bc

My Son's Teacher is his Father

book_age16+
5.4K
FOLLOW
33.9K
READ
second chance
pregnant
brave
drama
bxg
mystery
bold
campus
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Isang ina at isang anak na naghahanap ng presensya ng kanyang ama. Isang ama na naghahanap ng kasagutan sa lahat ng katanungan niya sa nakaraan na hindi niya magawang takasan. Isang pamilyang matagal na dapat nabuo pero sa isang maling desisyon, nagbago ang takbo ng kanilang buhay. Isang pilit na tinatalikuran ang lahat ng mula sa nakaraan at isang hindi magawang takasan dahil sa buhay niyang nabalot ng maraming katanungan. Isang batang pinapangarap lang na mabuo ang pamilya at sa pangarap niyang 'yon, maraming katanungan ang masasagot. Sapat na ba ang ilang taon na nagkahiwalay sila para matapos na ang lahat? Mabalik pa kaya sa dati ang samahan nila Kate at Kenzo? Mabuo na kaya ang pamilyang pinangarap nilang mabuo?

chap-preview
Free preview
[1] Jude Evangelista
Kate Evangelista Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng alarm sa phone ko. Dali-dali naman akong tumayo para patayin 'yon. It's quarter to five and it's too early. Madilim pa nga sa labas at nasa kalagitnaan pa ng pagtulog ang mga tao. Labag man sa kalooban ko pero kailangan kong bumangon upang makapag-handa sng almusal at papasok sa trabaho. Hindi na mawawala sa sistema ko 'yon at nakasanayan ko na rin. Pumunta ako sa banyo para maghilamos ng mukha at magsipilyo. Kumuha na rin ako ng isang gomang nakasabit sa gilid ng salamin at ipinusod ang buhok ko. Papikit-pikit pa akong tinignan ang sarili ko sa salamin. Almost two AM na ng makatulog ako dahil sa dami ng ginawa ko. Take home jobs. Two hours of sleep isn't enough. Sobrang stressful ang nagiging araw ko kahit sabihing office-based ang trabaho ko. Masakit rin sa pwetan ang maghapong upuan at walang tayuan, masakit rin sa mata kapag magdamag ka ring tutok sa computer mo at mas lalong masakit sa ulo ang mga clients na ang hirap i-please at i-convince. Ang daming tanong pero mag-aalangan rin sa huli. Pero parte ng trabaho ko 'yon kaya kailangan kong pag-tyagaan. I'm working as a sales agent or sales representative or sales counselor o kahit ano ang tawag do'n sa isang malaking kumpanya sa Ortigas. Halos apat na taon ko na itong trabaho at medyo nakakasawa na rin. Working six days straight a week at kadalasan, pati Linggo na dapat walang pasok ay tina-trabaho ko dahil sa mga inuuwi kong mga trabaho sa bahay. Stress, pagod, minsan naman ay gutom. Lahat ng 'yon, kinakaya ko. Sa hira ng buhay ngayon dito, mahira kumita ng pera kaya kailangan kong pag-tiyagaan 'to. Naghilamos ulit ako para tuluyan ng magising ang diwa ko. Matapos no'n, bumaba na ako sa kusina para magluto. Nagtimpla na muna ako ng kae at saka inilabas ang mga itlog at hotdog sa ref. Ininit ko na rin 'yong ulam naming adobo kagabi kaysa naman masira lang 'yon, sayang. 'Yong bahaw naman, ginawa kong sinangag at nagsaing ulit ako ng bagong kanin para sa baon. Imagine, first thing in the morning, everyday, ito na ang ginagawa ko. Nakakapagod na. Paano a kaya ang buong araw ng trabaho? Matapos ang mga ginagawa ko sa kusina, pumunta ulit ako sa kwarto para ihanda ang isusuot ko. Isa pa 'to sa mga pino-problema ko tuwing umaga. Hindi naman sobrang dami ng damit ko but I always have trouble finding what suits me. From choosing the right color up to finding the right matches, mahirap na. Halos magulo ang cabinet ko araw-araw dahil dito. Pero ayon, iba na talaga kapag nakasanayan mo na talaga. Nang makaili na ako, isinabit ko ang mga ito sa maliit na sampayan sa tabi ng banyo. Bumalik ulit ako sa kama ng marinig ko ulit na nag-alarm ang phone ko. Kaagad ko namang pinatay 'yon at nahiga ulit sa kama. Saktong paghiga ko naman, gumalaw 'yong batang katabi ko at napayakap sa 'kin. Hindi ko maiwasang mapangiti kahit na hindi nakakatuwa kahit kanino ang makita ka sa ganoong sitwasyon. Magulo ang buhok, may tuyo pang laway sa gilid ng labi at naka-nganga pa. Sabihin niyo, sinong may gustong makita kayo sa ganyang kalagayan? Wala naman, 'di ba? But in this case, I really find him cute and adorable. He is cute and adorable, no matter what happens... always. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang mga daliri ko at pinunasan ang natuyong laway sa gilid ng mga labi niya. Idinikit ko ang noo ko sa noo niya and gave him a quick peck at his lips. I tugged him closer. Sinimulan ko namang pisilin ang ilong niya para magising na siya pero hindi pa rin siya nagpatinag at nanatiling tulog. Tulog mantika talaga. Tinussok-tusok ko naman ang tagiliran niya at mukhang effective naman dahil nakikiliti na siya. He yawned taos niyakap pa ako ng mas mahigpit na para bang ako ang unan niya. "Jude, baby, you need to wake up. May class ka pa at baka ma-late ka." I said. Hindi naman siya umimik pero alam kong gising na siya, nakapikit lang siya sa pagkakataong ito. Tinatamad bumangon for sure. "Jude, wake up. Breakfast is ready. Bumangon ka na bago pa lumamig 'yon." Dinilat naman niya ang kanyang mga mata and I met his dark-eyed gaze. "Good Morning, Mama." bati niya sa 'kin. Ginulo ko naman ang buhok niya at humalik sa noo niya. "Good Morning din. Sorry if late ng naka-uwi si Mama kagabi. Ang daming work sa office kaya kailangan kong mag-overtime. Nakatulog ka tuloy ng wala ako." "I understand. Kasama ko naman po dito si Ate Yoona. Saka, sabi o niya, kaya ka po nagwo-work kasi para maganda future ko. Saka, sabi po ni Ate, kailangan mo pong mag-work para may pambayad tayo sa bills saka pambili ng foods. Kaya, okay lang po." he stated. Natuwa naman ako ng marinig mula sa kanya 'yon, na naiintindihan niya ang sitwasyon ko. Ang swerte ko na may ganitong klaseng anak ako. Not every child is like him. 'Yong iba, posibleng magka-tantrums kapag ganoon. 'Yong iba naman, they might feel that they're being neglected by their parents. But Jude, he tried to understand my situation, at his very young age. I feel so blessed, lucky to have him as my son. Tatayo na sana ulit ako mula sa pagkakahiga ko para maghanda na sa pagpasok namin pero pinigilan ako ni Jude at niyakap ako ng mahigpit. Sweet. "Jude, kailangan na nating bumangon at baka parehs tayong malate. Bangon na." "Just give me a few seconds, Mama. You must be tired. I will give you something, Mama. Close your eyes first." he commanded. Na-curious naman ako kung ano ang ibibigay niya kaya sinunod ko nalang ang sinabi niyang ipikit ko ang mga mata ko. Naramdaman kong bigla siyang bumangon pero umupo lang siya sa tabi ko. I waited for a few seconds as he said until I feel something that made me smile. Tinadtad niya ng halik ang pisngi ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nakikita kong patuloy pa rin siya sa paghalik sa pisngi ko. Niyakap ko siya at ipinuwesto sa ibabaw ko at hinayaan siyang halikan ang pisngi ko. It's a very good thing to start my day =) Huminto siya sa paghalik sa pisngi ko at inilapat niya ang mga labi niya sa labi ko and it lasted for a couple of seconds. He gave me a candied smile after and rested his head on my chest. Nasabi ko na bang ang sweet niya? Sobrang sweet! Kung hindi pa, ngayon, alam niyo na. "Is that enough Mama to remove all the stress you have? Para mawala po 'yong pagod mo." he asked inquisitively. Napangiti naman ako at sinuklay ulit ang buhok niya. "More than enough, baby. That was so sweet of you. I really appreciate it. Thank you." "Hindi ka po dapat nagpapa-pagod Mama para hindi ka magkasakit. I love you." "I love you, too." We stayed for a couple of minutes tapos tumayo na rin dahil may mga pasok pa nga kami. Masasabi ko pa rin talaga na ang suwerte ko to have him. Caring, understanding, a loving son, plus the fact that he is a really cute, adorable and charming kid. Hindi ako biased dahil sa anak ko siya pero 'yon kasi talaga ang totoo. Every girl's dream. I can't afford to lose him. Bihira nalang ang batang katulad niya, mapagmahal at hindi ako iiwan. Being a single parent like me, masuwerte talaga ako. Ilang beses ko na bang nasabing masuwerte ako? Quota na ata ako. Ah, basta. Masuwerte talaga ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

That Night

read
1.1M
bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
316.7K
bc

Love Donor

read
86.8K
bc

Billionaire's Twins

read
263.4K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook