bc

Duplicated Heart (Book 3 of Epic Comeback)

book_age16+
641
FOLLOW
2.2K
READ
love-triangle
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Magkamukhang magkamukha ang kambal na si Axel at Allen kaya madalas ay napagkakamalian sila. Magkaganon man, marami silang pagkakaiba. Si Axel ay mabait at masunurin kaya sa kanya mas pinili ng kanyang mga magulang na ipagkatiwala ang kanilang kompanya. Samantalang si Allen naman ay basagulero at sakit sa ulo. Pero sa kabila ng pagkakaiba nila ay magkasundong-magkasundo sila. Not until this one girl came to their life. Paano kung pareho silang nainlove sa iisang babae? Sino ang magpaparaya sa kanilang dalawa?

chap-preview
Free preview
Episode 1
"Relax ka lang brother, kanina ka pa aligaga." bungad sa akin ng ate kong si Alexa.  Sa totoo lang excited ako sa araw na ito, ngunit halong kaba na din. Ngayon ay muli akong magpopropose sa kaisa-isang babaeng minahal ko at first love ko pa. Si Pamela. Yes, I proposed multiple times sa kanya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagpropose sa kanya pero lahat ng iyon no ang sagot niyo. Minsan kasi out of nowhere bigla ko siyang tatanungin ng will you marry me, kaya ang akala niya ay biro lang iyon. Ganun ako, dahil gusto kong iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kung pwedi nga araw-araw ko siyang tanungin na ng will you marry me para lang malaman niya na siya lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.  I remember years ago nag-effort ako para magpropose sa kanya sa isang sikat na restaurant kasama ang mga family namin. That time naisip ko na na hindi na siya hihindi sa akin dahil kasama namin ang buo naming pamilya.  But to my surprise. She still say no. Ang sakit. Sobrang sakit. "I'm sorry, babe. Pero hindi pa talaga ako ready for this. Alam mo naman na ngayon palang unti-unting natutupad ang mga pangarap ko bilang isang sikat na modelo sa ibang bansa. Just wait more. Promise, pag ready na ako, I will give my whole yes to you." "Of course. I love you, and I understand." pilit ang ngiti ko ng mga oras na iyon. Pero ano nga bang magagawa ko? Mahal ko siya at handa akong maghintay hanggang sa pwedi na.  "I love you too, babe." We're been together for 9 years. Since college girlfriend ko na siya. Siya lang ang kaisa-isang babaeng bumihag ng puso ko at sa kanya ko nakikita ang sarili ko na ikakasal at magiging ina ng mga anak ko.  I'm Axel. Isa sa mga kambal na anak ni Alexander at Gabriela Alcantara. Apat kaming magkakapatid. Si ate Alexa ang panganay, kami ng kambal kong si Allen ang sumunod at bunso namin ay si Allaina. I'm 28 years old at sa akin ipinamahala ni dad ang aming company. Ang kakambal ko kasing si Allen ay walang hilig sa business, puro bulakbol ang inaatupag. Madalas kaming ikumparang dalawa, panay ang papuri nila sa akin which is hindi din naman ako natutuwa dahil alam ko nasasaktan ang kakambal ko tuwing ikinukumpara kaming dalawa. Sobrang close naman kami ni Allen hindi lang talaga kami pareho ng katangian. Pero magkasundong-magkasundo kami pagdating sa kalokohan.  Naalala ko noong may girlfriend siya nung highschool, bigla siyang nagkaroon ng chicken pox. Magkikita sana silang dalawa, pero dahil nahihiya siya na harapin yung babae, nagpanggap ako bilang siya. Naranasan na din naming magswitch ng klase. Pumapasok siya sa klase ko, ganun naman ako sa kanya. Ang mabuti na nga lang ay hindi kami nabuko.  Madalas talaga kaming napagkakapalitan, including our parents ay nagkakamali minsan. Kaya kami kasing gayahin ang kilos ng bawat isa. Kaya ko siyang gayahin kumilos at magsalita, ganun din siya sa akin. Pero ang balat sa dibdib ni Allen ang magpapatunay ng pagkatao namin. Si Allen kasi ay may balat sa dibdib, ako naman ay wala.  Nakailang girlfriend na din itong kakambal ko. Naalala ko nung minsan ay may bigla na lamang lumapit sa akin na isang babae at sinampal ako.  "Manloloko ka!" galit na sabi ng babae.  Nagulat ako sa asal ng babae. Napagkamalan niya akong Allen.  Ikinuwento ko pa sa kanya ang pangyayaring iyon sa kanya at talagang natawa pa siya.  "Thank you brother for saving me to that slap. Para naman maranasan mong sampalin ng babae. Si Pam kasi mukhang hindi gagawin sa iyo iyan." "Talagang hindi dahil good boy ako. Ikaw kailan ka ba magseseryoso? Tumatanda na tayo, dapat maghanap ka na ng babaeng pakakasalan. Look at me." Natawa pa siya bago sumagot.  "Para ano? Para mapahiya? Ewan ko ba kung paano mo pa natagalan si Pam. Ilang beses ka na niyang inayawan, nandiyan ka pa rin." "Mahal ko siya. At may dahilan naman siya kaya siya nag no. Kapag nainlove ka na maiintindihan mo ako kung bakit ako ganito." "No way." Today is our 9th Anniversary. Siguro naman sapat na ang ilang years kong paghihintay para mag yes na siya finally sa proposal ko. Nagpapasalamat din ako sa dalawa kong kapatid na babae na si Alexa at Allaina dahil sila ang nagdesign ng garden namin para sa proposal mamayang gabi. Alas dyes pa lang ng umaga ay nag-ayos na kami. Gusto ko kasi na engrande ang proposal kung ito. Mamayang 12pm ay susunduin ko siya sa airport galing Paris dahil sabay kaming magcecelebrate ng anniversary namin, iyon ang alam niya. Hindi niya alam na muli akong magpoprose sa kanya for the nth time.  Nang masundo ko siya sa airport ay dumeretso kami sa kanila. Siyempre himdi pwedi sa amin dahil bka makita niya ang surprise ko sa kanya. Tsaka napag-usapin din namin na sa bahay namin kami magcelebrate.  Pagkasalubong ko nga sa kanya sa airport ay kaagad ko siyang niyakap at hinalikan sa kanyang mga labi. Halos isang taon din kami hindi nagkita dahil busy siya sa modeling career niya. Lalo na ngayon na sikat na modelo na siya. Nangako din siya noon na titigil na siya sa pagmomodelo kapag natapos na niya ang kontrata niya sa Paris. Sobrang saya ko dahil wala ng hadlang sa aming dalawa. "I miss you, babe. Happy 9th Anniversary!" sabi ko sa kanya.  "I miss you too, babe. Happy Anniversary." tugon naman niya sa akin. " I have something to tell you. Pero later na lang." masayang tugon niya sa akin.  "Ano? Pwedi ngayon na. Naeexcite kasi ako e." sagot ko sa kanya habang nagmamaneho papunta sa kanila. "No. Later na lang." "Okay."  Bigla akong sumaya at nacurious kung anong sasabihin niya sa akin. Sa tono kasi ng pananalita niya ay parang good news ang sasabihin niya. Dahil doon mas lalo tuloy akong naging sigurado na thos time ooo na siya sa akin. I can't wait na isuotsa kanya ang singsing.  Sa kanila na ako naglunch kasama ang mama at papa niya. Only child lang siya kaya may pagkasunod sa layaw din itong girlfriend ko. Close ko na din ang mga parents niya, para ko na din silang mga sariling magulang. Actually, tuwing nirereject ako ng anak nila, isa din sila sa nagsasabi sa akin na intindihin ko na lang siya dahil sa pangarap niya. They always told me na mahalin ko lang lagi ang anak nila at huwag magsasawa. Of course, I do dahil mahal na mahal ko si Pam. Lahat kaya kong gawin para sa kanya. Handa ko siyang hintayin kahit gaano pa katagal.  "I'm happy for the both of you. So kailan na ninyo i-nenext level ang relationship niyo?" tanong ni tita Lory. Aware naman sila sa plano ko ngayon na pagpopropose sa anak nila mamayang gabi. "Anytime, tita." tugon ko sabay titig kay Pam. Nakangiti naman tumugon si Pam.  "Darating din tayo diyan, Ma."  "Bilisan niyo para mabigyan niyo na kami ng apo ng papa mo."  Humaba pa ang kwentuhan namin habang naglulunch. Marami din naikwento si Pam tungkol sa mga kaganapan sa pagmomodelo niya sa Paris.  Hindi ko pa din maiwasang hindi isipin ang sinabi niya sa akin na may gusto siyang sabihin. Gustong-gusto ko ng marinig ang mga sasabihin niya.  Katatapos lang ng aming lunch at pasado alas tres na din iyon. Alam ko pagod siya sa byahe kaya nasa kwarto niya kami at pareho kami nakahiga sa kama.  "Babe?" tanong ko sa kanya. "Tulog ka na ba?" "Hindi pa." Nakapatong ang ulo niya sa dibdib ko habang hinihimas ang kanyang buhok.  "Namiss ko ang ganito. Pero ngayon hindi na dahil araw-araw na tayong magkasama. Thank you dahil hindi ka na aalis." Hindi siya kaagad sumagot. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Umalis siya sa magkakahiga sa mga bisig ko at hinarapan niya ako.  "Babe." umpisa niya.  "Why?" "I have something to tell you." "Iyan ba ang sinasabi mo kanina na gusto mong sabihin sa akin?" Tumango siya sa akin. "Then tell me." "Promise hindi ka magagalit?"  Sa sinabi niyang iyon ay bigla akong kinabahan. Ano nanaman kaya ito.  "Di ba sinabi ko noon na after ng contract ko sa modeling agency ko, magreresign na ako." "Oo kaya nga ang saya ko e. Finally, magkakaroon na tayo ng quality time together." "I'm sorry babe. Before kasi matapos ang contract ko ay gusto akong kunin na main model ng FORD models sa fashion show nila. Babe, my gosh ang Ford Models ay isa sa pinakasikat na model agency tapos gagwin pa akong main model." "So you mean, pumayag ka?" disappointed kong tanong sa kanya.  "Babe, hindi ka ba masaya? Isa ito sa pinapangarap ko. Hindi ko pweding palampasin ang pagkakataong ito." "But you promise na titigil ka na. For our future."  "Babe, this will be the last. I promise." "Pam, ilang beses ka ng nagpromise, hindi mo naman tinutupad. Alam mo naman di ba na lahat ng gusto mo pumapayag ako. Pero sana naman maging priority mo din ako minsan." Uminit na ang ulo. Kanina ay sobrang saya ko pero ngayon parang bigla akong nabadtrip.  "I'm sorry babe. Pero I made my decision." "So nagdecide ka kaagad ng hindi sinasabi sa akin?" "Pam ano ba? Lagi na lang ba ganyan? Hanggang kailan kita hihintayin?" "Im sorry. Pero importante sa akin ito babe." "So ako hindi ako importante, ganon? Mas mahalaga pa ba iyang pangarap mo kaysa sa akin?"  Yumuko lamang si Pam sa mga sinabi ko.  "Ano bang mas mahalaga sa iyo? Ako o iyang pagmomodel mo?" Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas na loob na sabihin iyon sa kanya. "Pinapapili mo ba ako?"  "Oo!" pasigaw kong sabi sa kanya. Na kaagad kong pinasisihan. Hindi ko dapat siya sinigawan. Pero magkaganun man alam ko mahal niya din ako at ako ang pipiliin niya. Pero ang naging sagot niya ang nagpatigil ng mundo ko. "I'm sorry, babe. Pero hindi ko pweding palampasin ang pagkakataong ito." Napaluha na ako sa sinabi niya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at napasuntok ako sa pintuan sa sobrang galit ko.  Hindi na ako nagsalita pa bagkus ay lumabas na ako at dali-daling lumabas para umalis sa lugar na iyon.  Ang sakit. Parang ang hirap tanggapin na mas pinili niya ang pangarap niya kaysa sa akin. Pinaandar ko ang kotse ko paalis doon. Patuloy na tumutulo ang mga luha ko ng mga oras na iyon. Ng maimasmasan ako ng kaunti ay tinawagan ko si ate Alexa. Nakailang ring lang ito at kaagad niya ding sinagot. "Yes, brother. Anong oras kayo darating dito? Patapos na ang set-up namin. We're very excited.  "Alisin niyo na iyang lahat dahil wala ng proposal na magaganap." "Whattt?" ramdam ko ang pagkagulat ni ate sa mga sinabi ko.  "Nag-away ba kayo ni Pam?" "Hindi ko na itutuloy ang pagpopropose ko sa kanya."  Iyon lang ang sinabi ko at ibinaba ko ang phone ko.  Tumigil ako sandali sa pagmamaneho at itinabi ang kotse. Pinagsusuntok ko ang manebela ng sasakyan sa sobrang inis at galit ko.  Parang ang sakit isipin na hindi ako ganoon ka importante sa buhay ni Pam. Parang hindi ko na kaya. Mas maigi pa na mamatay na lang ako kaysa ganito. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

One Night with the Bachelor

read
7.1M
bc

My Godfather My husband

read
269.1K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Secret Wife (Filipino)

read
629.1K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook