bc

Blue Hour

book_age18+
283
FOLLOW
1.3K
READ
dark
possessive
dominant
badboy
goodgirl
comedy
bxg
high-tech world
first love
scientist
like
intro-logo
Blurb

[Under Major Revisions]

She fell in love with everyone and now she have to unlove them one by one.

BLUE HOUR | Completed

Date Started: December 1 2020

Date Finished: July 29 2022

Genre: Science fiction

Language: Filipino

chap-preview
Free preview
Prologue
GAANO ba kahirap ang buhay? Gaano ba kalupit ang tadhana? Gaano ba kadamot ang mundo? Bawat tao, bawat nilalang may bagay na ginugusto ngunit karamihan hindi nakukuha anuman ang gustuhin nila, kahit na isakripisyo nila ang buhay nila ay hindi nila magawang makuha ang gusto nila. Iyong napakahirap para sa iyo ng bagay na iyon samantalang sa iba ay napakadali lang; tulad na lang ng kagustuhan kong makakain ng tatlong beses sa isang araw ng wala ng iba pang iniisip, lumaki ako sa mahirap na pamilya kaya ang pagkain ng tatlong beses sa isang araw ay hind madali para sa amin. Kahit na mamatay kami sa gutom kung wala kaming pera para makakain, wala kaming magagawa. Pera... Pera ang pinakamalaking problema namin. Bakit kailangan pang itanggi kung maaari naman tayong magpakatotoo sa isang bagay? Na ang tao ay hindi mabubuhay ng walang pera, sa totoo lang, kayang bilhin mg pera ang kasiyahan subalit hindi patas ang mundo dahil hindi lahat ay may sasapat at sobra-sobrang pera, tulad ko tipong trenta pesos para sa school project ay hindi ko pa magawang mabayaran at nang dahil lang sa kagustuhan, dala ng pangangailangan, nagulo lalo ang magulo ko ng mundo ng dahil lang sa salapi. "Ma'am baka naman pwedeng sa susunod na linggo ko na po bayaran iyong sa school project namin?" Pakiusap ko sa Professor namin matapos ang buong araw na klase. Gaya ng inaasahan ko ay may iba na naman siyang tutukuyin sa pakikiusap ko. "Trenta pesos lang naman ang babayaran mo, Millicent, bakit hindi mo pa magawang bayaran?" "Wala pa po kasi akong pera ma'am, magbabayad din naman po ako kaagad." Para akong nangungupahan nito at pilit na nakikiusap sa nagpapaupa sa akin na huwag muna akong palasayin ng bahay dahil hindi pa ako nakakabayad. "Bakit hindi ka humingi ng pera sa nanay mo?" "Hindi naman po kasi ganoon kadali iyon." "Bubuo ng pamilya wala namang ma-i-pantustos sa pangangailangan ng anak. Tsk! Tsk! Tsk!" Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit may mga propesor na nangingialam sa problema pampamilya na kung tutuusin ay wala naman silang kinalaman. "Ma'am hindi naman po ganoon iyon sadyang..." "O'siya, basta, magbayad ka na, next week ah?" "Opo ma'am." Bahagya akong ngumiti kahit ramdam ko ang matinding pagkapahiya. Napabuga na lang ako ng hangin bago umuwi ng bahay, may natira pa akong barya pero dahil malapit lang ang university sa amin ay pinili kong lakarin na lang. Sana lang ay mapulot akong isang libo ngayon. Unang taon ko palang sa kolehiyo pero nahihirapan na akong itaguyod ang sarili kong pag-aaral, labin-dalawa kaming magkakapatid at ako ang panganay kaya obligado akong tumulong sa mama ko. May part time job naman ako pero dalawang daan lang ang kinikita ko doon kada araw at kulang pa sa aming magkakapatid iyon, may trabaho din naman si Mama bilang labandera subalit tulad ko, kulang din ang kita niya para sa aming magkakapatid. Kasalukuyang nagsisipaglaro ang mga kapatid ko sa labas ng bahay nang dumating ako, si Athena ang unang nakapansin sa akin kaya siya ang unang lumapit sa akin. Medyo dismayado ako ng wala akong mapulot na isang libo ngayong araw. Anong magagawa ko ganito naman talaga ang buhay, kailangan paghirapan ang lahat bago makuha ang ginugusto. "Ate Illicent!" Sambit niya at agad na yumakap sa akin. Kung ako ang pinakamatanda sa amin ay siya naman ang pinakabata, kaya hanggang ngayon ay bulol pa rin. Kaagad ko siyang binuhat papasok ng bahay dahil ang dungis-dungis na niya. "Naligo ka na ba?" Tanong ko sa kanya at mabilis naman siyang umiling sa akin, ibinaba ko lang ang bag ko bago siya dalhin sa banyo. "Kumain ka na?" Ngayon ay tumango naman na siya kaya sinimulan ko na siyang paliguan, naglalaro pa siya ng tubig kaya naman basang-basa ang damit ko pagkalabas namin ng banyo. Pinagbihis ko lang siya at pinanatili na sa loob ngunit hindi naman siya nakinig sa akin kaya naglaro na naman siya para magdumi ulit sa labas. Nagbihis lang ako bago tumungo ng kusina at magsimulang magsaing at maghanda para sa hapunan, alas-sais ang part time job ko at bago ako pumasok ay dapat makakain na kaming lahat dahil wala namang ibang mag-aasikaso sa kanila, may kapatid ako na kasunuran ko lang ng edad ngunit ubod ng tamad at bihirang-bihira maasahan sa bahay, lahat ay ipapasa pa rin niya sa akin. Matapos kong makapagluto ay tinawag ko na ang mga kapatid ko na nasa kung saan-saang sulok sa labas ng bahay bago kami sabay-sabay na kumain. "Hindi ba natin hihintayin si Mama?" Nakangiwing sabi ni Luhan----ang panganay na lalaki sa amin----habang nakapangalumbaba sa harap ng lamesa. "Mamaya pa uuwi iyon." Tugon ko kaya lalo niya akong nginusuan. "Bakit ba?" "Ate Millicent naman! Hindi ka ba nagsasawa sa nilagang talbos ng kamote? Ito na lang ang palaging ulam natin." "Alam mo Luhan, artihan mo ako oras na mayaman ka na. Kumain ka na lang diyaan." Sadyang nag-iinarte na naman ng ulam si Luhan kaya sumunod ng arte ang mga nakababata ko pang kapatid kaya nahilot ko na lang ang sintido ko dahil sa ginagawa nilang pag-iinarte. Mabuti na lang at maaga-agang dumating si mama ngayon na may dalang pritong manok na binili niya sa kanto. Mabilis na nag-agawan ang mga kapatid ko sa ulam na dala ni Mama at wala akong nagawa kung hindi panoorin na lang sila. Hanggang tig-sa-sampung pisong manok lang ang kaya namin pero masaya na ang mga kapatid ko makakain lang niyon, ang pagbili ng pritong manok sa mga fast food chain ay higit na mas mahal kumpara sa manok na nabibili sa kanto. Labin-dalawa kaming magkakapatid ngunit magkakaiba ang ama namin, dahil nagkaroon ng tatlong asawa si Mama----asawa pero ni minsan ay hindi siya nakasal kanino man----ang una ay ang Papa ko, na ni minsan kahit anino ay hindi ko nakita, minsan ay hinahanap-hanap ko siya ngunit hindi naman madalas ang minsan, ayaw na ayaw siyang banggitin ni Mama kaya ni pangalan ng sarili kong ama ay hindi ko alam mula pagkabata ko. Ang pangalawa ay si Tatay Juancho na nangibang bahay kaya naman pinalayas ni mama at ang pinakahuli ay si Papa Juancho na ilang taon na mula noong sumakabilang buhay kaya naman ngayon ay kami-kami na lang ang magkakasama sa bahay lalo na at hindi na muli pang nag-asawa si mama. "Millicent." Napatingin ako kay mama ng maglapag siya ng pritong manok sa playo ko. "Iyan na lang ang natira." "Ayos lang po." Saad ko bago magsimulang kumain. "Kamusta ang pasok mo?" "Po? Maayos naman po?" "Wala bang problema sa pinapasukan mo? Mga bayarin? Mayroon ba? Sabihin mo lang sa akin kung magkano ang kailangan mo." May trenta pesos pa akong kailangan... Kumagat ako sa pritong manok na kinakain ko at umiling. "Wala 'ma, okay naman na po." "Sigurado ka?" Hindi na ako nagsalita at tumango na lang sa kanya. "Mama! May crush ako sa school, ang ganda-ganda niya." Sabi ni Luhan habang nginunguya ang kanin at nakatingin sa kung saan. Hanggang ngayon para pa rin siyang sampung taong gulang. "At alam niyo feeling ko mahal ko na siya." Pagpapatuloy niya kaya naman muntikan na akong masamid, mabuti na lang at naabot ko agad ang tubig upang makainom ako ng tubig. "Ate Millicent, ang sama ng ugali mo!" "Nasisiraan ka na ba? Luhan, ilang taon ka pa lang, mahal na agad?" "Ate Millicent naman! Anong alam mo sa pagmamahal, ha? Ni hindi ka pa nga nagkakaboyfriend." "Hindi ko kailangan ng boyfriend Luhan, nakamamatay ba kung hindi ako magkakaboyfriend? Sa labing-walong taon na nabuhay ako sa mundo ni minsan ay hindi ko kinailangan ng boyfriend, naiintindihan mo ba?" "Iyan naman ang palaging dahilan ng NBSB, no boyfriend since birth." Pagsabat ni Amelou, isa sa mga kapatid kong babae. Dedepensahan ko pa sana ang sarili ko sa kanya ngunit inunahan na ako ni Luhan na magsalita. "Maraming nanliligaw sayo ate, mamili ka na lang ng gwapo at mayaman na jojowain." Umawat sa amin si Mama ngunit hindi ako tumigil para lang madepensahan ko ang sarili ko. "Pangarap kong maging nurse at magtrabaho abroad pagkagraduate ko, sa Thailand. Kailangan ay makita ko muna ng personal si Win Metawin bago ako magkaboyfriend, naiintindihan mo?" "Walang pangarap na natutupad, ate Millicent." "Ganyan talaga kapag walang pangarap sa buhay Luhan." Tinapos ko lang ang pagkain ko at pakikipagtalo sa kanya bago ako maligo muli at maghanda sa pagpasok ko sa trabaho. Alas-sais ng hapon hanggang alas-sais ng umaga ang shift ko, matapos niyon ay alas-otso hanggang alas-cinco ang pasok ko sa university, nakamamatay ang oras ko at mahirap isingit ang pagtulog ng dire-diretso ngunit nakasanayan ko naman na, sana lang ay dumating iyon araw na nagagawa ko ng makatulog tuloy-tuloy. "Papasok ka na?" Napalingon ako kay Mama ng dumating siya. Bahagya akong ngumiti at tumango sa kanya. "Mag-iingat ka." Aniya at inayos ang kwelyo ng uniporme ko. Ngumiti ako sa kanya bago itali ang buhok ko. "I love you 'ma, alis na po ako." Saad ko bago humalik sa pisngi niya at yumakap sa kanya. Sa isang convenience store ako nagtatrabaho, night shift, malapit lang naman sa bahay ang pinagtatrabahuan ko kaya pwedeng-pwede lakarin, mga labing-limang minuto lang ay mararating ko na din ang pinagtatrabahuan ko. "Good evening, Bebe Gurl!" Napangiti ako ng makita ko si Eilia sa counter, best friend ko. "Buti naman at dumating ka na, makakauwi na rin ako." "Sorry kung na-late ko." "No worries. Lagi ka namang late." "Hoy! Ngayon lang ako na-late, ikaw kaya itong palaging late." Inayos ko lang ang ilan sa mga gamit ko sa locker bago lumapit sa kanya sa counter. "Naghapunan ka na ba?" "Hinatiran ako ni Cedric ng dinner! Syempre sinabayan na rin niya akong maghapunan, kakaalis niya lang, hindi mo ba siya nakasalubong?" Kinikilig na aniya. Si Cedric ang boyfriend niya na kaibigan ko rin. "Hindi ko siya nakita." "Well, five minutes kang late. Nag-uwi ng pritong manok si Tita Mildred ano?" "Mismo." "Kaya naman pala." Magkaklase kami ni Eilia noong elementary hangggang highschool, nagkaiba lang talaga kami ng kurso ngayong college. Balak niyang mag-doctor pero hindi nursing ang pre-med course na kinuha niya. Noon pa man ay close na kami at alam niyang kapag na-late ako ay malamang sa malamang may pasalubong si mama. "Ang saya ng pamilya niyo ano?" Nadinig kong tanong sa akin ni Eilia habang inaayos ko ang ilang ice cream sticks na nagkagulo sa freezer, malamang may mga bata na namang nag-talo-talo sa flavor ng ice cream kanina kaya nagkagulo ito. Nilingon ko siya at sinagot. "Sarcasm ba iyan? Alam mo namang... sadyang nagkakasundo lang kami." "Ganoon na rin 'yun, Bebe Gurl." "Kunsabagay, may punto ka nga naman." Kibit-balikat na saad ko. "Sana ganyan din kami ng pamilya ko." "Hindi pa rin kayo okay ng mama mo?" Bakit nga ba itinanong ko pa iyon kung alam ko naman din ang sagot. "Never akong naging close sa kanila remember?" "Wala ka man lang gagawing paraan para mapalapit sa kanila?" "Milli, elementary palang tayo, sinusubukan ko ng maging malapit sa kanila pero hindi ko na alam ang gagawin ko, sinubukan kong maging clingy sa kanila pero sa huli naiirita lang sila sa akin, sinubukan kong maging introvert sa harap nila pero sa huli sinabi naman nilang matuto akong makisama. Millicent, sinubukan kong makisama pero sa huli... bakit parang ako pa rin ang mali? Hindi ko alam ang lulugaran ko. Hirap na hirap na ako, kailan ba nila ako pakikinggan?" Napalunok na lang ako ng makitang unti-unting tumulo ang luha niya. Binitawan ko ang hawak kong ice cream sticks at nilapitan siya para yakapin. "Nandito lang ako, Eilia. Handa akong makinig sa iyo, naiintindihan mo?" "Kapag naaalala ko iyon pakiramdam ko mag-isa na lang talaga ako, mabuti na lang at nandyan ka, syempre hindi mawawala si Washington at Cedric ko..." "Tumigil ka na sa pag-iyak, pumapangit ka na naman." "Aish!" Hinampas niya ako sa braso ko kaya tinawanan ko siya. "Wala kang kwentang kaibigan alam mo ba iyon?" "Kung wala akong kwentang kaibigan hindi ka tatagal sa akin." Sinimangutan niya ako bago hampaain sa dibdib ko na nasalag ko naman. "Bebe Gurl naman eh! Ang sama talaga ng ugali mo!" "Ikaw ang nagsabi niyan." "Hmpf!" Inismiran niya ako at tinulak, inaartihan na naman niya ako. "Diyaan ka na nga." Iyan na naman siya sa tampu-tampuhan niya tapos bukas parang nakawalang baka kung makayapos sa akin, naiiling akong napatawa dahil sa naisip ko. "Uuwi ka na ba?" Makalipas ang ilang oras ay natanong ko siya ng mapansin kong nagliligpit na siya ng gamit niya. Sinenyasan niya ako na saglit lang, may binasa siya sa cellphone niya, makikiusyoso sana ako ang kaso ay tinabi niya kaagad ang cellphone niya. "OMG! Approved!" "Ang alin?" "Iyong contract ko para sa modelling agency na papasukan ko. Nabanggit ko naman na sa iyo iyon hindi ba?" May kaya ang pamilya nila Eilia pero dahil hindi nga maayos ang sitwasyon niya sa mga magulang niya ay palihim siyang nagpa-part time job para kumita ng sarili niyang pera at ng hindi siya masumbatan ng mga magulang niya pagdating ng panahon, napakaraming bagay ang isinisikreto ni Eilia sa mga magulang niya at karamihan ay kaming dalawa lang ang nakakaalam ng sikreto niyang iyon, kahit nga ang pagkakaroon niya ng boyfriend ay hindi alam ng mga magulang niya. "Ayos ka na ba?" Kunot-noong tanong ko sa kanya ng mapansin kong napakalapad na ng ngiti niya. "Tumutulo man ang luha ko pero hindi ibig sabihin nun ay hindi pa ako sanay sa sakit, ayos na ako, sanay na ako sa sakit, mula pa pagkabata. Immune na ako. Isa pa, nakalimutan mo na ba? Pareho tayong strong." Isinukbit na niya ang bag niya bago yumakap sa akin. "See yah tomorrow, Millicent! Sige na aalis na ako, kailangan ko pang makipag-meet doon sa magiging manager ko." Umarko ang kilay ko dahil sa sinabi niya bago umangat ang tingin ko sa relong nakakabit sa pader. "Mag-a-alas nuebe na ah." "Yeah, I know. I know, saglit lang naman ako, after ko silang i-meet, uuwi din naman agad ako." "Eilia, baka kung anong mangyari sa iyo, bakit hindi mo na lang tawagan si Cedric?" "Huwag na. Ayaw kong istorbohin siya ano! Sige na, ayos lang ako! Bye!" Nag-aalala akong kumaway pabalik sa kanya bago nagpaalam. "Bye! Mag-iingat ka." At tulad ng nakagawian ay mag-isa na naman ako sa convenience store. May mangilan-ngilan na bumibili pero hindi ganoon karami, mga night shift din na nagtatatrabaho sa mga katabing kumpanya ng convenience store na pinagtatrabahuan ko. Tulad ng nakagawiang shift, dumating nga si Washington ng alas-cinco ng umaga. "Hi vakla!" Bati niya sa akin ng makapasok. "Good morning." "Oh may eyebagabolls ka na, itulog mo muna iyan Vakla!" Aniya kaya napailing ako. "Ayos lang ako, dalawang oras lang naman ay tapos na ang shift ko." "Ay vakla, may ask ako sa'yo..." "Ano iyon?" "Si Eilia, nandito pa ba? Kagabi pa kita want na contact-in ang kaso waley ka nga palang phone." "Hindi ko naman kasi kailangan ng cellphone. Ano pa lang mayroon kay Eilia?" "Missing in action ang lola mo!" "Ano?" Kumunot ang noo ko sa sinasabi niya. "Si Eilia, yung mudra niya ‘Day! Tumawag sa akin, hinahanap siya, eh tapos naman na daw ang shift nung lola Eilia mo ba't wala pa daw siya sa bahay?" "Sigurado ka ba dyan?" Nangunot ang noo kong napalingon kay Washington, sinabi ba niyang hinahanap ni Tita Tasha si Eilia dahil tapos na ang shift nito? Kailan pa nalaman ni Tita ang tungkol sa part time job ni Eilia pero ang mas dapat kong intindihin ngayon ay kung nasaan siya. "Aba'y tatawag ba sa akin yung mudra ni Eilia kung hindi siya nawawala? Aba eh baka nakipag-chupchupan na kay Cedric 'yun." "Hindi magagawa ni Eilia 'yun." Sabi ko, nababahala na, baka kung ano ng nangyari kay Eilia. Sabi niya i-me-meet niya daw iyong sa modeling agency na papasukan niya. "Ay wow, baka kasabwat ka ‘Day." "Tss! Tinawagan mo na ba si Eilia?" "Out of coverage ang phone-yeta niya ‘Day!" "Tawagan mo ulit!" "Ay galit! Sandali ito na pow!" Nagsimula ng mag-init ang pakiramdam ko, normal na nararamdaman ko kapag may nangyaring hindi maganda o may mangyayaring hindi maganda. "The number you have dial is unattended or out of the coverage area. Please dial or call later." "‘Day! Patay ang phone niya." "S-si Cedric! Tawagan mo!" "Ay oo nga, I forgot. Wait." Sinubukan niya namang tawagan si Cedric pero ring lang ng ring iyon. Pinagkiskis ko na ang dalawang palad ko, patindi ng patindi ang init na nararamdaman ko. "Hoy Cedric!" Nilingon ko si Washington, sinagot din ni Cedric ang tawag niya, ni-loud speaker pa ni Washington ang phone niya para marinig ko ang usapan nila. "Ano ba iyan Washington?! Boses ng girlfriend ko ang gusto kong marinig sa umaga at hindi boses mo!" "T×ngina mo ka, Cedric!" "Sandali nga!" Inagaw ko kay Washington ang cellphone niya para ako na ang kumausap kay Cedric, nakikipagtalo pa kasi siya. "Nasaan si Eilia?" "O Millicent... bakit hinahanap mo sa akin si Eilia? Ang aga pa ah." "Kung ganoon wala siya diyaan?" "Wala. Huling beses ko siyang nakita at nakausap ay nung hinatiran ko siya ng hapunan." Nasapo ko ang noo ko, nag-aalala na ako para sa kaibigan ko. "Nawawala daw si Eilia, kagabi pa hindi umuuwi." "Ano kamo?! Teka, pupunta ako diyaan sa inyo." Narinig ko pang sinabi ni Cedric bago niya patayin ang tawag. Binalik ko naman na kay Washington ang cellphone niya habang iniisip ko pa rin si Eilia. Iyong papasukan niyang agency, may kinalaman ba dito? "I-report na kaya natin sa mga pulis?" Tanong ko kay Washington. "Waepek! Sis, wala pang 24 hours ng mawala si Eilia. Kalma ka nga muna, day! Baka nakitulog lang sa kung sino iyong bruhang 'yun." Kanino naman siya makikitulog ng walang pasabi? Nahinto lang ako sa pag-iisip kay Eilia ng tumunog ang door chime at makita ko ang kapatid kong si Luhan. "Ate!" Hinihingal na aniya kaya dinulugan ko agad siya. "Oh bakit ang aga-aga nandito ka?" "Si M-mama ate..." Hinihingal pang aniya ngunit sapat na upang pakabugin ng sobra ang dibdib ko. "Anong mayroon kay mama?" "Hindi ko alam ate! Basta dinala siya nila Kapitan sa Hospital, biglang na lang kasing nahimatay si mama pero bago iyon sabi niya nahihirapan daw siyang huminga tapos bigla na lang siyang nahimatay tapos tumawag kami ng tulong tapos rumoronda sa baranggay natin sila Kapitan kaya ayun nasaklolohan agad si mama. Nasa hospital na si Mama ngayon kaso hindi ko alam kung maayos na ba siya kasi tumakbo agad ako papunta dito sa iyo." Kinuha ko ang importante kong gamit sa employee's room bago magpaalam kay Washington. "Balitaan mo na lang ako kapag na-contact mo na si Eilia, pupuntahan ko muna si Mama." "Sige, Vakla, mag-iingat kayo, pakikamusta na lang si Tita Mildred para sa akin." Hindi na ako nag-abalang lingunin pa si Washington dahil nagmamadali kaming tumakbo papalabas ng hospital ni Luhan, mas matatagalan kami kung maglalakad kaya kahit nagtitipid ako ng pera ay wala akong nagawa kung hindi ang sumakay ng tricycle, pagkababa ay dumiretso agad kami sa emergency room ay doon ko naabutan sina Kapitan at ang ilan sa mga Kagawad na kilala ko naman. Mabilis kong hinawi ang kurtina kung saan naroroon si Mama, kasalukuyan pa ata siyang chinecheck-up ngunit wala siyang malay. "Kamag-anak ka ba ng pasyente?" Tanong sa akin ng doktor at kaagad naman akong tumango, hinahanap ng mga mata ko si Amelou, siya itong pangalawa sa nakatatanda pero siya itong wala dito. "We check already the patient pero para makasiguro mabuti pa ay ilipat ninyo siya ng hospital." "H-hindi po ba magagamot si Mama dito?" "Hindi kaya ng hospital na ito ang operasyon para sa kanya." Tatalikuran na sana ako ng doktor ng hawakan ko ang gown niya para pahintuin siya. "Doc, hindi pa ninyo sinasabi sa akin ang sakit ni Mama, bakit operasyon agad ang binaggit ninyo?" "Severe coronary artery disease." Nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa gown niya. Bago nilingon si Mama na wala pa ring malay, kagat-labi akong huminga ng malalim. Severe? Bakit hindi ko man lang nakita ang mga sintomas na mayroon siyang sakit. Lagi ko siyang nakikita na maayos ngunit ito siya ngayon nakaratay at walang malay dahil sa sakit sa puso. Sunod-sunod ang naging paglunok ng biglang umingay ang ECG monitor, tatawagin ko pa lang sana pabalik ang doctor ngunit mabilis naman din siyang bumalik kasama ang ilang nurse bago niya kuhain ang defibrillator. Mananatili pa sana ako roon ngunit pinalabas ako ng nurse at mabilis niyang isinara ang kurtina. "Ate, ano iyon? Mamamatay na ba si Mama?" Tanong sa akin ni Luhan na nangingilid na ang luha. "Wala ka man lang bang gagawin para kay Mama, ate?" Tinapik-tapik ko ang balikat ni Luhan para aluin siya. "Wala naman akong maitutulong doon sa loob, saka hindi pa mamamatay si Mama, huwag kang mag-isip ng negatibo." "Ate, mag-nu-nurse ka, bakit hindi ka tumulong doon?" "First year ko pa lang sa nursing Luhan, isa pa, iba ang nababasa ko sa libro kaysa sa totoong buhay." Yumakap na lang siya sa akin at umiyak ng umiyak, kaya wala na akong nagawa kung hindi ang aluin na lamang siya. Hanggang sa napasandal ako sa pader na malalim pa rin ang ginagawang pagbuntong hininga. "Millicent, anong sabi sa iyo ng Doctor?" Napalingon ako kay Kapitan ng tanungin niya ako, nawala sa isip kong nandito pa pala sila. "Uh... hindi po ako masyadong pinaliwanagan ng Doctor, ang naintindihan ko lang po kailangan ng operasyon ni Mama at nasisisguro kong... mahigit kalahating milyon ang kakailanganin para sa operasyon niya." "Sabihan mo lang kami kung kailangan niyo ng tulong ah. Handa kaming tumulong." "Hindi ko pa ho pala kayo napapasalamatan, salamat po sa pagdala kay Mama rito." "Walang anuman." Naputol lang ang usapan namin ng lumabas ang doktor, bumitaw na sa pagkakayakap sa akin si Luhan at mabilis na pinunasan ang luha niya. Maayos naman na daw ang lagay ni Mama ngunit hindi ibig sabihin niya ay magaling na siya, kailangan at kailangan pa rin ng operasyon at kailangan namin ng pera. Sa hirap ng buhay, wala kaming pera para sa savings, kaya ngayon, ang malaking tanong, saan ako hahanap ng pera para sa operasyon ni Mama. Hindi ko naman siya pupwedeng hayaan na lang na mamatay. Bakit nga ba kasi hindi siya nagsabi na may sakit siya, kung nagsabi lang sana siya ng maaga ay nagawa siguro naming abutan ito, ang isa pa sa bagay na hindi ko maunawan ay saan galing ang sakit niya? Tulad ng sabi ng mga doktor makakabuting ilipat sa mas malaking hospital si Mama para sa mas maayos na check-up kaya naman ganoon ang nangyari, isinakay sa ambulansya si Mama at kaming dalawa ni Luhan ang kasama niya palipat sa mas malaking hospital, subalit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay, ipinagpapasalamat ko ng sobra na sinalo na ni Kapitan ang bayarin sa hospital na pinanggalingan namin. Nahihiya man akong tanggapin ang alok niya ay tinanggap ko na lang din. Ang mahirap sa pagiging mahirap ay iyong isa sa inyo ang magkasakit at wala ka man lang magawa para matulungan sila dahil kapag malalang sakit ang usapan laging nakakabit ang malaking halaga ng pera. Maayos na nailipat ng hospital si Mama ngunit ito ako, balisang-balisa pa rin, ang daming bagay na pumapasok sa isipan ko. Mabuti na lang talaga at mas mabait ang doktor ni Mama ngayon kung ikukumpara doon sa doktor mula sa kabilang hospital. "Ganoon po ba doc? Sige po, salamat." Saad ko bago napabuntong hiningang nilingon si Mama na nakaratay sa kama. Ganoon din ang resulta mula rito, CAD pa rin at talagang malala na ang sakit ni Mama kaya hindi maiwasan ang surgery. Kahit ibenta ko ang kaluluwa ko ngayon hindi ako makakahanap ng kalahating milyon, kahit kalahati ng kalahating milyon ay hindi ko mahanap. Nagsisimula ng manghina ang loob ko kaya iniwanan ko muna si Luhan para magbantay kay Mama at saka ako tumungo sa mini chapel para saglit na magdasal. Bakit pa ako magdadasal na may dumating na pera kung posible namang himala ang dumating? Tipong isang panaginip lang ang lahat ng ito. Didiretso na sana ako pabalik sa emergency room kung nasaan si Mama ngunit nakasalubong ko si Doctor Enrique, ang doktor ni Mama. Nakangiti siya sa akin at kahit na naiilang ako sa ngiti niya at sinuklian ko siya ng ngiti. "Ano pa lang pangalan mo hija?" "Millicent. Millicent Laverde ang pangalan ko." "Ilang taon ka na?" Hindi ko maintindihan kung para saan itong mga itinatanong niya ngunit binigyan ko pa rin siya ng sagot. "Eighteen po." "Hmm... malusog naman ang pangangatawan mo ano?" Nagsisimula na akong mapraning sa pinagtatanong niya sa akin kaya tanging kibit-balikat ang naitugon ko sa huling tanong niya. "Nagmula ka sa mahirap na pamilya at nangangailangan ka ng malaking halaga. I can give you two million, kapalit ng dalawang taon ng buhay mo." Napahakbang ako patalikod sabay yakap sa sarili ko. "Doc, ayaw ko pong mabastos ko kayo pero alam niyo----" natigil ako sa sinasabi ko ng bumanghalit siya ng tawa. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Mayroon ba? "Wala akong sinabi na ibebenta mo ang katawan mo or something like that but somehow it can be like that but again! I am not pertaining to prostitution, Miss Laverde." Napayuko ako dala ng pagkapahiya. Hindi ko inaasahan iyon. "All right, let me explain to you..." Muling wika ni Doktor Enrique bago luminga sa paligid at sinigurong walang ibang tao. "There was this pharmaceutical who's going to held a hidden research, tutulong lang kayo sa gagawing research para makabuo ng bagong mga gamot and with that, mabibigyan ka na ng dalawang milyon, sobra-sobra pa sa kailangan mo para sa operasyon ng ina mo." Sadyang nakakabulag ang pera. Sa gitna ng pangangailangan at wala ka ng makapitan bigla na lang may darating na tulong at kahit na walang kasiguraduhan sa posibleng mangyari ay pipiliin mo pa ring tanggapin ang tulong. "Ang gusto ko lang po ay masiguro ang operasyon at paggaling ni Mama." "Oras na makarating ka sa SeeRange, iaabot ko agad ang isang milyon sa taong mapagkakatiwalaan mo ng pera." "Syringe? Heringgilya?" "SeeRange, Millicent. SeeRange. Pumapayag ka bang sumama sa research." Natutulala ako sa kawalan at saglit na nag-isip ngunit ang tanging sumagi lang sa isip ko ay dapat akong umoo, para sa mga kapatid ko at para sa paggaling ni Mama, bahala na kung ano ang kaharapin ko ang mahalaga ay nasa maayos sila. Mahigpit ang naging paghawak ko sa strap ng bag ko bago salubungin ang tingin ni Doctor Enrique saka ako marahang tumango. "Handa po ako na sumama sa research ng SeeRange." Siyam na letra. Siyam na letra lamang iyong binitawan ko ngunit sobra-sobra na iyon para imulat ako sa katotohanan ng buhay ko sa loob ng siyam na buwan. ──────⊱◈◈◈⊰──────

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.4K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
825.7K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
329.0K
bc

Married to a Hot Magnate

read
356.8K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook