bc

THE BROKEN ANGEL- LIBERTY

book_age18+
822
FOLLOW
4.7K
READ
love-triangle
one-night stand
badgirl
drama
bxg
realistic earth
prostitute
expirenced
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

Nagmula sa isang mahirap na pamilya, isang kahid isang tuka. Kinamulatan at lumaki sa paligid na kilala sa tawag na squaters area. Salat sa lahat ng bagay at kung papalarin minsan ay maswerte na ang makakain ng tatlong beses sa isang araw. Hindi nakapagtapos ng high school dahil narin sa kahirapan ng buhay. Pinilit man na mamuhay ng marangal at may dignidad ay sadyang hihilahin parin paibaba sa putikan na nakasanayan dahil sa kakulangan sa abilidad at pinag-aralan. Madalas laitin ng nakararami dahil sa pinagmulan na labis na nagtulak para pasukin ang isang bagay na ni sa panaginip ay hindi ninais. Iba't-ibang kalalakihan ang nagpakasasa at nagsawa sa katawan para maitawid lamang ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya. Binalewala ang mga kutya at lait ng mga mapaghusgang mga mata alang-alang sa mga taong labis na minamahal. Pinangako na balang-araw ay aahon sa putikan, na balang-araw ay makakaalis sa deliryo ng kahirapan, na balang-araw ay may isang taong sasagip mula sa marumi at nakakadiring propesyon at balang-araw darating ang panahon kung saan hindi na kailangan pang magbenta ng laman para lang makakain at mabili ang mga nais na makamtan. Isang pangarap na kaginhawahan at isang pag-asa na hindi na muling malulugmok pa sa kumunoy ng kahirapan.

Ako si Liberty Dela Riva. At proud akong sabihin na isa akong call girl o mas tanyag sa tawag na puta at isang kalapating mababa ang lipad.

------,--'-,-{@

chap-preview
Free preview
Chapter 1
The Broken Angel- Liberty  written by Blackrose Chapter 1 ------,--'-,-{@ 'Salamat sa service mo tonight Liberty. I had fun and thank you also sa extra service na massage. At dahil jan, dahil bukod sa napaligaya mo ako at natanggal ang stress ko from work, eto.' inabot sa'kin ni Paul ang pera. Kabayaran ito sa serbisyo ko sa kanya sa gabing ito. Napangiti ako ng malapad dahil malaki ang ibinayad niya sa akin base sa kapal ng perang nakatupi.  'Salamat Paul. Masaya akong natuwa ka sa ginawa ko ngayon gabi.' siniksik ko ang pera sa loob ng shoulder bag ko. Saka tumayo at sinuklay ang itim at mahaba kong buhok. Hindi ko alintana kung hubad akong nakaharap sa kanya, nasanay na ako dahil gabi-gabi ba naman ay ganito ang ginagawa ko. Matapos magsuklay ay nagbihis na ako habang siya naman ay naninigarilyo at umiinom ng beer.  'So paano? Next week ulit? Same day?' wika nito na ikinatawa ko.  'Baka naman mabuking ka na ng asawa mo niyan Paul.' sagot ko habang naglalagay ng make-up sa mukha.  'Impossible. Wala naman sila ngayon ng mga bata, nasa ibang bansa sila at namamasyal. Kung pwede nga lang na i-take home kita tonight kaso naman ay hindi ka pabor sa ganon style.'  'Alam mo naman na pang-motel o hotel lang ang beauty ko Paul. Hindi ako pabor na i-bahay ako, ayoko ng ganon. Ayokong matali sa isang lalaki kahit pa sabihin na mas malaki ang kikitain ko. Gugulo lang ang buhay ko.' kumuha ako ng sigarilyo at sinindihan ito.  'Basta kapag ganitong araw ay ibakante mo na ang schedules mo para sa akin ha Liberty. Kasi ganitong time lang ako available sa dami ng gawa ko sa opisina during other days.' hinalikan pa niya ulit ako sa labi saka hinaplos ang aking pisngi. 'Oo ba! Basta ba laging malaki ang ibinibigay mong extra sa akin eh sino ba naman ako para tumanggi sa'yo.' malanding ngisi ko sa kanya.  'Ikaw pa ba Liberty? Eh sa lahat ay ikaw ang pinaka-magaling kaya. Wala kang hindi kayang gawin para mapainit ako.'  'Hahahahaha! Talaga lang ha? Bolero ka Paul! Tara na! Babalik pa ako sa club para ma-entrega ang porsyento ni Mommy A.' tumayo ito saka dumukot ng isang libo sa makapal na wallet.  'Eto na ang ibigay mo kay Mommy A para hindi na mabawasan pa ang binigay ko sayo ngayong gabi.'  'Uy! Galante ka talaga Paul! Kaya bet na bet kita eh!' tinanggap ko ang perang inabot niya na siyang entrega ko mamaya. 'Salamat ulit ha.'  Lumabas na kami ng hotel. Kapag ganitong araw ng Sabado kahit pa marami ang gustong maglabas sa akin ay hindi talaga ako pumapayag, kahit pa anong pilit sa akin ni Mommy A ay never akong umo-Oo mula ng naging regular customer ko si Paul. Dahil yun sa pagiging galante niya at may libre pang pameryenda. Ang binibigay ni Paul sa akin ay katumbas ng tatlong lalaki na maglalabas sa akin kaya bakit pa ako mag-entertain ng iba tuwing Sabado kung sa kanya pa lang eh kotang-kota na ako. Bukod dun ay siya pa palagi ang nagbibigay para sa pang-entrega ko. So saan pa ako diba! Pwera na lang kung abisuhan ako ni Paul na hindi siya pwede sa susunod na linggo ay talagang regular ko siyang customer tuwing Sabado. Kaya nga talagang nag-aral ako kung paano magmasahe para extra service ko yun sa mga lalaking nagtatrabaho sa opisina at gusto ma-relax bukod sa makaraos. Para extra bayad narin sa akin kung baga.  'So paano?' hininto ni Paul ang magara niyang sasakyan sa tapat ng Sextra Hot Club. Nginitian ko siya bago inalis ang seatbelt ko. 'Next week Liberty ha. Dadaanan kita dito ulit. Huwag ka ng mag-entertain ng iba sana. Kung maaari.'  'Basta ba tutupad ka sa usapan natin na malaki ang ibabayad mo sa akin eh.'  'Oo. Kelan ba naman kita binigyan ng kakarampot eh kung tinititigan pa lang kita, tinitigasan na ako.'  'Sus! Bolero ka talaga Paul kahit kailan! Sige na para makauwi narin ako!'  'Kung gusto mo hatid na kita sa bahay mo. Para malaman ko naman kung saan ka nakatira at mabilis kang makauwi.' umangat ang isang kilay ko.  'Para palagi mo akong pupuntahan dun tapos dun mo na ako titirahin ng madalas. Ayoko nga!'  'Nahihiya ka ba sa tinitirhan mo kaya ayaw mong malaman ko kung saan Liberty? Sabi ko naman kasi sa'yo na ibabahay na kita. Lahat ng gusto mo at kailangan mo maging ang luho mo at ng mga kapatid mo ay ipo-provide ko. Umoo ka lang Liberty, skies the limit. Hindi lang sky, universe pa.'  'Tempting pero ayoko talaga Paul. Ayos na sa akin yung ganitong set-up natin. Ayoko ng dagdag na responsibilidad pa. Tama na sakin ang ganito. Mao-obliga pa ako sayo kapag binahay mo ako. Ayoko ng ganon. Sapat na sakin ang ganitong nilalabas mo ako at nag-sasama tayo ng ilan oras.' akma na akong magbubukas ng pinto ng hawakan niya ang kamay ko. Paglingon ko sa kanya ay bigla niyang sinunggaban ang mga labi ko. Masarap siyang humalik, eksperto na kung baga. Nakakadala at nakakapag-painit ng katawan. Hindi kagaya ng ibang lalaki na malaway humalik, si Paul hindi. Kasabay ng paghalik niya ay ang paghawak niya sa harapan ko. Marahan ngunit maalab niyang sinapo ang isang dibdib ko na nag-paliyad na akin.  'Stay with me even just for tonight Liberty. Sabik na sabik ako sayo kahit kakatapos lamang natin. Nakakagigil ang alindog mo.' bulong niya nang maghiwalay ang mga labi namin.  'Next week na Paul. Pagod narin kasi ako. Pinagod mo ako. Naka-ilang rounds rin tayo kanina sa hotel.' huminga siya ng malalim saka mabilis na sinakop muli ang aking labi ng may pang-gigigil.  'Sige na nga. You're my boss. Wala na akong magagawa kapag ikaw na ang nag-desisyon.' nginitian ko siya sabay bukas ng pinto. Bago pa ako lumabas ay dinakma ko ang galit na galit at namumukol niyang hinaharap. Napaungol siya ng malakas sabay mura ng malalim.  'Baon mo yan para sa isang linggo. Para maalala mo ako madalas.' kinindatan ko pa siya bago tuluyan lumabas at sinara ang pinto. Binuksan niya ang bintana at sinilip ako kaya napayuko ako para makita siya.  'Napaka-naughty mo talaga Liberty. Kaya baliw na baliw ako sayo eh. Malamang magsa-sarili pa ako nito mamaya pag-uwi ko dahil sa ginawa mo sa alaga ko.' kita ko ang paghaplos nito sa gitnang bahagi ng pantalon niya. 'Hahahahaha! Nasa iyo na naman ang panty ko nung nakaraan diba? Ninakaw mo. So may gagamitin ka sa pagsa-sarili mo. Goodluck mamaya Paul. Nawa'y makaraos ka ng mabuti.' yun lang at naglakad na ako papasok sa loob ng club.  'Mukhang mataba na naman ang wallet ng isa jan!' napalingon ako sa nagsalita at napangisi. Agad akong nagsindi ng sigarilyo at umupo sa table kung saan nakaupo ang ibang mga kasamahan ko. 'Naka-magkano ka sa regular customer mo Liberty? Sa itsura mo pa lang ngayon ay mukhang naka-kota ka na naman ng pang-tatlong araw ha!' sabi ulit ni Tanya, isa siya sa mga unang naging ka-close ko dito sa club mula ng mapadpad ako rito.  'Sapat lang!' binuksan ko ang bag ko saka binilang ang perang inabot sa akin ni Paul kanina. Mahigit kumulang bente mil ang binigay niya sakin ngayon gabi. Malaki kaysa sa binigay niya sa akin noong nakaraang linggo.  'Tangina ang dami Liberty ah! Mamahagi ka naman kahit konti! Manlibre ka naman! Jackpot talaga yan si Paul! Akin dapat yan kaso ikaw ang type! Napakaswerte mong bruha ka!' inggit na sabi ni Myleen.  'Taragis! Para naman hindi tayo iisa ng likaw ng bituka dito kung magpalibre kayo! Alam niyo naman ang mga responsibilidad ko sa mga kapatid ko hindi ba! Eh pambayad tuition pa lang ito ni Liezel! Eh ang kay Lorenzo pa? Ang mga baon pa nila at projects? Aber!' natahimik sila. Alam naman nila ang mga gastusin ko kaya alam nila na doble kayod ako para sa mga kailangan namin magkakapatid sa araw-araw. 'Saka na kayo magpalibre kapag nanalo na ako sa lotto!' pinatay ko ang sigarilyo sa ashtray saka tumayo. 'Punta muna ako kay Mommy A nang makauwi na ako. Pagod na ako.' nag-sitango lang sila sa akin kaya umalis na ako.  Bente-tres anyos lamang ako ngunit maaga akong namulat sa responsibilidad dahil sa dalawang nakababata kong kapatid. Ang tatay namin ay napatay sa kalye dahil sa isang rambol sa kanto habang ang nanay naman namin ay inatake sa puso habang naglalaba noon sa isang parokyano niya. Ako ang panganay sa aming tatlo kaya lahat ng sakripisyo at obligasyon ay nasa balikat ko. Hindi ako nakapagtapos ng high school dahil narin sa nangyari sa mga magulang namin habang si Liezel ay nasa kolehiyo na ngayon at si Lorenzo naman ay nasa huling taon na sa high school. Sinikap ko talagang kumayod para makapag-aral sila ng mabuti. Ayokong magaya sila sa akin na walang tinapos at walang makuhang maayos at disenteng trabaho. Ang gusto ko at pangarap ko para sa kanila ay makapagtapos sila ng kolehiyo para makapasok sila sa trabahong marangal at malaki ang sahod. At kung swertehin man ay makapag-abroad sila. Yun lang naman ang nais ko para sa mga kapatid ko at kapag natupad ko na yun, masayang-masaya na ako.  Hindi lingid sa mga kapatid ko ang klase ng trabaho ko. Hindi lingid sa kanila ang pera na binubuhay ko sa kanila at kung saan ako kumukuha ng pinanggagastos namin sa araw-araw. Bakit ko pa itatago ang katotohanan sa kanila kung sa pagpu-puta ko ay nabubuhay ko sila at napag-aaral ko sila ng maayos? Saka isa pa ay alam naman ng halos lahat sa amin sa squatters area kung saan kami nakatira na isa akong call girl at nagtatrabaho sa club. Hindi ko naman yun kinakahiya. Bakit ko ikakahiya ang isang bagay na bumubuhay sa aming magkakapatid? Bakit ko ikakahiya ang bagay na magtatawid sa amin? May kanya-kanyang baho ang mga kapitbahay namin at hindi ko sila pinapakialaman sa mga buhay nila. Pero minsan hindi maiiwasan na makarinig ako ng mga masasakit na salita at mga lait kaso kung papatulan ko pa eh mapapagod lang ang bunganga ko kaya di bale na. Makapal na ang mukha ko pati ang mukha ng mga kapatid ko. Katwiran nila, basta hindi ka nang-aapak ng kapwa mo para mabuhay ay ayos na. Matibay narin ang sikmura ko sa mga patutsada ng ilan. Ang sa akin, hindi nila kami pinapalamon kaya wala silang pake sa amin at sa kung ano ang gagawin namin magkapatid. At kung paano kami mamuhay sa paraan na gusto namin. May pangarap naman ako sa buhay kahit ganito lang ako at wala akong tinapos. Isa dun ay ang maging mayaman. Yun bang kahit anong oras ay pwede akong bumili ng kahit anong gusto ko at kahit anong oras ay pwede akong mag-withdraw sa bangko ng pera at kahit magkano. Gusto kong yumaman para maka-alis na kami sa squatters area. Gusto kong yumaman para ipamukha ko sa mga usisero at usisera na kapitbahay namin na umasenso na kami at maitapal ko sa mga mahaderang mga bibig nila ang mga pera ko.  Pero don't get me wrong, hindi ako masamang tao. Puta lang ako pero hindi ako masamang tao. Hindi ako nananakit ng kapwa ko, hindi ako pumapatay o nagnanakaw. Mabait pa nga ako kung tutuusin dahil kahit ilang lait at masasamang salita ang mga naririnig ko sa kalsada sa tuwing dumadaan ako, never ko silang pinatulan. Hindi naman ako magkakapera kung papatulan ko sila. Buti na lang sana kung yayaman ako sa kanila, eh hindi naman.  Saka naipamukha lang sa akin ang moralidad ng mas maaga. Na mahirap kami at mananatili kami sa hirap kung hindi ako kikilos at gagawa ng paraan. Gustuhin ko man na magtrabaho sa mangaral na paraan, wala naman tumatanggap sa akin dahil narin sa kakulangan ko ng pinag-aralan at ng experience. Isang araw ay niyaya ako ni Elvira na kababata ko at kapitbahay namin noong dise-sais pa lang ako. Nagtatrabaho siya sa Sextra Hot Club bilang taga-aliw o mas kilala sa bansag na puta. Yun ang trabaho niya. Kita ko kung paanong nakapag-pundar siya ng mga gamit nila sa bahay saka halos araw-araw ay nag-gogrocery sila ng nanay niya saka madalas ay kumakain sila sa labas mag-anak. Pero ang mas kina-inggit ko sa kanya noon ay nang magpaalam siya sakin na lilipat na sila ng tirahan. Ibinili daw siya ng isang regular customer niya ng isang bahay sa subdivision. Ibabahay na raw siya nito. Kaya na-enganyo niya ako na subukan ang trabaho niya. Siya ang tumulong sa akin na makapasok sa Sextra Hot Club. At mula noon hanggang sa ngayon ay dun na ako nagka-edad at naglagi.  Sa totoo lang ay maganda sana kung may magbabahay na sa akin na lalaki para instant na may magandang tirahan na kaagad kami ng mga kapatid ko. Kaso ay may pagka-hopeless romantic pa rin ako. Gusto ko ay mahal ko at minamahal ako. Naniniwala pa rin naman ako sa pag-ibig na kahit na ganito ang trabaho ko ay may matatagpuan akong matinong lalaki na magmamahal sa akin ng totoo at hindi lang ang katawan ko ang gusto. Nirerespeto pa rin ako kahit na call girl ako. Isa pa yun sa mga pangarap ko. Na balang-araw ay may prinsipe na magliligtas sa akin sa dumi na kinaroroonan ko. Na lalayo ako sa lugar ng nakagisnan ko at mamumuhay ng tahimik at payapa.  'Ate?' nagising ako sa kalabit ni Liezel. Pagdilat ko ay maliwanag na.  'Bakit?' 'Ngayon ang bayaran ng tuition ko Ate saka may kailangan akong bayaran para sa group project namin.' umupo ito sa papag kung saan ako nakahiga. 'Abutin mo yun bag ko sa loob ng cabinet. Yung pula.' tumalima siya. Nilabas ko ang wallet ko saka kumuha ng sampung libo saka limang daan. 'Diba ay halos sampung libo ang tuition mo? O eto. Saka yan limang daan ay para sa baon mo at dun sa babayaran mo na group project niyo.' malapad siyang ngumiti pabalik.  'Salamat Ate. Nakapag-saing na ako ng pananghalian saka may ulam narin sa mesa. Nagbaon narin ako ng ulam para kanin na lang mamaya ang bibilhin ko.'  'Okay sige. Nasaan si Lorenzo? Anong oras ba ang pasok niya ngayon?'  'Eh may activity daw ang school nila ngayon umaga kaya mamayang hapon pa ang pasok nila. Andun sa kanto Ate nagba-basketball kasama mga kaibigan niya. Kumain narin siya kaya ikaw na lang ang kakain mamaya paggising mo ulit Ate.' 'Okay sige. Mag-ingat ka ha. Mag-padyak ka na palabas. May barya ka ba jan?'  'Meron Ate. Una na ako. Tulog ka pa tapos mamaya kumain ka ha.'  'Opo madam.' sabi kong naka-ngiti sa kanya. 'Ibalik mo yung bag ko sa cabinet Liezel.' bumalik na ako ng higa saka pumikit ulit.  ------,--'-,-{@

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.1K
bc

YOU'RE MINE

read
893.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook