bc

The Most Beautiful Monster

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
murder
sex
playboy
badgirl
powerful
mafia
drama
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Matapang akong babae, kaya kong pumatay ng tao at kayang kaya kong protektahan ang sarili ko sa kahit na sino mang magtatangka sa buhay ko, PERO bakit ganun? Hindi ko kayang protektahan ang puso ko laban sayo?

chap-preview
Free preview
The Most Beautiful Monster
Author: @Archjet This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not copy the content of this story and claim it as your own. Permission of the author is needed. Thank you! -------------------------------------------------- -------------------------------------------------- Panimula Napakasaya lamang isipin na kaya mong protektahan ang sarili mo, kaya mong makipag laban sa kahit na sino, natatakot ang lahat sa presensya at pangalan mo pa lang. Matapang akong babae, kaya kong pumatay ng tao at kayang kaya kong protektahan ang sarili ko sa kahit na sino mang magtatangka sa buhay ko, PERO bakit ganun? Hindi ko kayang protektahan ang puso ko laban sayo? Ang hirap pala! Yung napakalakas mong babae pero sayo lang ako nagiging mahina, hindi ba pwedeng mahalin mo na lang din ako kagaya ng pagmamahal ko sayo? Hindi ba pwedeng tayo na lang? Hindi ba pwedeng kahit saglit lang maging seryoso ka sakin? Na kashit saglit lamang masuklian mo ang nararamdaman ko? Hindi ba pwedeng ako na lamang ang piliin mo? At maging tayo na lang? Tayo na lamang pakiusap... THE MOST BEAUTIFUL MONSTER Written by: @Archjet Alexa Jeysh Trifford's POV *Boooooom* Napalingon ako sa lugar kung saan may sumabog, which is dun sa basement nitong building bigla na lamang akong napangiti ito na ang hudyat. Kinuha ko ang compact knife na nasa bulsa ko "I will miss you baby.." -bulong ko sa hawak kong kutsilyo at hinagis sa switch ng ilaw nitong basement And the next thing I knew is... Madami ng redlight na nakatapat sa noo ko, ganito sila ka-secure huh! puro laser gun ang gamit nila napangisi ako bigla, na e-enjoy ko masyado ang mga nangyayari "Ano kayang ginagawa ng maliit na daga ng Mx1 dito sa ruta namin?" -nakangising sambit nito, si Crish ang anak ng isa sa mga leader ng mafia group na pag mamay ari nitong pinasok kong building. "Wala lang, binibisita lang kayo hindi ko naman akalain na ganito ang magiging welcome niyo sakin, masyadong madami ang strip light niyo dito." -sambit ko Lumapit siya sakin, 2meters na lang ang layo nito. Tss! If I know takot lang siya matapatan ng laser na nasa noo ko "Alam mo ba, Alexa isang kalabit lang nila sa mga hawak nila sabog yang ulo mo, tulad nga ng sinabi mo napaka daming strip light dito" -sabay labas nito ng hand gun "Napaka angas diba?" -dugtong pa nito "Hahahahahahahha" -napatingin ang lahat sakin ng humalakhak ako bigla "Ang angas mo nga Crish... Hmm.. Sa tingin ko talo na ako" -dahan dahan kong binaba ang hawak kong baril "Ang bilis mo naman pala sumuko, Alexa" -turan pa nito Tsss! Akala mo lang yun, nang tuluyan ko ng maibaba ang baril na hawak ko biglang namatay ang lahat ng ilaw Perfect! (Crish's POV) Ang bilis niyang sumuko, tss! walang kahirap hirap "Ang bilis mo naman pala sumuko, Alexa" -sambit ko dito ngunit ng tuluyan niya ng mailapag ang kanyang baril biglang namatay ang ilaw Shit what happen? *click* "Are you ready?" -nakangiting tanong nito samin pagkatapos mabuhay ng ilaw at habang nakatapat sakin ang hawak niyang baril, aish! Akala niya ba makakaligtas siya sa mga laser sa ulo niya. "Shoot her!" -sigaw na sambit ko sa mga kasamahan ko "Go!"- walang bakas na takot sa mukha niya at mas lalo akong nainis kaya tinapat ko din ang hawak kong baril dito "Bullshit" -sigaw ko at siya'y pinagbabaril, ngunit laking gulat ko ng bigla siyang nawala, wtf! "Aaaaaarggh! Hologram! f**k!" Alexa's POV Hindi ko mapigilang ngumisi habang nakasilip sa scope nitong sniper rifle na hawak ko. Hologram lang pala katapat ng mga yun eh! At ngayon oras na para maglaro "Ang sexy mo pala tignan sa dala mo" - agad ko namang hinarap ang taong nagsalita sa likod ko, s**t! "Who are you?" - sabay dukot ko ng baril sa gun pocket na nasa legs ko at itinapat sakanya "Woah! Chill, kakampi mo ako" -natatawang sabi nito, kakampi? Weh? Hindi ako naniniwala na kakampi ko to' takte! ni hindi ko siya kilala tapos sasabihin niya kakampi ko siya? Neknek niya no! Kakalabitin ko na sana ang gatilyo nitong hawak kong baril nang biglang.... "Too slow, baby" -bulong nito sa tenga ko habang nakakulong ang leeg ko sa bisig niya Shit! Anong ginagawa niya sa likod ko? Ang bilis niya kumilos f**k! "f**k you!" -sambit ko dito "What the? Masyado kang mabilis ah? Mapag uusapan naman natin yan sa isang kwarto na tayong dalawa lang eh!" -sabay smirk nito. Arrrggh! Binubwisit talaga ako nito eh! "Pervert!" - Sambit ko dito at siniko ang pinaka inaalagaan niyang pagkalalaki.. Tss! Bastos! "Arrrrgh!" - sigaw nito "Tangna! Ang sakit nun ah!" - galit na bulyaw pa nito sakin. Magsasalita pa sana ako ng bigla niya akong hilain at yakapin "Aba't....." "Jaeger Lux.. Sabi na nga ba eh! At tinutulungan mo pa talaga si Alexa huh!" - nakangising lumakad palapit samin si Crish habang nakatapat samin ang hawak niyang baril, wait! Ano kamo? Jaeger Lux? Tinignan ko ng masama ang lalaking nasa tabi ko "What? Ako nga si Jaeger Lux" -natatawang sabi nito sakin. Tangna! Siya si Jaeger Lux? Kung sinabi niya kagad sakin yun eh di sana hindi na ako nakipag talo pa sakanya eh di sana napatay ko na tong Crish na to' bwisit! "Inis na inis ka ah?" -naka smirk na bulong sakin ni Jaeger Lux "Sino bang hindi maiinis sayo aber? Kung nagpakilala ka kagad eh di sana patay na tong babaeng nasa harap natin" - galit na sagot ko dito at ang mokong nakangiti pa rin "At talagang magbubulungan lang kayo dyan ah?" - naiinis na sabi ni Crish, pfft! Langya! Ang pangit niya mainis! Ang dyosa ko talaga! "At anong tinatawa-tawa mo dyan, Alexa? Dapat kanina ka pa patay may salahing pusa ka......" *Bang! Bang! Bang!* Tangna! Masyado siyang madaldal kaya ayun binaril ko na "Psh! Hindi na pala kelangan ng sniper rifle para patayin tong putak na putak na babaeng to'!" - sabay balik ko ng baril sa gun pocket ko "Why did you shoot her?" - inis na tanong sakin nitong si Jaeger Lux, habang nakasunod sakin "Why? Are there something wrong? May relasyon ba kayo ng babaeng yun?" -nakangising tanong ko sakanya "Wala" -tipid na sagot nito "Pero... Hindi mo pinag isipan ang ginawa mo... Maaaring magkaroon ng mafia war.." -galit na sabi nito "Eh di okay! At isa pa, hindi ka kasama sa kahit ano mang mafia group... Isang kang Assassin kaya hindi ka madadamay kung magkakaroon man ng mafia war" -Sambit ko dito habang naglalakad palabas nitong basement "Saglit! Nakakalimutan mo yatang nandito ako?" -pigil sakin ni Jaeger Lux nang halos nasa pinto na ako "Hindi ko nakakalimutang andito ka, pucha! Alam kong bubuntot ka lang sakin kahit saan ako magpunta, pinadala ka ni dad dito diba?" -nakangising tanong ko sakanya *** Andito kami ngayon sa control room kung saan kinopya ko lahat ng footage ng cctv sa dala kong usb at ang huli syempre ang diamond necklace na puntirya ko na nandito din sa control room, hindi ko alam kung bakit nila dito tinago ito pero isa lang ang masasabi ko sakanila napaka tanga nila "Alexa Jeysh Trifford at Jaeger Lux" -sambit ng isang lalaki sa harap namin "Tss.. Miguel Cuerto" -nakangising sambit ko din sa pangalan niya "Talagang puntirya mo ang diamond necklace na yan ah?" -sabay tapat nito samin ng baril na hawak niya "Bakit? Bagay naman sakin diba?" -nakangisi ko ding sambit dito "Hahahahaha! Talaga? Pero sa tingin ko mas bagay yan sa anak ko" -at humalakhak pa ito lalo...hmmm? Anak mo ba kamo? Patay na gagu! "Aww! Such a good father, pero sa tingin ko hindi na masusuot ni Crish to eh" -pagkasabi ko nito ay pinakita ko sakanya ang cctv na nasa harap namin kung saan makikita na nakahandusay sa sariling dugo ang anak niya "Mother fucker! Anong ginawa mo sa anak ko?" -bulyaw nito sakin "Wala naman nagbonding lang kami, pero mukhang hindi kami nagkasundo eh" -ngiting sabi ko dito *Bang! Bang! Bang!* Mas lalo akong napangiti ng pinagbabaril niya sunod sunod ang monitor ng cctv, sige lang! Ubusin mo bala ng baril mo Miguel Cuerto "P*tang ina Alexa! Pagbabayaran mo to'!" -sambit pa nito at umalis.. Tss! San pupunta yon? "Alexa, tara na! Nakuha mo na pakay mo, babalikan ka ni Miguel Cuerto nakakasigurado ako.." -cold na sabi sakin ni Jaeger Lux "Fine! Aalis na ako" - nakasimangot akong naglakad palabas ng building na to' habang nakasunod pa din ang mokong! *** "Ms. Alexa, ito na po ang schedule niyo for this week.." -sabay abot ng secretary ko ng schedule note ko. Aish! Sa tuwing nakikita ko talaga yung sched ko na meeting with Jaeger Lux naiinis ako.. Sobrang inis! F*ck! Flashback "Anak, hindi ko gusto yung pagpasok mo sa building ng GIX group" - halatang disappointed ang pananalita ng tatay ko "Dad! Kung hindi mo gusto ang ginawa ko bakit mo hinayaang sundan ako nitong si Jaeger Lux?" - sabay turo ko sa lalaking nasa tabi ko "Buti natanong mo yan, anak! Dahil hindi ko gusto ang padalos dalos mong desisyon.. Si Jaeger Lux ang makakasama mo araw araw" -nakangiting sabi nitong tatay ko "What! Body guard? I don't need one.. Kaya kong protektahan sarili ko" -protesta ko pa "Excuse me, Miss Trifford.. Assassin ako hindi body guard!" -inis din na sabi nito sakin "Whatever!" -at inirapan ko na lang siya "Hindi mo siya magiging body guard, Alexa.. Magiging business partner mo siya.... At partner in crime" -nakangiting sabi ng tatay ko EndOfFlashback Aaaaaisssh! Sobrang nakakainis! Tumayo na ako sa swivel chair ko at lumabas ng opisina, i need some fresh air! "Good Morning Ms. Trifford!" - isa isa silang bumati sakin nang makita nila akong naglalakad sa hallway "Sorry! sorry!" -agad naman nakuha ng atensyon ko ang isang babae, hindi pamilyar sakin ang mukha niya, bagong hire? O maybe hindi ko siya empleyado, kataka taka ang kilos niya. Agad ko siyang sinundan, at ayun nga sa Cr ang diretso niya. Nang marating ko na rin ang cr diretso siyang pumasok sa isa sa mga cubicle. Hmmm.. Weird! "A-ano p-po ba ga-gagawin k-ko?" -uutal utal na tanong nito, siguro may kausap sa phone at dito pa sa cr ah, masyadong private? "Si-sige po.. Yun lang po ba? Lalagyan ko lang po ba ng lason ang kape ni Ms. Trifford?" -uutal utal pa rin na tanong nito sa kabilang linya.. Pero what? Lalagyan ng lason ang kape ko? Aba! Punyeta to' ah! Masyadong cheap ang pagplano nila sa pagpatay sakin! Tss! Hinintay kong lumabas ang babae sa cubicle at.... "Any last words?" -nakangising salubong ko dito pag labas niya ng cubicle at habang nakatapat sakanya ang hawak kong silencer gun "Mi-miss Tri-trifford?" -gulat at nauutal na sambit nito "Sino nag utos sayo na patayin ako?" -madiin at galit na tanong ko dito "Ma'am, ano pong sinasabi niyo hindi ko po kayo ma....." "Tss!" -and then I shoot her.. Masyadong madaldal, bubuhayin pa sana kita eh.. Kinapkap ko ang suot niyang damit at hindi nga ako nagkamali may sulat sa bulsa niya, We will kill you Alexa Jeysh Trifford -GIX To be continued....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.7K
bc

EASY MONEY

read
174.0K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.4K
bc

Dangerous Spy

read
297.4K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.1K
bc

YOU'RE MINE

read
893.1K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook