bc

s****l Healing

book_age0+
2.8K
FOLLOW
12.7K
READ
adventure
dark
forbidden
possessive
fated
powerful
beast
twisted
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Victoria Fernan was about to die... until she decided to offer herself to a beast that could make her death stop on his hands by taking her.

chap-preview
Free preview
Simula
Hubad akong nakatayo sa kanilang harapan, kahit na gusto kong takpan ang ibang parte sa aking katawan mula sa kanilang paningin ay hindi ko magawa dahil nakaposas ang kamay ko sa aking likuran. Talagang sinigurado na ng mga ito na wala na akong kawala pa. Sinigurado na hindi na ako muling makakalaya pa mula sa kanila.   Lahat sila ay nagsipagpalakpakan at tila nagagalak nang nagsimula akong maglakad sa gitna ng entablado.   Marahas akong humigit ng hangin upang ikalma ang malakas na kalabog sa aking dibdib. Hindi ko malaman ang gagawin. Gusto kong matapos na ang lahat ng ito. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking kahubadan. Nagsimulang tumulo ang malamig na butil ng aking pawis marahil ay dulot ito ng matinding kaba.   Anong na kaya ang gagawin nila sa akin?   Mukhang mali ata ang aking naging desisyon sa pagtanggap ng alok nila.   Hindi ko alam kung paano ako napasok sa sitwasyong ito. Ayaw ko pang mamatay, iyon ang natatanging rason kung bakit narito ako ngayon. I still don't want to die. Marami pa akong rason para mabuhay kaya't lahat ay papatulan ko upang mabuhay lamang.   Ngunit hindi ko aakalaing mapapasubo ako sa walang kabuluhang kalokohang ito. Isang malaking kalokohan ang sitwasyong kinalalagyan ko ngayon!   Ito pa ata ang  kalokohang hindi ko batid na makapagpapabago sa aking buhay...   It's like a whirlwind tale of lunacy. My life has done its 360 turn and I think, I am not regretting any ounce of it dahil literal na nagbago nang lubos ang buhay ko.   I wanted so bad to kill this illness inside me. Sila ang lumapit sa akin noong panahong hirap at nawawalan na ako ng pag-asa na gumaling pa. Ang giit nila'y matutulungan nila akong gumaling at may kakayanan silang mas pahabain pa ang aking buhay... ngunit lingid sa aking kaalaman ang binabalak nila sa akin. Napasabak na lamang ako agad ng hindi handa.   "Help..." nanlaki ang aking mata nang marinig ko ang alulong ng tila mabangis na hayop sa buong paligid. Pinanlamigan ako at nanginig nang may mamataan ako sa gitna ng pulong na nakatayo sa aking harapan.   Sa likod 'non ay may matalas at pulang matang nakatingin sa akin!   Nagsimula nang magtambol ang dalawang nilalang sa gilid kasabay ng paghuramenrado sa aking dibdib.   Ano ito?!   Saksi ang buwan, at ang mga nilalang sa aming harapan nang ako'y inangkin ng kanilang diyos na sinasamba. Saksi rin ang lahat nang ako ay tuluyan nang nawala sa katinuan.   Ang pipi kong hiling ay sana naging tama ang aking desisyon. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
453.9K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
962.0K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
286.2K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.2K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.4K
bc

His Cheating Heart

read
40.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook