bc

RCBS 2- My Boss is my Ex- (R18+SPG)

book_age18+
51.0K
FOLLOW
278.1K
READ
possessive
playboy
boss
student
maid
drama
bxg
enimies to lovers
love at the first sight
addiction
like
intro-logo
Blurb

RACE CLUB BOYS SERIES #2

( Dale De Jesus )

Dale De Jesus & Jhanna Ramos - story

Warning!! : Not suitable for minors.

"Mag-aaway lang tayo. Pero hinding-hindi tayo maghihiwalay! Tandaan mo 'yan, Jhanna..."

-Dale

Pangarap ni Jhanna ang makapagtapos sa pag-aaral sa kahit ano pa man ang mangyari. Hanggang sa makilala niya ang kaklase niyang si Dale, na wala ng ginawa kundi buwisitin siya na parang aso't pusa na lagi silang nagbabangayan tuwing nagkakasalubong.

Ngunit sa paglipas ng panahon, ang dating inis na nararamdaman niya para kay Dale ay napalitan na ito ng lihim na paghanga. Lingid sa kaalaman niya gano'n na rin pala ito sa kanya.

Isang araw, nagulat na lang siya nang bigla na lang siya nitong halikan at sabihing may gusto ito sa kanya. Abot hanggang langit ang kilig ni Jhanna nang malaman iyon.

Naging magboyfriend sila. Masaya sa umpisa pero nang magselos ito ay nauwi sa isang marahas na pangyayari. Ang pangyayaring iyon ay nauwi sa paghihiwalayan nilang dalawa.

Ang pangarap niyang magtapos ng pag-aaral ay hindi na natuloy buhat nang magkasakit ang kanyang ama at ma-diagnose ito ng liver cancer.

Ang akala niya ay hindi na muli magkukrus ang landas nila. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana. Nais ng lalaki na maging katulong siya sa condo unit nito kapalit ang malaking halaga para sa operasyon ng kanyang ama.

Tatanggapin niya ba ang alok nito o hahayaan na lang niyang mamatay ang kanyang ama?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1- Wow Perfect
QUEZON CITY NATIONAL HIGH SCHOOL , first day of school "Good morning class!" magiliw na pagbati ng kanilang class adviser. "Good morning, Ma'am!" ganting pagbati naman nila ng mga classmate niya. "My name is Editha B. Garcia, and I am your class adviser," pagpapakilala ng kanilang teacher. "Please, tell me about yourself and ambitions in life! Let's start with the girls and follow the boys, okay?" Pagpapaliwanag na sabi nito sa kanila. First day of school niya iyon sa ika-huling taon ng high school. Sa wakas! Isang taon na lang at gagraduate na sila ng bestfriend niyang si Joan na nasa kabilang silid-aralan naman. Isa sa mga pangarap niya ang makapagtapos ng pag-aaral para makatulong sa kanyang mga magulang balang araw. Goal niya iyon para sa kanyang sarili dahil iyon talaga ang gusto niyang mangyari at kung susuwertehin na mapagtapos siya ng kanyang mga magulang. "Hi, I'm Jessa Fuentes! I am 15 years old and I am the eldest of the family. And my ambitions in life is to become a teacher someday!" naririnig ni Jhanna Ramos na pagpapakilala ng katabing classmate. Siya na agad ang kasunod nito. "Ang bilis naman! Ako na agad ang susunod," mahinang bulong niya sa sarili. Kinakabahan na siya ng mga sandaling iyon at nanlalamig na rin ang kamay niya dahil lang sa nahihiya siyang pumunta sa gitna at magpakilala. "Next!" Narinig niyang tawag ng teacher niya na sa kanya pala ito nakatingin. Bumuntong-hininga muna siya bago tumayo at naglakad papunta sa gitna. Para ipakilala ang sarili sa harap ng mga kaklase niya. Nilakasan niya ang kaniyang loob at pilit niyang nilabanan ang kabang nasa dibdib. "Hi! I'm Jhanna Ramos and 15 years of young, and I am the youngest of the family. And my ambition in life is to become a successful business woman someday!" Nakangiti niyang pagpapakilala sa harap ng mga kaklase niya. "And I, thank you!" Masaya niyang dugtong sa kanyang pagpapakilala para maibsan ang hiyang nadarama. Nagtawanan ang lahat ng kaklase niya sa kanyang huling sinabi at hindi niya maikakaila na pati siya ay natawa rin sa kapilyahan niyang sinabi. "Okay next boys! " sabi ng kanilang teacher. "My name is Dale De Jesus. I'm 17 yrs. old. And I am the eldest of the family and my ambition is to become a business tycoon some--" Napa-angat ng ulo si Jhanna nang marinig niya ang kaklase niyang nagpakilalang Dale De Jesus. Napako ang tingin niya rito at wala sa sariling suriin ang itsura ng lalaki. "Ang gwapo niya at ang tangkad rin niya! Ang ganda ng mga mata na parang nangungusap, manipis ang mga labi at parang natural lang ang pagkapula. At ang ilong ay napaka tangos," aniya sa pilyang isipan. "Wow, perfect!" Wala sa sariling mabigkas niya nang malakas ang salitang 'yon habang hindi inalis ang tingin sa kaklaseng nasa harapan at kasalukuyang nagpapakilala sa sarili nito. Napahinto si Dale sa kanyang pagpapakilala nang marinig niya ang salitang ' Wow, perfect! ' na sinabi ng kanyang kaklaseng babae na ngayon ay titig na titig sa kanya. Hindi niya alam kung matutuwa o mainis sa sinabi nito sa kaniya dahil obviously nagpapacute ito sa kaniya. Halata naman dahil parang luluwa na ang mata nitong nakatingin sa kaniya habang nakanganga ang bibig nito. Tumaas ang sulok ng labi niya dahil sa unang pasukan na paglipat niya rito sa school ay may nagka-crush agad sa kaniya at hindi niya maikakaila na nakuha agad nito ang atensyon niya. "What's perfect, Miss Ramos?" Nakataas ang kilay na tanong ng kanilang class adviser nila sa kaklase niyang babae. Nakita niyang namula ang mukha nito nang mapatingin siya sa mata nito. Hindi niya rin mawari at kahit siya ay hindi maalis ang tingin sa babae. Dahil na-amused siya sa pamumula nito na nakadagdag sa magandang mukha at parang nag blush-on na ito sa sobrang pula. Kaya tuloy lalong lumulutang ang pagiging mestiza nito. Nakita niyang bigla itong nagtakip ng bibig nang marinig ang tanong na 'yon ng teacher nila. "Nothing, Ma'am!" Nahihiyang sagot naman nito. **** Natutop ni Jhanna ang kanyang bibig nang tanungin siya ng kanyang teacher. Ano ba yan! Napalakas ko pa yata ang pagkasabi no'n! Hay! Nakakahiya talaga, buwesit! kausap niya sa sarili. Tinitingnan niya iyong lalaking nagpakilalang Dale at sa kaniya rin pala ito nakatingin na parang namangha pa yata sa sinabi at ginawang pagsusuri niya sa mukha nito. Mabilis niyang binawi ang kanyang tingin rito dahil sa tingin niya, parang inaasar lang siya nito sa klaseng tingin pa lang nito. "s**t na malagkit! Baka isipin pa niya crush ko siya! " mahinang bulong niya sa sarili. Hindi ba? Halos mabubusog na nga iyang mata mo sa lagkit ng titig mo sa kaniya! sabi naman ng epal niyang isip. "Letse!" asar niyang tugon sa kanyang isipan. Daig niya pa ang isang baliw sa pakikipagtunggali sa kanyang sarili. Kulang na lang ay dalhin na siya sa mental hospital at ilihira sa mga pasyenteng naroon. **** "Interesting! " namamangha na sabi ni Dale sa kanyang sarili habang hindi inalis ang tingin sa babae. Ano nga ba ang pangalan niya? Jhona? Jenna? Jessie? F*ck! I can't remember her name. Ano nga ba 'yon? Patuloy sa pag-iisip sa pangalan ng kaklase habang hindi ito hiniwalayan ng tingin. Sakto naman at lumingon ito sa kinaroroonan niya kaya nagtagpo ang kanilang tingin. Kitang-kita niya ang paglaki ng mga mata nito at kaagad na binawi sabay irap sa kaniya. Natawa si Dale sa inaakto ng babae lalo siyang napangiti sa nakita na hindi rin niya maintindihan kung bakit mas natutuwa pa siya rito. Sa tagal na panahon ngayon lang siya nagka-interest sa babae na naiiba sa lahat. Dahil karamihan sa mga girls na nakilala niya ay puro pa-cute at panay flirt ang mga ginagawa nito sa kaniya. Samantalang ito ay bigla-bigla nalang siyang iniirapan ng walang kadahil-dahilan. "So interesting and so cute at mukhang magiging masaya ako sa school na 'to! " marahan niyang bulong sa sarili at hindi maalis ang tingin sa kaklase niyang babae at ngumiti siya rito ng nakakaloko. "Okay class, let's take a break! " malakas na sabi ng kanilang class adviser at agad itong lumalabas ng silid aralan. "Thank you, Mrs.Garcia! " sabay-sabay na sabi nila ng mga classmate niya. Agad na rin siyang lumabas para mag break time at para na rin puntahan ang kanyang matalik na kaibigan na si Jay Montejo na nasa ibang section naman ng eskwelahan kung saan siya nag-transfer. Galing siya ng private school pero nakiusap siya sa kanyang daddy na kung pwede sa public school nalang siya katulad ni Devon na kapatid niya dahil nagtransfer din ito no'ng isang taon. Dahil mas gusto raw nito na sa public nalang ipagpatuloy ang high school days. Dahil mas masaya daw at challenging kaysa sa private school at dahil na rin siguro nasa parehong school rin ang mga kaibigan nito. Mahilig kasi ito sa adventure at challenging kaya ganoon siguro ang naging desisyon ng kapatid niya. Malapit na siya sa canteen nang makita niya si Jay na kaibigan niya na nakaupo sa may upuan at mukhang hinihintay talaga siya nito. Hahampasin niya sana ito nang bigla itong lumingon sa kaniya at ngumiti. "Bro! Kumusta ang first day of school?" tanong nito sa kaniya. Matagal na silang magkaibigan at naging mag-bestfriend na rin nang tumagal dahil magkaklase sila nito noong elementary. Naging magkaibigan sila ni Jay simula nang iligtas niya ito nang pinagtutulungan itong bugbugin ng mga naging kaaway nito dahil sa isang babaeng inagaw nito.Kaya ito napagtripan at nabugbog. Well, hindi niya naman masisisi ang nambugbog rito dahil sinulot nito ang girlfriend ng kaaway dahil sa pagiging babaero nito. Natural lang na babaero ito dahil katulad niya habulin rin ito ng mga chicks na hindi naman nito tinatanggihan lalo pa at type din ng kaibigan niya. Maganda at sexy ang chicks na lumalapit rito. At sa tingin niya lahat pinapatos at walang sinasayang ang kaibigan niya kaya hindi talaga ito mawalan ng kaaway. Marahil kung may palda lang ang poste baka pinatos na rin nito kaya araw-araw laging pinag-tri-tripan at napapa-away ito dahil lang sa pagiging babaero nito. Pero kahit gano'n kampi pa rin siya rito dahil kaibigan niya at mabait naman ito sa kaniya at magkasundo rin sila sa lahat ng bagay. Lalo na pagdating sa kapilyuhan at pagiging playboy pero mas malala nga lang ito sa kaniya. "I'm fine, bro! What about you?" balik tanong niya rito nang ganap na siyang makalapit rito. Nasa canteen sila para mag meryenda na rin. Pero mukhang mahirap bumili dahil marami rin ang mga estudyanteng naroon para bumili ng pagkain. "Ito bro, hindi nawawalan ng chicks!" sagot nito sa kanya at ngumiti ng nakakaloko. "G*go! Kailan ka ba nawalan?" tatawa-tawang sagot niya sa kaibigan. Tumawa rin ito nang malakas sa naging sagot niya. "You really know me, huh?! makahulugang sagot nito sa kanya bago ngumisi. "Yeah! From head to toe," sagot niya uli rito. Malakas itong tumawa kaya natuon ang tingin ng ibang estudyante sa kanila. Isa na rito ang kaklase niyang babae na nagsalita ng 'Wow, perfect! At napatingin ito sa kanilang direksyon. Lalo na sa kaniya at muling nagtama ang kanilang mga mata sa ikalawang pagkakataon na may kakaibang spark sa isa't-isa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Chasing Cold Heart (Completed)

read
286.3K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
824.9K
bc

His Precious Property

read
612.8K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
240.8K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
555.6K
bc

Be Mine Again

read
98.0K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
337.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook