bc

Over Tha Bakod lang Ang Pag-ibig

book_age12+
1.0K
FOLLOW
5.9K
READ
neighbor
comedy
sweet
humorous
like
intro-logo
Blurb

Nakasanayan na ni Beverly na mag-over the bakod sa kapitbahay para mag-swimming. Enjoy na enjoy na siya sa paglangoy nang pag-ahon niya ay isang napakaguwapong lalaki ang natuklasan niyang nakatunghay sa kanya.

That was Mitch, ang mismong may-ari ng bahay.

She smiled at him sweetly.

Pero sa halip na ngitian din siya nito ay inakusahan pa niya nito na trespasser at pinalalayas siya.

chap-preview
Free preview
Part 1
“DIOS mio! Ang init!” himutok ni Beverly. Malayo pa ang summer pero kahit hatinggabi na ay napaka-alinsangan pa rin ng pakiramdam niya. Halos ayaw na nga niyang umahon sa paliligo ngunit ilang minuto lang matapos na mahiga siya ay pawisan na naman siya. Padaskol siyang bumangon.       Isinumpa niya sa sariling oras na magkapera siya nang malaki ay bibili na siya ng bagong air conditioner. Sira kasi ang unit na nakakabit sa kuwarto niya at mas praktikal pang bumili na lang ng bago kaysa ipagawa niya iyon.       Itinapat muna niya ang sarili sa bentilador bago humakbang at namintana. Bahagya lang siyang napreskuhan sa simoy ng hanging-gabi. Kinalas niya ang ilang butones ng suot niyang pantulog.       Maano ba kung halos h***d man siyang nakapamintana roon? Wala namang ibang tao bukod pa sa madilim ang kinaroroonan niya. Magpapahangin lang siya sandali at mayamaya ay matutulog na rin.       Ngunit ilang sandali pa lamang siyang nakatindig doon ay nakadama na naman siya ng alinsangan.  Isang paghinga ang pinawalan niya. She knew why. Iyon ang isa sa mga pagkakataong nakadarama siya ng pangungulila kay Dave.       Kahit madilim ay nilingon niya ang litrato nitong naka-display sa headboard. Apat na taon na ang nakararaan subalit minsan ay matindi pa rin ang pangungulilang nadarama niya para dito.       Ibinaling niyang muli ang leeg sa labas. Mabuti pang damhin na lamang niya ang maramot na simoy ng hangin kaysa isipin si Dave.       Ilang sandali na siyang nakatanaw sa kawalan nang pagkuwa’y mapagtuunan niya ng pansin ang kislap ng tubig na maasul. Doon napatutok ang atensiyon niya. At sa isang iglap ay may kumislap na ideya sa kanyang utak.       Mabilis siyang bumaba ng bahay. Ilang sandali lamang ay naroon na siya sa mababang bakod na humahati sa magkatabing bakuran. Bale-walang sumampa siya roon at pumakabila.       Halos patingkayad na tinungo niya ang swimming pool ng kapitbahay niya. Madilim din doon dahil mapusyaw na ang nag-iisang bombilyang nakasindi roon. Pero wala siyang pakialam doon. Kahit yata piringan siya sa mga mata ay kabisado niya ang bahaging iyon ng bahay.       Napangiti siya nang ilublob ang mga binti niya sa pool. The water was cool. Hindi naglipat-saglit ay lumusong na siya.       Hindi naman siya bihasang lumangoy. Basta inilubog lang niya ang sarili roon. Paminsan-minsan ay ikinakampay niya ang mga kamay at tinatawid ang bahaging mababaw. Sinalok niya ng palad ang tubig at siyang inihilamos sa kanyang mukha.       Sa pagtingala niya, parang noon lamang niya napagtuunan ang likurang bahagi ng bahay.       Nasa repainting period ang pader. Halos kalahati pa nga lamang ang natatapos.       Napakunot ang noo niya. At kasabay ng pagtataka ay hindi naiwasang may gumapang ding kaba sa dibdib niya.       Hindi iilang beses na nangahas siyang maligo sa pool doon. Ang may-ari ng bahay, si Mrs. Delos Santos, ay naging kaibigan na niya nang lumipat siya roon ilang buwan matapos mawala si Dave. Two months ago nang magpaalam sa kanya ang babae. Pupunta raw ito sa Amerika. Kung magbabakasyon lang o doon na pipirmi, hindi niya sigurado kaya wala rin siyang ideya kung kailan ang balik nito.       Sanay na rin naman siyang papasyal-pasyal lang si Mrs. Delos Santos sa Amerika. Biyuda ito at ang dalawang anak ay nasa magkabilang panig ng Amerika. Kung hindi sa California ay nasa New York ito para makapiling ang mga anak.       She was free to use the pool. Pabor nga ang mababang bakod sa pagitan ng dalawang solar kaya hindi na niya kailangang umikot pa sa harap. Noong may nakatira pa sa malaking bahay, anumang oras ay puwede siyang gumamit ng pool. At iniisip niyang hindi pa rin nagbabago ang setup na iyon.       Mahigit nang isang buwan buhat nang huli niyang makita ang kapitbahay niyang iyon. Aware siyang may caretaker sa bakuran sapagkat linggo-linggo ay namamataan niyang may naglilinis doon. Pinapalitan pa nga ang tubig sa pool. At sa isip niya, parang ginagawa ang pagpapalit ng tubig para sa kanya.       Pero hindi siya aware na nagpa-repaint ng bahay si Mrs. Delos Santos. Ni hindi nga siya aware na dumating na ito. Luminga-linga siya. Baka darating pa lang ang babae. Baka iniutos na lang nitong papinturahan muna ang bahay para nga naman lumipas na ang mabagsik na amoy ng pintura pagdating nito buhat sa ibang bansa.       Lumubog siya sa tubig at sumisid. Ang nasa isip niya ay ang pagdating ni Mrs. Delos Santos. At least, kapag dumating ito ay hindi na siya magmumukhang multo sa bahaging iyon ng kanilang subdivision. Naaaliw kasi siya kapag nagkukuwentuhan sila nito sa pagitan ng mababang pader.       Isinikad niya ang mga paa niya upang magpalutang naman. At muntik na siyang mapalubog sa gulat nang makita ang isang tila monumentong nakatunghay sa kanya.       His robe was obviously tied in haste. Kita ang malapad na dibdib na tila dumilim dahil sa manipis na balahibong nakagapang doon. Ang mga kamao nito ay nakatukod sa magkabila nitong baywang. His feet were slightly apart which made his stance threatening. His face was like stone. Magkalapat ang mga bagang nito at tila iisang linya na lang ang mga labi; matayog ang ilong at ang mga mata ay tila sinlamig ng yelo.       “S-sino ka?” Hindi niya alam kung ang katal na humalo sa tinig niya ay dulot ng lamig ng tubig o ng takot sa lalaki.       “Ikaw ang sino?” Mahigit pa sa pagsita ang galit na masisinag sa tono nito. “At ano ang ginagawa mo rito sa bakuran ko? Get out.” Bahagya lang kumilos ang leeg nito ngunit hindi maitatanggi roon ang matigas na pagtataboy sa kanya.       May ilang sandaling hindi siya agad na nakakilos. She felt her cheeks redden with embarrassment. Tila nagkataon lang na napasulyap siya uli rito. At ang pagkakataong iyon ay halos nagpatigil sa pagtibok ng kanyang puso.       Kung maaari lamang siguro na lumipad siya para dagling mawala sa paningin nito ay ginawa na niya. Sa tanang buhay niya, noon lamang siya nakaharap ng ganoong klaseng anyo. The face was handsome, all right. But every feature was obviously seething with anger.       “Sorry.” Halos pumorma lang sa mga labi niya ang salitang iyon. Yuko ang ulong tinungo niya ang pader. Sandaling nablangko ang kanyang utak. Kung sa ibang pagkakataon ay malamang na magtatakbo siya palayo sapagkat halos wala nang naitago sa katawan niya sanhi ng nabasang damit. But she was just walking slowly. It seemed she had lost all her consciousness, maging nang umigpaw siya sa bakod. Ni hindi niya inalintana ang sumabit na laylayan ng pantulog niya.       Nang ganap siyang makapasok sa sariling bahay, parang noon lamang bumalik ang hinahon sa kanya. Bigla ay parang gusto niyang isubsob ang mukha sa lupa dahil sa labis na kahihiyan.       Sa isip niya ay malinaw na malinaw pa rin ang anyo ng lalaki at aaminin niyang bukod sa kahihiyan ay mas matining sa pandama niya ang takot dito.  pinag-iisipan pa niya kung paano gagawin, ang balak niyang paghingi ng paumanhin dito. Paano niya mapapaniwala sa sinseridad niya ang lalaking ganoon katigas ang anyo?       Gumawa ng basang linya ang tumutulong damit niya. Wala siyang pakialam doon. Tinungo niya ang banyo at mas matagal kaysa dati na naligo siya.  Her mind was still on that encounter. At may palagay siyang kahit magbanlaw siya ng tubig na may lavender oil ay mahihirapan pa rin siyang makatulog.       Hindi nga siya nagkamali. HALOS ayaw dumilat ng mga mata ni Beverly nang maalimpungatan. Tumatama na sa mukha niya ang sinag ng araw subalit wala siyang balak na bumangon. Pakiramdam niya ay noon pa lamang siya nahihimbing.       Pero kung maligtasan man niya ang sinag ng araw ay hindi marahil ang malalakas na pagkatok sa kanyang pintuan. Sunud-sunod ang pagkatok doon na tila walang balak na huminto sukdulang magiba iyon.       Halos pagapang siyang bumangon. Wala siyang sapin sa paa nang tunguhin ang hagdan. Ni hindi niya inabalang suklayin ang buhok.       “Sino iyan?” inaantok na tanong niya. Nang kusutin niya ang mga mata ay napilitan iyong dumilat. Aksidente pang dumampi ang likod ng palad niya sa kanyang ilong. Parang namantikaan iyon. Nang buksan niya ang pinto, eksakto namang pinapahid niya ng kuwelyo ng damit ang nangingintab niyang ilong.       “Para ka naman palang mantika kung matulog!” Puno ng iritasyon ang taong nabungaran niya.       Sa isang iglap ay nabura ang lahat ng antok na nararamdaman niya. Maliban sa maaliwalas na paligid na nagbibigay-liwanag sa mukha nito ay halos walang ipinag-iba ang ekspresyon nito noong nagdaang gabi. Aburido at suplado pa rin ito. At tila nga mas matindi pa ngayon sapagkat maliwanag na maliwanag at kita niya nang malapitan ultimo bahagyang pagkibot ng mukha nito.       “Ano’ng kailangan mo?” walang tonong tanong niya. Nakalimutan na niya ang binalak na paghingi ng paumanhin dito. She didn’t expect to face this kind of man in the morning. Palagi na ay gusto niyang masaya ang simula ng kanyang araw.       “Pusa mo yata iyong parang patay na nakahiga sa ilalim ng kotse ko. Mukhang mana sa iyo. Hindi magising!”       “Pusa?” nagtatakang ulit niya. Wala siyang alagang pusa. May mga alaga siyang isda. mayroon siyang dalawang aquarium. Ang isa ay solo ng silver arowana at ang laman naman ng isa ay fresh water fishes. Mayroon din siyang mag-iinang aso.       “Pusa. Cat.” Nadagdagan pa ng kasarkastikuhan ang tinig nito. “It’s a white and gold one. Bigger than usual. May breed.”       Tumalim ang tingin niya. “Hindi ako tanga. Alam ko naman kung ano ang pusa. Iniisip ko lang kung bakit ako ang pagbibintangan mo sa pusang nakabalandra sa kotse mo.”       “Look,” tila gahibla na lamang ang pasensiyang taglay nito, “tayo lang ang magkatabing bahay rito. Isang bloke ang layo ng pinakamalapit na kapitbahay. Hindi mo ako masisisi kung ikaw ang tanungin ko.”       “Wait, kailan pa naging sa iyo ang bahay na iyan? Kay Mrs. Delos Santos iyan.”       “Dati. Ngayon ay akin na,” he said in a matter-of-fact tone. “Binili ko through her agent. You may check at the registry of deeds kung duda ka. Last week pa na-finalize ang bilihan. Anyway, kung hindi sa iyo ang pusa, I better go.” Iyon lamang at tumalikod na ito.       “Wait!” habol niya rito at sa higit na malakas na tinig ngayon.       Nakakunot-noo namang nilingon siya nito.       Ilang sandaling nakipagtagisan siya rito ng tingin.  Lumunok muna siya bago ibinuka ang mga labi. “Pasensiya ka na, ha? Naabala mo ang pagtulog ko,” puno ng pang-aasar na wika niya.       Naningkit ang mga mata nito. Sa mabilis na hakbang ay nagawa nitong balikan ang kinatatayuan kanina. “Iyon ba? Oh, I’m so sorry.” Bumakas ang kunwaring pagsisisi sa mukha nito bago muling tumigas ang anyo. “Lady, amanos na lang tayo. Ginambala mo rin ang pananahimik ko kagabi. Puwede pa nga kitang ireklamo ng trespassing.”       “Trespassing? Malay ko bang iba na ang may-ari ng bahay na `yon?” katwiran naman niya.       Nang-uuyam na ngumiti ito. “That’s hardly an alibi. ignorance of the law excuses no one, as they say.” He made a mocking salute bago muling tumalikod.       Pasalya niyang isinara ang pinto. She just wished she could slam the door on his face.       Lukot na lukot ang mukha niya nang tunguhin ang kusina. Nadamay tuloy ang puswelo niya sa pumangit niyang araw. Napingas ang handle niyon nang padabog niyang ibaba. Hindi na siya nag-abalang magpalit pa ng puswelo. Kahit na napingasan ay iyon na rin ang tinimplahan niya ng kape.       Pero hindi niya iyon ininom. Sa halip, iniwan niya ang tinimplang kape at pinuntahan ang aso niyang bagong panganak. Pinagmasdan niya iyon. Kung hindi pa siya niyon tinahulan ay hindi pa niya iyon maaalalang pakainin.       Kalahati ng cupboard niya ay pet food ang laman. Nang kumuha siya roon ng dog food ay nasulyapan niya ang Friskies. Ano ang ginagawa ng cat food sa cupboard niya? Then she remembered. May ampon siyang pusa!       “It’s a white and gold one. Bigger than usual. May breed.”       Pusa ni Mrs. Delos Santos iyon. Sa kanya iniwan ng kapitbahay ang alaga nito. At kahit na pang-kuting at nursing cat ang Friskies, hiyang doon si Shimmie. Hindi na niya sinukat ang Pedigree na ibinigay sa alaga niyang aso. Basta binuhusan na lamang niya ang container at nagmamadaling lumabas.       Blame on to the old habit, kaya sa halip na magtungo siya sa gate ng kapitbahay ay lumikwad na lamang siya sa pader.       Hindi niya nakikita ang lalaki pero naririnig niya ang pagtataboy nito sa pusa. Pakiramdam tuloy niya ay isa siyang magnanakaw sa patingkayad na paglakad. At natutop na lamang niya ang bibig nang makita ang lalaki na halos tumuwad na sa ilalim ng kotse.       Pero tila hindi makakayang takpan ng palad niya ang pinipigil niyang tawa. The man was in coat and tie. At singkintab ng sapatos nito ang low profile na mamahaling kotse. Sinusundot nito ng kung anong patpat ang pusa sa ilalim.       Ilang paghinga ang ginawa niya upang makontrol ang sariling humagalpak ng tawa. Ngunit nang tumikhim siya upang ipamalay rito ang kanyang presensiya, hindi rin naman niya ganap na naikubli ang ngiti.       “Shimmie,” marahan niyang pagtawag bago sinulyapan ang lalaki.       Tila maamo namang tupa na mabilis na umalis mula sa ilalim ng sasakyan ang pusa. Diretsong lumapit iyon sa kanyang paanan, ikiniskis pa ang buntot sa binti niya.       “It’s your cat!” Halos malaglag ang mga panga ng lalaki.      

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
127.4K
bc

His Cheating Heart

read
39.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.4K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
68.1K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.5K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
245.6K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
779.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook