bc

College Series 3 : Vibrant Violet (R18 Tagalog)

book_age18+
5.1K
FOLLOW
43.3K
READ
badgirl
aloof
bitch
comedy
campus
city
school
like
intro-logo
Blurb

Violet, the vibrant, vivacious, naughty BS Marketing student meets the geek, naive and studious Aviation— Kazuhiko Eli Ferrer in a dating app.

She was into guys that she could proudly flaunt with her friends and in the university.

And Kazuhiko, was not that type of guy— braces, smart ass and innocent! Hindi ganoong lalaki ang pinapatulan niya.

Pero totoo nga ata ang kasabihang digital ang karma!

Because in a twisted turn of fate, Violet and Kazuhiko, found themselves entangled in a complicated situation called; FÙCK BUDDIES…

chap-preview
Free preview
Prologue
"Congratulations, Baks!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng matinis na tili at nakitang humahangos palapit sa kinaroroonan kong stall si Gardo, ang kaibigan kong beki. Naka-assign siya sa stall namin malapit sa entrance ng mall at tiyak na nakarating na sa baklang 'to ang magandang balita kaya sinugod pa talaga ako. "Ikaw na talaga! Gaga!" Hinampas niya ang buhok ko paghinto sa aking harapan. "Ikaw na naman ang top agent for this month! Grabe!" Ngumisi ako at mayabang na ikinibit ang aking mga balikat. "Well... hindi ka pa sanay?" "Shutanginames, bruha! Na sa 'yo na ang lahat! Ganda, katawan, alindog! Pati ba naman datung!" "Ganda ang puhunan sa trabaho natin, Baks. Kapag mukha ka bang langib sa tingin mo papansin ka ng mga potential client? Malamang hindi!" Apat na taon na akong nagtatrabaho bilang agent sa Buenvista Development Corporation. At nitong mga nakaraang buwan nga ay para akong tumama sa lotto dahil sunod-sunod ang naibenta kong condo unit. Monthly akong kasama sa top agent plus may incentives pang nakukuha. Malaki-laki rin 'yon. Kaya mula sa mga kinita ko ay nakabili na ako ng sasakyan. Ang plano ko naman sa susunod ay bumili ng bahay kung papalarin. Para hindi na kami umuupa nila Mama at ng mga kapatid ko sa apartment. "Ganda?" Napalingon kami ni Gardo sa biglang paismid at tonong kontrabida na nagsalita mula sa likuran. Nakita namin ang pagtsitsimisan si Kristine at Jamille. Mga agent rin sila. Alam ko kaagad na ako ang pinag-uusapan nila. Obvious naman. Sa akin sila nakatingin. "Sus, maniwala ka diyan na malinis ang gawain niyan para makabenta ng unit!" Nanghahaba ang ngusong pinagkrus ni Jamille ang mga braso sa dibdib. "Take note sunod-sunod pa! Hindi 'yon swertehan lang! Talagang may kababalaghan, di ba?“ "Ang tanong, Marecakes! Ano naman kayang kababalaghan ‘yon!" Panunulsol pa ni Kristine. Sa lakas ng boses ng dalawang bruha pati mga agent sa ibang stall napalingon na at nagsimulang magbulungan habang nakatingin sa akin. Naningkit ang mga mata ko. "Alam mo, Baks, kapag inggit pumikit na lang, pwede? Kaya hindi makabenta, paano puro tsismis sa buhay nang may buhay ang inaatupag!" Paborito talaga akong agahan, tanghalian at hapunan ng mga bruhang 'to sa tsismis. Palibhasa kepapanget na nga, hindi pa makabenta ng condo! Inggit na inggit tuloy sa ganda at skills ko. Hindi ko rin sila masisisi. Mula pa sa pagkabata, pansinin na talaga ang itsura ko. Maraming kumukuha sa 'kin maging muse sa mga paliga ng basketball at extra model sa mga commercial. May foreign blood kasi ako. British ang tatay ko habang half Japanese naman si Mama. At ewan ko ba rito sa Pilipinas, kapag half blood, kung hindi katutuwaan, kinaiinggitan naman! Saan ba ako lulugar? "Feelingerang, assumera ka naman! Anong kaiinggitan namin sa maruming gawain?" "Anong sinabi mo?" Tumikwas ang magkabilang kilay ko at pasugod na sana sa bruhang si Jamille pero pinigilan ako ni Gardo. "Naku, Mamsh!" Hinawakan niya ang braso ko at hinila palayo. Kilala na ‘ko ng baklang 'to na ayoko sa lahat 'yong inaapi ako! At pinagbibintangan ako sa bagay na hindi ko naman ginawa! At lalong walang proweba! “Huwag mo na patulan 'yan! Wag kang bumaba sa level ng mga kutong kepyas 'yan!" "Huh? 'Yan kutong gumagapang sa lupa!" Bwelta ni Kristine. “Ay mga kliyente pala ang ginagapang!” Pinupuno talaga ng mga babaeng 'to ang pasensya ko. “Halika rito! Nang maingudngod ko 'yang mukha mo sa lupa!" Nahablot ko na sana ang buhok ni Kristine kaso biglang dumating 'yong head namin at Nang-gagailiti siyang pumagitna sa aming apat. "Anong nangyayaring kaguluhan dito? Hindi na kayo nahiya sa mga dumadaan!" "Ayan si Masiksik ang nanguna, Ma'am!" Pambibitang ni Jamille habang dinuduro ako. Nainis na naman ako at susugod sana ulit! Pero humarang si Madam Glenda. "Enough! Kapag hindi kayo tumigil pare-pareho ko kayong sususpendihin!" Nanghahaba ang ngusong nagtago sa likod ni Kristine ang nakahalukipkip na si Jamille. Bubulong-bulong pa! Ang sarap dukutin ng nguso. Pinilit ko na rin huminahon. Ang pagiging agent ang bread and butter ko bilang tagapagtaguyod sa nanay at mga kapatid ko. Hindi ako pwedeng matanggal sa trabaho. Baka pulutin kami ng pamilya ko sa kalsada. "Now, can we all go back to work?" Sabay-sabay kaming napipilitan na tumango. "Ayoko nang maulit pa ito. Hindi talaga ako mangingiming alisin kayo. Kahit top agent pa," huling babala ni Ms. Glenda bago tumalikod at naglakad paalis. "Narinig mo 'yon, Kristine! Hah! Walang silbi ang pagiging top agent kung ugaling squammy!" Umismid ako. "Coming from you, na nakatira sa gilid ng creek?" Nag-usok kaagad ilong ang niya. Naiiling na inirapan ko na lang ang dalawang bruha. Ano bang mapapala ko kapag pinatulan ko ang Boba na 'to! "Halika na nga, Baks!" Hinila ko na si Gardo sa manggas ng damit. "May reunion pa akong pupuntahan mamaya." Ayokong magmukhang stress. May girls night out kami ng mga kaibigan ko mamaya. Dumating kasi si Friday galing Canada. Nag-halfday na lang ako para hindi masyadong haggard. Papasok ako sa gate nang makasalubong ko namang papalabas ang dalawa kong kapatid na babae si Lavander, second year high school at ang bunso namin na si Peachy, first year. Ewan ko ba sa nanay namin kung anong trip sa buhay at kulay ang ipinangalan sa amin! Mabuti pala hindi kami pitong magkakapatid kundi, rainbow ang labas namin nito. "Saan ang punta niyo?" Kunot noong pinasadahan ko ng tingin ang suot nilang maong na shorts at crop top na may design ng grupo ng isang kpop artist. "Diyan lang sa tindahan, Ate. Inutusan kami ni Mama bumili ng magic sarap tsaka tomato sauce," sagot ni Lavander na panay ang tipa sa cellphone. "Inutusan..." nagdududang pinameywangan at tinaasan ko sila ng kilay. "Magpalit nga kayo ng short sa loob! Ang ikli-ikli niyang mga suot niyo! Kita ko na nga 'yang maitim mong kuyukot, Peachy." Kaagad nitong sinilip ang likuran at ngumuso. "Hindi naman maitim, eh!" Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Joke lang 'yon syempre. Wala atang maitim sa amin. Lahat kami mana kay Mama na kutis artista noong kapanahunan niya. Kahit sa subdivision na kami nakatira ngayon, hindi pa rin talaga nawawala ang mga tambay at nag-cacatcalling sa kanto. Ayokong maranasan ng mga kapatid ko yong pambabatos ng mga kupal na 'yon. Kaya rin pinursige kong makabili ng kotse para hindi na ako nag-co-commute at nakikita pagmumukha ng mga panget na 'yon. Malakas na tumawa si Lavander. "Maghilod na kasi, beh!" Hinampas ito ni Peachy sa likod. "Hindi naman kasi! Baka 'yong sa 'yo maitim! Pati nga singit mo, eh!" "Aray ko ah!" Napaubo si Lavander at aktong gaganti sana nang sumungaw si Mama sa pinto at nakita kaming nagtatalo-talo rito sa may gate. "Aba, bakit nandiyan pa kayo? Kailangan ko na 'yong tomato sauce! Yung Ate niyo papauwi na—" natigilan si Mama nang mapansin ako. "Oh, nandito na pala Ate niyo. Lumarga na nga kayo! Naku, nasunog na ata niluluto ko!" Natataranta na itong bumalik sa loob. Binalingan ko naman ang dalawa kong kapatid. "Magpalit na kayo. Kundi sasamain kayo sa akin," pagbabanta ko pa bago pumasok na rin sa loob ng bahay namin. Nagdadabog na sumunod naman 'yong dalawa at napipilitang patungan ng jogging pants ang suot nilang maikling shorts. "Oh, sabi ko bumili na kayo, ah? Bakit nagpalit pa kayo ng damit?" Puna ni Mama paglabas no'ng dalawang sambakol ang mukha galing sa kwarto. "Si Ate, Ma! Kita na raw kuyokot namin!" Nanunulis ang ngusong sumbong ni Peachy. "Nagsusuot rin naman siya ng shorts!" Bubulong-bulong na gatong ni Lavander. "Anong sinasabi niyo diyan?" Baling ko sa kanila paglabas ko ng banyo. Akala siguro 'di ko sila narinig, ah. Natakot kaagad sila sa akin at nagmamadali nang lumabas ng bahay. Pumunta naman ako sa kwarto ko. Sapat lang sa aming apat ang laki nitong inuupahan naming bungalow apartment. Dalawa ang kwarto kaya magkakasama sa isang kwarto si Mama at 'yong dalawa ko pang kapatid. Ayoko nang umupa ng malaking bahay. Nag-iipon na rin naman kasi ng pambili ng sarili namin. Sa ngayon, tiis-tiis muna kami rito. Actually, mas maayos pa nga ito kumpara sa dati naming tirahan. "Bakit ka nag-half day, anak?" Sumilip si Mama sa loob ng kwarto ko. "Masama ba pakiramdam mo?" "Hindi, Ma. Magkikita-kita kami mamaya nila Genesis," hinubad ko ang uniform kasama na bra ko saka hinablot ang malaking tshirt na paborito kong pambahay. Mababa ang kisame nitong apartment namin kaya mainit. "Dumating si Friday galing Canada." Namilog ang mata ni Mama. Ilang beses na ring pumunta sa dati naming bahay sa Tondo sina Genesis. Ayoko nga silang papuntahin kasi maraming gago roon. Pero mapilit sila. At kahit sa squatters area lang kami nakatira noon, hindi sila nandiri sa akin. "Talaga! Si Friday 'yong kulot na nagsama noon ng matangkad na lalaki 'di ba? Basketball player ata 'yon? 'Yong kamuntikan pang mapaaway sa mga sumisipol sa inyo na tambay sa kanto natin." Umupo ako sa single bed, hawak ang aking cellphone. "Oo, Ma. Siya 'yon. Yung pinaka-maliit sa 'min." Balak ko munang umidlip. Maaga pa naman. Para rin may energy ako. "Tapos si Jane 'yong tahimik na mukhang mabait, di ba?" "Oo, Ma." Napakamot ako sa batok pagkatapos ko i-alarm ang cellphone. Patuloy pa rin sa pagdaldal si Mama. Umupo pa talaga sa tabi ko. "'Yong volleyball player na nabuntis no'ng sikat na partner ni Yvette ng Levette." "Ows? Di nga?" Ilang beses ko nang kinuwento 'yon sa kanila. Hindi naman sila naniniwala. Akala imbento ko lang 'yon. Sabagay, sino nga namang mag-aakalang suswertehin pa ang gagong 'yon pagkatapos ng mga ginawa kay Jane? Hindi man lang kinarma. Umirap ako at kinuha ang wallet sa loob ng bag ko. Alam ko naman ang dahilan bakit ako chinichika ni Mama. "Anong kailangan mo, Ma?" Alanganin itong ngumiti at napakamot pa sa ulo. "Wala na kasi tayong gas." "As in ubos na?" "Hindi pa naman ubos. Pero malamang mamaya lang tigok na 'yon. Mahina na 'yong apoy, eh." "Sabi ko naman sa inyo kahit hindi pa nauubos 'yong gas, sabihan niyo na ako para makabili kaagad at may stock tayo riyan." Napapailing na dumukot ako ng ilang daan sa wallet ko. "Naisip ko kasing marami ka ring gastusin. Kabibili mo lang ng sasakyan..." "Ma, basta importante at pagkain sabihin niyo kaagad sa akin." Dinagdagan ko ng ilang libo ang kinuha ko sa wallet bago inabot kay Mama. "Grocery meron pa ba? Yung mga bills dumating na?" "Kabibili lang natin last week ng grocery. Yung bills bayad na, di ba?" Ibinulsa niya ang pera at niyakap ako sa leeg ng mahigpit. "Thank you, Anak." "Ma!" Lukot ang mukhang reklamo ko. Tinawanan lang ni Mama ang reaksyon ko. Sa pamilya namin hindi uso 'yong nakikita ko sa mga kaibigan ko na naglalambing, yayakap at hahalik sa parents nila. Elementary pa nga yata ako no'ng huling beses kong sinabihan ng I love you si Mama. Hindi dahil, hindi ko siya mahal. Hindi lang talaga ako showy. Ang korni kasi. "Kayo talagang mga anak ko ang kayamanan ko, eh." "True ba 'yan, Ma?" Sinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Mama at tiningnan ko siya. "Oo naman. Ayos na sa akin kahit wala akong katuwang sa buhay. Mahalaga nandiyan kayo ng mga kapatid mo." Tatlo lang kaming magkakapatid at magkakaiba ang tatay namin. Dating entertainer si Mama sa isang high end club sa Morato noong kabataan niya. Ang laki nga raw ng take home niyang pera galing sa mga tip ng mga costumer na paborito siya. Mayaman na nga sana si Mama dahil handa raw itong pakasalan nung matandang mayaman na nagkagusto rito. Kaso lang pinairal ang puso. Not once, but thrice! Kun 'di ba naman malaking katangahan 'yon. Ayon ang hayup na tatay namin,. Daig pa namin noon ang namamalimos para sa kakarampat na halaga. Ngayong kaya ko na silang buhayin, gusto kong isampal sa pagmumukha ng walanghiya ang abuloy na ibinigay sa amin noon. Pinipigilan lang talaga ako ni Mama. Ngumuso ako. "Sus... peksman? Keri ng petchay na walang dilig, Ma?" Napakamot ako sa ulo ng bigla na lang akong batukan ni Mama bago siya tumayo at maglakad papunta sa pinto. "Mabuti na lang talaga at nagmana ka sa ganda ko. Ewan ko na lang paano ka pa nakakabenta ng condo sa bibig mo na 'yan, Violeta." "Ambatot naman! Kadiri! Binuo pa talaga!" Humiga na ako sa kama. Lumabas naman si Mama ng kwarto ko. "Gisingin mo ako, Ma! Kapag 'di ako bumangon sa alarm after 5 mins!" "Ewan ko sa 'yo! Bahala ka buhay mo!" Rinig kong sigaw niya sa labas. Natawa na lang ako at pumikit na para matulog. Nagising naman ako sa alarm. Kumain ako bago naligo. Sigurado kasing finger foods lang ang lalantakan namin sa bar mamaya. Mas mauubos ang oras namin sa chikahan. Ang tagal naming hindi nakasama si Friday. Sa chat lang namin siya madalas makausap. Si Jane minsan dinadalaw at pinapasyalan ko kasi inaanak ko si Laura. Pagmumukha lang ni Genesis ang madalas ko pa ring makita. Pinupuntahan kasi no'n madalas sa pwesto namin sa mall tapos magyayayang uminom. "Ate!" Rinig kong sigaw ni Lavander mula sa salas. Sa lakas ng bunganga niya parang abot na 'yon sa kalsada. Pinatay ko ang blower na ginagamit kong pang kulot sa dulo ng buhok at ibinalik sa drawer. "Ano!" "Nandiyan na 'yong Grab mo!" Dinampot ko ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng drawer at nabasa ang chat ng driver. Nag-retouch pa ako ng lipstick at blush on. One final turn sa harapan ng salamin, dinampot ko ang clutch bag sa kama saka lumabas ng kwarto. Naabutan ko sa salas ang dalawang kapatid ko nag-cecellphone sa sofa. "Hoy, tulungan niyo si Mama sa mga gawain dito sa bahay. Huwag kayong puro cellphone!" Yumuko ako para ikabit ang strap ng heels ko. "Yes, Madam Violeta!" Sabay na sagot nila sa akin. Umirap lang ako tsaka lumabas ng pinto. "Ma! Alis na ako!" "Ingat ka, Anak!" Pahabol ni Mama na inihinatid ako ng tanaw hanggang sa makasakay sa Grab car na naghihintay sa tapat ng bahay. 7PM nakarating ako sa Eksclusive kung saan nagpa-reserve si Genesis. Pagpasok ko sa loob ng bar sinalubong kaagad ako ng waiter. Kilala na kami rito ni Gene. Ito kasi ang "Go to" place namin kapag gusto naming uminom. "Reservation ni Genesis, Tim," nakangiti kong imporma sa lalaking nakasuot ng long sleeves white na pinatungan ng chalecong itim. Kilala ko na mga waiter dito. "Dito po, Ma 'am Vi," nanguna na siyang lumakad, hinahawi 'yong mga taon sa dinadaaranan namin para hindi ako matamaan. Napangisi ako nang mapansing namumula ang pisngi ni Tim paghatid sa akin sa table namin sa second floor. "Thank you, Tim!" Matamis ko siyang nginitian sabay pinisil sa braso. Lalo siyang namula. Lalo naman akong nasiyahan. Hindi sa pagiging assumera, karamihan sa waiter at staff na lalaki ng bar na 'to may crush sa akin. "A-Ah... may order na po ba kayo, M-Ma' am?" "Hmmm..." umupo ako at maarteng pinagkrus ang mga hita ko. Sinadya ko talaga 'yon para tumaas pa ng kaunti ang suot kong maiksing dress. Hindi ko pa nasasabi ang order ko nang dumating si Genesis. "Two margarita, Tim!" Nakangiting sabi niya sabay natatawang umupo sa tabi ko pag-alis ng waiter. "Thirsty much?" Nagkibit ako ng balikat. "Though I'm not in the mood for flirting..." for years now. "He's kinda cute!" "Not in the mood your face!" Tumatawang siniko niya ako. "I noticed... ang hilig mo pa rin sa chinito!" Itinirik ko ang mga mata ko at sumalong-baba. "Ikaw nga hilig mo pa rin sa mysterious na palaging nakasuot ng black leather jacket, big bike—" Tinakpan niya ang bibig ko. "My god... too much details!" Ngumisi ako pagkatapos ko alisin ang kamay niya. "Bakit na-mi-miss mo, ses?" "Of course not!" She smiled at me mischievously. "Baka ikaw... Don't you deny it! Here's the evidence!" Sabay itinaas niya ang kaliwang kamay ko kung saan may suot akong lumang bracelet. Mabilis kong binawi sa kaniya ang kamay ko sa kaniya at hinawakan 'yon ng kabila kong kamay. Nag-iba ang expression sa mukha ni Genesis. Lumambot at nabahiran ng pakikisimpatya. Umiling ako bago pa niya maibukas ang bibig. Sakto rin natanaw ko si Jane na palinga-palinga sa paligid na parang naliligaw na batang hinahanap ang nanay niya. "Oh, nandiyan na pala si Jane." Tumayo ako at itinaas ang isang kamay. "Levi!" Ang bilis niyang lumingon. Natawa ako nang makitang nakakunot ang noo niya paglapit sa table namin. "Levi, huh?" Umupo siya harapan namin ni Genesis. "Ikaw, Kazuhiko Ferrer..." Ang lakas ng tawa ni Genesis. "Ouch! Three points, Peralta 07!" "Tangak! Sa volleyball kasali 'yan hindi sa basketball!" Napailing ako. Si Genesis hindi pa lasing pero parang lasing na. Hindi ko na nagawang gumanti sa pang-aasar ni Jane nang dumating na ang start of the night. Walang iba kundi si Friday na asual late! Hindi pa rin nagbabago ang kulot na 'to! "Ah! I missed you, girls!" Tili niyng at isa-isa kaming niyakap. Bumaba ang tingin niya boobs kong kitang-kita ang cleavage. Nagsuot talaga ako plunging neckline para inisin siya lalo. "I know right," iniliyad ko ang aking dibdib sabay sinilip ang boobs niyang wala pa sa kalahati nang sa akin. Pagkatapos nakangising tinapik ko ang balikat niya. "Okay lang 'yan. At least dalawa ang likod mo." "Hayop ka talaga, Vi! Hindi ka pa rin nagbabago 'yang bibig mong pasmado!" Nag-echo ang tawanan namin nina Genesis at Jane habang asar na asar naman si Friday. Finally, kompleto na ulit kami! Buo na ang samahan ng mga iniwan at nang-iwan. Hindi na namin namalayan ang paglipas ng oras sa mga sumunod sandali. Napuno ng masayang kwentuhan at tawanan sa table namin. Ilang shot na ng blow job ang in-order namin. Yung bote ng tequila na wala ng laman, naging apat na. Kanina dalawa lang 'yon, ah? Lasing na nga talaga kami. Dadaigin namin ang sexbomb dancer sa mga dance moves namin dito dancefloor. Parang hiyang-hiya sa amin si Jane. Panay ang hila sa braso namin napapatapik pa sa noo. Ayaw pa sana naming umalis, kung hindi lang KJ 'yong gagong DJ. Nagpatugtog ba naman ng lovesong! Nag-walk out tuloy ang mga sawi! Kasama na kami roon, syempre! "Kaya pa bang umuwi niyang dalawa?" "That I don't know..." Dumilat ako at nakita si Genesis at Jane na umiiling habang nakatingin sa amin ni Friday. Pagkagaling sa dancefloor sabay kaming humilata rito sa couch. "Mga wasted." Napahilot si Genesis sa noo niya. "Hoy! Hoy! Naririnig ko kayo diyan, ah! Hindi pa ako lasing!" Pero ang totoo, umiikot ang buong mundo ko. Ayaw ko lang aminin! Ako ata pinakamalakas uminom sa amin. Masisira ang reputasyon ko! "Mukha mo! Hindi lasing!" Rinig kong singit ni Friday at bigla na lang may dumagan na mabigat na kung ano sa mukha ko. Kahit nanlalambot ang kamay ko hinawakan at tinulak ko 'yon. Binti pala ng bwiset! "Puchang, kulot 'to!" Pinagtulungan kami ni Genesis at Jane na itayo at akayin palabas ng bar. Kung ano-ano nang lumalabas sa bibig ko. Lahat ng nakakasalubong namin, inaaway ko na. Napagdiskitihan ko pa yung mga lalaking nagtatawanan sa gilid ng entrance habang nakatingin sa amin. Uminit ang ulo ko, kamuntik ko nang tadyakan sa bayag 'yong isa. "Kung makatawa mga 'to akala mo daks at gwapo! Kepapanget naman! Mas malaki pa itlog kesa sa tite—" "My god..." tinakpan ni Genesis ang bibig ko. "Unahin mo na ngang i-book 'to, Jane! Mapapaaway talaga tayo!" Tumawa si Friday na akay-akay ni Jane. "Kay Rocket malaki!" "Proud ka niyan? Oh, sige nga! Anong size ng condom niya?" Mayabang pa siyang nagkibit ng balikat sa akin. "XL!" Malakas akong tumawa. Kulang na lang lumabas ang ngala-ngala ko. "Awit! Mahinang nilalang! Kay Kazu XXL!" "Girls! Enough!" Stress na awat sa amin ni Genesis. Sabay kaming bumaling ni Friday kay Genesis at sinabing, "Palibhasa SMALL ang size ni Lester!" HINDI ko na alam paano akong nakauwi ng bahay. Ang tindi ng hang-over ko. Para akong sinabunutan ng sampung kabayo sa sakit ng ulo ko. "Inom pa!" Pang-aasar ni Mama nang dalhan ako ng pagkain. "Mabuti hindi mo dinala yung sasakyan. Paano kung nabangga ka. Edi, sayang yung kotse." "Grabe! Yung kotse inaalala! Yung anak hindi!" "Manahimik ka diyan!" Binatukan niya ako. "Sa susunod na umuwi kang lasing na lasing naku, Violeta! Magugulat ka! Kalbo ka na pag-gising mo!" Natatawang umirap ako bago humigop sa bowl na may instant beef noodles. "Ginawa mo ngang pastilas 'tong mukha ko! Kamuntik ako atakihin paglingon ko sa salamin, Ma." "Sabi ko sa 'yo nakakatulong 'yang pulbo pampababa ng tama! Tamo, may ulirat ka na! Sige na ubusin mo na 'yan!" Naglakad na siya palabas ng kwarto ko. Pero bumalik ulit. "Papasok ka ba sa trabaho?" Natigilan ako sa paghigop sa sabaw at kinapa ang cellphone sa ilalim ng unan ko. Magpapaalam sana kay Madam Glenda, na hindi makakapasok pero natampal ko na lang ang aking noo nang mabasa ang message galing sa isang potential client na nakausap ko through social media. "Oo nga pala. Tangina... Ngayon 'yon." Mabilis kong inubos 'yong sabaw kahit mapaso-paso ang dila ko at nagmamadaling lumabas ng kwarto. "Papasok ako, Ma!" "Okay. Ipaghahanda kita ng baon," sagot ni Mama na sumunod pa ang tingin sa akin hanggang sa makapasok ako ng banyo. Mabalis pa sa kabayong natapos ako maligo at nakapagbihis ng uniform namin. Akala ko tuluyan nang nawala ang tama ko, pero pagdating sa mall para na namang hinahalukay 'yong sikmura ko. "Anyare sa 'yo?" Tanong ni Gardo nang makasalubong ko siya habang papunta ako sa stall namin na nakapwesto sa harapan ng department store. "Pucha, hang over! Natatae nga ako." Humawak ako sa tiyan kong kumukulo. "Tinatablan ka pala no'n?" Tumawa pa si Bakla. "I-tae mo 'yan, besh. May client ka ba today?" "Meron nga, eh! Nakakainis!" Tiningnan ko ang cellphone na nag-vibrate. "Papunta na raw siya. Sige na, mauna na ako!" Malalaking ang hakbang na nakarating ako sa stall namin. Inayos ko kaagad ang pwesto ko kung saan kami nag-pe-present kapag may nahahatak na potential client. Nang maiyos ko ang lahat, naupo ako sa couch at binuksan ang ipad ko saka tiningnan ang dinukot ang cellphone sa bulsa ng vest ko at napasimangot. From: Ms. Charlize Hello, may biglaan kasi akong meeting today. Ngayon lang nasabi ng secretary ko. Is it okay if we move the schedule? Normal naman na may mga nag-ca-cancel last minute. Pero 'di ko pa rin maiwasang mainis. Masuka-suka ako habang nasa biyahe, 'no! To: Ms. Charlize Okay, Ma'ma. I-message niyo na lang ako kung kailan kayo may free time. Padabog na inilapag ko sa gilid ang cellphone, pikit na sumandal habang hinihilot ang sentido. Gusto na lang sanang mag-half day pero nandito na ako! Sayang naman sa gas kung uuwi pa ako. Tumayo ako at namigay ng mga flyers sa dumadaan kahit nanlalambot ang buong katawan ko. Lunch time, nang biglang may bumisita sa akin dito sa stall namin. "Anong ginagawa niyo rito?" Nagtatakang tanong ko kay Genesis. Yumuko ako para buhatin si Laura na kasama niya. "Bakit kasama mo 'to?" "Hiniram ko muna kay Jane para mag-bonding kami." Binalingan ko si Laura at pinaghahalikan sa pisngi. "Do you miss, Tinang?" Short for Tita Ninang Tumango ito at yumakap sa leeg ko. "Yes, Tinang. Miss you." "Aww..." hinaplos ko ang buhok niya. "Favorite niya talaga ako!" Tumawa si Genesis at niyaya akong sumama sa kanilang mananghalian. At dahil wala rin naman talaga ako sa mood magtrabaho, nagpaalam na lang ako kay Madam Glenda na mag-half day para makasama ko rin si Laura. Ilang buwan ko kasing hindi nabisita ang inaanak kong 'to. Gusto ko naman bumawi kahit paano. "What a tragic coincidence," naiiling kong komento pagkatapos i-kwento ni Genesis ang pagkikita ni Jane at Levi. "Sa dinami-dami ng magiging bagong boss, ang kupal na EX mo pa!" "Yeah, right." Napailing rin si Genesis at sinulyapan si Laura na mukhang wala namang pakialam sa pinag-uusapan namin. "Sana lang huwag siya maging marupok." "Sus! Birds with the same feather flocks together!" "So, inaamin mong marurupok kayo?" Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Me?" Tinuro ko ang sarili ko saka pinatirik ang aking mga mata. "Nope. Ewan ko lang sa inyo!" Sumenyas si Genesis na sasagutin ang nag-ri-ring niyang cellphone bago lumayo ng kaunti sa amin. Itinulak ko naman ang stroller ni Laura papunta sa Kid's clothing section dito sa department store. Tuwang-tuwa ako sa mga dress at accessories na pambatang babae. Hindi ako nagkaroon ng ganito no'ng bata ako kasi kapos lagi sa pera si Mama. "Do you like this, Baby?" ipinakita ko kay Laura 'yong pink tulli princess dress na kinuha ko mula sa rack. "Tinang, will buy this for you." Ngumuso si Laura na tila nag-iisip. She's so cute! Hindi talaga ako mahilig sa bata. Ang tingin ko kasi sa kanila mga tyanak. Exempted lang ang baby girl na ito. "I want that red dress, Tinang!" Tinuro nito ang damit sa manniquin. Natawa ako kasi mini skirt at spaghetti strap yon. "Aba, manang-mana ka talaga sa akin!" "Vi," tawag ni Genesis sa akin paglapit niya sa amin. "Pwede kayang iwan ko sa 'yo si Laura?" "Oh, bakit? Anong nangyari?" "Tumawag si Dad... si Mommy..." hindi niya naituloy ang sasabihin at napabuntong hininga na lang. Nakakaunawa akong tumango. Hindi pa man niya sinasabi, alam ko na kaagad ang problema. "Sige, umalis ka na. Ako na bahala rito sa bulinggit na 'to. Mayamaya ihahatid ko na rin pauwi." "Thanks, Vi." Yumakap siya sa akin at bumeso bago niyuko si Laura. "Baby, need Tinang, umalis. But don't worry babawi ako sa susunod, hmmm?" Laura looked at her innocently. "Okay po, Tinang." Hindi pa kami umuwi ni Laura. Sinulit ko na yung oras at nag-ikot ikot pa kami. Pinamili ko na rin ang mga kapatid ko pati si Mama. Natatawa pa ako kasi pinagkakamalan kaming mag-ina. Pinandigan ko naman. Sinabihan ko pa si Laura na tawagin akong mommy. Para maitaboy rin yung mga lalaking kanina pa sulyap nang sulyap sa akin! Infairness, may talent rin si Laura sa acting! May minana pa sa tatay na kumag. "Mommy! I want that!" "Okay, baby! Mommy, will buy that!" Sinenyasan ko ang sales lady. "Miss, kukunin ko 'yang bag na 'yan." "Okay po, Ma'am!" "Tsaka itong sapatos na 'to! Ito ring accessories—" natigilan ako sa pagmamando nang tumunog ang cellphone sa bulsa ng vest ko. Kinuha ko 'yon at binasa ang message na bagong dating. From Ms. Charlize Hi, Ms. Masiksik! I just wanna ask if nasa stall ka pa? Tumingin ako sa oras. Almost 5PM na. Tapos na rin dapat ang shift ko. Pero nag-reply pa rin ako. To: Charlize Nag-halfday lang po ako, Ma'am. Pero nandito pa ako sa mall. Bakit po? From: Ms. Charlize Wala kasi akong free time until next week. Is it okay kung yung fiancè ko na lang ang i-meet mo today? Today? Bumaba ang tingin ko kay Laura na nilalaro yung binili kong baby alive. Nagmamadali akong tumipa ng reply ko. To Ms. Charlize Hindi po ba pwedeng bukas? From: Ms. Charlize Oh, actually nandiyan na raw sa mall. Ngayon lang rin ang free time niya, eh. Sure client naman namin. Matagal na kaming nagbabalak na bumili ng condo sa buenavista dahil nga magpapakasal kami this year. So? Ano okay ka ba sa product proposal today? Or i-refer mo na lang kami sa available na agent sa stall niyo? Ano ako tanga para i-refer sila sa iba? Three bedroom ang balak nilang kuhanin na unit! Malaki ang makokomisyon ko roon! Mabilis ako tumipa ng reply ko. To: Ms. Charlize Okay po, Ma'am. Papunta na po ako sa stall namin. Tinulak ko kaagad ang stroller ni Laura. Malapit na kami sa stall nang magtext ulit si Ms. Charlize. Tumirik ang mata ko nang sabihing sa Starbucks na lang raw kami magkita ng fiancè niya. Nakakainis ang daming request! Dahil nasa kabilang panig 'yon ng mall, katakot-takot na lakaran pa ang nangyari. Halos hinihingal na ako nang makarating sa Starbucks. Huminto muna kami sa gilid para makapag-retouch ako ng make up ko. Mahigpit na bilin ni Madam Glenda dapat palaging mukhang presentable at respected. Kahit magbebenta lang naman ng condo? Pumasok na kami sa loob. Iniikot ko pa ang aking paningin nang makatanggap ako ng text sa galing sa unknown number. Unknown number: I'm wearing a black hoodie sitting at the corner near the window. Lumibot ulit ang tingin ko at natuon sa lalaking nag-iisang nakaupo sa sulok, nakaharap sa laptop. Huminga ako ng malalim bago tulak-tulak ang stroller na naglakad palapit. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakasuot ng hood. Hindi kaya, budol 'to? Paghinto namin sa harapan niya hindi man lang ito lumingon. Ibinukas ko ang aking bibig para sana batiin siya pero tila walang pakialam at abala pa ron sa laptop na sinenyasan niya akong maupo. Kahit naiinis, pinilit kong maging professional. Trabaho 'to. Malaki ang makukuha kong komisyon dito. Pinilit kong ngumiti. "Hi, Sir. I'm agent Violet—" napatol ang pagpapakilala nang isara ng fiance ni Ms Charlize ang laptop. Nang ibaba niya ang suot na hood, unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko. Bumilis ang daloy ng dugo sa bawat ugat sa aking katawan, dahil sa bilis nang pintig ng pulso ko. Ilang sandaling tila natigilan rin siya. At tulad ko nakatitig lang siya sa aking mukha bago nagawang tumikhim at ayusin ang suot na salamin na mannerism nito kapag kinakalma ang sarili. "Sorry. Wrong table ata." Lumingon ako sa paligid at akmang tatayo nang magsalita siya. "You're the agent of the unit?" Bumalik ang tingin ko sa kaniya. "I-Ikaw ang fiancè ni Ms. Charlize..." Hindi pa man ito nakakapagsalita nang bigla namang sumingit si Laura. "Mommy, hungry!" Binalingan ni Kazu si Laura. At nang bumalik ang tingin niya sa akin, walang emosyon ang mga mata nito subalit ang sulok ng labi ay umangat sa patuyang paraan. "So... malaki na pala ang anak mo..." Nakagat ko ang aking ibabang labi. Habang marahang tumatango. My EX fubu… The only man I loved… Is now my new client…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.8K
bc

His Obsession

read
71.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook