bc

(Filipino) The Vengeful Wife

book_age18+
3.2K
FOLLOW
30.8K
READ
billionaire
revenge
stalker
submissive
goodgirl
CEO
tragedy
brilliant
female lead
first love
like
intro-logo
Blurb

Blurb

Mapagmahal na anak— 'yan si Lianne. Gagawin niya ang lahat mapasaya lang ang mga magulang. Labag man sa kaniyang kalooban ay pumayag siyang magpakasal kay Gerard sa kagustuhan na rin ng mga magulang. Sa una pa lang ay aminado siya na hindi niya mahal ang asawa, pero dumating ang panahong nahulog ang loob niya rito. Natutuhan niyang mahalin si Gerard, ngunit kasabay niyon ay unti-unti niyang natuklasan ang tunay na motibo ng sariling asawa kung bakit siya nito pinakasalan. Nagkaroon sila ng matinding pag-aaway hanggang umabot sa puntong pati buhay niya ay nalagay sa alanganin dahil na rin sa kagagawan nito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Kumusta ka na, anak?" nakangiting tanong ni Mrs. Borromeo sa anak na si Lianne. Silang dalawa lang ang naroon sa living room. "Kumusta ang buhay may asawa? Kailan mo kami bibigyan ng apo?" Saglit na tinanaw ni Mrs. Borromeo sa asawa na naroon sa labas at abala sa pakikipag-usap sa cellphone. Tanging ngiti lang ang itinugon ni Lianne. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa simpleng tanong ng ina. Ayaw niyang bigyan ito ng sama ng loob maging ang kaniyang ama na noon pa man ay sabik na sabik na magkaroon na ng apo. Mahigit isang taon na silang kasal ni Gerard pero hanggang ngayon ay wala pa silang supling dahil iyon ang gusto ng kaniyang asawa. Ayon dito ay mas mabuting huwag muna silang magkaroon ng anak. Mas mabuti raw na mag-ipon muna sila para sa magiging anak nila kung sakali. Gusto ni Gerard na paghandaan nilang mabuti ang bubuuin nilang pamilya kaya mas gusto nito na palipasin muna nila ang limang taon bago siya magbuntis nang sa gayon ay ma-enjoy nila ang isa't isa bilang mag-asawa. Sinang-ayunan na lang niya ang kagustuhan ng asawa dahil ayaw niya na mag-away sila. Pagkatapos kasi ng kanilang kasal ay mahigpit nitong sinabi sa kaniya na negosyo muna ang uunahin dahil ayaw nitong maghirap sa darating na panahon. "Darating po tayo diyan, Mom," matipid niyang sagot mayamaya dahil diretsang tumingin sa mga mata niya ang sariling ina. "Siguro ay hindi pa po ngayon, pero malay po natin sa susunod na buwan ay magkaroon na." Ngumiti siya matapos sabihin iyon. "Good, hija. Matanda na kasi kami ng Dad mo at alam mo naman kung gaano kami kasabik sa apo." "Pini-pressure mo na naman ba ang anak natin, Hon?" nakangiting sabat ni Mr. Borromeo na ngayon ay papalapit sa kinauupuan ng asawa at naupo sa tabi nito. Napangiti na lang si Lianne habang pinagmamasdan ang mga magulang. Hanggang ngayon ay sweet pa rin ang mga ito sa isa't isa. Wala siyang maalala na nagkaroon ng malalang pag-aaway ang dalawa. Nagkakatampuhan lang pero agad namang naaayos. Kaya hindi niya maiwasang hindi mainggit sa ina. Mapagmahal kasi ang kaniyang ama, responsable at walang ibang iniisip kundi ang kapakanan nilang mag-ina. "Mag-aalas sais na nang gabi, anak," muling saad ni Mr. Borromeo. "Wala pa si Gerard." "Baka nag-overtime po, Dad," kaagad niyang tugon. Ayaw niya kasing magkaroon ng kapintasan si Gerard pagdating sa kaniyang mga magulang. Mataas ang tingin ng kaniyang mga magulang sa napangasawa niya. Sa katunayan ay ang mga magulang niya mismo ang pumili kay Gerard para maging asawa niya. Kaklase niya ito sa isang major subject noong college siya at nang makatapos ay sinuwerteng makapasok sa kompanya ng ama. Matalino kasi si Gerard, iskolar ito at nagtapos bilang magna cumlaude kaya bilib na bilib ang mga magulang niya. "He wants to prove himself to you, Dad. Isa po kayo sa nagbigay ng puhunan para sa negosyong itinayo niya. Ayaw niya lang kayong biguin." Nakaplaster pa ang ngiti sa labi niya. Anuman ang problemang pinagdadaanan nilang mag-asawa ay ayaw na niyang malaman pa ng mga magulang. "Typical Gerard," napapangiting bulong ng kaniyang ama. "That's why I like him," segunda naman ng kaniyang ina. "Hindi talaga tayo nagkamali sa kaniya, Hon." "I know. Ako pa ba?" mayabang na deklara ng dad niya. Ito kasi ang may pakana ng lahat kung bakit sila nagpakasal ni Gerard. Nang malaman ng kaniyang ama na nililigawan siya ng binata ay hindi na ito nag-aksaya pa ng panahon, kaagad silang ipinakasal dahil ayon sa dad niya ay nakikita nito kay Gerard ang pagpupursiging umangat sa buhay. Minsan nga ay hindi niya maiwasang mainggit dahil kung tratuhin ng mga magulang niya si Gerard ay tila ito ang tunay na anak at hindi siya. "Oh, that must be him," saad ni Lianne nang marinig ang ugong ng sasakyan. Iniwan niya sa salas ang mga magulang at lumabas ng bahay para salubungin ang asawa. Tanaw niya ang katulong na binubuksan ang gate. "May bisita ka?" Naroon ang kuryusidad sa mukha ni Gerard matapos isara ang pinto ng kotse. "Narito sila?" Nangunot din ang noo nito pero saglit lang iyon. Tila may kung anong pumipigil dito na kontrolin ang inis na nararamdaman. Hindi naman sa ayaw niyang makita ang mga magulang ni Lianne, ang ayaw niya lang ay makipag-usap sa mga ito nang madalas dahil laging nauuwi ang paksa ng usapan sa buhay nilang mag-asawa. Hindi lang iilang beses na pinagsabihan siya ng mga ito na magkaroon na ng anak. Tanging tango lang ang isinusukli niya kahit naiinis na siya sa mga payo ng mga biyenan. Kung hindi lang malaki ang utang na loob niya sa kaniyang mga in-laws, malamang ay hindi niya papansinin ang mga ito. "Yes," pormal na tugon ni Lianne saka humalik sa pisngi ng asawa. "Fix yourself, Gerard. Ayokong nakasimangot ka sa harap ng mga magulang ko." Kinuha niya ang bitbit nitong attache case. "Ma'am, Sir," sabat ni Manang Iska kaya napalingon si Lianne. "Uuwi na po ako. Nakahanda na po ang mesa para sa hapunan." "Sige po, Manang Iska." Niyaya na ni Lianne si Gerard papasok ng bahay ngunit muling nilingon ang katulong. "'Yong bilin ko po sa inyo, Manang Iska." "Opo, Ma'am," agad na sagot ng katulong at tila iwas na iwas kay Gerard na kanina pa matalim ang mga mata. "Pakisara na lang po ng gate, Manang. Ingat po kayo sa pag-uwi," bilin ni Lianne sa katulong. Mabilis na lumabas ng gate ang katulong dala ang isang hindi kalakihang supot na naglalaman ng ulam na ipinaluto ni Lianne para sa hapunan. Umuuwi kasi tuwing hapon si Manang Iska at palagi itong pinapadalhan ni Lianne ng ulam para hindi na ito magluto pa pagdating ng bahay. "Don't tell me pinadalhan mo na naman 'yon ng pagkain, Lianne?" Halata sa boses ni Gerard ang inis. "No," tanggi niya dahil ayaw niyang salubungin ang inis nito. Hinawakan niya na lang ang braso ng asawa at iginiya ito papasok ng bahay. Kung wala siguro ngayon ang mga magulang niya ay siguradong magkakasagutan na naman sila. Ayaw man niyang aminin pero alam niyang napakadamot ng asawa. Ayaw na ayaw nito na nagbibigay siya nang kung anu-ano sa katulong. Ayon dito, kung gusto ng isang tao ang isang bagay ay dapat paghirapan para makuha iyon. Kaya minsan kapag nagbibigay si Lianne ng damit o kaya groceries para sa pamilya ni Manang Iska ay hindi na niya ipinapaalam pa sa asawa. Minsan ay hindi rin niya maintindihan ang asawa. Galing din ito sa hirap katulad ni Manang Iska, pero ito pa ang hindi makaunawa sa kalagayan ng katulong. Kaya hindi niya maiwasang punahin ang kilos at pag-uugali nito pagdating sa mga taong mababa ang estado sa lipunan. "Hijo," masayang bati ng mag-asawa. "Mom, Dad." Nakaplaster sa mukha ang pekeng ngiti ni Gerard nang lumapit sa mga biyenan. Kinamayan nito ang ama ni Lianne at bumeso naman sa ina. "Kumusta ang kompanya, hijo?" "The company is doing fine, Dad. I'm glad you came. I'm planning to drop by your office tommorow morning so we can talk about the company, but since you are already here—" "Oops," agad na sabat ni Lianne dahil alam niyang negosyo na naman ang pag-uusapan ng dalawa. "Mamaya na 'yan, Dad, Darling. Dinner is ready. I think we should eat first." "Oo nga naman," segunda ni Mrs. Borromeo. "Ito kasing dad n'yo, masyadong tutok sa negosyo. Naku, Andres, ha. Kararating lang ni Gerard. Pagpahingahin mo naman ang manugang natin." Tumawa si Gerard at bumulong sa ama ni Lianne, "I think we should talk about it over dinner, Dad." "Sure, hijo." "Okay. Let's have dinner first." Hinila na ni Lianne ang asawa patungo sa dining room. "As usual," nakangiting saad ng ina ni Lianne nang makita ang pagkaing nakahain sa mesa."Pochero. Gerard's favorite." "I cooked it myself, Mom." May pagmamalaki sa boses ni Lianne matapos umupo. "Really? So, you are improving, anak. I thought baked products ang expertise mo." Ngumiti lang si Lianne at akmang sasandok ng kanin pero naunahan siya ni Gerard. Ito na ang naglagay ng kanin sa plato ni Lianne na sobrang ipinagtataka ng huli. Matagal na niyang napupuna na nagiging sweet sa kaniya si Gerard sa tuwing kaharap nila ang mga magulang niya. Waring ipinangangalandakan nito na isa siyang huwarang asawa pagdating kay Lianne. "So, hijo, kumusta ang negosyo?" tanong ni Mr. Borromeo sa kalagitnaan ng pagkain. "So far so good, Dad," may pagmamalaking tugon ni Gerard saka nagningning ang mga mata. "Guess what, Dad? I got an appointment with Mr. Ferrer next week." "Ferrer?" Tila may naaalala ang ama ni Lianne dahil nangunot ang noo nito. "Yes, Dad. Mr. Russel Ferrer of FGC." "You did? Really? Wow!" Halata sa mukha ni Andres ang paghanga. Hindi niya akalain na makakakuha ng appointment ang manugang sa isang bilyonaryong negosyante na napakailap sa mga kagaya nila na hindi masyadong kilala sa mundo ng pagnenegosyo. "Russel Ferrer?" Nangunot din ang noo ng ina ni Lianne nang marinig ang pangalang iyon. "Hindi ba siya 'yong sikat na business tycoon na pinagkakaguluhan ng mga kabataang babae?" "Yes, Mom," tugon ni Gerard at muling tumingin sa biyenang lalaki. "You know, Dad, kapag pumayag itong si Mr. Russel Ferrer na maging partner natin, we could be the biggest construction supply company in the country." Lumuwang ang pagkakangiti ni Andres saka tumango-tango nang marinig ang mga paliwanag ng manugang. "You really are genius, hijo." Habang nag-uusap ang dalawa ay hindi maiwasang mapatingin ni Mrs. Borromeo kay Lianne na para bang may naaalala. Nangunot naman ang noo ng huli saka umiling na waring pinipigilan ang ina na huwag basta-basta magsalita. Natapos ang dinner na tanging boses nina Andres at Gerard ang nangingibabaw. Tila walang kapaguran ang dalawa sa pag-uusap tungkol sa negosyo maging nang bumalik na sila sa living room. Naiwan naman sa dining room ang mag-ina para iligpit ang mga pinagkainan. "Mom, I can handle this," tukoy ni Lianne sa mga hugasin. "Samahan n'yo na po sila sa living room." "No, anak. I'll help you. Nauumay na rin ako sa paksa ng usapan nila." Sabay silang tumawa sa sinabing iyon ni Mrs. Borromeo. "By the way, hija, why don't you hire for a full-time household helper? That way mas mapapagaan ang trabaho mo rito sa bahay." Lihim na bumuntong-hininga si Lianne habang inilalagay sa lababo ang mga hugasin. "It's more convenient for us having a part time helper, Mom. Isa pa nakakatipid kami sa gastos." Tatlong beses sa isang linggo kung dumating ang tagalinis ng bahay at labandera. Si Manang Iska naman ay araw-araw pumapasok para magluto ng pagkain nila. Ayaw sana ni Lianne ng ganoong set-up pero dahil 'yon ang gusto ni Gerard ay iyon ang nasunod. "Nag-mature ka na talaga, anak." Ngumiti si Mrs. Borromeo habang nakatingin sa anak. "Natututo ka na mag-budget kumpara noon na halos gastusin mo sa isang araw ang pang-isang linggong allowance mo." "Mom, naman. That's not true. I have ipon naman when I was in college. Remember na nakabili ako ng signature bag dahil sa ipon na iyon galing sa allowance na binibigay ninyo ni dad." "Na hindi mo naman talaga gustong bilhin," dugtong ng kaniyang ina. "Pero dahil napagalitan ka ng dad mo, ang ginawa mo imbes na gastusin ang ipon mong pera pamasahe papuntang Cebu, e, ibinili mo na lang ng bag. And that's all because of that Russel Ferrer." "Mom, lower you voice, please?" Napailing si Mrs. Borromeo habang tumatawa. "You still have a great crush on that man, right?" "Mom." Nilapitan ni Lianne ang ina at dali-daling tinakpan ang bibig nito gamit ang kanang kamay. "Baka marinig ni Gerard." "Marinig?" saad ni Gerard na hindi nila alam na naroon na pala sa pintuan. "Am I missing something?" Nagbiro si Mrs. Borromeo. "I think she's pregnant, hijo." Hindi maipinta ang mukha ni Lianne nang marinig ang sinabi ng ina. Tiyak niya kasing magaaway sila ng asawa dahil sa lahat ng pinakaayaw ni Gerard ay ang magdalantao siya. Hindi niya alam kung papaano ipaliliwanag dito na biro lang iyon ng kaniyang ina. At hindi rin niya pwedeng sabihin na ang bilyonaryong negosyante na si Russel Ferrer talaga ang pinag-uusapan nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook