bc

He Owned Me ( Shiela & Anthony) (TAGALOG COMPLETED)

book_age18+
31.9K
FOLLOW
163.9K
READ
possessive
sex
pregnant
playboy
badboy
goodgirl
brave
self-improved
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Warning / Mature-Content / RATED-SPG/ ROMANCE

"I love the way he f**k me, That's way I love Him"

Niligtas niya ako sa isang madilim na sulok. Akala ko hanggang doon na lang ako at magiging madilim at kaawa-awang babae na pagala-gala sa lansangan.

Pero dumating si Anthony at bukas ang palad na inalis ako sa masalimuot na lugar na 'yon, pero simula pala no'ng kunin niya ako ay sa kanya na ako, sa kanya lang ako.

I Shiela Agustin and I'm...

"Exclusive For Him"

----------

©BM_BLACK301---- cover created by: @ABYSSRAEAN ❤

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
AN: Ito na po at sisimulan ko na ang story na 'to. Sana'y magustuhan niyo ito at katulad ng story ni Steven at Anne subaybayan niyo rin. Paalala ko lang maraming typos ito at mga gramatikal errors, paspasan ang pagsusulat ni author dito. Basta makapag-update na lang kaya kung minsan ay magulo ang pagkakasulat katulad sa author magulo rin. SPG ALLERT rin sa bawat chapter. ------------- Medyo malayo na ang tinatakbo ko ng makita ko na dulo na pala ito at wala ng puwedeng lusutan. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit wala na talagang ibang daan dito. Naisip kong bumalik na lang at habang naglalakad ay kinontak ko sa phone ko si, Anne. Bakit di niya sinasagot? Nakailang ring na ngunit wala talaga. Napahinto ako sa paglakad ng makita kong may dalawang lalaki na huminto sa paglalakad at nakatingin sila sa akin na parehong nakangisi. Bigla akong kinabahan at palihim na lumibot ang mata ko sa paligid, hindi ko alam kung saan ako tatakbo kung sakali. Pumihit ako patalikod dahil lumakad na sila at halos takbuhin nila ako, naabutan nila akong dalawa at hinawakan sa magkabilaan na kamay. "Bitiwan niyo ko! Sino kayo! Anong kailanga niyo! Ahh!" sigaw ko at pilit na kumakawala sa kanilang dalawa. "Manahimik ka! Sumama ka na lang sa amin kung ayaw mo masaktan." Sigaw nitong isa na naka-sumbrerong itim habang hinahatak nila ako palabas ng eskinita. Hindi puwede! Anong gagawin nila sa akin? Anne, nasaan ka na! Anne. Naghuhumiyaw sa isip ko, naglumikot ang mata ko ng makalabas na kami ng eskinita. Nakita ko ang isa na may pinipindot sa phone niya. Mariin na kinagat ko ang isang kamay ng lalaki kaya nakabitaw siya sa akin ganon rin ang isa pa, mabilis na tumakbo ako at wala na akong pakialam kung saan ako mapunta. Marami akong nabangga na mga tao at nabitawan ko ang cellphone sa semento, napailing at pikit matang tumakbo ulit ako hinayaan ko na ang cellphone ko. Halos kinakapos na ako sa paghinga ng habang mabilis na tumatakbo, walang lingon likod ang ginawa makatakas lang sa kanila. Ngunit patuloy nila akong hinahabol, pumasok ako sa eskinita at hindi ko malaman kung tutuloy ba ako doon dahil baka mamaya wala na namang daan. Ang lakas ng t***k ng puso ko dahil pakiramdam ko nariyan na ang humahabol sa akin. Nakita ako ang isang malaking basurahan at walang nagawa kung hindi ang pumasok doon. Pikit matang siniksik ko ang sarili ko doon sa drum na hindi naman masyadong puno ng basura, tinakpan ko ang ulo ko ng ibang basura para kung sumilip man sila doon ay wala silang makikita. "Doon ka, dito ako. Kailangan nating makita ang babae na 'yon. Yari tayo kay, Arjhay." Napatakip ako sa bibig ko ng marinig ang pangalan na Arjhay at kung tama ba siya ng kutob ito 'yung lalaki na nakilala namin sa bus ni, Anne. Sobrang pagtitiis ang ginawa ko dahil sa sobrang baho dito. Naramdaman ko pa na parang may sauce na tumutulo sa pisngi. Iligtas niyo po, pakiusap po pati na ang kaibigan ko kung nasaan man siya ngayon. Dahan-dahan na sumilip ako ng inangat ko ang takip, medyo may kadiliman pa kaya wala pang gaanong tao. Dahan-dahan akong lumabas at pinagtatanggal ang mga sumabit na kung anu-ano sa katawan ko. Naiiyak na napatingin ako sa sarili ko at tumingala upang hindi tumulo ang luha ko. Naglakad ako at amoy na amoy ko ang sarili ko na sobrang baho, hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala na ang cellphone na puwedeng makontak ko sa kamag-anak ko, hindi ko rin kabisado ang Maynila dahil first time ko dito. Naupo ako sa gilid ng mga saradong tindahan at naupo doon. Napayuko ako, wala ang mga gamit ko dahil naiwan doon sa lugar kung saan biglang may humablot sa bag ni, Anne. Ano ba itong nangyari sa amin? Nandito kami sa Maynila para makatulong sa mga magulang namin, pero bakit ganito? Bakit ganito ang nangyari. Dito bumuhos na ang luha ko dahil hindi ko na kayang pigilan pa dahil sobrang sama ng loob ko. "Hoy! Doon ka nga, ang baho mo dito ka pa sa shop ko nakatambay. Kadiri ka! Alis!" Napatayo ako bigla ng makita ang babae na nakapameywang sa akin, nakayukong lumakad ako. "Papasensya na po." sagot ko at nagmamadali naglakad muli, kung saan-saan na ako dinala ng mga paa ko. Inabutan na ako ng umaga at kalat na ang liwanag sa paligid. Natuyot na rin ang mamasa-masang mga sauce sa katawan at damit ko. Marusing na ang damit ko kaya lahat sila mga napapatingin sa akin. Nagugutom na ako. Kumapa ang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko at laking pasalamat ko dahil may pera pa kahit paano ang bulsa ko.. Naalala ko na nilagay ko sa bulsa ang sukli no'ng kumain kami ni, Anne. May two hundred pa ako. Dahil naroon rin ang pera ko sa bag ngunit magkano lang rin yon tama lang pambili kapag may kailangan ako. Lumapit ako doon banda sa kabilang kanto dahil may karenderia doon, ngunit hindi pa ako nakakalapit ng husto ay napatayo ang ibang kumakain at nagtakip sa mga ilong nila. "Doon ka nga mamalasin kami niyan sa'yo, natatakot ang mga kustomer ko at ang baho mo pa!" Singhal nitong babaeng mataba. "Bibili po ako may pambili po ako." sabi ko at pinakita ko ang 200 pesos ko sa kanila." pero umiling itong babae. "Hindi, umalis ka dito. Sa iba ka na bumili, alis!" Taboy nito sa akin ngunit hindi ako umalis agad dahil gutom na gutom na ako, hanggang sa sabuyan ako ng tubig at napasigaw ako. Umalis na lang ako sa lugar na yon na pigil ang luha na huwag bumagsak. Muling nagpalakad-lakad ako pero biglang may humawak sa kamay ko at pilit na inaagaw ang pera sa kamay ko. "Ibigay mo sa akin to masasakta ka!" "Huwag, pera ko to." mariin na tanggi ko rito sa lalaki na gaya niya ay marusing rin ang itsura nito at maitim ang balat. Pilit pa rin niya itong inaagawa sa akin sadiyang malakas siya kaya nahirapan akong pigilan siya, hanggang sa puwersahang kinuha niya sa kamay ko at napaupo ako sa semento. Mabilis na tumakbo 'yung lalaki. Pisti! Mura ko dahil wala na nasa malayo na 'yung lalaki napasandal na lang ako sa pader dahil nanghihina na ako sa gutom saka pagod na pagod na ako. Pumikit na ang mata ko at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. ------- Isang linggo na akong pagala-gala dito sa Maynila at halos hindi na makilala ang mukha ko dahil sa marusing na ito. Kumakain na lang ako ng mga pagkain na tira-tira sa mga restaurant, minsan umiiyak ako dahil ganito dapat ang papasukan namin ni, Anne. Ito na siguro talaga ang kapalaran ko, kapag humihingi ako ng tulong sa ibang tao na kung puwede nila akong matulungan na makauwi sa probinsyan namin. Tinatawanan at iniiwasan nila ako. Gabi na at pauwi na ako kung saan ako natutulog kapag gabi at kapag sarado na ang tindihan dito. Naglatag ako ng karton na tinatago ko dahil ninanakaw ng ibang palaboy dito ang karton ko. Habang nakahiga gamit ang plastik na malaki ay ginawa kong kumot ito. Bigla akong napabangon ng makitang may dalawang lalaki ang himihimas sa hita ko kahit may pantalon ako ay ramdam ko ang kamay nila. Balak kong sumigaw pero tinakpan ng isa ang bibig ko. "Sandali lang to, pagbigyan mo na kami matagal na kaming hindi nakakakanto* libog na libog na kami, kaya huwag ka ng sumigaw masasarapan ka rin naman." Nanlaki ang mata ko ng piliting hubarin ang pantalon ko habang isang kamay ng lalaki ay tinatanggal ang malambot jacket ko na suot. Umiling-iling ako at pilit na sinisipa sila at natamaan ko ang isa, dumapa ako upang tumayo pero nahawakan ako ng isa sa paa, kasunod ang isa pa at bigla akong sinuntok sa tiyan. "H-Huwag... Huwag... Tulungan niyo ako." Hirap na sambit ko dahil sa maskit na sikmura. Narinig ko ang pagtawa nila ng maibaba na ang kalahati ng pantalon ko. "Huwag! Tulungan niyo ko. Tulonggg...." Akala 'yon na ang napakasalimuot na mangyayari sa buhay ko ang magahasa ng dalawang adik na lalaki. Ngunit may dumating at isa-isang binanatan at pinagbabaril ito. Napasiksik ako sa gilid ng pader dahil sa natakot ako sa lalaki. Matapos 'yon ay lumapit ito sa akin at lumuhod sa harap ko, hinawakan ang paa ko. Napasipa pa ako dahil akala ko ano ang gagawin niya pero inangat niya ang pantalon ko at tinitigan niya ako, matapos 'yon ay tumayo siya. Hindi ko gaano makita ang mukha niya dahil sa suot nitong sumbrero. "Nakita rin kita, pero akin ka na, Shiela Agustin." Nagulat ako dahil kilala niya ako at naguluhan ako sa sinabi niya, tiningnan ko ang kamay niya na nakalahad sa akin. Inabot ko 'yon kahit naguguluhan ako ang importante niligtas niya ako, niligatas niya ako dito sa magulong lugar at masalimuot na para sa akin ay panaginip lang ito. Pero ang lalaki na ito sa harapan ko ay totoo. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
424.3K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
532.5K
bc

Be Mine Again

read
98.0K
bc

Mr. Miller: Revenge for Love -SPG

read
307.9K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
342.8K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
24.8K
bc

A Night With My Professor

read
493.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook