bc

My Strong Independent Woman

book_age18+
1.0K
FOLLOW
4.0K
READ
pregnant
goodgirl
aloof
CEO
drama
bxg
enimies to lovers
rejected
lonely
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

“Ano ang basehan mo sa ‘Maganda’, Kaith? ‘Yon ba yung may umiiyak na babae dahil gusto silang iwan ng nobyo nila at sinasabi na hindi nila kayang mabuhay. O ‘yong parte na pinagmumukha nilang mahina tayong mga babae at hindi natin kayang mabuhay nang wala ang mga lalaki?”

Para kay Destiny Mercado ay hindi niya kailangan nang lalaki sa kanyang buhay. She hates drama. At mas lalo na ang mga babae na umiiyak dahil sa mga lalaki.

Ngunit, sa pagtungtong nang niya mula sa isang isla ay nagbago ang lahat ng kanyang paniniwala nang makilala niya ang lalaki na hindi niya inaasahan na magpapatibok nang kanyang matigas na puso.

chap-preview
Free preview
INDEPENDENT WOMAN 01
MSIL 01 “Jerwin, huwag,” umiiyak na pigil nang bidang babae habang nakahawak ito sa laylayan ng damit ng kanyang nobyo, “Hindi ko kaya na mawala ka. Hindi ko kakayanin pa mabuhay kung hindi lang din naman ikaw ang makakasama ko sa buhay na ‘to. Huwag mo ‘kong iwan, Jerwin. hindi ko kaya nang wala ka.” “S-sorry,” sagot ng nobyo nito at tinanggal ang pagkakahawak ng bidang babae sa damit nito bago tuluyan siyang tinalikuran at nag-umpisa nang maglakad papalayo sa pwesto nila. Hindi pa man natatapos ang palabas ay inis na kinuha ko ang remote control mula sa gilid at pinatay ang TV. Kalokohan! “Ey! Bakit mo pinatay? Nakaka-iyak na ang part na ‘yon eh. Akin na nga ‘yan!” May tono na pagkainis na sabi ni Kaith. “Tama na ang kakapanuod sa walang kwentang palabas na katulad nang ganyan, Kaith.” Malamig na sagot ko dito at hinagis ang remote control sa aking higaan. “Excuse me, Destiny, my friend. Iyang sinasabi mong walang kwenta ay ang pinakasikat na palabas ngayong taon na ‘to!” paglalaban nito at muling binuhay ang TV, “Tapos na tuloy!” reklamo niya. “Ayan ang pinagtataka ko. Bakit sumisikat ang walang kwentang palabas na katulad ng ganyan.” tumayo ako mula sa kina-uupuan ko at pumwesto sa study table kung saan nakabukas ang laptop ko. “Hindi mo naman na panuod ang buong storya nang kwento na ‘yon kaya hindi mo masasabi na walang kwenta ‘no!” Irap na saad niya. “Sapat na ang tatlong sentence na sinabi nang bidang babae para makitang walang kwenta ang buong palabas na ‘yan.” aniko. Muling binuhay ko ang laptop at binuksan ang account ko sa isang online platform. Katulad ng inaasahan ko ay sabog na sabog ang notification mula sa comment area dahil sa rant ng mga readers na nagtyatyaga ng stories ko. “Teka, mag-uupdate ka?” tanong ni Kaith bago lumapit sa akin. Tumango ako sa kanya kasabay non ang pagpindot ng publish botton. Narinig ko ang pagpasok ng isang notification sa cellphone ni Kaith, mabilis niya ‘yon kinuha at  tahimik na naupo mula sa aking higaan. Tumayo ako at nag-umpisang mag-inat. Hindi madali ang maging isang manunulat, ilang oras at araw muna ang kailangan ilaan para sa isang chapter na ilang minuto lang babasahin ng mga readers. Sa bandang huli ay magrereklamo pa na bitin. “Kukuha lang ako ng makakain sa kusina.” Paalam ko sa kanya bago lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng iilang makakain. Ako lang ang mag-isa ngayon sa buong bahay dahil si mama ay kung saan-saan na naman pumunta ngayong araw. Sanay naman na ako at alam ko na ‘yon ang paraan niya para maging masaya. Bitbit ang mga pagkain ay bumalik ako sa aking kwarto. Bumungad sa akin si Kaith na nakatulala mula sa kisame habang hawak nito ang cellphone. “Anong nangyari sa’yo dyan?” nagtataka kong tanong bago nilapag sa isang mini table ang mga pagkain. “Sigurado ka ba na ‘yon na ang third to the last chapter nang nobela mo?” Nakatulala pa din nitong tanong. Tumango ako sa kanya. “Oo, bakit may problema ba?” “Destiny, my friend! Try mong basahin ang gawa mo, simula una hanggang huli at basahin mo din ang comments ng mga readers mo. Third to the last na pero bakit wala pa din na bubuong pag-iibigan sa dalawang bida?!” pagrereklamo nito bago tumayo, “Naging mabuti naman sila sa isa’t-isa mas lalo na ang bidang lalaki pero bakit wala pa din nabuo?” muling tanong nito. “Inspirational Novel ang sinusulat ko, Kaith. At hindi romance novel.” pagtatama ko, “At alam mo kung bakit?” pagbabalik na tanong ko sa kanya. “Bakit?” “Dahil naniniwala ako na hindi kailangan ng mga babae ang mga lalaki. Kaya naman natin maging masaya kahit wala sila sa buhay natin.” sagot ko sa kanya at binuksan ang mga pagkain na nakalatag sa lamesa, “Kaya tigilan mo na ang kakapanuod ng walang kwentang palabas katulad ng pinapanuod mo kanina.” dagdag ko pa. “Sabi ng maganda at naka-kikilig ang palabas na ‘yon eh!” pagrereklamo muli niya. “Maganda?” natatawa kong sabi, “Ano ang basehan mo sa ‘Maganda’, Kaith? ‘Yon ba yung may umiiyak na babae dahil gusto silang iwan ng nobyo nila at sinasabi na hindi nila kayang mabuhay. O ‘yong parte na pinagmumukha nilang mahina tayong mga babae at hindi  natin kayang mabuhay nang wala ang mga lalaki?” iiling-iling na tanong ko sa kanya. Tumayo ako mula sa kina-uupuan ko at hinarap muli ang laptop ko. “Alam mo din ba kung bakit ganitong genre ang sinusulat ko? Dahil gusto ko na ipamulat ang mga kababaihan na kaya natin ang ginagawa ng mga lalaki kahit mga babae tayo.” dagdag ko pa. Isa-isa kong binasa ang mga komento mula sa bagong chapter na ginawa ko. At halos lahat ‘yon ay na iinis katulad ni Kaith. Iilan lamang ang mga nababasa kong nakukuha ang intention ng ginawa kong nobela. “Sinasabi mo lang ‘yan dahil hindi ka pa na-iinlove, Destiny.” sabi ni Kaith bago tinapik ang balikat ko, “Pero kung maramdaman mo na ang sinasabi mong ‘kalokohan’, doon mo malalaman kung bakit may mga taong handang patuluin ang luha para sa taong mahal nila.” Umiling ako. “Kung mahal nila ang isa’t-isa hindi nila ‘yon papaiyakin.  Tigilan mo na ang kapapanuod sa mga walang kwentang palabas, Kaith. At asikasuhin mo nalang ang mama mo na hindi boto sa boyfriend mo ngayon.”  payo ko sa kanya. “Parang ikaw naman ay hindi din problemado sa nanay mo, Destiny, My friend.” natatawa nitong sabi, “Simula ng high school tayo ay marami nang nanliligaw sa’yo pero niisa sa mga ‘yon ay walang pumasa kahit pasado at supportado ng mama mo. Sigurado din ako na pag-uwi ni Tita Armina mamayang gabi ay may mga larawan na naman siyang nakuha para sa blind date mo.” natatawa nitong sabi. Tama siya. Sigurado bukas nang umaga ay mag-uumpisa na naman kaming magtalo ni mama para makipagdate sa mga nirereto niya sa akin. “At simula ng high school palang tayo, ilang beses ka na ba umiyak sa mga lalaki?” sarcastic na tanong ko sa kanya. “Atleast ako nagkajowa at na enjoy ang pagkadalaga.” irap nitong sabi bago ako tinalikuran.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K
bc

Just A Taste (SPG)

read
892.1K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
698.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
603.3K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
176.0K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.4K
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook