bc

Honest Mistake

book_age18+
13.0K
FOLLOW
77.9K
READ
billionaire
pregnant
submissive
powerful
dare to love and hate
bxg
lighthearted
female lead
realistic earth
wife
like
intro-logo
Blurb

Walang ibang hinangad si Alison kundi ang tanggapin at mahalin siya ng nag-iisang kapatid. Simpleng pangarap ngunit napakahirap abutin para sa kanya na bunga ng kataksilan.

She is a typical martyr and compliant little sister longing for a love from her beloved elder sister.

But she didn't know that being submissive will lead her to the arms of the man of her dreams. Akala niya ay iyon na ang simula nang katuparan ng pangarap na magkaroon nang masasabi niyang kanya at sariling pamilya ngunit ito rin pala ang magbabaon sa kanya mula sa galit ng kapatid na si Sabrina.

Will Alison fight for her love? Handa ba siyang ipaglaban ang lalaking minamahal o magpaparaya siya para sa kaligayahan ng kapatid na puno't dulo ng mga paghihirap niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Habang nasa elevator ay unti-unti siyang nakakaramdam ng pagkabalisa at pag-init ng pisngi pati ng buong katawan niya. Napakislot pa siya nang biglang bumukas ang pinto ng elevator. Nahihilong lumabas siya at pilit inaninag ang bawat numero ng pintong nadadaanan. “Here you are!” bulalas niya nang makita ang numero na nakasulat sa harap ng pinto. Kumatok siya habang sapu-sapo ang ulo. “Ate Sabrina?” tawag niya. Nang walang narinig sa sagot mula sa loob ay hinawakan niya ang doorknob upang kalampagin sana ito ngunit nawalan siya ng balanse nang dire-diretso itong bumukas. “Aahhh,” tili niya at biglang nataranta nang akala niya ay matigas na sahig ang sasalubong sa mukha niya pero napakapit siya nang mahigpit sa taong humarang sa harapan niya upang hindi siya tuluyang bumagsak. Dahil sa pagkagulat ay sandaling nawala ang pagkahilo niya ngunit hindi niya maintindihan kung bakit tila lalong nag-init ang pakiramdam niya nang mapahawak sa mga braso nito. Tumingala siya upang tingnan ang mukha nito pero bigo siya dahil hindi sapat ang liwanag na nagmumula sa labas para maaaninag niya ang mukha ng kaharap. Kaya’t itinaas niya ang kamay upang haplusin ang mukha nito. Napakagat siya ng labi nang makumpirmang lalaki ang kaharap niya at wala sa sariling pinagala ang kamay niya hanggang sa dibdib ng lalaki. “What do you think you’re doing?” Bakas sa baritono nitong boses ang galit. Tila naman binuhusan siya ng malamig na tubig pagkarinig niyon. Pamilyar ang boses nito sa kanya pero hindi niya matandaan kung saan niya ito narinig. “I..am sorry po. I was looking for room 408 and Ate Sabrina, nandito ba siya?” “You’ve got the right room but a wrong person,” he said. Muli siyang tumingala upang muling kilalanin ang kaharap pero masyadong madilim sa loob ng kwartong iyon kaya kinapa niya ang switch ng ilaw upang buksan ito. “Don’t move!” Napalingon siya nang muling hablutin nito ang braso niya. Napasinghap siya nang tumama ang pinaghalong amoy ng alak at mint scent na hininga ng lalaki sa kanyang mukha. At hindi niya namalayan na sobrang lapit na pala ng mukha nila sa isa’t isa. Hinawakan din niya ang braso nito. Hinaplos niya pataas ang katawan nito nang maramdaman niyang mainit din ito. Nahihilo siya ngunit nananaig ang mainit na pakiramdam niya lalo na nang malaya nitong pinaglakbay ang mga kamay niya sa katawan nito na ngayo’y nasa pisngi na ng lalaki. “Bakit ang init mo? May sakit ka ba?” inosenteng tanong niya. Na dapat siguro ay itanong din niya sa sarili dahil init na init din siya kahit pa sa tingin niya ay sobrang lamig naman ang ibinubuga ng aircon. Ngunit imbes na sagutin siya ay marahas nitong hinawakan ang batok niya at siniil ng halik ang mga labi niya na wari’y uhaw na uhaw. Nagulat siya at tinangkang itulak ang lalaki ngunit mabilis na hinawakan nito ang mga kamay niya. Pakiramdam niya ay nanghihina na siya at unti-unti’y tinutugon na niya ang mga halik nito. Nang maramdaman ito ng lalaki ay binuhat siya nito papunta sa kama at pareho nilang tinanggal ang mga damit na may halong pagmamadali. She arched her body nang bumaba ang halik nito sa dibdib niya. He kissed and caressed her body at halos walang parte ng katawan niya ang pinalampas nito. Until she felt him inside her… painfully. -- Nakahawak siya sa ulo habang dahan-dahang bumabangon. Tumingin siya sa paligid at nanlaki ang mga mata nang matuklasang wala siya sa sariling kwarto. Lalong nanlaki ang mga mata niya nang silipin ang loob ng kumot na nakatakip sa katawan niya. Napasabunot siya sa buhok nang hindi maalala ang buong pangyayari. Ang huling naaalala niya ay nasa loob siya ng elevator. Narinig niya ang pagkaluskos sa banyo. Bumangon siya at napangiwi dahil sa sakit na biglang naramdaman sa gitnang bahagi niya pero pinilit niyang tumayo at nagmadaling isinuot ang damit na nagkalat sa sahig. ‘Anong kagagahan ang ginawa ko?’ Palabas na siya nang biglang napahinto. “Where do you think you’re going?” she heard from behind. Pumikit siya at kinagat ang labi. Hindi na sana niya gustong malaman kung sino ang nakasama niya ng mga sandaling iyon dahil sa kahihiyang nararamdaman. “I didn’t know that you’re such an open-minded like any other girls,” sarkastiko nitong dagdag. Mabilis siyang lumingon para kumpirmahin kung tama ang pagkakarinig niya sa boses at sa may-ari nito. ‘Oh Gosh, please say no’. At kasingbilis nang paglingon niya ang bilis ng pagtambol ng dibdib niya nang makumpirma ang hinala niya. Napahawak siya nang mahigpit sa damit nang titigan ang lalaking nasa harapan niya. Mapanuri at tila nanlilibak ang tinging ipinukol nito sa kanya. “A..anong ibig mong sabihin?” nauutal niyang tanong. Nanatili itong nakatingin sa kanya pero hindi niya kayang salubungin nang matagal ang tingin nito dagdag pa ang nakakasilaw nitong abs dahil tanging tuwalya lang ang saplot nito na nakatapis mula sa baywang. Napakagat-labi siya ng maisip iyon. “About what happened last night, I will take full responsibility for everything. Ako na rin ang magpapaliwanag kay Tito Philip,” walang emosyong sabi nito. “Pakakasalan kita.” Biglang napaangat ang ulo niya at hindi makapaniwala sa narinig sa huling sinabi nito. “No, hindi pwede. At bakit mo ‘ko pakakasalan? Paano si Ate Sabrina? Hindi niya pwedeng malaman ang tungkol dito. Hindi mo kailangan gawin ‘yon lalo na ang i-sacrifice ang relasyon niyo ni Ate… Please, Kuya Dale, kalimutan na lang natin ang nangyari,” nagmamakaawang pakiusap niya. He clenched his jaw at galit na hinawakan ang braso niya. “Is that what you want? Ganyan din ba ang gagawin mo kung hindi ako ang nakasama mo kagabi?” Kinabahan siya sa nakitang galit sa mga mata nito. ‘Pero baliw ba siya para pakasalan na lang basta-basta ang babaeng hindi naman niya girlfriend at naka-one night stand lang naman?’ Aaminin niya na may lihim siyang pagtingin sa binata mula pa noong una niya itong makita sa bahay nila nang sinundo nito ang Ate Sabrina niya. Nasa fourth year highschool pa lang siya noon at iyon din ang araw na dinala siya sa mansion ng Daddy niya upang doon na tumira. Isang buwan pagkatapos pumanaw ng ina. Oo, anak siya sa labas ng Daddy niya. Nagkaroon ito ng affair at ang Mommy niya nang magkasama raw ang mga ito sa isang business conference sa Cebu at mula noon ay nagkaroon na ng lihim na relasyon at siya ang naging bunga noon. Naghiwalay ang mag-asawa nang malaman ng Mommy ni Sabrina na nagtaksil ang asawa na naging dahilan naman ng pagpatol nito sa ibang lalaki na hindi nagtagal ay mas piniling sumama dito. At iyon ang dahilan kung bakit galit na galit sa kanya ang kapatid. Kung sarili lang niya ang iisipin ay buong puso niyang tatanggapin ang alok nitong kasal. Si Dale Fortalejo lang naman nag-aalok sa kanya niyon ngayon, ang lalaking matagal na niyang hinahangaan at lihim na minamahal pero pagmamay-ari na ng nag-iisa at mahal na mahal niyang Ate Sabrina, kahit pa abot langit yata ang galit sa kanya. Dahil ipinangako niya sa sarili na hinding hindi niya gagayahin ang ginawa ng Mommy niya, ang mang-agaw ng pag-aari na ng iba ay pilit niyang kinakalimutan ang nararamdaman para sa binata. Pero iba talagang magbiro ang tadhana. Kahit anong pilit ang pag-iwas niya at paglimot sa lalaking itinatangi, heto siya ngayon, madadapa na nga lang ay sa kanya pa rin bumagsak. “Answer me!” galit na sigaw nito na nagpabalik sa diwa niya. “Oo, dahil wala akong balak magpakasal sa lalaking hindi ako mahal at hindi ko rin mahal,”matapang niyang sagot. He balled his hands into fist at namumula ang mga matang tinitigan siya nito. “Please, Kuya Dale, alam kong mahal mo si Ate Sab at sobra siyang masasaktan kapag nalaman niya ang nangyari. Pareho naman nating hindi sinasadya ito ‘di ba? Please, kalimutan na lang natin ang nangyari,” muling pagmamakaawa niya kasabay ng pag-agos ng luha niya. “Get out!” tanging sagot nito. Luhaang napatitig siya rito at nakita niya ang pinipigilang galit sa mga mata nito. Tangkang hahawakan niya ang braso nito para muling makiusap ngunit tumalikod na ito. “I said, get out!” Napapitlag siya sa malakas nitong sigaw. Dali-dali niyang pinunasan ang mga luha at halos patakbong lumabas ng silid na iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
84.4K
bc

His Obsession

read
70.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
66.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook