bc

Make It Real

book_age0+
255
FOLLOW
3.0K
READ
second chance
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

What if things weren't like this? You know, just pretending? It's totally exhausting. Sometimes, or just...always, you wish it were real.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Julie and Elmo, age 6. "Julie, halika dito princess." A six year old lifted her head up at the sound of her dad calling her name. She left the piece of paper and coloring material she had on the small desk before standing up. She was wearing a blue sando and white shorts as she slowly made her way down the large stair case of their house.  Bumagal ng kaunti ang kilos niya anng maabot ang gitna ng pinaka hagdanan. Sa dulo, sa may receiving are ng bahay ay isang lalaki na kasing tanda ng daddy niya at isang batang lalaki na muhka namang kasing tanda niya.  "Ah ito na pala ang prinses ko." Nakangiti na sabi ng daddy niya at pinaypay ang daliri na pinapalapit si Julie sa kanila.  There was a ready smile on Julie's face as she approached them, standing in front of her dad. "Julie, this is Mr. Eric Magalona, and this is his son Elmo, Eric is a good friend of mine, why don't you and Elmo play?" Pinagmasdan ni Julie ang bata sa harap niya. He had a cute face but was scowling slightly. Di bale, siya ang magtatanggal ng simangot sa muhka nito.  "Hi Elmo! I'm Julie! Tara laro tayo bahay bahayan!" At bago pa makasagot si Elmo ay hinawakan na ni Julie ang kamay nito at hinila papunta sa kwarto para maglaro.  Julie and Elmo, age 9. Malakas ang ulan sa labas kaya naman nakaupo lang siya sa loob ng living room ng kanilang bahay at nagd-drawing nanaman. Kakagaling lang ni Elmo sa kanila kasama si Tito Eric at pinilit nanaman niya mag-laro ang lalaki ng kung ano ano.  Pero hindi siya masyado pinapansin nito dahil busy sa paglaro sa game boy. Kaya nakauwi na at lahat ay hindi sila masyado nakapagusap.  Tumutunog na din ang kulog sa labas at bahagya pa napayakap sa katabing throw pillow si Julie. May takot kasi siya sa kulog at kidlat pero basta naman nasa loob siya ng bahay ay okay lang siya.  Natigil ang pag-guhit niya nang marinig ang kanyang mommy at daddy na naguusap.  "We need to get to the hospital, Art!" "Dalhin mo si Julie, Joy."  Nalilitong napatingin si Julie Anne sa mama niyang lumalapit sa kanya. "Princess, get your jacket."  Hindi na nagtanong pa ng kung ano ano si Julie at mabilis na kinuha ang jacket mula sa kanyang kwarto. She didn't want to be alone in a room for no longer than a minute. Nang maisuot na ang jacket ay bumaba muli siya at hinawakan ang kamay ng ina at sabay sabay silang pumasok sa loob ng kotse.  "Sa PortMed tayo Gerald." Ani ng papa niya sa kanilang driver.  Julie still didn't know what was going on. Nakadating sila sa PortMed at dumeretso sa ER kung saan nakita nila nagkakagulo ang mga nurse.  "Emrgency OR stat!"  Litong lito pa rin si Julie sa mga nangyayari. Ayaw niya sa mga maiingay na lugar. Minsan pakiramdam niya nasusuffocate siya.  They were wheeling a gurney out. Muntik na mapaupo sa sahig si Julie nang makita na si Tito Eric iyon. There was so much blood.  "Julie!!"  Napatingin siya sa nagsalita at nakita si Elmo na nakaupo sa isang hospital bed. Sinubukan ito pigilan ng nurse pero nakababa na ito sa kama at tumakbo papunta sa kanya.  She couldn't do anything more as the boy reached out and hugged her while crying. Still winded out, Julie wrapped her arms around the boy and hugged him back. Napasinghap ang mama ni Julie at sabay din yinakap ang dalawang bata.  "Julie you stay with Elmo okay?"  "Baby, balik ka dito gamutin natin sugat mo." Sabi ng nurse.  Umiling si Elmo at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Julie Anne. The nurse somberly looked at them before turning to Julie.  "Pwede mo din siya samahan. Gagamutin ko lang sugat niya."  At hayun na nga at nakatabi si Julie kay Elmo habang ginagamot ang sugat nito. Matapos ay doon lang din sila sa ER naghintay. Sa pagod ay nakatulog na si Elmo sa hospital bed at si Julie ay payapa lamang na nakaupo sa tabi nito.  Hindi niya naiintindihan kung ano ang nangyayari. At mas lalo siya nalito nang makita na may kausap na mga pulis ang kanyang ama. It was also that same night that Elmo lost his dad and he officially came to live with them.  Julie and Elmo, age 13.  "Elmoooo!" "Hala Elmo ayan na girlfriend mo!"  Napaismid si Elmo habang binibitawan ang hawak na basketball. "Hindi ko siya girlfriend." Ani pa niya sa mga kalaro.  Lumapit pa si Julie sa kanila at nakasimangot na tiningnan si Elmo. "Tara na! Sabi mo sasamahan mo ako magshopping!" "Kasama mo naman si Kuya Gerald ah!" Himutok pa ni Elmo.  Wala sila pakielam at nagaaway silang dalawa sa gitna ng basketball court ng kanilang village.  "Ang corny naman na si kuya Gerlad lang kasama ko!" Asik pa ni Julie. Her cheeks were already puffing up. "Tsk." Elmo clicked his tongue. Napakamot pa ito sa likod ng ulo. "Kulit kulit mo naman. Naglalaro pa ako e!" Tila nagulat si Julie nang masigawan siya ni Elmo. Naluha na ang kanyang mga mata pero sinubukan niyang hindi ipakita. "Fine. Sorry." Mabilis siyang tumalikod. Nakakahiya. Rinig na rinig pa ng lahat. Binilisan niya ang pagbalik sa kotse sa may parking lot. Mabilis niyang pinahid ang luha at aabot na sana sa may kotse ng maramdaman na may humawak sa kamay niya.  "S-sorry na. Tara na sama na ako."  "Wag na! Sorry sa abala." Ani pa ni Julie kay Elmo. She pulled her hand away from him and started walking faster but Elmo caught up to her. Inakbayan pa siya nito.  "Ito naman nagtampo na kaagad. Tara na. Ako magbubuhat ng mga gamit mo." Lambing pa ni Elmo at piningot ang ilong ni Julie Anne.  "Napipilitan ka lang eh." Himutok pa ni Julie.  Elmo quickly shook his head. "Hindi nga. Matitiis ba kita. Ikaw pa." "Talaga lang ah." Asar pa ni Julie. Elmo laughed back. "Talagang talaga. Halika na Tags ambagal mo eh!" "Anong Tags?" Ani pa Julie.  Ngumiti pabalik si Elmo. "Tags, from 'Talaga'. Akala mo kasi hindi totoo lagi haha!" He gripped her hand and led her back to the car.  Mahinang napabuntong hininga sa sarili si Julie. Mahirap na 'to. Iba na kasi nararamdaman niya. Dati crush lang. Tapos ngayon, kahit trese pa lamang sila, alam na niyang iba na. Sana gusto talaga siya samahan ni Elmo at hindi dahil lang may utang na loob ito sa papa niyang kinupkop ito.  Sana totoo na lang talaga... =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.4K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.6K
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.5K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook