bc

My Part time Husband

book_age0+
2.8K
FOLLOW
26.6K
READ
contract marriage
love after marriage
opposites attract
playboy
arrogant
single mother
drama
comedy
sweet
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Pumayag si Renata aka Rennie dela Cruz sa pakiusap ng kaibigang pansamantalang mag-board sa kanyang bahay ang kaibigan nitong si Lennie. Dahil talaga namang kailangan niya ng boarder para may mapagkukunan ng ekstrang kita ay agad siyang pumayag.

Laking gulat niya nang makitang lalake pala ang Lennie na titira sa bahay niya!

Isang lalaking kabaligtaran ng ugaling mayroon siya.

Ngunit hindi niya ito nagawang paalisin nang bigla siyang ipatawag ng istrikto at makalumang lola.

Paano niya ipaliliwanag ang pagiging single mom? Lalo siyang iinsultuhin at pagtatawanan ng mga kapatid sa ama. Magdadahilan sana siya at hindi na lang sisiputin ang agwela ngunit nabuko na ng mga step sisters niya ang tungkol sa kanyang anak.

Mabuti na lang at naroon sa bahay niya si Lennie kaya naisip niyang kunin ang serbisyo nito upang magkunwaring asawa niya.

Makatulong naman kaya ang lalake sa problema niya? O, ito mismo ang maging piiiinaka malaking problema?

chap-preview
Free preview
Ang Ating Bida - Rennie
Rennie "Ano? Ulitin mo nga ang sinabi mo! Baka namimingi lang ako at nagkamali ako nang pagkakaintindi. O, talagang hinangin na 'yang utak mo kaya iyan ang naisip mong solusyon. Nagkamali ka na at ang gusto mo pa ngayon ay gumawa ng isa pang napakalaking pagkakamali. Hindi ka na nakakatawa!" 'Yan si Renata aka Rennie dela Cruz. Bente otso anyos at dalaga. Isang mahusay sa larangan ng paggawa ng mga commercial na napapanood sa telebisyon. Isang talentadong pinoy na may malawak at kumikiwal-kiwal na imahinasyon. Matapang, mataray, maprinsipyo at may matibay na paninindigan sa buhay. Marunong tumayo sa sariling mga paa. Madiskarte at masinop sa maraming bagay. Time is gold ang kanyang motto sa buhay. Kung kaya naman walang segundo at minutong nasasayang sa kanyang oras. Laging organize ang mga gamit at naka plano ang bawat gagawin. Walang boyfriend, 'yung totoong boyfriend ha. Bakit kamo? Ganito kasi ang eksena kapag may makulit na dumidiskarte sa kanya. "I think I'm fallin for you, Rennie. Can you be my girl?" "Okay! One week ang duration period. Kapag 'di tayo nagkasundo, termination follows." Amazing 'di ba? Ganyan siya. Laging by the contract at by the rules. Disiplinado ang kanyang puso. Palagi iyong sumusunod sa inuutos ng kanyang utak. Hindi siya man hater. Wala lang talaga siyang tiwala sa mga lalake pagdating sa love. Para sa kanya sakit lang ng ulo ang mapapala niya. So para ano pa? Bakit? Minsan na kasi siyang umibig. Sobra ang in-invest niyang time at effort para mag grow ang relasyon nila ng first love and first boyfriend niya. Nangarap na siyang maging caring and loving mom at super sweet na housewife. Pero sad to say, hindi "yon naganap. Kasi si boyfriend, nakabuntis ng isa pa nitong girlfriend aside from her. Kaya hayun! Ang buntis na girl ang pinakasalan. Ouch! Imaginin mo 'yon, ang sakit no'n ha! Windang ang beauty niya nang time na 'yon. Muntik pa siyang magbigti sa puno ng kamatis dahil sa hapdi at kirot na idinulot ng manyakis niyang first love. Crayola to the max talaga. Atungal kung atungal! Pero syempre naka-recover din naman siya after niya maubos ang lahat ng pwedeng ibalibag at wasakin sa loob ng kanyang bahay na pamana sa kanya ng kanyang yumaong nanay. Natauhan siya after niya makita ang nagkalat na bubog at basag na kung ano-ano sa sahig na palagi niyang pinakikintab ng bunot at pagkawasak ng mga gamit na ang tagal niyang pinagipunan para mabili. Atungal uli siya nang iyak dahil sa tindi ng panghihinayang at pagsisisi. Lintik pa rin ang pagnguyngoy niya dahil siya lang din naman ang mag-isang magliligpit ng mga ikinalat niya. Kaya naman nag decide siya to MOVE ON! Zero lovelife, zero heartache. Stress free! Gaya ngayon. Heto sa harapan niya ang bestfriend at dahil din sa lalaki kung bakit iyak nang iyak. Isa na namang buhay na patotoo na hindi dapat pagtiwalaan ang mga lalaki! "Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko. Hindi tumatawag si Mon. Kapag tinatawagan ko naman out of reach. Pinuntahan ko na rin sa work niya nag leave daw at dun naman sa pad niya, iba na ang nakatira." Paputol-putol na sabi ni Riz. "Ah, in short tinakbuhan ka na. Kaya ang gusto mo ngayong gawin, alisin sa katawan mo ang walang kamuwang muwang na batang nandiyan sa matres mo na hindi pa nakukumpleto sa pagkakahulma ng mga parte ng katawan, eh pinag-iisipan mo na ng masama. Ang galing 'di ba? Ang tatay niya matapos magpasarap ay inurungan na ng lawit sa pagitan ng mga hita at hindi siya pinanindigan. At ang nanay naman niya na nag-enjoy sa pagbuka ay gusto naman siyang ipapatay. Aba! Ay, napaka swerte naman ng batang iyan sa pagkakaroon ng mga magulang na gaya n'yo ni Mon!" Sarkastiko at pang-uuyam na sabi ng dalaga sa kaibigan. "I'm sorry, Rennie. Wala na kasi akong ibang maisip, eh. Withdrawal naman kami kaya lang nagkaganito. Ano'ng dapat kong gawin? Alam mo namang ako lang ang inaasahan ng pamilya ko sa probinsya. At saka nag-aantay na lang ako ng tawag mula sa employer ko at lilipad na ako papuntang Dubai. Paano ang gagawin ko? Please tulungan mo ako, tulungan mo ako." Humahagulgol na si Riz. Hindi na napagtakpan pa ni Rennie sa pamamagitan ng pagsigaw sa kaibigan ang nararamdamang awa. Tinabihan niya ito at hinagod sa likod. Ipinaramdam na nandonn lang siya sa tabi at hindi ito nag-iisa sa paghahanap ng mas magandang solusyon sa nasuungan nitong problema. Bestfriend niya si Rizbeth since college. Working student ito kaya pinatira ng Mama niya sa kanila upang mas makatipid. Panganay sa limang magkakapatid na nasa probinsya. At iginapang ng mga magulang ang pang-tuition upang makapagtapos at makapagpaaral naman sa mga kapatid. Okay na sana dahil may trabaho ito. Natanggap pa nga sa inaplayang trabaho sa Dubai kung saan mas malaki ang sweldo. Kaya lang, nain-love sa maling lalaki kaya buntis na, iniwanan pa! "Huwag ka na munang mag-alala. Pag-iisipan nating mabuti 'yan. Huwag kang matakot, nandito ako. Hindi kita pababayaan." Matapat niyang sabi sa lalong umiyak na kaibigan. "Salamat, Rennie. Maraming-maraming salamat." Ganyan si Rennie, mabuting kaibigan. Maasahan sa oras ng kagipitan at never nang-iiwan. Matigas ang loob sa panlabas lalo na sa hindi siya talagang kilala pero napakalambot at maawain sa mga taong mahalaga sa kanya. Meron pa siyang isang bestfriend, si Emmari. Kaya lang wala pa sa eksena ngayon. Wala lang nasabi ko lang. Para at least inform ka na. Si Renata a.k.a. Rennie. Ang bida sa ating kwento. At kung may leading lady, siyempre may leading man.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.1K
bc

Broken Angel

read
3.8K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
815.9K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
45.9K
bc

A Night With My Professor

read
495.3K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.7K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook