ang pagitan. Malayo ang bahay ni Lucky sa school. May kotse naman ito at driver pero usually ay aabutin ng thirty-minutes ang biyahe nito. Alam ko iyon because dalawang taon na kaming magjowa. Medyo nalapit na ako sa gate at nakita ko na si Lucky na nakatayo sa labas. Anong ginagawa niya doon? Mas lalo kong binilisan ang paglalakad. Bahala nang mawala ang poise. Lumabas ako ng school at tinawag siya. Talagang gulat na gulat siya nang makita ako. Parang nakakita siya ng multo. Isang magandang multo. "B-babe!" aniya sa tensiyonadong boses. "Sabi mo OTW ka pa lang, babe? Bakit nandito ka na?" "Ah, ano kasi, babe... Ano—“ Hindi na niya naituloy ang pagsagot sa aking question nang isang magarang kotse ang dumating at may bumaba doon na isang magandang babae na nakasuot ng school uniform. Ngayon ko lang siya nakita. Medyo napataas ako ng isang kilay dahil akala mo ay isa siyang supermodel kung maglakad. Parang may electric fan sa harapan niya dahil nagba-bounce ang kanyang hair na kulay ash blonde. At ganoon na lang ang pagnganga ko nang lumapit siya kay Lucky babe ko at inilagay ang isang kamay sa balikat nito. "So, this is Benedictine Academy, huh..." Aba! May accent si ate. Saang planeta kaya ng mga higad ito galing? Ang kati! Ang landi! Pinilit kong kumalma kahit gusto ko nang ilabas ang brilyante ng apoy at sunugin ang malanding babaeng ito! Chos! Inalis ko ang kamay ng babae sa balikat ni Lucky at nag-smile ng fake. "Excuse me, miss. Pero hindi patungan ng kung kani-kaninong kamay ang balikat ng boyfriend ko." Pinagdiinan ko talaga iyong word na 'boyfriend'. Tumaas ang isang kilay nung babae. "Excuse me? Who are you? Lucky, who's this girl?" "Babe, let me explain..." Pinagpapawisang sabi ni Lucky doon sa babae. Feeling ko ay binagsakan ng atomic bomb ang ulo ko. Babe? BABE?! Tinawag ni Lucky na 'babe' ang babaeng iyon?! Nagpapalit-palit ang tingin sa amin ni Lucky. Hanggang sa huminga siya ng malalim at humarap sa akin. "Okay. Sasabihin ko na ang totoo," aniya. "Yes, Lucky, you have to tell me the truth because I deserved that! I deserve your explanation about this!" Palakpakan naman sa akin. Straight english. Ganito talaga ako kapag emotional, nakakapag-english ng severe. Teka, bakit niya inakbayan iyong malanding babae. "Justeen, this is Liya--my girlfriend. Liya, meet Justeen... girlfriend ko rin." "What?!" Naiiritang itinulak nung Liya si Lucky. "You can't have two girlfriends! Choose me or lose me. Mamili ka, Lucky!" "Kaya ko naman kayong pagsabayin. Time management lang naman iyan." "Time management your ass! Jerk!" Naiiyak na sabi ko sabay walk out. Malalaki ang hakbang na bumalik ako sa loob ng school. Ang perfect na love story namin ni Lucky ay parang isang salamin na nabasag sa isang iglap. Kailan pa kaya ako niloloko ng hinayupak na 'yon? Or worst baka mas nauna pa na maging sila ni Liya tapos ako ay isang kabit. Oh no! Naging kabit ako nang hindi ko alam? Bawat luhang nagbabantang lumabas sa aking mata ay pinapahid ko agad ng aking kamay. Hindi nakakaganda na may makakakita sa akin na umiiyak. Hindi pwedeng umiyak ang isang beauty queen na tulad ko. Iniba ko ang direksiyon ko. Imbes na sa classroom ay pumunta ako ng library. Walang masyadong tao doon kaya makakaiyak ako doon ng severe at intense! "HUHUHU!" Iyak ko sabay singa sa tissue. Kinuyumos ko iyon sabay tapon sa trash bin na nasa paanan ko. Hinila ko iyon para hindi na ako patayo-tayo kapag magtatapon ng tissue. Nandito pa rin ako sa library at nagda-drama. Kanina ko pa tinext si Mocha at ang sabi niya ay papunta na siya dito. Nagpapa-picture lang daw siya doon sa gwapong transferee. Ang baklang iyon talaga! Mas inuna pa ang kalandian kesa sa akin na kaibigan niyang sugatan ang puso! Pumilas ulit ako ng tissue para punasan ang luha nang matigilan ako dahil nakita ko si Mocha na humahangos na papalapit sa akin. "Besss!!!" Atungal ko at nagkayakap kami. "Shhh... Tama na, bes. Tama na..." sabi niya habang hinahaplos niya ang likod ng ulo ko. "Hindi ko kaya, bes! Ang sakit-sakit, e!" Patuloy ako sa pag-iyak. "Kailangan mong kayanin! Nakilala mo ba kung sino ang humalay sa'yo?" Naitulak ko si Mocha dahil sa sinabi niya sabay sapak sa kanya. "Anong humalay? Gaga! Hindi ako nagahasa!" "Eh, kung makaiyak ka kasi para kang nagahasa! Saka dito ka pa talaga sa library ngumangawa, ano? Mamaya mapagalitan ka ni Miss Champaka!" Tukoy niya sa librarian. "Hindi ako maririnig no'n kasi bingi siya. Remember?" Sabi ko habang kinakalma ang aking sarili mula sa pag-iyak. "Saka kapag umiiyak ng intense, nagahasa agad? Hindi ba pwedeng may pusong nasaktan dahil pinaasa?" "Wow, ha! Humuhugot?! Alam mo, bes. Later mo na sabihin sa akin ang reason kung bakit umiiyak ka kasi mag-start na ang first class natin. Balik na tayo sa classroom!" Huminga ako nang malalim. "Okay, sige. Basta, mamayang break time sasabihin ko sa'yo kung bakit. Tara na..." sabi ko at lumabas na kami ni Mocha ng library para bumalik sa classroom.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
616.7K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
402.6K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
476.8K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.0K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
956.7K
bc

My Godfather My husband

read
268.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook