bc

Forbidden Affair 1: His Daddy's Obsession (Rated SPG)

book_age18+
22.7K
FOLLOW
119.4K
READ
contract marriage
drama
bxg
small town
lies
rejected
affair
actress
seductive
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Not your ordinary love story

Involves scenes, languages, and content not suitable for young audience. Read at your risk. Read only if you are above twenty years old.

Georgia is a promising young actress ready to rock the entertainment industry. Pero sa gitna ng papaakyat na kasikatan, isang eskandalo ang kinasangkutan dahilan para masira ang pangalan at bumagsak ang karera hindi pa man siya nagtatagal.

Sinagip siya ni Justine na isang sikat na negosyante at pinangakuan ng kasal. Sa kabila ng wala siyang pag-ibig dito, pumayag siya para sa pinangarap sanang katahimikan.

Ngunit sa gabi ng kanilang kasal, umalis si Justine para sa isang business conference. Sa gitna ng pag-iisa sa ancestral house kung saan siya inuwi ng asawa, isang lalaki ang kumatok sa pinto ng silid niya - the father of her husband.

Isang kahapon itinago niya sa limot ang bumulaga sa harap niya. And the temptation was hard to resist. Paano niya iiwasan ang lalaking nagmulat sa kanya kung ano ang salitang 'pagnanasa'?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Ano ba, Vida, ihanda mo na ang mga yan, darating na ang mga boss!" narinig ni Georgia na wika ng dumating na may edad na babae. "Kayo rin, ano pa ba ang itinatanga-tanga niyo? Aba'y nariyan na ang mga customer baka layasan kayo!" Napatayo si Georgia na kaagad tumingin sa salamin sa malaking silid na iyon. Nagpahid ng makeup para sabihing abala siya sa pag-aayos sa sarili. Tutol man ang kalooban niya ay yayakapin niya ang ganitong trabaho. Wala naman siyang mapupuntahan ngayon dahil hawak yata sila ng isang sindikato. At walang ibang paraan para umalis sa kugar na 'to kung hindi private plane na hindi niya alam kung saan lupalop ng isla matatagpuan. Nasa isang isla sila sa dulo pa ng Palawan kasama ng iba pang babaeng naibenta sa malaking halaga. Her stepfather sold her for one-hundred thousand pesos. Ang magiging trabaho niya dito ay tagapagbigay ng aliw sa mayayamang negosyante na handang magbayad ng malaking salapi kapalit lang ng isang gabi. A men's executive club. Anim silang bagong recruit na dinala sa isla sa pamamagitan ng private plane. Lahat sa kanila ay wala pang karanasan. Lahat sila ay matindi ang pangangailangan para pasukin ang ganitong trabaho. Siya si Georgina Montano. Bente anyos pa lamang siya sa ngayon na natigil na sa pag-aaral. May dalawa pa siyang kapatid na siyang nag-aaral, na ngayon ay nasa pangangalaga ng tiyahin niya na kapatid ng Mama niya. Nabawi niya ang mga kapatid mula sa ama-amahan matapos siyang pumayag na magtrabaho dito. Nakatanggap din siya ng isangdaang libong piso na naiwan niya para sa panggastos ng mga kapatid dahil wala din namang trabaho ang tiyahin niya. Ganoon talaga ang buhay. Kailangan niyang itapon ang hiya at dignidad para mabuhay silang pare-pareho. Ilang buwan pa lang ang nakararaan nang mamatay ang Mama niya sa sakit sa baga. Pero kahit naman noon pa mang nabubuhay ang ina ay hindi na sila naaasikaso. Namamasukan na rin siya noon bilang kasambahay para lang may pandagdag sila sa pag-aaral. Naloloko lang din naman kasi sa sugal ng Mama niya kahit pa may kaya naman ang ama-amahan nila. At wala rin namang malasakit sa kanila ang ama-amahan. Nang tuluyan na silang maulila ay lalong lumabas ang totoong kulay nito. Gusto kaagad siyang gatasan kaya't kung saan saang club siya gustong ipasok. Hindi niya nakilala ang tunay niyang ama. Nabuntis lang daw kasi ang Mama niya noon pero iniwan din hanggang nakapag-asawa ng bago. Ilang beses din itong sumubok na makipagrelasyon kaya iba-iba sila ng tatay na magkakapatid. Itong huli nitong kinasama ay hindi na pinalad na magkaanak dahil hindi naman talaga nito gusto ng responsibilidad. Sa loob ng ilang taon ay namuhay siyang kayod nang kayod para sa mga kapatid niyang si Lily at Cara. Magko-kolehiyo na ito sa pasukan kaya't kailangan niyang magsumikap. Kahit paano ay nakatuntong na siya ng college. Iyon nga lang, hindi rin siya makapagtrabaho kahit man lang saleslady sa isang mall dahil naibenta na sya ng ama-amahan at ngayon ay nasa isang liblib na lugar na tanging mga miyembro ng ellite club ang makakapasok. Isola dell'amore. O The Love Island sa wikang ingles. Gusto niyang matawa dahil hindi naman paghahanap ng pag-ibig ang ipinunta ng mga lalaking ito dito. May auction para sa mga tulad nilang bago sa club na iyon. Isa siya sa anim na 'star of the night'. Mga babaeng bata at wala pang karanasan. Ang highest bidder ang mag-uuwi sa kanila. Kung ano ang magiging kapalaran niya pagkatapos ay hindi niya na masasagot sa ngayon. Ang iniisip niya ay kung paano makakaakit ng mayamang negosyante na handang maglaan ng pera para iuwi siya. Thirty percent sa malilikom na pera sa auction ay iuuwi nilang mga sasalang sa entablado. Kung aabot siya sa kalahating milyon, may maipapadala siyang one-hundred fifty thousand. Yayaman siya kung gagamitin niya sa tama ang kikitain niya sa islang ito. Isang taon lang naman ang kontrata niya. Wala rin naman sigurong naligaw dito na kaibigan niya at kamag-anak. Lahat ng nandito ay nabibilang sa mayayamang pamilya. At higit sa lahat, walang taga-Nueva Ecija dito na makakaalam na isa na siyang bayarang babae ngayon. Hindi na rin siya babalik sa lugar ng Mama niya dahil pinutol niya na rin ang koneksyon niya sa ama-amahan nila. "Ikaw ang pinakabata at pinakamaganda dito. Ikaw ang ihuhuli namin." Napalingon siya kay Vida na siyang tagapamahala sa mga babae doon. Mabait naman ito sa kanila na matyagang pinapayuhan sila kung ano ang nararapat gawin. "Pwede ko bang panoorin kung ano ang gagawin nung mga unang isasalang? Kinakabahan kasi ako," pagtatapat niya habang inaayos ni Vida ang buhok niya. "Mas bagay sa 'yo ang nakapusod pero nakalaylay ang ilang hibla sa harap," wika nito na hindi sinagot ang tanong niya. "Pang-artista ka yata o pang modelo. Sayang ang ganda mo dito ka lang dinala ng manager mo." "Kailangan niya na kasi kaagad ng pera," sagot niya sa huli nitong sinabi. "Kunsabagay... Kahit naman mag-artista ka pagsasamantalahan ka lang ng mga direktor at prodyuser doon bago makatanggap ng projects. Okay na rin dito, at least, malakit kaagad ang kita." "Madalas bang may bidding dito?" "Hindi. Minsan tatlong buwan pa ang pinapalipas bago magkaroon ulit ng bidding. Alam mo na... para pananabikan ng mga parokyano. Mas naglalabas sila ng pera kapag ganyang espesyal ang okasyon dito." Naghanap ito ng isusuot niya. Two-piece lingerie na kita na ang pisngi ng pang-upo niya. Pinasuot siya ng boots na hanggang tuhod. Nang tingnan niya sa salamin ang sarili ay hindi niya mapaniwalaan na isa siyang kaakit-akit na babaeng bayaran. Halos luwa na ang dibdib niya at kaunti lang ang tinakpan sa pagitan ng hita niya. Kahit siya ay nabibighani sa sariling kagandahan. Nagsimula nang tawagin isa isa ang mga kasama niya. Napapanood nila sa screen ang nagaganap sa entablado ngayon. Nasa singkwenta marahil ang kalalakihang naroon. Ilang sandali pa ay siya na ang nakatakdang isalang. Dahan dahan siyang lumakad palabas sa itim na tabing. Nagpalakpakan ang mga kalalakihan, ang iba ay humiyaw sa kaakit-akit niyang anyo. Sumigaw ang isa ng isang milyon. Sumunod ang isa pa sa dalawang milyon. Dalawang milyon at kalahati. Tatlong milyon. Tatlong milyon at kalahati. Sa isip niya ay kinukwenta niya ang bawat sigaw ng kalalakihan. Kung apat na milyon ay mayroon na siyang iuuwing isang milyon mahigit. Gusto niyang malula sa laki ng perang binibitiwan ng mga kalalakihan doon. Sa isang gabi lang ay magiging milyonarya na pala siya. "Eight million!" Napakunot ang noo niya sa malakas na sigaw ng baritonong boses. Hinanap niya sa karamihan ng tao kung sino iyon. Nang walang sumagot sa tawag ng lalaki ay nagpasya na ang host sa gabing iyon na tapos na ang auction. Maiuuwi siya ng lalaking 'yun sa halagang walong milyong piso. Nagpalakpakan naman ang mga kalalakihan doon. Mayroon na siyang dalawang milyon at apat na raang piso. Gusto niyang maluha sa laki ng perang puwede niyang iuwi sa mga kapatid niya. Pagkatapos ay umahon ang kaba sa dibdib niya. Ano ang kapalit ng walong milyon? Paano kung sadista ang lalaking 'yun at manganib ang buhay niya? Gayunman ay pumirma na siya sa kasulatan na hindi siya puwedeng umatras. Na sumama siya sa islang ito nang buo ang loob at sariling kagustuhan. Tatanggapin niya kung ano ang magiging kapalaran niya sa gabing ito. Bukas ay maaaring marami siyang latay sa katawan. "Si Mr. Hector Sanrio ang mag-uuwi sa 'yo, Miss Chades." Hindi niya ginamit ang totoong apelyido dahil puwede naman daw nilang itago ang katauhan. Nagpakilala lang siya bilang Goergia Chades. Chades ang apelyido ng Lola niya. "Nasaan ho siya?" tanong niya sa host. Nanatili pa kasi ang ilang kalalakihan doon dahil lumabas na ang ilang waitress na nag-serve ng inumin sa mga bisita. "Ayon, 'yung naka maroon na polo at umiinom ng Sapporo." "Sapporo?" "Brand 'yun ng beer." Itinuro nito ang isang lalaking nakaupo na mariing nakatitig sa kanya habang dinadala sa labi ang hawak nitong bote. Nagtama ang kanilang mga paningin. May edad na ang lalaki na sa tantya niya ay nasa kwarenta anyos na. Gayunman ay matikas pa rin ang anyo nito na matipuno pa rin ang pangangatawan. Tumayo ito nang hindi siya humakbang palapit. Nang lingunin niya ang ilang kasama sa auction kanina ay nawala na ang mga ito. "Miss Georgia, right?" Marahan siyang napatango sa lalaki. Inilahad nito ang kamay na kailangan niyang tanggapin. Nang maglapat ang mga palad nila ay nakaramdam siya ng kakaiba. Hindi siya natakot. Sa halip ay may ibang dulot itong pakiramdam sa sistema niya. "Sapphire Villa, left wing. Twelve o'clock. Ihahatid ka doon ng staff ng isla. Don't bring anything except your..." Sinuri nito ang kabuuan niya bago itinuloy ang sasabihin. "confidence..." Nahalata siguro nito na kanina pa siya kinakabahan. Kahit ang kamay niya ay nanginginig nang makipagkamay siya. Tumalikod naman ang lalaki bago pa siya makasagot. Bumalik siya sa likod ng entablado pero wala na ring mga tao roon. May kanya kanya ng customer ang mga kababaihan doon. Kinuha niya na lang ang gamit na dala kanina para ibalik sa locker niya. Hector Sanrio. Kung saan itong lupalop nanggaling ay hindi niya alam. Hindi naman siguro ito masamang tao. Isang gabi lang naman niya itong pakikisamahan. Sa kama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.8K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.4K
bc

The Sex Web

read
131.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.4K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
33.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook