bc

WANTED: Prince Charming

book_age16+
880
FOLLOW
3.7K
READ
love-triangle
possessive
second chance
drama
comedy
bxg
campus
school
nurse
like
intro-logo
Blurb

Aiko Reyes is a die-hard fan of pocketbooks. Her life revolve around her beloved books and her favorite prince charming. Until she entered a University where she got the slice of a real life romance.

Will she find the right guy for her and have a blissful ending like the books she read? Or face the tragedy of experiencing the true meaning of love?

Disclaimer: Names, characters, places and events in this story are from the author's imagination. Any resemblance to actual person or event is purely coincidental.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
I sighed dreamily habang mabilis ang galaw ng mga mata ko. Pabalik balik mula kaliwa papuntang kanan. Pakiramdam ko ay sa bawat katagang nababasa ko ay parang mangingisay ako sa kilig. Paano ba naman kasi. Ang napakasungit na male lead ng story na binabasa ko ay ganoon pala ka-sweet kapag na-inlove.  Mabilis kong itinakip ang libro nang tuluyan na akong nangisay “Homaygash!” bulalas ko habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay ko dahil pakiramdam ko ay kinakapos ako ng paghinga.  I breathed in and out to calm myself down. Papuntang c****x pa lang ako pero parang mababaliw na ako. Ito na kasi ang pinakahuling libro na ire-release sa series na binabasa ko. Tapos favorite character ko pa bida, kaya kung mapapansin ninyo ay bida rin ang saya ko. Hello! Ilang taon kaya ang hinintay ko para lang dumating ako sa puntong ito kung saan binabasa ko na ang story niya. Hindi pa nga ako nireregla noon nung ni-release ang first book tapos siya agad napansin ko. Ngayon SHS na ako sa susunod na pasukan and finally tungkol sa kaniya na nga ang binabasa ko. Around 5 years din! Ilang minuto rin ang lumipas at nang pakiramdam kong ready na ulit akong magbasa ay narinig ko si Mama mula sa baba “AIKO!” dumadagundong sa buong kabahayang sigaw niya na sinundan pa ng “BUMABA KA NA DITO!”  ‘Naman eh! Kung kelan nasa c****x na ako ng story doon pa ako inutusan! Hindi lang naman ako ang anak ni Mama pero bakit ako na lang palagi?’ pagmamaktol ko sa isip.  “Babalikan kita” madamdaming sabi ko at hinimas pa ang cover ng libro pagkatapos ay mabigat sa loob na pinatong iyon sa study table ko na nasa tabi lang ng kama.  Agad akong tumalima nang marinig ko na naman si Mama “HINDI KA PABA BABABA DIYAN AIKO?!” may babala sa boses nito na dinagdagan pa ng “HUWAG MO AKONG HINTAYING UMAKYAT DIYAN!”  Bilang masunuring anak na takot sa nanay ay agad akong tumayo  Walang ingay akong napanganga at sumigaw kahit wala namang boses nang rumehistro ang sakit ng napulikat kong binti.  ‘Nako, mukhang mapapalo ako neto ah’ Iyon agad ang nasiip ko dahil advance ako mag-isip.  Humawak ako sa pader para suportahan ang sarili ko at tumalon papuntang pinto. Hindi sinasadyang napakagat ako ng dila nang maramdaman ko ang pangingilo ng paa ko kahit sa simpleng pag talon ko lang. Parang lantang gulay tuloy akong napasandal sa hamba ng pinto habang hindi sure kung ano ang sakit na unang dadamhin ko. Ang paa ko ba or dila? ‘Takteng buhay naman ‘to oh. Napulikat na nga, mukhang dumudugo pa ang parte ng dila ko’ Isip ko nang may malasahan akong mapait. Parang pinagbagsakan naman ako nang buksan ko ang pinto  at nakita si Mama na naka pamewang sa bandang hagdan namin. I raised both my hands in an attempt to calm her down and explain. Pero sa isang kisap lang ng mata ko ay nasa harap ko na siya at hawak ang tenga ko “A-aray! Mama! Napulikat ako!” Nasasaktang sabi ko habang kinakaladkad niya ako pababa ng hagdan. Napansin ko naman na nakasilip mula sa sarili niyang kwarto  ang nakababata kong kapatid na si Toby.  “Anong tinitingin mo diyan?” walang boses na sabi ko at pinanlakihan pa siya ng mata. Kita mo ‘tong anak na 'to ni Melinda, hindi lumalabas ng kwarto at puro laro pero kung may chismis or pinapagalitan ako lumalabas. Napairap ako sa ere nang dinilaan lamang niya ako at tuluyang sinarado na ang pinto.  “Ikaw na bata ka. Kanina pa kita tinatawag ni sagot wala. Simpleng pagsaing lang hindi mo pa magawa. Kahit maghugas o magwalis lang dito sa paligid natin wala rin. Ano ako na lang ba ang gagalaw sa bahay na ‘to? Ano na lang gagawin niyo kung wala ako?!” Mahabang litanya ni Mama. Napahiyaw ako nang mas lalong niyang diniinan ang pagkakapingot sakin bago padabog na binitawan ako. Nanghahaba ang ngusong sinapo ko naman ang nasaktang tenga. Pakiramdam tuloy ay  may exclusive na El Niño sa tenga ko. Sobrang init kasi.  “Napulikat nga po kasi ako” Medyo iritado nang sagot ko na ikinadikit ng kilay niya.  “Aba’t-!” Walang pagdadalawang-isip na inabot ko ang nananahimik na walis sa tabi at binigay ‘yon kay Mama. Kagaya ng sinabi ko ay advance akong mag-isip. Kaya kusa na rin akong tumalikod.  “Oh. Ayan na Ma. Ready na po ako. Huwag na po nating patagalin 'to at dito rin naman po tayo hahantong” Matapang na sabi ko mariing napapikit habang hinihintay ang tama ng bagyong Melinda-este ni Mama pala. Huli na nang ma-realize ko ang ginawa ko pero there’s no turning back now. Feeling ko tuloy parang ginawa akong sacrificial lamb ng sarili ko din. Sino ba naman ang nasa tamang isip ang kusang magpapapalo? Pero kasi advance akong mag-isip eh! Alam kong iyon ang mangyayari sa akin kaya ang ginawa ko, inunahan ko lang.  Lumipas ang ilang segundo pero wala pa rin akong nararamdamang sakit sa pang-upo ko  kaya napakagat ako ng ngipin dahil pakiramdam ko talaga ay mangyayara na.  Another moment passed at wala pa rin. Dahan dahan akong nagmulat ng kaliwang mata na sinundan ng kanan at nilingon si Mama. Napanganga ako nang makita siyang nasa harap ng kalan at nagluluto.  “Mama naman eh!” Napapadyak ako.  Imbis na malungkot na hindi ako nakatanggap ng palo ay nanghinayang ako. Malalim akong napabuntonghininga habang nanghihinayang sa lahat ng effort kong lipunin ang lahat ng courage, fighting spirit and strength sa kabayanihang ginawa ko pero hindi manlang nabigyan ng justice.  “Magsaing ka na. Bago pa ako magalit at ikaw ang isaing ko” Pinal na utos ni Mama.  Isang beses pa akong malalim na napabuntong hininga dahil pakiramdam ko ay hindi pa rin ako maka move. Naiiling na tinahak ko ang direksyon kung saan nakapatong ang kaldero namin. Oh diba old style? Ganiyan basta masipag, sa kaldero nagsasaing.  Pagkatapos kong hugasan ang bigas at lagyan ng tamang halaga ng tubig ay isinalang ko na ‘yon sa kalan. At dahil feel na feel kong maging mabuting anak ngayon ay nagwalis na rin ako ng sahig. Nagpunas na din ako ng paligid at sinampay ang nilabhan ni Mama na damit.  'Syempre pa good shot din  para hindi na niya ako utusan mamaya' Tamang tama namang naluto ang kanin pagkatapos kong gawin ang lahat ng iyon. Inunahan ko na si Mama at ako na ang nagsukad ng kanina at ulam. Hinanda ko na rin ang mesa, pinggan at kubyertos.  “Kain na!” Yaya ko sa kanila pagkatapos kong maghanda. Ilang segundo kong pinakiramdaman ang paligid pero ni isa sa kanila ay walang bumaba kaya nagkusa na akong umakyat. Una kong pinuntahan si Mama at naabutan siyang tawa ng tawa sa pinapanood na J-Drama. “Ma kakain na po” Yaya ko sa kaniya.  “Teka tatapusin ko lang ‘to” Sagot niya na hindi at hindi manlang ako tinapunan ng tingin. Sunod ko namang tinungo ang kwarto ni Toby at akmang bubuksan ang pinto kaso naka lock iyon. Kumatok ako ng tatlong beses at dinikit ang tenga ko sa pinto.  “Saranghae, Oppa. Neol neomunado saranghae” Hindi makapaniwalang pinukol ko ng tingin ang pinto as if si Toby mismo ang kaharap ko.  ‘Nako sinasabi ko na ngaba eh. May naamoy talaga akong hindi maganda sa kapatid ko eh. Makatawag sa pocket book ko na pangbabaeng laon kala mo naman may papatol sa kaniya' Isip ko habang pababa ng hagdan.  At dahil pareho naman silang busy ay napagdesisyunan kong mauna na lang akong kumain para mahugasan ko na ang pinggan ko at makabalik na ako sa pagbabasa. Halos hindi ko na nginuya ng maayos ang kinakain ko dahil sa excitement.  “Oh. Kumain ka na?” Tanong ni Mama nang nakasalubong ko siya habang paakyat ako.  “Op-” “Saan ka pupunta?” putol niya sa akmang sasabihin ko.  “Sa kw-” “Huwag ka munang umakyat sa kwarto mo. Tulungan mo akong gumawa ng fruit salad. Dadalhin natin sa bahay ng Tita mo. Fiesta ngayon sa kanila” putol nanaman niya. Mariing naglapat ang labi ko dahil sa ginawa niya pero agad ding natigilan.  “Teka. Sila ang may fiesta tapos tayo pa magdadala ng pagkain? Diba dapat makikain lang tayo?” Usisa ko habang naka buntot kay Mama.  “Huwag ka nang magreklamo. Simulan mo na lang hiwain ang mga prutas para I-mix na lang natin pagkatapos kong kumain” pinal ang boses na sabi niya. Naiwan naman akong mangiyak-ngiyak at nagpipigil na magwala dahil mukhang matatagalan pa bago ako makapagbasa ulit.  -- ✘ R E A D ✘ ✘ C O M M E N T ✘ ✘ F O L L O W M E ✘

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
63.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook