bc

Billionaire Own's Me

book_age16+
104.1K
FOLLOW
805.6K
READ
love-triangle
contract marriage
one-night stand
escape while being pregnant
love after marriage
arranged marriage
CEO
drama
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

"Bakit may kasama kang babae? sabi mo ako ang mahal mo at hindi mo ako ipagpapalit kahit kanino. Binigay ko sayo ang lahat ng meron ako." Gusto kong matawa sa pinaggagawa ko.

"Who is she Leonardo?" Tanong ng babae, naguguluhang tumingin sakin ang lalaki.

"I don't know her Mika. Don't listen to her, she's crazy." Sabi naman ng lalaki sa babaeng mukha namang clown dahil sa kapal ng make-up.

"Ang kapal ng mukha mo, pagkatapos mong pagsawaan ang katawan ko ay itatapon mo nalang akong parang basura."

Halatang galit na ang lalaki pati narin ang babae.

"Let's just go Babe." Sabi ng lalaki pagkatapos ay hinawakan ang kamay ng babae.

I need to make my----, basta next move tayo. Paenglish english pa kasi ako hindi naman ako marunong.

"Where are you going? Iiwan mo ako, iiwan mo kami ng Baby natin." Kunwaring umiiyak na sabi ko. Sobrang nakakahiya ang pinag-gagawa ko, hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap pagkatapos ng iskandalong ito. "Im pregnant with your child, don't leave me please.

Gulat akong napatingin sa babae ng sampalin niya ng pagkalakas-lakas ang lalaki.

"I'm breaking up with you. Assh*le." At nagmartsa paalis ng bar ang babae.

'Yes, I win! Buti nga sa kanya.' Bulong ko sa sarili.

Dahan dahan akong umalis sa harapan ng lalaki nang tumalikod ito, patakbo kong kinuha ang gamit sa lamesa na inuupuan ko, kailangan kong makaalis sa lugar na ito nanganganib ang buhay ko dito.

---------

Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas ng bar.

Napangiti ako habang inaalala ang nangyari kanina, sigurado akong umuusok na ang ilong nang lalaking yun sa sobrang galit.

Naglakad ako papuntang sakayan nang may humila sa braso ko

"Where do you think your going Ms.?"

'OH NO! I KNOW THAT VOICE!' Mukhang ito na ang katapusan ko.

chap-preview
Free preview
Billionaire Own's Me
Christine's POV "TINE? Buksan mo ang pinto. Lumayas ka na sa bahay ko. Ang tagal-tagal mo ng hindi nakakabayad ng utang, Puro ka nalang bukas, bukas at bukas! Kaya ako laging minamalas dahil lagi kitang pinagbibigyan." Bigla akong napamulat ng sumigaw si Aling Leng. "Tine! Lumabas ka diyan at mag-impake ka na ng gamit mo." Dali-dali akong bumangon at tumakbo sa may pinto. Nabungaran ko si Aling Leng na nakabusangot at may hawak na pamaypay. "Goodmorning po Aling Leng." Nakangiting sabi ko, patay malisya kunwari. "Wag mo ako magoodmorning-goodmorning diyan Christine! Naku! Asan na ang pinangako mo kahapon?" Hays... Halos araw-araw nalang akong pinupuntahan ng matandang ito at sinisingil ng upa ng bahay. Wala naman akong maibigay dahil wala akong trabaho ngayon. "Wag naman po kayong highblood Aling Leng. Sige ka magkakaroon ka ng maraming wrinkles niyan. Sayang ang baby face niyong mukha." Pang-uuto ko sa matanda. "Ganun ba? Baby face pa ako? Eh ang dami ko na ngang wrinkles." Malanding sabi ng matanda. "Opo! Ang ganda niyo po kaya, At ni isa wala akong nakikitang wrinkles niyo." Kahit ang totoo ay punong-puno nang wrinkles ang mukha ng matanda, wala na ngang mapaglagyan eh. "Atsaka Aling Leng wala pa akong pera pambayad sayo, bukas pa po darating ang pera ko galing bangko, kaya easy lang po kayo, Patience is a virtue." "Siguraduhin mo lang yan Tine, kung hindi itatapon ko ang lahat ng damit mo sa labas." "Opo sigurado po ako." Nakangiting sabi ko, palagi namang ganyan si Aling Leng. Akala mo lang masamang tao pero hindi. Magiisang buwan na akong puro bukas pero andito parin ako. Konting uto lang yan. Umalis na siya sa harapan ko at sa ibang bahay naman nag-iskandalo. Sasarado ko na ang pinto ng biglang pumigil ang anak ni Aling Leng na si Bim. "Itaw ase ting, tabi ko tayo magpakatal na tayo, para maabayad na itaw ay Mom." May pagkango-ngo si Bim, matagal na siyang may gusto sakin. Sabi niya pakasalan ko na daw siya para may pambayad na ako ng utang ko sa mama niya. Pero ayaw ko nga. Mas gusto ko nalang maging matandang dalaga kesa magpakasal sa mukhang butete na si Bim. Puro absent pa ang ngipin niya kaya hirap na hirap magsalita. "Ikaw Bim ah... Umuwi ka na nga sainyo." Naiinis na sabi ko. "Itaw aman Tine, maal naman ita eh, pananautan ita." "Magsalita ka muna ng tuwid at magpakabit ka ng ngipin baka sakaling magustuhan kita." Bigla ko sinara ang pinto. Kainis talaga yang mag-inang yan eh, panira ng araw. Pinilit ko ulit maghanap ng trabaho sa araw na ito. Marami akong ginawang resume kung sakali. Tiningnan ko ang isang mataas na building. Ito na ang last chance ko, kahit janitor lang papatusin ko na, magkatrabaho lang. "Goodmorning po, mag-aaply lang po sana ako ng trabaho dito." Sabi ko sa matandang babae, mukha naman siyang mabait. "May resume ka bang dala hija?" Tanong ng babae kaya tumango ako. "Ito po." Mabilis kong binigay ang resume ko. "Okay, you're hired as janitor." 'Janitor talaga?' hindi ba pwedeng assistant? Mukhang pinagbigyan ng diyos ang hiling ko ah. Janitor nga napunta sakin. "Salamat po hulog po kayo ng langit." Masayang sabi ko. Ngumiti lang ang babae. "8:00 AM to 9:00 PM ang trabaho mo, maliwanag ba?" Mabilis akong tumango. "Magstart ka sa lunes at ayaw na ayaw ko ng late. Maliwanag?" Tumango ulit ako. Ang saya-saya ko may trabaho na ako. Sinabi rin ng babae kung magkano ang sweldo ko. Hindi ganun kalaki pero sapat na para pambayad ng utang at sa sarili ko. Nag-cr muna ako dahil ihing-ihi na ako. "Andiyan na daw si sir at mukhang galit na naman." "Oo nga eh. Baka mawalan tayo ng trabaho, kailangan natin mag-ingat." "Sayang ang kagwapuhan ni sir, lagi kasi siyang nakasimangot." "Oo nga eh, gwapo si sir at halos lahat ng babae ay maaaring magkagusto sa kanya." Yan ang pangunahing narinig ko sa paguusap ng mga babae. 'Sino kayang sir ang pinaguusapan nila?' Baka may-ari ng kumpanyang ito. Lumabas na ako ng cr. Palinga-linga ako sa paligid. Ang laki kasi talaga ng kumpanyang ito. Hindi ko mapigilang maamaze. "Ouch! f**k!" Napaupo ako sa sahig ng may nakabunggo ako. "Aray! Ang sakit ng puwet ko." "The f**k Miss??!! Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!" Galit na sabi niya. Alam ko naman na mali ko yun dahil hindi talaga ako tumitingin sa dinadaanan ko pero sana man lang tinulungan niya ako makatayo diba. Nakita ko yung matandang babae na naginterview sakin kanina. Siya na ang tumulong sakin para makatayo. "S-sir... We're really sorry po." Sabi ng matanda. Mukhang takot ito dahil nauutal siya. "Who is she?" Tanong ng gwapong lalaki. Hindi na rin ako nagsalita dahil titig na titig ako sa kanyang gwapong mukha. "Uhm... Bago po siyang janitress ng kumpanya sir." Mukha siyang isang demigod. Para tuloy gusto ko ng maniwala na may forever. "Then fire her." 'Ang gwapo niya talaga--- Pero wait! Ano daw? Fire me? Agad-agad? Hindi pa nga ako nagsisimula fire agad?' "But Sir---" "No buts Mrs. Quin" Tumango ang matanda sa harap ng lalaki. Noooooo! Don't tell me tanggal na ako kaagad sa trabaho?! "I'm sorry Miss, you're fired." Hindi ako nagsalita, naiiyak lang ako. Tumingin ako sa lalaki at nagtama ang mata naming dalawa. Hindi na pala siya gwapo. Masama ang ugali niya, kapal ng mukha niya. Sigurado ako na ito ang pinaguusapan ng mga empleyada kanina sa cr. 'Hindi kasi ako nagiingat eh.' "Alam mo sayang ka. Gwapo ka pa naman sana, masama naman pala ugali mo. Tse!!!" Mabilis ko siyang tinalikuran. Baka kasi biglang magpatawag ng guards at makulong pa ko. Lumabas ako ng building na nakabusangot. Uuwi nalang ako sa bahay. Malas talaga! ---------- Bubuksan ko pa lang ang pinto nang may sumigaw sa likuran ko. "SIS..." Ay punyeta eardrums ko! Nilingon ko ang sumigaw at nakita ko ang kaibigan ko. Sinalubong ko siya ng yakap. Nagpakarga pa ako sa kanya. "Sis namiss kita. San ka ba galing bakla ka?" Sabi ko sa kaibigan kong bakla. "Kararating ko lang galing Japan. Ikaw kaagad ang naalala ko, gimik tayo later! Namiss ko ang mga fafa sa mga kanto! Wala kasing tambay sa kanto ng Japan." "Baliw ka talaga! Hahaha sige go ako diyan." Pumayag ako dahil minsan lang naman may magyaya sakin na magrelax. Gusto ko rin makalimot sa kamalasang nangyayari sa buhay ko ngayong araw. ---------- Mabilis na nag-gabi kaya inayusan ako ng baklang ito. "Ganda mo na sis." "Bakit ba kasi kailangan magayos pa? Pwede naman ata naka-tsinelas lang." "Sapak gusto? Atsaka hindi tayo sa mga mumurahing bar. Sa makati tayo! Sa Ortigas! Sa Libis!" "Ganun?" "Oo naman. Naalala mo ba yung sinabi ko sayo noon? Sabi ko sayo pag naging mayaman ako lagi kitang itetreat." "Oo nga noh. Salamat sis ha." Sabi ko at niyakap ko pa siya. "Dami pang drama. Tara na nga! Wag kang lalayo sakin ha... Baka bukas hindi ka na virgin." At malakas na tawa niya. Nakarating na kami sa bar at s**t! Ang ganda at ang sosyal ng mga tao. Andami ring mga naka-suit pa. Halatang galing trabaho. Umupo kami sa malaking upuan. Nagorder na rin si bakla ng maraming pagkain at inumin. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan. May tama na nga rin ako dahil sa alak, tawa na rin ako ng tawa na para bang gusto ko na mag-asawa. May mga lumalapit din samin, pero dedma lang ako. Gusto ko lang mag enjoy at kalimutan ang darating na problema para bukas. Alam ko naman kasi kung ano gusto ng mga lalaking yan. Gusto nila makuha ang katawan mo at pagkatapos ay 'who you' ka na. Ayaw ko nga ibigay yung virginity ko sa kanila. Mas gusto ko maging matandang dalaga. Nakikipagflirt na rin si bakla sa ibang mga ka-uri niya kaya hinayaan ko nalang siya. Naiinitan na ako na para bang gusto ko ng maghubad. Lakas pala ng tama ng alak na ininom namin. Nilibot ko ang paningin ko ng makita ko ang lalaking nagtanggal sakin sa trabaho. May kasama siyang babae na mukhang model, bigla tuloy uminit ang ulo ko. Medyo tinitigan ko ang lalaki at sinigurado kong siya nga yun. Nakita ko siyang kausap ang babae na tila may binubulong. Biglang may kalokohang pumasok sa isip ko. 'Hahaha, sa wakas makakaganti rin ako sayo. Lintik lang ang walang ganti.' Lumapit ako sa lalaki at babae na naguusap. Kunwari ay tumingin muna ako sa kanila ng masama. "Walang hiya kang lalaki ka!" Pinagsusuntok ko pa siya para effective ang acting ko. "Akala ko... Akala ko ako lang! Akala ko ako lang ang mahal mo." Halatang naguguluhan sila. "Miss, are you on drugs? What the hell are you talking about?" Sabi ng lalaki. Hindi ako papaapekto sa kagwapuhan niya. Kailangan ko siyang gantihan sa pagtanggal niya sakin sa trabaho. "Bakit may kasama kang babae? Sabi mo sakin ako ang mahal mo at hindi mo ako ipagpapalit kahit kanino. Binigay ko sayo ang lahat ng meron ako." Gusto ko tumawa dahil sa pinaggagawa ko. "Who is she Leonardo?" Tanong ng babae at naguguluhan naman ang lalaki. "I don't know her Mika. Don't listen to that girl. She's crazy." Sabi ng lalaki sa babaeng mukha namang clown dahil sa kapal ng make-up. "Ang kapal ng mukha mo! Pagkatapos mong pagsawaan ang katawan ko ay itatapon mo nalang akong parang basura." Halatang galit na ang lalaki pati narin ang babae. "Lets just go babe." Sabi ng lalaki at hinawakan ang kamay ng babae. I need to make my---, basta next move tayo. "Where are you going? Iiwan mo ako? Iiwan mo kami ng baby natin?" Kunyaring umiiyak ako. Sobrang nakakahiya ang pinaggagawa ko. Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap pagkatapos ng iskandalong ito. "I'm pregnant with your child. Don't leave me please. Gulat akong napatingin sa babae ng sampalin niya ng pagkalakas-lakas ang lalaki. "I'm breaking up with you. Asshole." At nagmartsa paalis ng bar ang babae. 'YES! I win! Buti nga sa kanya.' Sabi ng isip ko. Maya-maya umalis na ako sa harapan niya nang tumalikod siya at patakbo kong kinuha ang gamit ko sa table namin. Kailangan ko ng umalis sa lugar na ito dahil nanganganib ang buhay ko dito. Nakahinga ako ng maluwag ng makalabas ng bar. Pangiti-ngiti pa ako habang inaalala ang nangyari kanina. Sigurado akong umuusok na ang ilong nang lalaki sa sobrang galit. Naglakad ako papuntang sakayan ng may humila sakin. "Where do you think you're going Miss?" 'OH NO! I know that voice!' ---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- AUTHOR'S NOTE: Thank you for reading my story. Dont forget to like and comment.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Hot and Sexy Baby Maker

read
450.6K
bc

The Young Master's Maid

read
748.1K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
88.7K
bc

Married By Mistake

read
170.1K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
438.9K
bc

Marrying My Fiancee

read
460.5K
bc

That Professor is my Husband

read
504.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook