bc

P-Pop Love Stories

book_age0+
462
FOLLOW
1.8K
READ
drama
tragedy
comedy
sweet
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY) Songs that capture our hearts. Stories that will capture your heart...

Ating kantahin ang himig at kwento ng iyong puso.

chap-preview
Free preview
Track 01: ALAALA
VALEEN's POV ♫ Alaala...alaala ... Alaala ... alaala ...♫ August 23 na naman. Number 23... Isang memorable na number para sa akin... Matapos kong maligo ay talagang nagpaganda at pabango ako. Mabuti na lamang at pumatak sa Saturday ang araw na ito. Sakto kasi walang pasok sa school. Malaya kaming makakapagkita ni Vince. Siya ang aking boyfriend. Napaka-importante ng araw na ito. August 23... First anniversary namin... ♫ Araw-araw ay naghihintay sa yo Dala-dala ang pangarap na hindi nabuo ♫ Sa park na madalas naming tambayan namin ito icecelebrate. Kung saan nangyari ang lahat ng memorable moments naming dalawa ni Vince. Dito kami nagkakilala, laging nag-uusap. Dito sa lugar na ito rin siya nagtapat ng pagmamahal sa akin at syempre dito ko rin siya sinagot. ♫ Bawat alaala mo'y nagbabalik Hindi pa rin malimot ang mga sandali ♫ Umupo ako sa bench. Nakuha ang pansin ko ng dalawang babaeng nag-uusap sa bench na nasa katapat ko lamang. "Grabe iyong ghost hunting namin sa old gusali sa Street 06. Katakot!" "What? You guys make punta there?" "Yup naman! So exciting kaya!" "Katakot. We heard may nagmumulto talaga doong...." Hindi ko na narinig ang mga sunod na sinabi nila kasi tumayo na ako at umalis. Naglakad-lakad muna ako sa park... ♫ Nagbabakasakali na muli kang magbalik Sana nama'y iyong marinig ♫ Nakakatuwang isipin. One year na kami ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko para itext siya. Vince, andito na ako sa park. Wag malel8 ha! Nakakita ako ng cotton candy. Favorite iyan ni Vince. Ang damot-damot nga niya kapag meron siya niyan. Kunwari magtatampo ako kapag hindi niya ako binigyan. Hindi siya makakatiis at susuyuin na niyan ako at ibibili pa niya ako ng isang buo. Tehee. Pinuntahanko iyong matandang puno ng acasia na madalas naming tambayan. Naalala ko pa, umuulan noon at dito kami sumilong. Parang tanga lang kasi nabasa pa rin kami.. "Vince loves Valeen..." Sabi pa niya matapos niyang iukit ang mga katagang iyon sa katawan ng puno. "Corny mo, ha!" Natatawa kong sabi. "Saka bakit Vince loves Valeen?" Nakangiti siyang sumagot. "Kasi mas mahal kita!" "Weeeh! Hindi kaya. Mas mahal kaya kita!" "Eh di umukit ka ng sa iyo basta mas mahal kita, Valeen.." "Talaga?" "Oo naman..Papakasalan pa nga kita eh!" aniya. ♫ At kung sakaling lubusang mawala Huwag naman sana ♪ ♫ Nakakatuwa lang balikan. Teka... Alas-otso ng umaga ang usapan namin ah. Bakit wala pa siya? ♫ Nasaan ka na ba Kanina pa ako nag-iisa ♪ ♫ Seven-thirty na pero wala pa siya. Naku! Yari siya sa akin pagdating niya. Ang mabuti pa ay tawagan ko na lang si Vince... The subscriber cannot be reached. Please try again later... Dinial ko ulit pero ganun pa rin. ♫ Nasaan ka na ba Samahan mo naman ako sinta ♪ ♫ 8:00... 9:00... 10:00... Hanggang sa abuti na ako ng alas-dos ng hapon sa ilalim ng puno ng acacia. Walang Vince...Hindi pa rin dumarating ang boyfriend ko. Bakit siya ganun? Seriously, nakakainis na kasi nag-aalala na ako sa kanya pero di ko naman siya ma-contact. Ngayon lang niya ito ginawa sa akin! At sa first anniversary pa namin! ♫ Takbo ng oras ay kay bagal antayin Darating kaya Tanong ng aking isip Nakatulala sa isang tabi Hindi maisip kung ano ang gawin ♪ ♫ "Bakit ka late?" Iyan agad ang bungad niya sa akin kapag nale-late ako sa mga usapan namin. "Time is gold, Valeen! Hindi titigil ang oras para hintayin ka sa kabagalan mo. Lahat ay isang beses lang mangyayari sa buhay mo kaya pahalagahan mo ang bawat minuto!" Yayakapin ko lang siya sa likod sabay sabi ng: "Oo na po, Mr. Preacher! Sorry na kasi... I love you!" Haharap siya sa akin sabay kurot sa ilong ko. "Sige na. I love you, too!" ♫Nagbabakasakali na hindi pa huli Sana nama'y iyong marinig At kung sakaling lubusang mawala Huwag naman sana ♪ ♫ Bigla ko tuloy naalala ang pagiging time consious ni Vince. Ayaw niya ng late. Gusto niya laging on time. Ayaw niyang may nasasayang siyang oras. Bawat araw ay may iniiwan siyang alaala sa akin natalagang pabalik-balikan ko. ♫ Nasaan ka na ba Kanina pa ako nag-iisa Nasaan ka na ba Samahan mo naman ako ♪ ♫ 3:00 pm na... Hindi na gaanong masakit sa balat ang init ng araw. Hindi ko na rin namanlayan na hindi na pala ako nakakain ng tanghalian kakahintay kay Vince. Nakakaasar na... Gusto ko siyang puntahan sa kanila pero baka magalit siya. Ayaw niya kasing babae ang pumupunta sa bahay ng lalaki. ♫ Sayang naman kung mawalay pa Tuluyan na bang mawawala Asahan mong maghihintay pa rin ... ♪ ♫ Isinubsob ko na lamang ang mukha ko sa tuhod ko habang nakaupo ako sa lilim ng punong acasia. Tunaw na ang tatlong cotton candy na nasa tabi ko. Lowbat na ang cellphone ko kakatext at kakatawag sa kanya... ♫ Nasaan ka na ba Kanina pa ako nag-iisa Nasaan ka na ba Samahan mo naman ako ♪ ♫ "Ate Valeen..." Isang mahinang tapik ang nagpaangat sa aking mukha. Ang kapatid ko pala. "Valerie, anong ginagawa mo dito?" "Ate, umuwi ka na...Sabi ni Mama. Tara na, ate..." Tumayo ako sabay iling. "H-hindi pwede Val... August 23 ngayon. First anniversary namin ni Vince. Magkikita kami ni Vince ngayon dito sa park. Tapos pag-uusapan na-- " "PATAY NA SI VINCE ATE!" Tigalgal ako sa sinabi ni Valerie. "Patay na siya, ate!" Ulit pa niya. "H-hindi iyan totoo!" Umiiyak na sagot ko. Kaya pala... Kaya pala hindi siya nakapunta ngayon. Pero bakit ngayon pa nangyari ang lahat ng ito kung kailan anniversary namin. Niyakap ako ni Valerie. "Umuwi na tayo ate..." ♫ Nasaan ka na ba Kanina pa ako nag-iisa Nasaan ka na ba Samahan mo naman ako sinta ♪ ♫ "Ayoko! Darating si Vince! Dito lang ako Valerie... Samahan mo akong maghintay sa kanya." "Hindi na siya darating, ate. Sana matanggap mo iyon! Sana matanggap mo na tatlong taon nang patay si Kuya Vince!" Hindi ako nakapagsalita sa aking narinig... Biglang bumalik sa alaala ko iyong dalawang babaeng nag-uusap kanina. "Grabe iyong ghost hunting namin sa old gusali sa Street 06. Katakot!" "What? You guys make punta there?" "Yup naman! So exciting kaya!" "Katakot. We heard may nagmumulto talaga doong LALAKI. NAMATAY DAW DAHIL SA HAZING!" Tama. Si Vince ang lalaking iyon. Nangyari iyon three years ago... August 23... Ang araw na binabalikan ko taon-taon... Hinila ako ni Valerie sa aking braso. "Tara na, ate...Umuwi na tayo..." ♫ Alaala ... alaala ... Alaala ... alaala ... ♪ ♫

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Tamed to Be Yours

read
384.9K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.0K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

That Billionaire Is My Husband

read
439.4K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.3K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.1K
bc

His Cheating Heart

read
40.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook