bc

George, The Parking Girl

book_age16+
2.0K
FOLLOW
10.0K
READ
love-triangle
playboy
badboy
badgirl
brave
comedy
twisted
sweet
cheating
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Pusong babae pero kilos lalaki, Yan si George masaya siya sa kanyang sideline bilang isang parking girl sa kung saan-saang restaurant. At dahil tutol ang mga tatlong nakatatandang kapatid niya sa kanyang trabaho ay in-apply siya ng kanyang tatlong hot pa sa hot pandesal na mga kuya niya bilang isang driver ng isa sa mga costumer nila.

Si Lyndon ay isang mayaman at sa edad na 25 ay siya na ang may ari ng isang sikat na oil company at isang hunk at malikot sa babae. Dahil kay madam Z ay magkakaroon siya ng isang lady driver na siyang ayaw niya pero wala siyang nagawa sa gusto ng kanyang ina.

“I can only use one girl and never be repeated” ang mga salitang sinabi ni Lyndon kay George ng minsan sila ay nasa sasakyan.

Will George tame a womanizer or will she get driven out by him?

chap-preview
Free preview
Prologue
“Kaliwa, kaliwa pa, bawi ng kaunti boss, kanan ng konti and stop!” Sabi ni George habang tinutulungan niyang mag park ang isang itim na kotse sa isang restaurant.   “Okay na bossing!” sabi ni George ng makaparada ang sasakyan at bumaba doon ang isang lalaki na mukhang bata pa at gwapo na talaga naman na main-love ang lahat dahil sa charm nito.   “Ikaw na ang bahala dito,” sabi ni Lyndon kay George.   “Babe, hindi mo man lang ako pinagbuksan,” sabi ng babaeng kababa lang ng sasakyan na kinulang sa tela ang damit at saka lumapit sa lalaki na parang isang linta.   “Ako na ang bahala dito, Bossing!” habol ni George kay Lyndon na papasok nan g restaurant.   “Mukhang nakakadami ka George, ah!” sabi ni Jose na isa ding nagpa-park ng sasakyand ito sa restaurant.   “Oo nga e, maraming costumer ngayon dito,” sabi ni George habang inililista ang sasakyan na huling i-pinark niya.   “Ayun, may paparating pa na isa sa iyo na iyang isa na iyan at ako’y uuwi na,” sabi ni Jose kay George.   “Sige, pare ingat ka!” sabi ni George kay Jose at naglakad papunta doon sa paparating na sasakyn.   Samantalang may isang babae naman na lumapit sa sasakyan ni Lyndon chi-neck muna niyang mabuti kung sa lalaki ba ito o hindi. Nang masigurado niya ay kinuha niya ang isang bato ay saka iyon ipinuk-pok sa may harapan ng salamin ng kotse dahilan ng pagkabasag nito.   Biglang tumunog ang kotse kaya napatingin si George doon saktong pagkaparada ng isang sasakyan ay tumakbo siya para tingnan ito nadatnan pa niya ang babaeng may hawak ng bato at tiningnan siya.   “Bakit mo binasag iyan?” Nanlalaking tanong ni George sa babae, ngumisi lang ang babae.   “Dapat lang iyan sa babaerong tulad niya,” napa-kunot ang noon i George sa sinabi ng babae.   “What the hell!!??” Nakakarinding sabi ni Lyndon kaya napaharap si George sa kanya.   “What did you do to my car?” galit na galit na sabi ni Lyndon.   “Huh? Hindi ko siya----“ napatigil si George ng pagtingin niya sa likod niya ay wala na doon ang babae ang bata ay nasa sasahig na.   Walang sabi-sabi ay kinaladkad ni Lyndon si George sa presinto.   “Maniwala kayo, wala akong kasalanan sa kotse niya,” pagmamaka-awa ni George sa mga pulis.   “Hoy! Lalaki wala nga sabi ako alam doon iyong babae ang may gawa nu’n at hindi ako,” paliwanag ni George kay Lyndon.   “Ikaw ang nadatnan kong nandu’n sino pa ba ang gagawa nu’n kundi ikaw!” inis na sabi ni Lyndon.   “Umamin ka na, para mapabilis na ito bayaran mo na lang nag damage ng sasakyan niya,” nagpantig naman ang tainga ni George sa sinabi ng pulis.   “Mamang pulis, nakikita n’yo ang mukhang ito?” turo ni George sa kanyang mukha, “Mukha bang gagawa ng kalokohan ito?” sunod na sabi ni George sa pulis.   Napangiwi ang pulis at saka ito tumango, “ Anak ng tokwa naman Oh!” iyon na lang nag nasabi ni George.   “Hindi ako magbabayad dahil hindi ako ang may kasalanan!” matigas na sabi ni George.   Dumating naman ang manager ng restaurant dala ang cctv footage ng parking lot. Tiningnan nila iyon at nakita nga nila na hindi si George ang gumawa nu’n.   “Ano paniwala na kayo?” nahihiya naman ang mga pulis na kumakamot na lamang.   “Kilala mob a itong bumasag ng sasakyan mo?” tanong ng pulis kay Lyndon.   “I don’t think so, maybe one of the girls I’ve dated,” napasapo sa noo si George sa sinabi ni Lyndon.   “Ito tatandaan mo mister, hindi lahat ng nakikita ng mata ay tama! Mahilig ka sa babae pero hindi mo kayang alagaan ang mga ito ng maayos,” sabi ni George na umalis na.   Pag-uwi sa bahay ni George ay hindi mapakali ang kanyang mga nakakatandang kapatid. Si Genesis ay nagpupunas ng lamesa pero tingin ng tingin kay George, si Gerard naman ay kanina pa palakad-lakad sa may harapan ni George at si Gabriel naman ay prenteng naka upo sa sofa at nakatingin din kay George.   “Anong palabas na naman ito mga ‘tol?” sabi ni George ng makahalata siya sa mga kapatid.   Wala pang isang sigundo ay nasa harapan na niya ang tatlong hot na mga kapatid. Napangiwi na lamang si George sa inasal ng mga kapatid.   “Ah e kasi- -“ hindi malaman ni Gerard kung ano ang sasabihin kaya tinapik niya si Genisis.   “Eh kasi George, ganito kasi, ahm, yung – kasi George---“ mas lalong napakunot ang noo ni George sa mga sinasabi ng kanyang mga kapatid.   “Ikaw na nga kasi kuya Gabriel ang mag-sabi,” sabi ni Gerard kay Gabriel.   Kakamot-kamot naman si Gabriel sa kanyang batok’ “ Anak ng tokwa, bakit ako?” sabi ni Gabriel sa mga kapatid na lalaki.   “Ano ba talagang nangyayari sa inyo? Wala naman kwenta kakain na lamang ako!” tumayo na si George ng sa tingin niya ay wala naman mapapala sa mga ginagawa ng kanyang mga kapatid.   “In-apply ka namin bilang isang driver!” sabay-sabay na sabi ng tatlo, napatigil si George sa sinabi ng kanyang mga kapatid at lumingon sa kanila.   “Anong sabi n’yo?” tanong ni George sa tatlong mga kapatid.   “Darating si Madam Z at susunduin ka para maging driver nila,” nakangiwing sabi ni Genesis.   “Ayaw ko, may sideline naman ako at masaya ako doon” paliwanag ni George habang naglalakad papunta sa kusina, sinundan naman siya ng kanyang mga kapatid doon.   “Delikado sa lansangan, George babae ka pa din” sabi ni Gabriel kay George.   “Bakit? Ang pagiging driver ba ay safe? Ganu’n din iyon pwede kang mabangga,” paliwanag ni George.   “Pwede ka din, mabangga ng parking lot” seryosong sabi ni Gerard.   “Tangengok! Kailan pa nakabangga ang parking lot?” sabi ni Genesis kay Gerard.   “Oo nga, noh?” kakamot-kamot sa ulo na sabi ni Gerard.   “Kahit na bunso, mas maganda naman iyon kaysa ang mag park ka ng mga sasakyan,” sabi ni Genesis.   Maya-maya ay may kumatok sa pintuan, tumayo si George at saka binuksan ang pintuan isang may katandaan ng babae ang nakatayo pero maganda pa din.   “Mga kuya ayun, may costumer sa car wash n’yo kung anu-ano ang pinag gagagawa n’yo bakit di na lang kayo magbantay ng shop!”  sabi ni George at saka tumalikod.   “George, teka siya si Madam Z sa kanya ka magta-trabaho!” sabay-sabay na sabi ng magkakapatid.   Walang nagawa si George kundi ang sumama kay Madam Z. Umaayaw na ito at ang sbai ni Madam Z ay sumama lang daw muna para makita kung saan siya magda-drive. Pumasok sila sa isang building at umakyat sa pang 10th floor.   “Nandito tayo ngayon sa pent house ng anak ko,” sabi ni Madam Z kay George na nagtataka kung bakit sila nandoon.   Pinindot ni Madam Z ang doorbell at maya-maya ay may nagbukas na babae na papalabas na.   “Who are you?” tanong ni Madam Z sa babaeng sopistikada.   “I’m Jezel and you are?” nakataas pa ang kilay nito na nakatingin sa akin at kay Madam Z.   “I am Lyndon’s mother, now get out of here!” bigla naman natalima ang babae at kinuha ang sapatos niya at saka nagtatakbo palabas. Napailing si George sa ginawa ng babae.   “Mom! What are you doing here?” tanong ni Lyndon na nagmamadaling nagsusuot ng polo niya.   “Disgusting!” nakangiwing sabi ni Madam Z. Napatingin naman si Lyndon kay George at nanlaki ang mga mata.   “What is she doing here?” tanong ni Lyndon kay Madam Z , nagulat din si George ng makita si Lyndon dito sa pent house.   “Remember I told you na may kapalit na ang driver mo at siya iyon,” sabi ni Madam Z.   “What? No way! Akala ko ba lalaki iyon?” sabi ni Lyndon.   “You didn’t check the files, aren’t you? “ sabi ni Madam Z.   “Kahit na ayaw ko siyang maging driver!” nagpantig ang tainga ni George kay Lyndon.   “Hoy! Hindi ko din ikaw gustong maging amo, kaya kung ayaw mo e di huwag!” sigaw ni George kay Lyndon ng hindi na makatiis.   “Fine! Nadinig n’yo Mom? Ayaw niya,” sabi ni Lyndon. “Oo ayaw kong maging amo ang isang katulad mong babaero at mapag bintang!” sabi ni George kay Lyndon.   “Bawiin mo ang sinabi mo,” sabi ni Lyndon, kahit alam niyang totoo ang sinasabi ni George pero nandoon ang kanyang Ina at talagang malilintikan na naman siya kay Madam Z.   “Hindi ba totoo?” panghahamon ni George kay Lyndon.   “Kung hindi ka lang babae - - -“ sabi ni Lyndon na nanggigigil na kay George.   “Sige, subukan mo ng magka-alaman tayo!” panghahamon ni George.   “ENOUGH!” parehas natahimik sina Lyndon at George sa boses ni Madam Z.   “Para kayong mga bata” sabi ni Madam Z. “Anyway wala na kayong magagawa, Lyndon magkakaroon ka na ng bagong driver at si George iyon, at ikaw naman George wala ka na din magagawa dahil nakapirma na ang mga kuya mo at bayad ko na ang tatlong buwang sweldo mo kaya ikaw ang magda-drive kay Lyndon,” sunod na sabi ni Madam Z at saka tumayo.   “Goodbye!” sabi ni Madam Z at naglakad.   “Mom!”   “Teka lang po Madam Z!”   Hindi na sila pinansin ni Madam Z at nagtuloy-tuloy na sa pag-alis at ng makalayo ay sumilay ang ngiti ni Madam Z. Samantalang sa loob ng pent house ay naglalabanan ng titigan sina George at Lyndon na akala mo parehas may kuryente ang kanilang mga mata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
232.1K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
33.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.4K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
67.0K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
7.9K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
89.9K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
42.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook